NAPANSIN agad ni Mae ang kabuuan ng living room. Ganoon pa rin ang ayos nito—tulad noong limang taon pa lamang ang nakalilipas mula nang huli siyang tumira doon. Wala halos nagbago; maging ang mga dekorasyon at kasangkapan ay nasa parehong lugar. Marahil ay bagong renovate lang, kaya mas bago ito sa paningin niya. Iniwan niya ang maleta sa gilid ng mahabang sofa at nagtungo sa dining area. Pagbukas niya ng pinto, ganoon din—walang pagbabago. “Inaasahan mo bang iba na ang pagkakaayos ng buong penthouse?” tanong ng boses mula sa likuran. “Ahm… h-hindi naman sa gano’n,” sagot niya habang nagpipigil ng ngiti. “Nagtaka lang ako, kasi pareho pa rin noong naririto ako. Medyo nag-iba lang ang kulay—parang bagong renovation.” “Yeah, one year pa lang mula nang ma-renovate ito, at ayaw kong bagu

