TROY & FREYAH DAHIL sa mga sinabi ng kapatid niyang si Freyah, nagkaroon ng lakas ng loob si Troy na dumalo sa birthday party ng tiyahin niyang si Kathryn Mae — o mas tamang sabihin, ang kanyang stepmom, dahil asawa ito ng kanyang ama. Pagdating niya sa mansion, marami nang tao. Ipinarada niya ang kanyang motorsiklo sa gilid, ngunit kanina pa siya pinipigilan ng mga guard sa main gate. Siguro dahil karag-karag ang motor niya, hindi agad siya pinapasok. Kinailangan pa nilang tumawag sa loob bago siya tuluyang pinayagang pumasok. Simpleng jeans at T-shirt lamang ang suot niya, pinatungan lang ng blazer para kahit papaano ay magmukhang semi-formal. Hiniram pa niya iyon sa pinsang si Levi—hindi naman kasi siya mahilig magsuot ng gano’n. Mas sanay siya sa mga casual na damit. Clean look lang

