TROY & MONETH SA loob ng mansion Velasquez, halos naroon na ang buong angkan ng Montemayor — mga pinsan, tiyuhin, tiya, pati na rin ang kani-kanilang mga asawa’t anak. Puno ng tawanan, kwentuhan, at sa bawat table may mga hawak na baso ng alak. Papasok pa lang sila ni Levi at Ruins, agad na napansin ni Troy ang isang pamilyar na mukha — si Moneth, abala sa pakikipag-usap kay Freyah at kay Cain. “Tol Troy,” sabay siko ni Ruins, “nariyan pala ang lalabs mo oh.” sabay turo sa kinaroroonan nito. Napakunot-noo si Troy. “Ewan ko nga ba kung bakit laging sinasama ni Cain ang babaeng ‘yan.” Ngumisi si Levi. “Isa lang ang tawag diyan, pinsan — destiny. Kaya kung ako sa’yo, ligawan mo na bago maagaw pa ng iba.” “No way!” mabilis na sagot ni Troy. “Kakaiba ang babaeng ‘yon. Sigurado kapag nagi

