KRISTINE
Naglakad na ako hanggang sa bahay namin. Nag doorbell ako kasi naka lock yung gate. Agad naman iyon binuksan.
"Ayos ka lang ba, tin?" Bungad sakin ni ate Jocel.
"May payong ka bang dala? Nag lakad ka lang ba?"
"Ayos lang po ako. Wala po akong payong at sinabay lang po ako ng ka schoolmate ko po."
"Ay jusko po! Sana nag text ka saakin at ako ang susundo sayo"
Concern niyang sabi.
"Ayos lang po talaga ako. Baka po bukas si daddy na po ang mag susundo saakin."
"Ganun ba? Gutom ka na ba? Tara pasok na tayo at nagluto ako ng meryenda".
"Thank you ate Jocel. Nga pala, nandyaan na po ba si ate Kristina?" Tanong ko.
"Medyo kakarating niya lang din."
"Kung ganon po, sino po ang nag sundo sakaniya?"
"Sumabay lang siya sa classmate niya"
Same school lang naman kami ah? Bakit hindi ko siya nakita?
"Ah okay po. Akyat po muna ako. Mag bibihis lang po ako tas bababa din." Paalam ko kay ate Jocel.
"Oh sige at ihahanda ko yung meryenda. Sabay sabay narin kayo kumain."
-
-
Pag pasok ko sa kwarto, agad akong humiga sa kama.
"Hays. Ang daming nangyari ngayong araw."
Bigla naman akong nagulat kasi tumunog phone ko. Tumingin ako kung sino nag text. Si Cess pala.
From: prinsesa
Baliw talaga yun si pat! sinipa ba naman ako! nag j-joke lang naman ako na ayaw ko bumaba! ang sakit.
Natawa naman ako. Kasi bakit ba naman sinipa?
To: prinsesa
HAHAHA sabi niya rin sakin yan kanina. Nag text siya. Muntik ko na hindi magets dahil sa mahiwaga niyang typings.
Tumawa ulit ako kasi naalala ko nanaman yung typings niya.
To: prinsesa
Maya na usap tayo sa gc ah. Kain muna ako ng meryenda. Kain na rin kayo. Pasabi na rin kay Pat.
Oo nga noh? May gc pala kami bakit ba di ko naisipang dun nalang mag chat? Mamaya nanga lang.
-
-
Pag ka baba ko, sakto andun na si ate Kristina sa lamesa. Kita ko na hawak niya yung bagong labas na iphone. Nag request siguro siya kay mommy. Pero samantalang ako, almost 2 years na yung phone ko and may mga basag basag narin pero hindi ko magawang mag request kay mom. Baka kung ano-ano pa sabihin niya eh.
"Tin" Tawag sakin ni ate.
"Bakit, ate?"
"Nakita ko kanina sa canteen yung dalawa mong kaibigan. Bakit hindi kita nakita?" Taas kilay niyang tanong.
"Nag paiwan ako sa room. Dun din namin naisipang kumain kasi punuan sa canteen". Sabi ko at nakita ko namang tumango siya.
Ewan ko ba kung bakit ang casual lang namin mag usap ni ate. Minsan nga nalulungkot ako kasi hindi ko manlang naranasan yung siblings bonding. Pero ayos narin dahil at least naranasan ko naman iyon sa mga kaibigan ko.
Minsan rin mataray si ate. At yung bunso naman na si Kirsten ay spoiled brat. Parehas sila actually. Kung ano gusto nila, makukuha nila.
Sana ako rin. Pero noon ko lang gusto yan. Ngayon okay na ako. Kung gusto ni mommy na i-spoil sila, edi go. I-spoil ko nalang sarili ko kapag may trabaho na ako. Edi goods diba?
"Tin, kamusta ang first day?" Naka ngiting tanong saakin ni ate Jocel.
"Okay naman po. Pakilala lang ganun po"
"Ganun ba? First year high school ka na tin. Parang kailan lang."
I laughed.
"Pagbutihin mo pag aaral mo ha?"
"Opo ate Jocel. Pagbubutihin ko po."
She smiled at me and I smiled at her too.
Ang gaan talaga ng feeling ko kay ate Jocel.
• • •
Pag katapos ko kumain, diretso akyat na ako. Kadalasan kasi tumatambay pa ako sa baba. Pero di ko feel atmosphere dun lalo na nandoon si ate. Hindi naman sa ayoko siyang kasama, ano lang naiilang lang ako.
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama nang may tumawag sa messenger. Group call pala. Yung sa gc namin.
Pinindot ko ang green button pero hindi pa ako nakaka helo narinig ko na yung maingay na boses ni Pat.
"Hello mga vivi! So for today's vlog-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin kasi nag salita si Cess.
"Sira. Vlog ka jan. So ayon nanga may ikwekwento ako"
"So ano nga iyon?"
Nangingibabaw talaga boses ni Pat kapag chikahan na ang usapan. Maliban lang kaninang chikahan sa room.
"Yung classmate natin na si Aihna-"
"Ay nag name drop agad"
"Oo naman! So ayun nga, nakita ko yung sss niya at guess what?"
"What?" Sabay naming sabi ni Pat.
"May jowa si ate mo girl."
Nakita ko sa screen na nanglalaki mata ni Pat. Kahit ako rin.
"Huh!? Diba grade 7 pa lang tayo? Tapos may jowa na agad siya?!"
Di makapaniwalang sabi ni Pat.
"At pinayagan pa siya?!" Dagdag ko.
"At ito pa! Yung jowa niya grade 11 na!"
"Ay pot- potik hehe. Ano!? grade 11 ?? seryoso ka ba jan girl? Grabe level nang pag ka stalker mo ah!"
Sigaw ni Pat. Mapa online talaga sigaw parin.
"Kabataan moments! Mga minor nga naman oh! Minor moments." Dagdag pa niya.
"Kabataan..ang..pag..asa..ng.. bayan.."
Bigla kong sabi.
Tuloy-tuloy ang pag ch-chikahan namin. Naka off din ang cam ni Pat kaya hindi namin alam kung nakikinig pa siya. Natawa kami nang biglang kumanta siya out of the blue.
"Iniisip ko kung bakit ganito ang langit, nilayo ako sayoOo"
Mahina lang yun ngunit sapat na iyon para marinig namin.
"Pft HAHAHHAH Pat ano ba HAHAH bakit ka naman kumakanta dyan!"
"HAHAHHAHA Pat; The singer"
"Ang sama niyo naman! Bat niyo ako pinag tatawanan?!"
"Oh easy ka lang! Wag ka umiyak. Sabayan ka pa namin."
"Okay tara Cess sabayan natin. Wait asan na ba yung guitar ko AHHAHAH"
"Ayownn!!"
Nagpatuloy pa kami hanggang sa di ko na namalayan yung oras.
Biglang may kumatok sa kwarto ko.
"Tin, bumaba ka na. Kakain na. Nandyan narin sila mommy."
Si ate Kristina pala.
"Sige, ate. Bababa narin ako" Tugon ko
"Bilisan mo"
"Pat, Cess tinatawag na ako. Kakain na kami. Kain na rin kayo ha. Bye"
"Bye bebe Tin! Eat well!" Nakangiting sabi ni Pat habang kumakaway pa sa screen.
"Bye Tin and Pat! Eat well!" Paalam ni Cess.
Pagtapos nun, pinatay ko na ang tawag at bumaba na ako.
Grabe, 2 hours and 30 minutes pala kaming nag chichikahan. Akala mo naman hindi kami nagkikita. Pagkahaba haba ng time.
• • •
Pag baba ko, nakita ko silang lahat na nasa lamesa na. Ako nalang ang kulang. Andun na rin si Kirsten. Hindi ko alam kung sino nag sundo sakaniya. Oh baka naman sinundo siya ni mommy at pinatambay muna sa office niya. As usual.
"Tara na Tin. Umupo ka na dito at kakain na tayo." Yaya saakin ni Dad.
Habang kumakain, tinanong ni ate si mommy.
"Mom, may kilala ka po na Cervantes ang surname?"
Cervantes? Sino naman iyon?
"Yes anak. Ka-buisness partner namin ng daddy mo"
Kita ang gulat na gumuhit sa mukha ni ate.
Bakit? Ano bang meron at gulat na gulat siya.
"Bakit?" Tanong sakaniya ni mom.
"Ahm.. Wala po mom. Natanong lang po."
"Kristine"
Napa angat ako ng tingin nung tinawag ako ni mommy.
"Bakit po mom?" Kinakabahan kong sabi. Pano ba naman, nasa akin atensyon nila. Atensyon lang ng kaibigan ko ang gusto ko.
She sighed before looking at me. "Ubos na ba ang allowance mo?"
Ay.. akala ko kakamustahin niya rin araw ko kagaya nung ginawa ni ate Jocel.
"Hindi pa naman po. Hindi ko rin po binabawasan nang malaki"
"As you should"
Napatingin naman ako.
"Kasi monthly - monthly nalang kami mag bibigay ng allowance mo. Hindi na gaya ng dati na kada week."
oh.. okay
"Okay po mom. Titipirin ko nalang po"
Nakita ko namang tumango siya.
Pinagpatuloy ko nalang pagkain ko.
"Tin, hindi ka na namin mahahatid at sundo."
Basag ni daddy sa katahimikan.
"Busy na kami. Kaya ipapahatid at sundo ko nalang kayo kay Ronel." Sunod niyang sabi.
Ronel?
"Diba po siya yung family driver nila ate Pearl?" Tanong ko.
Si ate Pearl, pinsan namin.
"May bago na sila". Maikli niyang tugon.
Napatango nalang ako.
Bibilisan ko na ang pagkain, nakakabingi kasi yung katahimikan. Hindi naman kami ganito dati. Nakaka panibago lang.
•