Ala una na ng naisipan naming umuwi ng magbabarkada. Naghiwahiwalay na kami sa labas ng Bar. Si Lance ay ihahatid na yung tatlo dahil may mga tama na. Si Geoff naman ay ihahatid ako Pauwi.
Habang nasa byahe ay tahimik lang kami ni Geoff. Binuksan ko ang bintana para makalanghap ng hangin. Tinitignan ko din ang ganda ng langit.
Anong tinitignan mo Margaux? Biglang tanong ni Geoff.
Tinitignan ko lang yung Langit. Ang Ganda.
Biglang huminto si Geoff sa isang gilid. Binuksan niya yung bubong ng kotse niya at inadjust ng pahiga ang upuan ko para makita ko ng mabuti ang langit.
Better? Tanong niya
Nginitian ko lang siya at tumingala ulit sa langit.
Alam mo Geoff lagi kong iniisip sa loob ng isang taon kapag tumitingin ako sa langit. Ano kaya ginagawa ni Mike ngayon sa langit. Masaya na kaya siya? Naiisip niya din kaya ako? Nararamdaman pa din kaya niya yung pagmamahal ko sa kanya? Mahal niya pa din kaya ako? Nakakaramdam pa din ba sila ng pagmamahal sa mga naiwan nila? Gustong gusto ko siya mapanaginipan pero hindi nangyayari. Sinasabi ko lagi kay God na, God please kahit isang segundo lang. Gusto ko ulit siya mayakap. Gusto ko ulit siya makita. Kahit isang segudno lang. Ganun ako kadesperada dati Geoff. Kulang na lang magpakamatay na din ako para lang makita ko siya. Pero ganun talaga siguro ang buhay. Hindi lahat ng hinihinling mo sa Diyos ay tinutupad niya. Lalo na kung alam niyang hindi ka pa handang tanggapin ang nangyayari sa buhay mo. Then one time napanaginipan ko siya. Pero kinabukasan hindi ko maalala na napanaginipan ko pala siya. Naalala ko lang nung may nakita akong kamukha niya sa mall nung nagshopping kami ni Mon. Tapos ayun dun ko na narealize na ay masaya na pala siya kung nasaan siya ngayon. Kailangan ko lang talaga tanggapin na hindi ko na siya makakasama pero mananatili kami sa puso ng isat isa.
Ang galing ni God no?
Binigay niya yung hinihiling ko nung alam na niya na kaya ko na.
Nakakapanghinayang lang talaga na pinagtagpo lang kami pero hindi tinadhana.
Pero siguro tinadhana ni God na makilala kita. Na malay mo tayo pala talaga ang plano ni God para sa isat isa. Salamat Geoff at dumating ka sa buhay ko. Hindi man natin alam ang mga susunod na mangyayari sa mga susunod na araw ang alam ko lang masaya ako na nakilala kita. Mahihintay mo naman ako di ba? Hanggang sa handa na ulit akong magmahal? Tumingin ako sa kanya ng may luha sa mga mata.
Margaux kahit gaano katagal hihintayin kita. Sabay yakap sa akin at halik sa aking noo.
Salamat Geoff and Sorry kung hanggang ngayon mahal ko pa din si Mike. Hindi na talaga siguro siya mawawala sa Puso ko habang buhay kahit na magmahal pa ako ng iba. Naiintindihan mo naman yun di ba Geoff? Katulad ko alam kong mahal mo pa din yung namatay mong Girlfriend. Alam ko na habang buhay din siyang mananatili sa puso mo kahit na magmahal ka pa ng iba. Nakangiti kong sabi sa kanya.
Ang mahalaga naman Margaux ay yung ngayon. Yung tayo. Kung paano natin patatakbuhin ang buhay natin ng magkasama. Nararamdaman ko sa puso ko na tayo na talaga ang para sa isat isa. Kahit ilang pagsubok man ang kaharapin natin kaya na nating bumangon ulit basta magkasama tayo.
Pinunasan niya ang luha ko sabay yakap ulit sa akin. Nakaramdam ako ng pagmamahal para sa kanya at alam kong konting panahon pa ay makakaya ko na ulit pumasok sa isang relasyon ng buo na ang pagkatao at puso ko.
Sunday Morning, Alas dose na ng tanghali ako nagising.
Madami ng Missed call at txt ang barkada at si Geoff.
Bumangon na ko para tumingin ng pwedeng kainin.
Nagluto lang ako ng itlog at Pancit Canton.
Plano ko umuwi ngayon sa Cavite sa bahay namin. Nandun kasi ngayon yung mga magulang ko. Duon muna daw sila para hindi ako mahirapan umuwi sa probinsya.
Tinawagan ako ni Geoff at tinanong kung anong oras ko balak umalis. Sabi ko ay baka mga 1:30 ay aalis na ako. Sabi niya ay nasa labas daw siya ng apartment ko. Gusto daw niya sumama para makapag paalam ng personal sa mga magulang ko na manliligaw siya sa akin. Natawa naman ako sa kanya dahil kaninang 11 am pa daw pala siya nasa labas. Magdadalawang oras na pala siyang naghihintay sa akin.
Mga ala una ay lumabas na din ako. Sumakay na ako sa kotse niya at susunduin pa namin ang barkada ko sa terminal ng Bus. Dun kasi namin balak sana magkita kita dahil sasamahan daw nila akong umuwi sa Cavite para din daw makita nila ang parents at mga kapatid ko. Miss na daw kasi nila. Sila kuya ay kahapon pa nasa Cavite. Uwian lang din kami at may pasok din kasi kinabukasan. Pero next week friday ay uuwi ulit ako para sa tatlong araw na bakasyon. Tutal ay Holiday naman sa friday. Lunes na ako ng umaga luluwas ulit sa maynila para naman medyo matagal ko silang makasama.
Sakay na kami ng sasakyan ni Geoff at Papunta na ng Cavite. Napaka ingay ng mga kaibigan ko lalong lalo na si Moana. Wala talagang katahimikan kapag kasama ko ang mga to. Puro kalokohan ang sinasabi. Pero maswerte ako kasi sila ang mga kaibigan ko. Maingay man ay tunay naman na mga kaibigan. Hindi nila ko iniwanan nung mga oras na ang gusto ko lang ay mag isa.
Hoy Moana napakaingay mo. Pwede bang babaan mo naman yang energy level mo? Daig mo pa ang nanalo sa lotto kung makatawa at makapag kwento. Wala ka namang Jowa. Pang iinis ko dito,
Ayyy naku beshy, Huli ka na sa balita. May Jowa na ko sinagot ko na si kenneth. Kinikilig na sabi nito.
Huwaaaattttttt!!!!!! Sabay sabay naming sabi.
Binatukan naman siya ni Sandra na katabi niya sa pinakalikod ng sasakyan.
Ano kailangan sabay sabay talaga? Nakasimangot na sabi niya.
Kami na nga at wala na kayong magagawa pa. Sabay ngisi niya sa amin.
Ano bang pumasok diyan sa kokote mo at nagpauto ka sa tambay na yun? Sira na ba talaga yang utak mo? Gaga ka pineperahan kalang nun. Sabi naman ni Leila.
FYI Hindi siya Tambay. Businessman yun girl. Nag ba buy and Sell siya ng mga sasakyan. Pagtatanggol naman ni Moana.
Oh may nabebenta naman ba siya? Tsaka isang buwan pa lang yung business niya na yun at sayo pa nanggaling ang puhunan pero hanggang ngayon kahit isa wala pa siyang nabebenta. Nanggagalaiti kong sabi.
My God Moana akala ko ba matalino ka? Nasaan na yung kaibigan naming sobrang talino? Ano love is blind ba motto mo? Naiinis na din na sabi ni Lance.
Alam niyo ang Judgemental niyo. Bigyan natin ng pagkakataon yung tao na patunayan ang sarili niya. Ang kailangan lang talaga nun ay suporta. Sooner or later magiging successful din yun no. Ang nenega niyo. Tsk. Sabay irap sa aming lahat.
O siya sige kung diyan ka masaya suportahan ka na lang namin. Tutal madali ka naman maka move on. Natatawang sabi ko sa kanya.
Thank you beshy. O kayong tatlo ano tutol pa din? Pagbigyan niyo naman na ako. Promise kaya ko ang sarili ko at hindi ako magpapa abuso sa kanya. Pagkatiwalaan niyo naman ang desisyon ko. Malungkot na sabi ni Moana.
Oo na pumapayag na kami. Naku naku kapag lang talaga yan may ginawa sayo yan na hindi maganda wawasakin ko mukha nun. Sabi ni Lance.
Natawa naman kaming lahat sa reaksyon ni Lance. Parang kuya na namin siya kaya over protective siya sa amin lalo na at nag iisa lang siyang tunay na lalaki sa barkada.