CHAPTER 7

2334 Words
KRISTINE Mabilis na lumipas ang panahon. Ngayon ay monday na ulit. Meaning, simula ngayon, oras na ng klase. Nung mga nakaraang araw kasi, wala kaming masyadong ginawa. Ang mga guro naman ay naghahanda para sa klase. Dahil nga wala kaming masyadong ginawa, pina advance study muna kami. Kasalukuyan akong kumakain ng agahan ngayon. Pang-umaga kasi kami. Sa totoo lang, nakakatamad talaga yung gigising nang maaga tapos maliligo pa. Tapos late ka pa natulog. Kaya malamig pinangligo ko ngayon para maalis yung katamaran at kaantukan sa katawan ko. "Kain ka lang madami Tin. Babaunan kita ng extrang pagkain mo. Baka kasi magutom ka bigla." Sabi saakin ni ate Jocel habang hinahanda niya ang pagkaing babaunin ko. "Salamat po." Mama Jocel. Ang asikaso talaga ni ate Jocel pag dating sa akin. Mom could never. • • • Habang nagpapahinga, narinig kong tumunog ang messenger ko. Nakita kong sa gc galing yung chat. burgerpatty sent a gift. Natawa ako sa sinend ni Pat. Pano ba naman kasi yung gift may nakalagay na Good Morning with kape at flowers pa. May mga butterflies ding gumagalaw. burgerpatty?: gM gUiz ?? kOmain nA bUh kaU? ? naka2log b kau nang maAyuS?? aYos ayOsin nyu lnG.. cessfogi?: Aga aga Pat ha ? burgerpatty?: vk8 bhe¿¿ cutetin? heLu lods? Me: Good morning, guys. Ano oras kayo aalis? burgerpatty?: ¿ kUng waNt mu now n Eh! cessfogi?: Di kaba napapagod sa typings mo Pat?? Anyways, paalis palang akoo Me: Aalis na pala ako. Alis na rin kayo ? para sabay sabay tayong dadating. Kita nalang tayo sa waiting shed para sabay din pumasok. Paalam at Paalala ko sakanila. burgerpatty?: oKi bhe?? mag intayn tau. Pag mAy nangbato ng pencil case, sign n un n andun naku?✨ Si Pat talaga oh! • • • Mabilis din kami nakarating sa school. Si kuya Ronel na pala ang nag hahatid at sundo saamin. Agad din naman akong bumaba sa sasakyan. "Thank you po, kuya Ronel" Pagpapasalamat ko at agad naman siyang tumango. "Pagka-hatid niyo po kay ate, dun na po ang uwian namin" Dagdag ko pa. "Sige, Tin" • • • Ako nga pala ang mas malapit na bahay kaya malamang ako mauunang dumating. Habang nag iintay, may estudyanteng nag uusap malapit sa akin kaya hindi ko rin mapigilang makinig. "Uy bhe kilala mo ba yung Cervantes?" Cervantes? narinig ko rin yun kay ate ah? "Oo sis kilala ko yun. Ang gwapo nga eh! Crush ko na yun!" "Hoy hala! Crush ko nga yun eh! Paunahan nalang bhe." Ahm... Lumayo nalang ako kesa mapakinggan pa yung pag tatalo nila sa 'crush' nila. Sino ba yung Cervantes na yun? Kahapon kasi mukhang bibig talaga siya ni ate tas ngayon pinag-uusapan din. At saka na nila pag-agawan yun pag mala goddess na ang mukha. Napa-irap nalang ako. Ilang minuto lang ang lumipas, dumating na si Cess. At this time, daddy niya ang nag hatid sa kaniya. "Good morning, Tin!! Wala pa si Pat?" "Wala pa eh" "Ganun ba? Hintayin natin baka parating na rin siya" Nag kwentuhan muna kami sandali ni Cess habang naghihintay kay Pat. "Hello guyss!! I'm here!" Sabi ng familiar na boses. I smiled. Si Pat na yun for sure. "Oh? Akala ko ba may magbabato ng pencil case?" Pangbungad ni Cess. "Ito naman di mabiro! Syempre joke-joke lang yun! Paano nalang kapag ginawa ko? Baka ma-guidance pa ako. Partida first year pa lang pero may record na agad sa guidance." Napatawa nalang kami. Umagang-umaga ang daldal eh, noh? "Tara nanga! Pumasok na tayo baka nandoon na rin si sir" "Letssgowww" • • • Habang naglalakad, nag dadaldalan yung dalawa. "Cess, Anong strand kukunin mo sa senior high school?" "Siguro STEM?" "Ayun oh! Stem din kukunin ko. Ikaw naman Tin?" "I don't know?" Patanong kong sagot. "Anong I don't know? Ano ba kukunin mong course?" "Honestly, hindi ko pa talaga alam. Mahaba pa naman ang panahon para mag isip ako." "Ah k" • Isang subject lang kami tuwing Monday. At homeroom nga iyon. Madali lang naman siya, parang ESP pero english version. "Alam ko naman sa ESP panay kaplastikan lang isasagot ko! Pero bakit naman pati rin sa homeroom?!" "Same Pat, same" Parang mangiyak-ngiyak na sabi ni Cess. Nag discuss lang unti si sir tapos nag explain lang siya kung paano namin sasagutan. Pagkatapos non, nag sagot na kami. Since homeroom nga lang, half day lang kami ngayon. "Class, half day lang kayo ngayon, marami pa kayong natitirang oras, at kung maaari, mag review kayo para sa lesson niyo bukas." "Yes sir" "Okay po, sir" • Pag tapos namin mag pasa ng activities sa homeroom, break time na namin at puwede na kami umuwi. "Diba grade 7 at grade 10 lang naman pang-umaga? Hindi naman siguro masyadong punuan sa canteen kasi yung ibang grade 7, nagsi-uwian na." "Tara Tin, Cess sa canteen tayo kain" Pag-aaya ni Pat. "Tara. Sabay narin natin bag natin. Para konting pahinga lang, uwi na agad tayo." • Si Pat at Cess ang bumili ng pagkain habang ako naman ang nag hanap ng uupuan namin. Sakto naman may nakita ako na pang tatlo. Habang nag iintay sa kanila, bigla ko namang naramdaman na parang nagbubulungan yung mga students sa table na malapit samin. Bulungan pero rinig ko. "Shet! Sila Ravi oh!" "Hala omg! Girl, maayos ba mukha ko?" Sabi nung isa na halatang nag papanic. Napa kunot naman ang noo ko at napalingon sa entrance ng canteen. Sila Ravi nga. Bigla ko namang kinuha bag ni Pat at pasimpleng tinatakpan mukha ko. Ano bang nangyayari saakin. Kung makatago ako akala mo may ginawa akong krimen "Bro, Juls, ikaw nalang ang bumili. Sa labas nalang tayo kumain, punuan kasi." Rinig kong sabi. At kung di ako nagkakamali, yung Tyron iyon. Medyo malapit na kasi sila sa puwesto ng lamesa namin. Sinubukan kong sumilip. Ngunit nagulat ako nung lumingon si Ravi sa puwesto ko at parang naka salubong kilay niya. Bigla kong inangat muli ang bag ni Pat. Bakit ba ako kinakabahan? Kristine, anong nangyayari saiyo? Nanatili ako sa ganong posisyon. "Girl! Ginagawa mo? Bat mo tinatago mukha mo dyan? May tinataguan ka ba?" Pambubulabog ni Pat. "Shhh!" Napatingin naman ako sa paligid. Wala na sila. Pero yung Juls nakita kong bumibili. I sighed. "Wala wala yun. Asan na pagkain ko? Gutom na ako." Pag-iiba ko. Di kasi to titigil si Pat. Nanatiling naka-kunoot ang noo niya saakin. Pati na rin si Cess. Natatawa ako sa mga itsura nila. Mukhang di sila convince na wala lang yun. Pero buti nalang di na sila nag tanong pa. Lalo na si Pat. Baka gutom narin. LOL. • "Mahaba-haba pa ang oras, at tanghali pa yung sundo ko kasi that time rin ihahatid si ate." Pagsasalita ko. "Oo nga noh? What if aralin na natin yung lessons for tomorrow after nito?" "Sipag mo Pat. Pero saan tayo?" "Cess, ano kaba ako lang to! Anyways, may alam akong coffee shop na malapit dito sa school. Dun tayo mag aral. Oh diba ang expensive." Pag s-suggest ni Pat. "Haha bakit naman sa coffee shop pa? Puwede naman sa lib nalang eh" "Oo nga, Pat" Pag sasang-ayon ni Cess. "Bet ko din kasi sa coffee shop. Gusto ko rin matikman kape nila dun. Sige na oh! Please please please?" Sabi ni Pat with hand gesture pa. "Sige nanga" "Fine" Hindi namin siya kayang tanggihan. Si Pat yun eh. "Yeyyy! Message niyo yung mga sundo niyo para alam nila at ime-message ko na rin si kuya Rommel." Masaya niyang sabi habang nilalabas niya ang phone. "Alright, tapusin na natin ang pagkain." • Na text na namin ang mag susundo sa amin. Mabuti nalang pumayag sila. Maganda rin idea ni Pat na sa coffee shop kami mag-aaral. Dati ko pa kasi iyon gusto. "Pat, bakit mo pala alam na may coffee shop malapit sa school?" Pagtatanong ko. "Kahit bata pa ako, (kahit bata pa ako-) Huh? Nakita ko kasi yun nung pauwi na kami. Sinubukan ko rin pumunta tapos sabi ko sa guard, "Kuya, puwede po ba mag study dyan? Bibili naman po kami noh" Tas nag oo siya. Sabi ko pa idadala ko yung kaibigan ko na nagngangalang Kristine at Princess. Kapag naman kayo lang pupunta dun sabihin niyo lang pangalan ko i-wewelcome pa kayo with warm hug. Oh diba? Astig. Kinaibigan ko kasi siya." Seryoso niyang sabi. Talaga bang ginawa niya iyon? Lakas din ng trip eh. Seryoso ba talaga siya? "Baliw ka Pat! Pero thanks may warm hug pala! Hahaha!" Tumatawang sabi ni Cess. "Grabe naman sa may pa free warm hug. Sige na, ituloy mo na kanta mo." "Welcome my dear friend." • Legit nga! Friends-friends na niya yung guard! Pag dating kasi namin, bigla siyang nakipag apir sabay sabing, "Yow wassup kuya! May good item po ba ngayong umaga?" Napatawa naman si kuya. "Haha! Maraming good items ngayon." "Ganun po ba? Ayownn letsgoo my dear friends! May good items ngayon. Mukhang mapapasabak ako sa tinda ah, at hindi sa i-re-review. Napa tulala naman kami ni Cess. Yung conversation kasi nila parang akala mo mag kakilala na since birth eh. Hindi naman talaga siya magaling sa pagkakaibigan. Kumbaga, introvert ganon. Pero ibang klase siya ngayon ah. Mukha rin namang mabait si kuyang guard. Baka maging close-close din namin. Malay mo ilibre kami. Pero siyempre joke only lang. Siya ililibre namin. • Nakatingin lang ako kay Pat ngayon. Kumakain tas umiinom kasi siya ng kape habang nag re-review. Parang hindi nabusog sa kinain niya kanina. "Pat, ang dami mong in-order, mauubos mo ba iyan? Kung hindi mo na kaya, ibigay mo nalang sa amin ni Tin." "Thanks, pero dear, mauubos ko ito." "Sure ka ha." Tumango naman si Pat at ibinalik na ang atensyon sa pagkain. Bigla ko namang naalala na may pinabaon pala sa akin si ate Jocel. Buti nalang di ako bumili ng pagkain ngayon. "Ano iyan?" Turo ni Cess sa baunan ko. "Pagkain. Pinabaon sa akin to ni ate Jocel kung sakali daw na magutom ako." "Wow naman. Pahingi nga." "Huy ako rin! Pahingi!" Biglang sulpot ni Pat. Napatingin naman kami ni Cess sa kaniya na dire-deretso ang pagkuha ng dalawang sandwich sa baunan ko sabay lagay sa plato niya at yung isa naman bigla niyang sinalpak sa bunganga niya. "Wow! Ang sarap naman! May secret recipe bang nilagay dito? Anong palaman ba ito?" Tanong niya pero hindi pa ako nakaka sagot, bigla niya namang sinalpak yung earphone sa tainga niya. Baliw eh noh? Magtatanong tas hindi papakinggan yung sagot. Napailing nalang kaming dalawa ni Cess. • Madami yung nagawa ni ate Jocel na sandwich, kaya ibinigay nalang namin kay kuyang guard. Pangalan niya pala ay Jhay. Pagtapos namin sa pag re-review, pumunta ulit kami sa school kasi nandoon ang aming mga sundo. "Bye Pat, bye Cess. Bukas nalang ulit." Pagpapaalam ko sa kanila. "Bye Tin." "Bye Tin, bye Cess! Kita kits nalang us tomorrow." Pag papaalam ni Pat habang nakangiti at nag wa-wave pa na akala mo wala nang bukas. Agad ko namang nakita si ate. Nakatitig siya kung saan at para bang nagniningning mga mata niya. Yung tipong parang makikita mo yung mga stars na mata niya tas nakingiti pa siya. Sa totoo lang, parang timang si ate. Ngiting ngiti eh akala mo naka jackpot. Hindi ko nalang siya pinansin at saka dumiresto na ako sa parking lot kung nasan si kuya Ronel. Habang nag lalakad, feeling ko may kasabay ako. Multo? Edi wow. Napatingin naman ako sa likod ko para kumpirmahin pero nagulat ako nang makita ko si Ravi. Bigla akong nag panic nanaman. Binilisan ko ang paglalakad. Ewan ko ba pag kasi nararamdaman ko presensya niya, ang bilis tumibok ng puso ko. Parang kinakabahan ganon. Halos tumakbo na ako pero hindi ko parin nahahanap si kuya Ronel. Naman oh! Wag naman sana! Wrong timing eh! "Nasan na ba siya? Hindi ko makita yung sasakyan." Bulong ko sa sarili ko. Kinakabahan ako! Para akong hinahabol ni kamatayan! Demonyo ata toh si Ravi eh. "Bakit parang takot na takot ka?" Bigla niyang tanong sa akin. Napaharap naman ako sa kaniya. Ang bastos naman kung kakausapin ko siya na nakatalikod. Mahahalata. "Ano.. Hindi naman ako ano.. Hinahanap ko kasi yung sundo ko." Sabi ko with utal-utal pa. "Ows?" "Alam mo bang nasa harap ng gate yung sundo mo at wala dito?" He said while smirking. Nanglaki naman mata ko. Bakit kasi hindi ko kinausap si ate kanina? Edi sana hindi ako dito nag hahanap sa parking lot! "Ganun ba? Sige salamat! Bye!" Sabi ko habang kumakaripas ng takbo. "Hindi naman ako nangangagat!" Pahabol niyang sigaw. Napalingon naman ako. Nakita kong nakangiti pa siya. Ang gwapo naman. At anong ngini-ngiti niya dyan? Hindi siya gwapo noh! Nakarating ako sa gate habang humihingal. "Kuya.. tubig .. mamamatay na yata ako.. help..tubig .." Agad namang nanglaki mata ni kuya Ronel sabay abot ng tubig sakin. Bagong bili pa ata kasi malamig-lamig pa eh. "Thank you kuya. Hay hiningal ako don ah!" "Bakit ka kasi tumakbo Tin? Pawis ka na tuloy." "Akala ko po kasi nasa parking lot ka po. Andito ka lang po pala." "Huh? Sinabi ko kay Kirsten na andito lang ako. Hindi niya ba sinabi?" "Hindi po.." Paano kasi nakatitig siya kanina kung saan-saan. "Ganun ba? Tara na umuwi na tayo para makakain ka na ng tanghalian." Oh.. So same lang pala sila ni ate Jocel na mabait. Kaya pala close na close siya nila ate Pearl. • Pag dating sa bahay, agad naman akong umakyat para mag palit ng damit. Pag tapos, bumaba na ako para mananghalian. "Ate Jocel, pwede pong gawa ka po ulit ng sandwich. Nagustuhan ko po kasi yung palaman." At nagustuhan din ni Pat. "No problem! Kahit araw-araw pa ako gumawa." Nakangiti niyang sambit. I smiled at her. "Salamat po." Pag katapos ko kumain, nag pahinga muna ako tapos umakyat ng kwarto para matulog. Siguro gabi na ako neto magigising. Sakto pag uwi ni ate at Kirsten, pati na rin nila Dad. Di naman kasi sila masyadong ginagabi ng pag uwi though busy sila. •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD