NANG ibigay sa kanya ng tiyahin ang sulat na may kasamang litrato niya, limang taon na ang nakalipas, saka lamang tuluyang luminaw sa kanya ang lahat — kung bakit pinatay ang kanyang ina, gayundin ang kanyang lolo’t lola. Noon pa man ay konektado na pala ang pamilya ng kanyang ina sa isang sindikato. Business partner ng kanyang abuelo ang mismong pinuno ng grupong iyon. Sa simula, walang kamalay-malay ang matanda sa tunay na pagkatao ng kanyang kaibigan. Ngunit nang mabunyag ang katotohanan, agad nitong pinutol ang lahat ng ugnayan. Doon nagsimula ang galit ng pinuno ng sindikato — isang galit na naging apoy ng paghihiganti. Pagkatapos matagal na pinlano hanggang isinagawa ang pagpaslang at naging sanhi nang pagkawasak ng pamilya Taylor. Tanging ang tiyahin lamang ang nakaligtas, dahil s

