SA tatlong buwang paninirahan ni Kampupot sa penthouse ng kanyang amo, unti-unti na niyang nasanay ang sarili sa bagong uri ng pamumuhay. Marunong na siyang gumamit ng mga appliances at kung anu-anong makina sa bahay. Kaya nagagawa na niyang magluto, maglaba, at maglinis nang mag-isa. May napapansin lang siya sa amo—madalas itong umuuwi nang gabi na at kung minsan ay amoy alak. Ngunit pinili niyang huwag panghimasukan ang pribado nitong buhay. Ang mahalaga para sa kanya ay makapagtapos ito ng pag-aaral. Kapag walang pasok ang amo, ito naman ang nagiging guro ni Kampupot. Tinuturuan siya nitong magbasa ng Ingles at magsulat ng tamang mga salita. Madalas nilang gamitin ang tablet na binili para sa kanya—online learning daw, sabi ng amo. Kaya kahit paano, natututo na rin siya na umintindi n

