KRISTINE
Nakahanap na ako ng u-upuan naming tatlo, bali nasa bandang huling row na kami pero ayos na rin.
At sakto naman na sumunod na yung dalawa.
"Ang ingay naman nila! first day palang naman ah?!" reklamo ni Pat
"Sus. kokotongan kita pag ikaw na yung isa sa mga maiingay jan" pang aasar ni Princess
"Hoy! para namang hindi mo ako kilala! alam mo namang hindi ako maingay kapag hindi ko masyadong ka-close yung mga nasa paligid ko noh! Ikaw naman sisipain kita kapag nakita kitang patayo-tayo!" sigaw ni Pat
ayan na po siya. Nagsisimula nanaman.
"Ikaw, sasakalin kita pag narinig kitang kumakanta ng jejemon songs" sigaw din ni Princess
malapit ko na talaga ilagay yung mga kamay ko sa tainga ko.
"It's not a jejemon, its a-"
Hindi na natuloy ni Pat ang sasabihin niya dahil pumasok na ang aming adviser.
"Grabi naman class? first day pa lang ingay na natin ah? hahahah" tumatawang sabi ni sir
Ay? diba dapat galit siya? hayaan nanga.
"sorry sir" "sorry po" "peace po"
"Anyways class papakilala nga pala ako. Ako si Reymart Quiñones, ang inyong guro at pati narin sa homeroom at filipino"
"teka ano bang nagagawa nyang homeroom homeroom na yan? nakakain ba iyan?"
Bulong ni Pat na agad din namin siyang siniko ni cess
"shhh!!"
"Kayo, alam niyo na ang aking pangalan. Oras na para alamin ko rin ang inyong mga pangalan" masayang sabi ni sir
"Sir mag se-self introduce pa po ba?"
Tanong ng isa kong kaklase.
"Kahit sabihin nyo lang ang inyong pangalan, okay na iyon"
"Sige po sir" "okay po"
"Simulan natin ito sa first row"
Agad ding tumayo ang mga nasa first row
"My Name is Mariz Alfos po"
"Ang pangalan ko po ay Asheia Cruz"
at sunod sunod na sila hanggang sa kami na.
"My name is Kristine Dela Cruz"
pag papakilala ko. Sunod naman si Pat
"My name is Patricia Reyes po"
"At ako po ay si Princess Maestre"
pagsunod ni cess.
-
-
"Great class! maraming salamat sainyo hindi ko man makakabisado ang inyong mga pangalan sa ngayon, pero at least mamumukaan ko na kayo"
"Ngayon naman, ang mga guro niyo sa ibang subject ang pupunta rito para mag pakilala" pag a-anunsyo ni sir
"Makinig kayong mabuti, class baka may mahahalaga silang announcement"
"okay po sir" pag sabi namin.
"Paalam muna. Magkikita ulit tayo mamaya. Huwag masyadong maingay class para hindi magalit ang guro"
"okay po sir " pag sabi ulit namin.
-
-
"Hayys! kinakabahan ako sa ibang teacher! baka terror! ayoko ng ganun! trauma nako nung elementary!" sabi ni Pat na halatang kinakabahan nga.
kahit ako kinakabahan din. Sana mababait sila.