TROY, FREYAH & MONETH LUMAPIT si Freyah sa kapatid at marahang yumakap sa braso nito. “Dito ka na kasi tumira, Kuya. Naghihintay na ang kwarto mo — magkatabi pa tayo.” Umiling si Troy, malamlam ang mga mata. “Alam mo naman ang isyu namin ng Daddy mo. Kaya huwag mo na akong pilitin sa bagay na ‘yon.” “Kuya Troy,” mahinahong sabi ni Freyah, “matanda na si Daddy. Alam kong nasaktan ka sa ginawa niya noon, pero sana bigyan mo siya ng pagkakataon… kahit isang beses lang, para makapagpaliwanag siya.” Napabuntong-hininga si Troy. “Malinaw naman ang sinabi ng kaibigan niya—na hindi niya ako matatanggap na anak.” “Ayaw kong kontrahin ‘yong sinabi ng kaibigan ni Daddy,” sagot ni Freyah, halos pabulong. “Pero baka naman hindi talaga ‘yon ang ibig sabihin ni Daddy. Sa katunayan nang malaman niy

