Five years later… WALA pang tulog si Mae. Kagagaling lang niya sa taping, ngunit kinailangan niyang umuwi agad ng Pilipinas — dahil sa pagkamatay nang itinuturing na si Kuya Castro. Kanina lang, habang nasa gitna ng huling eksena ng pelikula, natanggap niya ang tawag mula sa isang kaibigan. Sa kabilang linya, malamig ang boses na nagsabing patay na ang taong itinuring niyang kapatid. Hindi na siya nagdalawang-isip. Kahit hindi pa tapos ang shooting, agad siyang nagpa-book ng flight. Alam niyang hindi siya makakarating sa premiere night, pero wala na siyang pakialam. Malaki ang utang na loob niya kay Kuya Castro. Kung hindi dahil dito, hindi siya aabot sa kinaroroonan niya ngayon. Sa loob ng apat na taon sa industriya, kinilala siya bilang isa sa mga pinakamahusay na aktres—ilang beses

