CHAPTER 3

1143 Words
Sabado ng Umaga. Dumalaw ako sa puntod ni Mike. After a year tsaka lang ako nagkalakas loob na dalawin siya. Nag alay ako ng bulaklak at nagsindi ng kandila. Pinagdasal ko din siya at nag stay ng saglit sa puntod niya para kwentuhan siya.  Alam mo Mike sobrang salamat sa pagdalaw mo sa panaginip ko. Kung hindi ka dumalaw sa panaginip ko malamang hanggang ngayon ay nagdudusa at nasasaktan pa din ako. Ngayong alam ko na ok ka na diyan sa kung saan ka man naroroon ay panatag na ang puso ko. Miss na miss na kita mahal ko. Pero kailangan kong magpatuloy sa buhay. Mahirap pero kinakaya ko Mike. Sana ay maging proud ka sa akin mahal ko kasi isa na akong matapang at matatag na babae ngayon. Sorry kasi ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin ka sa loob ng isang taon. Kaya siguro ikaw na ang dumalaw sa akin. hahaha. Gusto ko sana magpaalam sayo mahal. May nanliligaw sa akin ngayon, Geoff ang pangalan niya katrabaho namin siya ngayon ni Mon.Gusto ko ulit subukang magmahal. Ok lang naman sayo di ba? Alam ko naman na gusto mo akong maging masaya at ayaw mo nakikitang sinisira ko ang buhay ko. Sorry mahal ko kung nahirapan akong palayain ka agad. Naiiyak kong sabi. Ang hirap mo kasing pakawalan. Pero kahit magmahal ako ng iba mike ikaw at ikaw pa din ang 1st at true love ko. Hinding hindi ka mawawala sa puso ko.  Nang paalis na sana ako ay nakita ko ang mommy niya. Nilapitan ako nito at niyakap. Namiss ka namin margaux. Ang tagal mong hindi nagpakita at hindi ka namin macontact. Kamusta ka na?  Ok lang naman po ako tita. Kayo po kamusta na? Pasensya na po tita ngayon lang ako nakadalaw kay Mike. Ngayon ko lang po kasi natanggap na wala na siya. Hindi ko po kasi kaya dati na makita siya dyan. Yinakap niya ulit ako.  Masaya ako Margaux na natanggap mo ng wala na siya. Kahit naman kami nahirapan din tanggapin. Pero siyempre kailangan natin ipagpatuloy ang buhay natin.  Kamusta na po pala sina josh at Julia? Ayun ok naman yung kambal namin. Graduating na ng high school. Gusto ni Josh na maging engineer din katulad ng kuya niya. Si julia naman ay kukuha ng business administration para hawakan ang business namin. Ang tagal ko na po silang hindi nakita. Miss na miss ko na din po sila. Si tito Rey nga po pala ay kamusta? Ayun subsob sa trabaho. Nahirapan din maka move on sa pagkawala ng anak niya kaya sinubsob ang sarili sa trabaho. Pero ngayon naman ay natatanggap na din niya ng paunti unti. Regarding nga pala sa kaso ni Mike ay nakalaya din agad yung driver ng nakabanggaan niyang kotse, nakita daw kasi sa Dash Cam at CCTV na yung girlfriend niya na namatay talaga yung may kasalanan. Hindi kasi tinted yung salamin ng kotse kaya kitang kita sa camera na nakipag agawan ng manibela yung girlfriend niya kaya sila nawalan ng control. Kaya galit na galit ang daddy niya dahil wala man lang daw nanagot sa pagkamatay ng anak niya.  Kahit naman ako Tita hindi ko din matanggap na walang nanagot sa pagkamatay ni Mike. May isang buhay na nasayang dahil sa kapabayaan  nila. Naiiyak sa galit kong sabi. Aksidente ang nangyari Margaux. Wala namang may gusto sa nangyari and besides yung girlfriend nung driver ay namatay din. Sana ay mahanap mo din sa puso mo ang pagpapatawad Margaux. Paano ko sila mapapatawad Tita. Muntikan ng masira yung buhay ko dahil sa kanila. Nawala yung taong gusto kong makasama habang buhay. Naluluha kong sabi. Nagkwentuhan pa kami saglit at nagpaalam na din ako. Nangako naman ako sa kanya na dadalaw ako sa bahay nila sa ibang araw.  Nung hapon na ay nagkita kami ni Geoff sa mall para kumain sa labas at manood ng sine. This is our 1st date since nagsabi siyang liligawan niya ako. Kumain kami sa isang chinese restaurant. Nanood kami ng kung fu Panda. Tawa lang kami ng Tawa sa Palabas. Pero nung huli na ay naiyak ako sa kwento. Namiss ko tuloy ang parents ko. Uuwi ako sa amin sa mga susunod na araw para madalaw ko naman sila. Ngayon ko lang naramdaman na miss na miss ko na sila.   After namin manood ng sine ay nagkita kita kami ng mga friends ko sa bar.  Hi guys. Bati ko sa kanila.  Hi Margaux. Masayang bati sa akin ni sandra. Ang taray. May boylet na ang lola ko. Congrats. Finally naka move on ka na din. Infairness ang gwapo niya girl. Kinikilig na bulong sa akin ni sandra. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Hi papa geoff. Bati ni Moana sa kanya. Hi Mon. Bati naman ni Geoff sa kanya FYI Si Moana ako ngayon. sabay flip ng hair niya kay Geoff Tawang tawa naman kami sa reaksyon ni Moana nung tinawag siyang Mon ni Geoff. Anong gusto mong inumin Pre? Tanong ni Lance sa kanya. RH na lang pre.  Ikaw naman Ms. Move on ano iinumin mo? natatawaang tanong naman sa akin ni Lance. Ladies Drink na lang muna ko. Wow girl ahh. nagkaroon ka lang ng manliligaw pabebe ka na? Nang iinis na sagot ni Moana. Pakelam mo ba? Hindi ba pwedeng pinapahinga ko lang yung atay ko sa alak? Pabebe agad? Inggit ka lang kasi walang nanliligaw sayo. Ikaw na lang kaya ang manligaw para naman may love life ka at hindi ka ganyan ka ampalaya. Sabay irap na sabi ko kay baklang Moana. Ang taray mo talaga girl. FYI may manliligaw ako.  Hindi pa nga lang niya alam na liligawan ka nya? pabirong sabi ni  Lance. Sabay tawanan namin at simangot ni Moana dahil napagtulungan na naman siya ng barkada. Naku Geoff pasensya ka na sa amin ahh. Ganito lang talaga kami kapag magkakasama. Alam mo naman kami ni Moana parang aso at pusa. natatawa kong sabi. Ok lang. Ang saya niyo ngang kasama ehh. Nangingiting sabi ni Geoff. Kamusta na nga pala si kuya mo Margaux? Hindi mo man lang kami sinama nung nagkita kayo. Nagtatmpong sabi ni Sandra. E di sana nakalibre man lang kami ng dinner. Puro na lang kao palibre sa kuya ko. Try mo kayang siya naman ang ilibre. natatawa kong sabi sa kanila. Nagtawanan naman sila sa sinabi ko.  Mayaman naman si kuya mo eh. Hindi niya kailangan ng libre namin friend. Natatawang sabi ni Moana. Pero mas mayaman ka girl. Haciendero ka nga db? pang iinis ko kay Moana. kaya dapat ikaw ang magbayad nito mamaya. Naku Margaux ako na. Sagot ko na lahat ng ito. Biglang sabat ni Geoff. Wow ang galante talaga ng Soon to be Jowa mo girl. Natatawang sabi ni Sandra. Hoy kayo wag kayong mga abusado. Hati hati tayo dito. No Margaux. I insist. nakangiting sabi ni Geoff.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD