CHAPTER 4

724 Words
KRISTINE Habang iniintay namin ang susunod na guro, naisipan ko munang ilabas ang cellphone ko. Wala naman sigurong mag susumbong saakin kasi yung iba nag labas din ng phone. "Huy girl! ganap mo jan? di ka naman mahilig mag labas ng cellphone sa klase ah? kahit adik ka sa social media. Siguro may ka-chat mate ka! akala ko ba best friend forever tayo dito pero bakit nagtatago ka na? hala cess oh" sumbong ni Pat kay Princess eto talagang babaeng toh, di muna ako pinagbigyan ng dahilan kung bakit ko toh nilabas "Miss Pat, titignan ko lang naman po kung may update na ba yung favorite kong kpop group" ngiting sabi ko sa kaniya "Ay ganern? dahil jan, ililibre mo ako mamaya" "Ano?! wala naman akong sinabi ah-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil dumating na yung susunod na guro. pala desisyon talaga tong babaknitang toh. - - "Magandang araw, klase! ako ang inyong magiging guro para sa Edukasyon sa Pagpapakatao" "Ako nga pala si Almaty Nacional. Pwede ninyo akong tawaging ma'am Nacional" "okay po, mam Nacional" "Ang sasabihin ko lang sainyo ay pag aralan ninyo ang ating unang lesson para kapag ako ay nagturo na, makikisabay nalang kayo. Iyan lamang ang aking anunsyo. Magkikita tayo sa susunod, paalam section Masigasig" "Paalam po, mam Nacional" sabay sabay naming sabi "yun na yon?" bulong nanaman ni Pat sa gilid "oo girl kaya tumahimik ka na" bulong din ni Cess itong dalawang to talaga tsk • • • Dumating din ang aming susunod na guro na si sir De Vera. Siya ang magiging guro namin para sa Araling Panlipunan. "Sa tingin ko, maarte to si sir" bulong nanaman ni Pat "Sa tingin ko din" pag sang-ayon naman ni Cess ang judgemental naman "Shh! baka makita niya kayong nag da-daldalan jan. Mapahamak pa ako" suway ko sakanila "Maganda nga iyon eh, tayong tatlo mapapahamak! Oh diba? Best friend forever!" tumatawang sabi ni Pat !! This girl, really. • • • Dumating pa ang ibang mga guro namin para sa ibang subject. Yung iba talagang mahahalata mong mga masusungit. Yung iba naman mababait. pero malay mo, mukha lang mabait pero grabe mag bigay ng activities. "Hays! pakilala pa lang nila yun ah! Pero napagod na ko kahit panay 'opo' 'yes po' lang sinasabi ko!" Natawa nalang ako sa reklamo ni Pat "Recess na pala at balita ko maraming tao sa canteen. What if dito nalang tayo kumain?" suggest ni Cess "Uh sige ayoko din kumain sa matao. Tara bili nalang tayong pagkain" yaya ni Pat "Sige, pero kayo nalang bumili. Sabay niyo nalang ako. Paiwan nalang ako dito" sabi ko "Ha bakit? Ayaw mo ba sumama?" tanong ni Pat "Hindi na. Kayo nalang. Kaya niyo naman yan. Bibili lang naman kayo eh." "Sige. Ano ba sayo?" "Rice. Kung ano nalang ulam niyo, ganon nalang yung akin." hindi ko rin naman alam kung ano ulam dun. At ayoko nga pumunta. Nakakatamad "Okay" sabay nilang sabi "Eh drinks? Ayaw mo?" tanong pa ni Pat "Water nalang" sabi ko at sabay abot ng pera "Geh bye" sabi niya at biglang alis • • • Ilang minuto na ang lumipas pero ang tagal nila. ganon ba talaga kadami ang tao sa canteen? baka magsisimula na ang klase pero naka pila ka parin. "pards daming tao sa canteen, parang ayoko pa pumunta. Baka pagka- guluhan pa tayo." sabi ng kung sino sa labas ang tahimik lang kasi ngayon sa room kaya rinig na rinig ko. "Ayan ka nanaman sa kayabangan mo, Tyrone" ?? parang familiar yung name? hindi ba sila yung narinig ko kanina? Sumilip ako sa labas at nakumpirma ko nga na sila iyon. Andun kasi yung serious looking guy. "Di hamak naman na mas gwapo ako noh. Baka juls toh" Siguro nung umulan ng kayabangan, andun sila sa gitna. Salong-salo nila. Well, except dun sa isang matangkad. Bihira lang ata toh mag salita. Mukhang masungit pa. Keribels na. " Tss. Tigilan niyo nanga kaingayan niyo. Sa labas nalang tayo kumain kung madaming tao sa canteen" O_O ? Ang gwapo talaga ng boses niya. Maganda siguro boses nito kapag kumanta. Sana balang araw kantahan niya ako! charot! "Pards, may naka silip ata sa bintana?" Bigla akong napa balikwas! wiw!! muntik nako!! bat ko ba kasi naisipan pumatong sa upuan! Tanga moments ni Kristine sa unang araw ng school. •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD