ISINAMA siya ng amo dahil may mahalaga raw silang pupuntahan. Linggo noon, at marahil ay wala itong ibang makasama—kaya siya ang napiling isama nito. Wala man siyang ideya kung saan sila tutungo, ay sumama na rin siya. Sports car ang dala nilang sasakyan—at sa totoo lang, ngayon lang siya nakasakay sa ganitong klase ng kotse. Karaniwan lang niyang nakikita ito sa mga car racing video o pelikula. “Kuya NogNog, saan ba tayo pupunta?” naglakas-loob na tanong ni Kampupot habang nakatingin sa kalsadang mabilis nilang tinatahak. “Sa racing field,” maikling sagot ng amo. “Naroon ang mga pinsan ko, may laro sila ngayon.” Napakunot ang noo niya. “Ibig sabihin… naroon din si Ate Laurice?” “Yeah,” tumango si Froilan. “Motorcycle racer ang pinsan kong ’yon, pero iilan lang ang nakakaalam.” “Moto

