TROY & MONETH MARAMI ang nagtatanong kung totoo bang magkapatid kami ni Ate Camilla at kung bayaw ko nga ba si Kuya Cain Montemayor. Hindi ko naman sinisisi ang mga magulang ko — hindi rin naman nila kasalanan na ipinanganak akong ganito. Ewan ko ba, bakit kasi ang liit ko kumpara sa mga kapatid ko? Pero hello, five feet naman ako! ’Yung NogN*g lang na ’yon ang nagsasabing 4’11 lang daw ako. Palibhasa kasi six-footer ang tarantadong ’yon, kung lait-laitin ako, wagas! = “Anong ginagawa mo dito?” Nasira na naman ang araw ni Moneth nang pagbuksan niya ng pinto ang NogN*g na ‘to. “Papasukin mo muna ako bago kita sagutin, Ms. Unano—este, Ms. Moneth.” Napakamot sa ulo si Troy, sabay bulong sa sarili, “Bakit ba ‘tong unano na ‘to pa ang nagbukas ng pinto? Eh ang dami namang kasambahay sa man

