KRISTINE
Lumipas muli ang ilang minuto, at saka sila dumating.
"Bakit ang tagal niyo naman? Mahaba ba ang pila?" Tanong ko agad.
"Yes, girl. Ang haba ng pila ngayon. Isang counter lang kasi ang available that's why. Pero sabi naman nila baka kinabukasan available na yung ibang counter." Sagot ni Pat.
"Tara na. Kumain na tayo. Gutom na gutom na ako" Yaya naman ni Cess.
"Pat, asan sukli ko?" Tanong ko.
"Ay oo nga pala! Oh eto"
Sabay abot niya saakin.
"Bakit ito nalang? binawasan mo noh?"
"Huh? Anong binawasan?" Nakakunot-noo niyang tanong.
"Diba sabi ko sayo earlier na ililibre mo ako? Nakalimutan mo na ata?" Nakangiting sambit niya.
"Pala desisyon ka talaga, Pat"
Natatawang sabi ni Cess at nakisabay nalang ako sa tawa.
Okay lang iyan. Before kasi mag pasukan panay libre saakin si Pat. Nag re-revenge ata hahaha.
• • •
After ng lunch, dumating ang aming adviser na si sir Reymart. Marami pa siyang sinabi saamin at nakipag kwentuhan panga sa mga classmates ko.
Masasabi ko na mabait naman si sir. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, mabait nga pero baka grabe mag bigay ng activities.
Pagkatapos niyang makipag chikahan, sakto naman na oras na ng uwian.
"Feeling ko hindi ko magiging ka-close mga classmates natin" Biglang sabi ni Pat.
"Bakit naman?" "Bakit?" Sabay naming tanong ni Cess.
"Wala lang. Feeling ko lang." Sagot niya.
Nagkibit balikat nalang kami ni Cess.
"Susunduin ka ba ng Daddy mo Tin?" Tanong saakin ni Pat.
"Hindi ko alam. Wait mag te-text lang ako kung sino susundo saakin" Sagot ko.
"Huh? Diba daddy mo?" Tanong niya uli.
Actually, simula elementary ako, si daddy ang sumusundo at nag hahatid saakin. Baka nasanay narin si Pat kaya niya naitanong. Same school lang kasi kami noon.
Sinubukan kong i-text si daddy.
To: Dad
Dad, kayo po ba ang mag susundo saakin?
"Eh, ikaw ba Pat? Sino susundo saiyo?" Tanong ni Cess.
"I don't know? Siguro si kuya Rommel? As usual. Hindi naman ako masusundo ng parents ko" Sagot niya.
Si kuya Rommel kasi ay iyong family driver nila. Simula noon pa siya ang nag hahatid at sundo kay Pat pati narin sa kapatid niya.
"At malabo ding mangyari iyon" Bulong niya at sigurado akong rinig din ni Cess yun.
Nalungkot naman ako kasi parang pare-parehas kaming tatlo na may busy na parents.
"Eh ikaw Cess? Sino susundo sa'yo?" Tanong ko nalang.
Para mabasag yung katahimikan namin.
"Hindi ko din alam. Baka sasabay nalang ako kay Pat ngayon, kasi nasa trabaho naman si mommy at daddy. Ayoko naman na mag pasundo sa mga tita ko na nasa bahay."
"Pwede ba sumabay Pat?" Tanong niya.
"Oo naman." Nakangiting tugon ni Pat.
Bigla ko namang naramdaman na nag vibrate cellphone ko. Nag reply na si dad.
From: Dad
Pasensya na Tin. Hindi kita masusundo ngayon. Alam mo namang busy kami ni mommy mo. Gusto mo pasundo nalang kita?
Agad naman akong nanlumo sa reply niya. Hindi nga ako naihatid, sundo pa kaya?
Siguro dapat sanayin ko na ang sarili ko na hindi na si daddy ang susundo saakin. Ayos lang naman iyon.
To: Dad
Huwag na po dad. Ayos lang naman po. Sasabay nalang po ako sa kaibigan ko.
Reply ko nalang. Hindi na siya nag reply pa.
"Ano Tin? Susunduin ka daw ba?" Tanong ni Cess.
"Ahh oo, susunduin ako" I lied.
"Andito na si kuya Rommel. Tara labas na tayo. Ikaw tin saan ka mag iintay?" Tanong saakin ni Pat.
"Una na kayo sa labas. Pupunta lang ako sa Cr." Tugon ko.
"Sure ka? Sige una na kami ni Cess ah. Baba ka rin agad baka dumating na si tito"
No Pat. Hindi siya ang susundo saakin.
"Bye Tin" Sabay nilang sabi.
"Bye. Ingat kayo"
Hindi naman talaga ako pupunta sa cr. Dito muna ako. Mahahalata kasi nila na baka wala akong sundo. Lalo na si Pat kasi kapag sinusundo siya, sakto nasa labas na rin si daddy.
Nakaka inis lang, kasi bakit di ko magawang mag sabi ng totoo sa kaibigan ko.
• • •
After ng ilang minutong pag stay ko dito, bumaba narin ako. Sasakay nalang ako ng tricycle. Sana hindi lang punuan.
Swerte naman kasi may nakita agad akong tricycle. Papara na sana ako kaso may biglang sumakay. Kainis naman! Dapat lumapit na ako eh! Di bale, sana may makita pa ako. Kaso, iisa nalang pala iyon na nakita ko. Napatagal kasi ako sa taas eh. Wala narin masyadong estudyante. Maglalakad nalang ako. Hindi naman gaano kalayo ang bahay namin.
Kaso bigla namang bumuhos ang ulan. Ang malas ko naman. Hindi na nga ako nasundo mukhang uuwi pakong basa.
Agad naman akong pumunta sa waiting shed.
"Kainis kang ulan ka! Wrong timing ka naman, eh!" Sigaw ko sa sarili ko.
"Bakit ka sumisigaw?" Tanong ng kung sinong nasa likod ko.
Paki niya ba?
Pag harap ko sakaniya bigla akong nagulat. Owemji. Siya kasi si 'serious looking guy' na nakita ko kanina.
Napatulala nalang ako. Ang gwapo niya kasi sa malapitan eh.
"Nag e-enjoy kaba sa kakatitig saakin?" Walang emosyon niyang tanong.
Ang sungit naman!
"Uh.. Pasensya ka na"
"You don't have to apologize, miss. Asan ba ang sundo mo?" Tanong niya. tsk!
"Hindi ako masusundo ngayon kaya mag t-tricycle sana ako kaso naunahan ako"
Parang may kinukuha siya sa bag niya at inabot niya saakin.
Payong?
"Bat mo naman saakin yan binibigay?"
"Obvious ba? Malamang gagamitin mo. Ano gusto mo umuwi kang basa?"
Tinanggap ko nalang. Naiinis nako sakaniya ah! Masasapak ko na toh eh, kaso sayang yung gwapo niyang feslak.
"Or gusto mo ba sumabay ka saakin?"
Huh? Totoo ba ito? Wala namang masama kung sasabay ako diba?
"Pwede ba?"
"Mag s-suggest ba ako kung hindi pwede?"
Oo nga naman noh.
"Uh sige."
"Gamitin nating yang payong. Nasa parking lot kasi yung sundo ko."
Agad din naman niyang kinuha yung payong at saka binuksan. Maliit lang yung payong kaya dikit na dikit talaga kami. Ang tangkad niya talaga.
Nakarating din naman kami agad sa parking lot at pinapasok na niya ako sa kotse.
"Kuya Ryan, sasabay daw siya kasi walang sundo. Kawawa naman baka umiyak."
Kapal din ng mukha neto eh no? Wala naman akong sinabi na sasabay ako! Siya nga itong nag suggest eh. Baliw ba siya. At ako iiyak?
"Ahhaha sige lang, Vi" Tumatawang sabi ni kuya Ryan.
"Kuya mo siya? As in brother?" Tanong ko kay Vi (?).
"Nope" Maikli niyang tugon.
"Eh ka-ano ano mo siya?" Tanong ko uli.
At ang magaling, hindi na ako sinagot.
"Hahaha. Iha, family driver nila ako"
"Okay po"
"Saan nga pala iyong bahay niyo?"
"Sa Ark Village po"
"Medyo malapit lang pala"
"Ah opo" Keri nga iyon ng lakad lang, kaso umulan, eh.
"Ano nga pala pangalan ng katabi niyo po?"
Since hindi naman kumikibo si 'Vi'.
"Ah Hhahah. Hindi ba niya sinabi iha? Siya si Ravi" Sagot ni kuya Ryan.
Ravi. What a great name.
"Ikaw naman? Ano pangalan mo? Magkaibigan ba kayo ni V?"
"Kristine po. Tin for short. Hindi po kami mag kaibigan"
"Hindi ako naniniwala"
Edi wag po. Joke.
"Kuya" Pagsasalita ng multo
"Hahhahah" Si kuya talaga, tawa nang tawa.
After ng ilang minuto, bigla namang nag vibrate phone ko. May nag text.
From: Patmabangis
hEnlu tin..?? nsundO k n B ni tito? iNgatz ka accla..❤️? kkA hAtidz lnG nMin ky cEss×mabangiz. tEluk ng@ nya ihh aYw bomAba kYa sinipA ku✌️✌️ aYun.. effeCtivE.. hehez✌️✌️❤️
Napatawa naman ako sa text niya. Mas lalo pa akong natawa sa typings. Kakaiba talaga tong babaeng toh.
"Andito na tayo sa Ark Village. Saan yung bahay niyo, iha?"
Bigla naman akong napa angat ng tingin.
"Kuya, kahit sa guard house mo nalang po ako ibaba. Ako na po uuwi. "
Since tumila naman na yung ulan.
"Sigurado ka iha? Sige."
Bumaba na ako dun sa guard house.
"Maraming salamat po sa pag hatid kuya Ryan. And sayo Ravi inemphasize ko talaga yung name niya. Bigla naman siyang napa irap.
"Wiw! Sungit! Bye!"
Bigla namang napatawa si kuya Ryan.
Sinarado ko na yung pinto baka sipain na niya ako.
-
Pinag masdan ko na umalis yung sasakyan nila hanggang sa mawala na yun sa paningin ko.
•