CHAPTER 2

1523 Words
Good morning woooooooorld. Masaya akong nagising ng linggong iyon para magsimba. Nag ayos lang ako at nagpunta na ng simbahan. pagdating ko sa simbahan ay nagsisimula na ang misa kaya naupo na ako sa bakanteng upuan. Nagpasalamat ako sa diyos dahil finally binigay na din niya ang matagal ko ng hinihiling. Ang tanggapin na wala na talaga si mike. After ng mass ay nagkitakita kami ng barkada ko sa bahay ni moana. Foodtrip at nood lang ng movies. Nakatatlong movies kami sa maghapong yun. Alas otso ng maisipan naming magsi uwi na at may mga pasok pa kami bukas. Hinatid ako ni Lance sa apartment ko dahil on the way naman ito sa bahay niya. Pag uwi ng bahay ay nabasa ko ang message ng mama ko sa akin. Congrats anak. Masaya kami para sayo. Sana ay maayos mo na ang buhay mo. Naiiyak ako habang binabasa ko ang message ni mama. Siguro naikwento na ng mga kaibigan ko ang nagyari sa pamilya ko. Close naman sila sa barkada ko at duon sila nakikibalita tungkol sa akin dahil hind naman ako madalas nag rereply sa mga txt nila.  Nagreply ako kay mama at nagsorry ako at nangakong aayusin ko na ang buhay ko at araw araw na akong mag uupdate sa kanila tungkol sa nangyayari sa buhay ko. Nagtext din ang kuya ko sa akin at sinabing baka pwede kaming magkita bukas at kumain sa labas para naman makapag kwentuhan kami kasama ang asawa at anak niya. Nasa maynila lang din si kuya pero sa loob ng isang taon ay hindi ako nagpakita sa kanila ng pamilya niya kasi alam kong pagagalitan lang niya ako dahil sa araw araw kong pag inom dati. Nakakatuwa lang na dahil sa nangyari nung sabado ay ganito ang magiging epekto sa akin. Nagkaayos kami ng pamilya ko at natuto akong tanggapin ang nangyayari sa buhay ko. Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Naunahan ko pa si Mon.  Finally hindi ako nalate ng lunes. Natatawa kong sabi kay Mon pagdating nito. Wow congrats girl. Nagbago ka na talaga at blooming ka ngayon infairness ahh. nagagawa nga naman talaga ng pag momove-on oh. natatawa niyang sabi.  Hi Margaux. Bati sa akin ni Geoff. Hi Geoff. Bati ko naman sa kanya ng nakangiti. Kilig na kilig si mon habang pinagmamasdan kaming nag uusap ni Geoff.  Si Geoff ay bago lang dito. mga 1 month pa lang siguro siya. aaminin ko na crush ko siya kasi ang gwapo naman talaga niya. Pero crush lang naman. Humahanga lang. Bago mag uwian ay lumapit sa akin si Geoff at nag aayang kumain sa labas. Sinabi ko na lang sa kanya na may dinner ako with my kuya and his family.  Nag offer naman siya na ihatid ako papunta sa kung saan kami mag memeet ni kuya dahil on the way naman daw yun sa bahay nila. Sumabay na ko sa kanya at nung malapit na kami  ay inaya ko na lang siya sumama sa amin na magdinner. Pumayag naman siya agad at sakto daw na gutom na gutom na daw siya. Natatawa naman ako sa naging reaksyon niya. Nang dumating kami sa restaurant ay nandoon na sila kuya. Nagbeso ako sa kanila at binuhat ko ang pamangkin kong 6 mos. old na. Pinakilala ko din si Geoff na katrabaho ko at sinabi kong inaya ko na ding magdinner dito dahil sinabay naman ako nito papunta sa restaurant. Nagkwentuhan lang kami at nang mag alas otso na ay nag aya ng umuwi sila kuya.  Hind na ko sumabay sa kanila at nagpresinta na si Geoff na ihatid ako hanggang bahay.  Pumayag naman si kuya dahil nakita niyang mabait at disente naman daw si geoff kausap. Habang nasa byahe ay nagkwentuhan kami ni Geoff. Nalaman ko na may business pala ang pamilya niya na construction company at talaga namang napakayaman ng Pamilya nito. Kaya naman pala napakaganda ng kotse nito. Tinanong ko siya bajit siya nagtyatyagang magtrabaho sa isang govt. agency na hindi naman ganun kalakihan ang sahod? Sabi niya ay nagtry lang daw siya mag apply sa ibang industry para maranasan ang maging empleyado. Actually pangatlong trabaho niya na ito. Pagdating daw kasi ng panahon ay siya na ang mag mamanage ng business nila kaya habang malakas pa daw ang parents niya ay sila daw muna ang nagmamanage ng business nila at siya naman ay naghahanap ng ibat ibang trabaho para lang daw masabi na independent siya. Pero sabi daw ng Parents niya pagdating ng 30 years old niya ay kailangan na niyang bumalik sa company nila upang pag aralan  na pamahalaan ang business nila. Nalaman ko din na pareho pala kaming namatayan ng mga partner. Namatay din daw ang Girlfriend niya sa car accident 1 year ago dahil sa kanya. Siya daw ang nagdradrive at siya lang daw ang nakaligtas. Pero hindi na niya nabanggit kung kelan at saan. Kinuwento ko din na pareho pala kami na sa car accident namatay ang mag mahal namin. Hanggang sa alas diyes na kami nakarating sa bahay dahil traffic. nalaman ko na malapit lang pala ang bahay niya sa apartment ko. Kasama daw niya ang Parents niya sa bahay nila. Pagpasok ko sa opisina ay nakita ko ang isang bouquet of roses at ferrero chocolate. Nagulat ako at tinanong ko si Mon kung kanino ito galing. Kanino pa ba. E di sa dream boy mo. Ayiieeee. Sabay hampas sa braso ko.  Huh? nagtataka kong sabi. O db nagdate kayo kagabi? Aminin. natatawang pang aasar sa akin ni Mon.  At saan mo naman nalaman yan aber? Syempre sa kuya mo. Sinend niya kaya sa barkada yung picture ninyo. Ikaw ahh hindi ka nagkwekwento sa amin. nagtatampong sabi ni Mon. Hoy hindi yun date. Nagkataon lang talaga na sinabay niya ako dahil on the way naman ang bahay nila sa restaurant nahiya naman ako kaya inaya ko na siyang sumama para kumain.  E basta sa kanya yan galing. Nagtataka naman ako kung bakit ako bibigyan ni Geoff ng ganito eh hindi naman siya nagsabi sa akin na manliligaw siya.  Nang mag uuwian na tsaka ko lang nakompronta si Geoff dahil sa sobrang busy namin sa trabaho. Geoff para saan to? tanong ko sa kanya Ahh ano kasi. nahihiya niyang sabi Ano nga? Gusto ko sanang manligaw sayo Margaux kung papayag ka. Napangaga naman ako sa sinabi niya. Seryoso ka ba? Natatawa kong sabi. Actually noon pa kita gustong ligawan. nakikita na kita noon sa bar kasama ang barkada mo. Lagi ka ngang nalalasing tuwing friday. Simula nung nakita kita dun sa bar na yun every friday na din akong nagpupunta dun at kaya ako nag apply dito ay dahil sayo. Nahihiya niyang sabi. Nagulat naman ako sa mga sinabi niya. Matagal na pala niya akong nakikita. Pero hindi ko siya napapansin.  Naglakas loob lang akong lapitan ka ng nalaman ko kay Mon na Naka move on ka na sa ex mo. Nagsabi na ko noon kay Mon na gusto kitang ligawan pero sabi niya ay hindi pa panahon dahil hindi ka pa daw nakaka move on. Gulat na gulat talaga ako sa lahat ng sinabi ni Geoff.  Napangiti na lang ako at napatango sa lahat ng sinabi niya. Sige I will give you a chance. Sabi ko Pero hindi ko maipapangakong masusuklian ko ang pagmamahal mo. Let's try na ligawan mo ako at tignan natin kung hanggang saan makakarating ito. Hinatid na ako ni Geoff sa bahay at duon ako napaisip na totoo na ba ito? Handa na ba talaga akong pumasok ulit sa isang relasyon? Natutuwa ako kasi alam ko sa sarili kong hindi naman mahirap mahalin si Geoff dahil napakabait nito sa lahat. Pero natatakot pa din akong masaktan ulit at maulit ang nangyari kay mike. Pero wala naman akong choice kundi subukan ulit kesa naman habang buhay akong maging mag isa. Nag chat ako sa group chat namin ng barkada at sinabi kong Pinayagan ko ng manligaw si Geoff. Sinabihan ko din ang Pamilya ko at lahat sila ay tuwang tuwa. Paglabas ko ng Pinto ng apartment ko ay nakita ko si Geoff na naghihintay sa labas ng bahay at hinhintay ako. Sabay na daw kami pumasok. Hindi na ako nakatanggi at sumakay na ako sa kotse niya. Inaya niya akong mag drive thru sa isang fast food dahil alam daw niyang hindi pa ako nag aalmusal. Siya din ang nagbayad ng lahat ng inorder namin. Nang makarating kami sa opisina ay katakot takot na panunukso ang inabot namin sa aming mga kaopisina. Lalo na kay Moana. Girl ang ganda mo talaga. Ang gwapo ng manliligaw mo. Hatid sundo ka pa.  Inirapan ko lang siya at nagsimula nang magtrabaho dahil alam kong hind ako titigilan ng baklang to hangga't pinapansin ko siya kaya pinili ko na lang manahimik at napangiti na lang akong mag isa. Ang sarapa pala sa pakiramdam ng ganito. Yung nararamdaman mong may nagpapahalaga sayo maliban sa pamilya at mga kaibigan mo. Naramdaman ko ulit yung saya at kilig na dating pinaramdam sa akin ni mike nung nagsisimula pa lang kami. Nagpasalamat ako kay mike dahil kung hindi niya ko dinalaw sa panaginip ko ay malamang hanggang nagyon ay malungkot pa din ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD