KRISTINE
Nagising ako dahil sa may kumakatok sa kwarto ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 10:05 PM na agad. Napahaba yung tulog ko, di na ako nakakain ng pang gabihan. Wala bang gumising sa akin?
"Kristine, anong oras na. Kumain ka na. Kung di ka pa babangon dyan bukas ng umaga ka nalang kumain."
Napabalikwas ako dahil narinig ko boses ng ate ko. Agad ko namang binuksan yung pinto.
"Ate! Bakit hindi ninyo ako ginising kanina? Andyan na ba sila Daddy? Si ate Jocel?" Sunod-sunod kong tanong.
Napatingin naman siya sa akin.
"Tin, Tulog ka. Hindi ka na namin ginising. Binilin sa akin ni ate Jocel na katukin ka kaso ngayon ko lang naalala. Umalis siya, pumunta muna siya sa bahay nila. Hindi na nakapag paalam sayo dahil nga tulog ka. At saka nga pala, si Mom lang ang umuwi kanina. Pauwi narin si Daddy ngayon. Nag overtime muna siya sa work." Mahaba niyang sabi.
"Ah ganon po ba? Sige, baba nalang ako para kumain."
"Dahan-dahanin mo lang kilos mo, Tin. Tulog na sila Mommy. Sana naman mag ingat ka." Saad niya habang nag lalakad papunta sa kaniyang kwarto.
Dapat ginising manlang ako. Pero dahil nga wala si Daddy, hindi ako ginising ni Mommy. Siya kasi kadalasan ang gumigising sa akin kapag tulog pa ako ng gabi. Minsan naman si ate Jocel. Medyo maayos pakikitungo kasi sakin ni Mommy kapag andyan si Dad.
•
Bumaba nalang ako para kumain. Kumakain tuloy akong may galit sa ulo. Kainis sila minsan. Binilisan ko nalang ang pagkain at umakyat na para maghilamos at humilata ulit sa kama.
Nakatitig naman ako ngayon sa kisame. Nakatitig sa kawalan to be exact. Bigla ko namang naisipan na mag scroll-scroll sa social media.
Nakita kong may bagong post si Cess sa twitter. Kaninang 9PM lang pala ito.
pattycelsterys liked
@cessltte
Ang hirap maging ate. Nasa sayo lahat ng resposibilidad kapag wala ang mga magulang mo.
Nakita ko ring nag comment si Pat.
@pattycelsterys
aww bebe :( libre kita ng ice cream bukas?❤️
Nag comment na rin ako.
@krstndlacrz
Cheer up, Cess! Usap tayo tom. ☺️
Nag scroll pa ulit ako sa twitter. Yung post naman ni Pat ang nakita ko.
@pattycelsterys
Bwict k kuya!!!!!!!!!!! @aidenkairys asn unggg eyeglasses q!!!!!! mag tago k n s bhay!!!! pg nkta lng tlg kta kukunin q rn yng eyglass mo !!!!!! KAINIZZZ KAAAA
Natawa naman ako. Pinag tri-tripan nanaman siya ng kuya niya. Nag active yung pagiging stalker ko kaya tinignan ko yung mga comments.
@aidenkairys
hanapin mo ako bebe :P
@pattycelsterys
sumbong kita kay mommy!!!!!! ilabs moo naaaaa kuyaaa plsss libre kitaa ?
@aidenkairys
sabi mo yan ah. Libre mo ko tomorrow. Love u sistahh??
@raviizak_
gagi ka pre ? ibalik mo na
Napataas naman yung kilay ko. Familiar yung name, eh? Sinubukan ko i-stalk
Ravi Smith @raviizak
Nanglaki naman ang mata ko nung nakita ko yung bio niya.
Ravi Cervantes
So all this time siya yung bukang bibig ni ate at yung mga ibang estudyante sa school?!
Siya pala yung Cervantes! Kilala niya rin pala yung kuya ni Pat. So it means kilala niya si Pat. Pero wala namang alam si Pat sa mga kakilala ng kuya niya kaya baka hindi niya toh kilala.
Sinubukan ko rin siyang i-stalk sa f*******:.
Ravi Cervantes
Wala naman siyang masyadong post. Puro mga tagged photos lang at yung iba old post na. Sa kaka scroll ko sa account niya, na aksidente kong nai-like yung old photo niya!
Picture niya na naka hoodie siya tapos naka peace sign. Karga niya rin yung asong shih tzu.
Ravi Cervantes
My baby :)
Agad ko namang binawi yung like at halos kapusan na ako ng hininga nung makita kong nag chat siya.
Ravi Cervantes
Still up, huh?
You obviously stalking me :)
I don't mind it though.
Kristine Dela Cruz
Excuse me!! May nangielam po ng phone ko! Hindi ako yan!
Ravi Cervantes
Ows?
Biglang may tumunog. Napatingin naman ako sa nag notif. Pati sa twitter finallow niya ako!
Ravi Cervantes
Sleep ka na, kid. Sumbong kita sa nanay mo.
Kristine Dela Cruz
Stop calling me kid nga! Ang kapal mo naman. Sino ka ba sis?
Agad ko naman siyang blinock. Bumalik naman ako sa twitter at nakita kong nag qouted retweet si kuya Zaiden (kuya ni Pat) ng isang tweet.
@aidenkairys
Kawawang aso. Deserve mo yan.
|
|
@raviizak_
Blinock ako ni madam :( gusto ko lang po makipag friends, edi don't. Me nanga nag first move ;((
@raviizak_
Replying to @aidenkairys
langya ka pre! Alis ka dito! shooo!!
Nakita ko ring nag comment si ate. Gising pa pala toh.
@riskali
Sino yan Raviii?? Hindi naman kita blinock ahh?? :(((((
Napa irap naman ako. Mga kadramahan nila. Mabuti pa kung matutulog nalang ako.
Agad ko namang pinatay yung phone ko at inilagay sa ilalim ng unan. Kalaunan ay nakatulog na rin ako.
•
Maaga ako nagising at naligo agad. Nag ayos muna ako at inayos ko na rin bag ko. Bumaba na ako para mag almusal. Nakalimutan kong wala pala si ate Jocel so walang nag luto for breakfast.
Napag-pasyahan ko na sa Cherry Street Café House nalang ako mag almusal. Kung saan kami nag review kahapon.
Dun ako nag pahatid kay kuya Ronel at ako nalang mag isa ang pupunta sa school since malapit lang naman.
Pagdating ko dun, binati ko naman si kuya Jhay.
"Good morning, kuya Jhay."
"Good morning. Asan si Pat tas yung isa niyong kaibigan na si Princess?" Tanong niya sa akin.
"Wala pa po sila. Ako lang po mag isa pumunta dito para mag almusal." Nakangiti kong sagot.
"Ah ganun ba.."
Agad naman akong nag order ng pagkain at umupo na. Pagkatapos, pumunta na ako ng school at dumiresto na sa room. Doon ko nalang siguro hihintayin si Pat at Cess. Habang parami nang parami ang mga dumadating, lalong umiingay kaya nag lagay nalang ako ng earphones habang nag ce-cellphone.
Nagulat naman ako na may biglang tumapik sa akin. Si Pat pala. "Good morning, Tin" Bati niya sa akin. "Kanina ka pa andito? Di ka manlang nag chat sa gc. Nakakatampo ka" Wika niya habang ngumunguso.
Agad naman akong natawa sa itsura niya. "Good morning din. Wala pa si Cess?"
"I'm here. Bakit mo ako hinahanap? Miss mo na ba ako." Biglang sulpot ni Cess.
"Ewan ko sayo. Nga pala, about don sa post mo.. usap tayo mamayang break time ah?" Gusto ko kasi siya i-comfort eh. Alam ko rin naman na may problema din siya sa pamilya niya kaya mamaya kakausapin namin siya at ipapaalala na nandito lang kami ni Pat kung sakali mang kailangan niya ng kasama.
"Okay. Pat, diba ililibre mo ako ng ice cream?" Paalala niya kay Pat. Oo nga pala sinabi iyon ni Pat nung nag comment siya sa post.
"Yes fo. Pero mamaya na pag uwian. Punta tayo sa ice cream parlor."
"Ang dami naman ni Pat na alam na lugar. Kahapon dinala niya tayo sa coffee shop tas ngayon may alam nanaman siyang pwede natin puntahan. Gala pala siya ah sumbong ko kaya toh sa nanay niya." Bulong ni Cess sa gilid ko at agad naman akong napatawa.
Wala pa naman si sir kaya nakipag usap muna ako sa dalawa. "Pat, may kilala ka bang kaibigan ng kuya mo?" Naalala ko kasi kagabi.. yung nag comment si Ravi sa post niya na hindi naman napansin ni Pat. Uh! That guy. "Wala naman akong paki kung sino-sino kaibigan nun. Bakit? Siguro may crush ka dun noh? Ayiee oh! Cess! Si bebe Tin luma-love life! Ke bata-bata pa eh." Napairap naman ako sa tugon niya. Ako? Mag kakagusto dun sa Ravi? Bawal kaya kami! Pero okay naman kung crush diba? Teka.. Bakit ba yung lalaki yon agad pumasok sa isip ko. Sumpa talaga siya!!
Mabuti nalang at dumating na ang adviser namin na si sir Reymart at sinabihan kami na papunta na ang subject teacher namin sa AP. Habang nag di-discuss si sir De Vera, inaantok ako kaya panay ang hikab ko kapag yung atensyon niya nasa blackboard. Paano ba naman kasi anong oras na ako naka tulog kagabi tas inagahan ko pa ang pag gising. Hindi pwedeng makita ako ni sir sa inaantok, medyo masungit pa naman siya baka patayuin pa ako buong time niya.
After niya mag turo, nag sagot na kami ng gawain at ipinasa namin ito sa kaniya. Breaktime na namin ngayon. Nagsilabasan naman yung iba naming classmate habang wala pa yung oras para sa next subject namin, which is last subject since 2 subjects a day lang kami. Pwera lang sa Monday kasi Homeroom lang.
Napag desisyonan kong dito nalang kami mag usap sa classroom. Wala naman sigurong makikinig saamin. "Cess, diba may kasambahay naman kayo sa bahay niyo kaya mababawasan naman yung gawaing bahay mo. Pero bakit na sa sayo parin ang responsibilidad ng lahat?" Tanong ko sakaniya. Napangiti naman siyang mapait.
"Ayun nga eh, bawas naman na house chores ko, madami pa akong time sana para mag aral kaso sila Mommy naman sa akin pinapa bantay yung kapatid ko. Hindi ako pinapalabas ng kwarto. Binilin niya pa kay tita kaya bantay sarado ako. Hindi naman ako maka focus sa aaralin ko kapag dun ako nag aral. Ma-didistract lang ako ng mga kapatid ko. Hindi naman ako sanay mag aral sa ganon." Mahaba niyang tugon.
Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Kung maaari, puntahan ko siya sa bahay nila para tulungan siya kaso ako rin naman hindi pinapalabas. "Uhm Cess, Try mo mag explain kanila tita na malaki naman na mga kapatid mo, hindi na nila masyadong kailangan na mahigpit na pagbabantay. At ikaw kailangan mong mag aral pa." Suggestion ni Pat.
"Pwede ko naman siyang gawin. Kaso wala akong lakas pag kausap ko parents ko. Sasabihan lang nila akong maraming dahilan para hindi sumunod sa kanila."
"Gusto mo bang samahan ka namin? Kung gusto mo, ako mag e-explain kanila tita eh? Napatawa naman kaming dalawa sa sinabi ni Pat. "Huy bat kayo tumatawa? Seryoso kaya ako!" Sabi niya na dahilan para lalo kaming tumawa.
"Thank you Tin and Pat ah. Napatawa niyo ako. Thank you din kasi nakinig kayo sa akin." Nakangiti niyang sambit. "Wala yun Cess! Always naman kaming nandito ni Tin. No matter what happened, nandito parin kami for you ah? Kaya wag mong iisipin na mag isa kas kasi meron kang Pat at Tin. Diba Tin?" Agan naman akong tumango kay Pat at nag thumbs up kay Cess.
Nag patuloy pa kami sa kuwentuhan. Tawa lang kami nang tawa sa kinikuwento ni Pat. Bigla naman akong napatingin sa pintuan ng room. Bukas kasi iyon kaya makikita kung sino ang mga dumadaan. Nagulat naman ako nang biglang dumaan yung dalawang kaibigan ni Ravi na si Tyron at Juls. Sunod non si Ravi. Bigla naman siyang sumulyap sa room at saktong nagkatitigan kami. Dahil nga nakatingin ako sa labas. Agad naman siyang kumindat at ngumiti. Nanlaki yung mata ko. May problema ba siya sa mata?!?!
Iniwas ko nalang yung paningin ko at ibinalik ang atensyon kila Cess. Alam ko namang gwapo siya pero wag naman siyang gaganon. Mukha kasi siyang tanga.
•
Dumating na ang aming guro para sa susununod na subject; which is ESP. Gaya ng nakagawian, pagtapos mag discuss, magsasagot na kami. Medyo natagalan pa kami dahil hindi nakakatuwa yung ESP ngayon.
Kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria ngayon dahil lunch break na.
"Uy Tin, kanina nakatingin ka sa labas ng room tas bigla kang kinindatan ng lalaki. Kita ko yon ah!" Bigla naman akong kinabahan. Nakita niya pala iyon?!
"Don't.. don't mind him Pat. Hindi ko nga iyon kilala! Totoo talaga! Ngayon ko nga lang yun nakita!" Kinakabahan kong sambit sa kaniya.
Nagkatitigan naman si Pat at Cess sabay sabing "We dinga?"
"Ang kulit niyong dalawa! Bahala nga kayo" Sabay tayo ko dala ang pagkain ko. Dun nanga lang ako kakain sa garden! baka asarin pa ako lalo! Habang nag lalakad palayo, rinig ko parin yung tawanan nila. Argh! Kainis! Pag talaga may nakita akong kasama nila, aasarin ko talaga sila walang tigil.
Agad naman akong umupo sa bench. Ang peaceful naman dito. Ang lamig pa ng hangin. May bagong tambayan na ako.
"Bakit ka kumakain dito? Ang lonely mo naman." Mukhang kilala ko na kung sino yun. "Pwede ba? Tantanan mo na ako boy." Nagpapalamig ako ng ulo tas susulpot tong demonyong toh.
"Ikaw ha. Nung nakaraan sinabihan mo akong masungit pero ikaw pala yun." Parang nagtatampo niyang wika. "Alis ka na nga dito!" Sigaw ko sabay irap sa kaniya.
"Oh wait wait.. wag ka na sumigaw parang ewan naman si ate oh." "Eto na aalis na. See you around." Nakangiti niyang sabi. For the second time, inirapan ko ulit siya. See you around niya mukha niya. Isa patong puso nato. Nag papanic nanaman. What if ibenta ko na toh.
"I got you!"
"Pat!" Nag papanic kong sigaw. Baka nakita niya kasing nandito kanina yung demonyo. "Anong ginagawa niyo dito?"
"Pinuntahan ka ata?" Patanong niyang sambit. "I mean, ano.. Teka, tapos na ba kayo kumain?" Pagiiba ko.
"Bakit parang nag papanic ka dyan Tin?" Tanong sa akin ni Cess. "Hindi ako nagpapanic.. wala toh.. ano tara nanga! Punta na tayo sa ice cream parlor!" Pag aaya ko sa kanila habang naglalakad na.
"Anyari kay Tin?" Rinig kong bulong ni Pat. "Di ko alam bhe. Tara nanga. Ikaw mauna. Ikaw may alam eh"
•
"Anong gusto niyong flavor Tin, Cess?"
"Vanilla sa akin Pat" "Sa akin naman Strawberry."
"Okay. Order ka na Cess." Nakangiting utos ni Pat kay Cess. Nahihiya toh mag order for sure. "Ano mhi kasi ano.. ahm ano.."
Napatawa naman ako sa kanila. Introvert things. "Ako nanga mag o-order. Chocolate sayo diba Pat?" "Yup!" Matik, chocolate na yan. Favorite niya eh. "Dapat ikaw nag order eh. Ikaw nag aya." "Well, at least libre ko diba?" "Dapat ikaw pa rin." "O sige, bakit hindi ikaw?" Rinig kong pagtatalo nila. Eto talagang dalawang toh..
Habang kumakain at nag k-kwentuhan kami, napansin ko namang may pumasok. Tinignan ko iyon, Si Tyron. Bigla naman siyang tumingin sa akin at ngumisi. Isa pang baliw. Parang may sinabi sya na I got you. Something like that. Binaliwala ko nalang iyon at nakipag kuwentuhan ulit.
Maya-maya, bumukas ulit yung door at hindi na mag isa si Tyron! Kasama na niya si Ravi at Juls. Jusko. Si Ravi nanaman? Too much coincidence, eh?
Napayuko naman ako para hindi masyadong mapansin. "Bat ka yumuyuko, Tin?" Eto nanaman. Nagtatanong nanaman si Pat. "Kumakain Pat"
"Sobra yung yuko mo. Halos isubsob mo na mukha mo dyan hahahhaha!" Sige, tumawa ka pa jan nang malakas.
Nakita ko sa peripheral vision ko na umupo sila demonyo malapit sa table namin. Nagsisimula nanaman akong kabahan sa presensya niya. Kainis ka na sis. "Bro alam niyo ba?" Rinig ko. "Hindi pa pre" "Tanginamo" ?? Bad! Nagmumura! "Kanina, sinigawan ako ng babae" "Sino pre? Hahahahha!" "Di ko muna sasabihin pero may clue ako." "Ano yun?" Tanong ng dalawang alagad. "Malapit siya sa atin. Tignan niyo. Pst Pst! Ms. Sungit!" Sigaw niya. Nakakahiya to! Alam kong ako iyon. Napatingin naman sila Pat dun dahil sa ingay.
"Ayaw tumingin. Eto, tatawagin ko nalang yung name."
That's it. Agad akong tumayo at inaya ko sila Pat na lumabas. Tanong sila nang tanong sa akin kung bakit ako nagmamadali. Ang sabi ko nalang nandyan na ang sundo ko. Bago tuluyang lumabas, napa sulyap ako sa puwesto nila, nakita ko nanaman na nakangisi sa akin si Ravi. Akala ko talaga tahimik siya! Pero nagkakamali ako! Mamamatay na ba ako dahil sa maling akala? Siguro dahil demonyo siya.
•
Pagdating ko sa bahay, nagbihis agad ako at kumain na ng tanghalian. Nandito na pala si ate Jocel. Kanina lang siya umuwi. Nakaupo ako ngayon sa garden habang nag scroll-scroll sa f*******:. Bigla namang may nag chat sa akin. Kaazi wants to send you a message. Napakunot naman yung noo ko. Sino naman toh? Pinindot ko iyon at nakita ang chat niya.
Kaazi
Hello :)
Kristine Dela Cruz
Hello. Who's this?
Ini-stalk ko siya. Walang siyang profile at wala din siyang mga post.
Kaazi
I'm your school mate po ☺️
Kristine Dela Cruz
Is that so? Anong grade mo na?
Kaazi
Bakit po parang masungit ka po? :(
Bigla naman akong naguilty.
Kristine Dela Cruz
Halaaa hindi naman po! Bakit ka po pala napa chat? ☺️
Gumamit na ako ng 'po' para naman hindi ako bastos kausap. Mukha siyang mabait.
Kaazi
Uhm.. I just want to say na, ang ganda mo po :)) Nakita po kasi kita kanina with your friends.
Kristine Dela Cruz
Hala! Thank you po! I appreciate your compliment. ♥️
Kaazi
May request lang po ako. Pwede pong makipag friends? Kahit thru online lang po. Nahihiya po kasi ako sainyo ?
Internet friends? Wala namang masama dun, right?
Kristine Dela Cruz
Sure po ? and wag ka pong mahiya? rerespetuhin ko po yung desisyon niyo. Okay lang naman po saakin kung thru online lang:)
Kaazi
Yeyyy!! Salamat po. Talk to you later po. Kakain lang po ako. Baka naman po pwedeng maka tanggap ng eat well ?
Ay ganern?!
Kristine Dela Cruz
oww eat well po :))
Parang masaya naman siyang maging kaibigan. I'm sure magugustuhan din siya nila Pat. Teka.. ano kayang gender niya? Di ko maguess eh. Pwede kasi for boys and girls yung name niya na Kaazi. I wonder bakit wala siyang surname? Baka dump account lang. Wala naman sa akin yun.
Pumunta ako sa twitter at nakita kong nag qouted tweet ulit si kuya Zaiden.
@aidenkairys
anong katangahan toh vi ?
|
|
@raviizak_
Yess! Nakahanap na ako ng way kung paano siya makausap :P What a brilliant idea, Ravi pogi ?
Ravi Smith @raviizak_
Replying to @aidenkairys
Moral support beh. Moral support kailangan ko.
|
@aidenkairys
Ulol! Moral support mo mukha mo!
Nag scroll nalang ulit ako. Baka ma accidentally ma-like ko nanaman. Sunod naman tweet ni Pat yung nakita ko.
@pattycelsterys
? gwapinggsss nyA!!! ??
Nakita ko namang nag comment kuya niya.
@aidenkairys
PATRICIA CELESTE!!!!!! ANONG GWAPINGS KA JAN! SINASABI KO SAYO MAG ARAL MUNA BAGO KA MAG GWAPINGS GWAPING DYAN!
@pattycelsterys
loh xia??¿ XD oa mo kuya bwhshshahshahah makasabi toh na mag aral klA mu nag aarl dn xa!!! patawa k dude!!
Oh.. Here comes the bardagulan of the Reyes Siblings. Naiimagine ko na ngayon sa harap ko na nagsasapakan silang magkapatid. Lol! Kailan ko ba ulit makikita yung scene na yun? Nakakatawa kasi sila panoorin.
Nainggit naman ako. Hindi kasi namin iyon magawa ng kapatid ko. Pero at least I have Pat and Cess. Pwede kami mag bardagulan anytime, anywhere.
Umakyat muna ako sa taas. Mamaya nalang ako bababa.
•
Gabi na nung bumaba ako. Sakto naman na kakarating lang nila Dad at nakahain na yung pagkain. Kanina lang din umuwi si ate pati si Kirsten. Parehas kasi silang panghapon. Inaya naman ako agad ni ate Jocel na umupo na.
"Mom, about po dun kay...Cervantes po."
Ayan nanaman siya. Magtatanong nanaman siya.
"Yes? What about them?" "Uhm.. School mate ko po yung anak nila.. kaso panghapon po ako tas pangumaga si..Ravi..since grade ten na siya." "Saan po siya mag s-senior high?" Sunod niya pang tanong.
"Baka dun lang din sa school niyo. Sabi lang yan ng parents niya. Bakit mo natanong?" Tanong ni Mom kay ate.
"Ah..wala po." Sus wala daw..
Sa school kasi namin, merong tatlong buildings, isa doon yung Junior High at yung dalawa naman para sa Senior High at College. Baka dun nalang din ako kapag nag college. Malapit lang eh. Less hassle.
Natapos naman ang dinner namin nang hindi ako kinakausap o tinanong manlang. Mabuti nanga iyon baka mawalan nanaman ako ng gana kung sakali. Habang busy ako sa pag ce-cellphone, bigla namang may nag chat. Si Kaazi!
Kaazi
Hello po! ? Kumain ka na po ba?
Kristine Dela Cruz
Hello! Yes po. How about you?
Kaazi
uy ano ba hahahah! Yes po?
Ano kayang nakakatawa? Bigla ko namang naalala yung naisip ko kanina.
Kristine Dela Cruz
Uhmm..Kaazi? Ano nga pala gender mo? Pero okay lang kung di mo sabihin?
Kaazi
Hala!! I'm a boy po :))
Oh? lalaki pala siya eh! Naging curious tuloy ako sa kaniya.
Kristine Dela Cruz
Oh.. okay po :) Gusto mo po ba makilala friends ko?
Kaazi
Naku wag na po? nakakahiya. Okay lang naman po sa akin kung ikaw lang maka close ko. :)
Eh? Paano ko siya ma kwekwento kila Pat? Siguro wag nalang? I respect his decision.
Kristine Dela Cruz
okay...sabi mo. Matutulog na pala ako :)) Maaga pa pasok ko bukas. Bye!!
Kaazi
Bye, Tin. Good night. Sleep well ?
Wow namern? Maka Tin. Close na close na ba kami?
Truth is, hindi pa talaga ako matutulog. Ang awkward lang kasi ng usapan namin. Gusto ko sana siya mameet in person kaso nahihiya naman siya. Paano ko tuloy siya magiging close? Okay lang naman sa kaniya na maging close niya ako thru online. And I think okay lang din naman sa akin yun.
Umakyat na ako sa kwarto para mag linis na ng katawan para matulog na din.
Nahiga na ako sa kama at ipinikit ang mata. Ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin ako makatulog. Ang ginawa ko, nanood nalang ako ng vlogs sa YouTube at inintay na maantok ako. Pinatay ko na ang phone dahil successful naman yung pagpapaantok ko. Sana bukas maging peaceful yung araw ko.
•
Maaga naman ako nagising at nag almusal pag katapos mag ayos. Inihatid na ako ni kuya Ronel sa school pero dumiretso na ako sa room. Dun ko nalang ulit sila hihintayin. Mabuti nalang wala pang masyadong tao kaya may time pa ako para mag cellphone.
Nag chat ako sa gc namin tinatanong ko kung asan na ba sila. Hindi naman ako nakatanggap ng reply. For sure papunta narin sila.
Lumipas pa ang ilang minuto, dumating na rin yung dalawa. "Pst! Tin! May dala kang sandwich?" Ngingiting tanong ni Pat. "Yup!" Pinadami ko talaga kasi alam kong favorite na niya.
Pagtapos ng aming first subject, tinawag ako ng adviser namin. "Luh ka Tin! Siguro may ginawa ka noh?" Sinamaan ko na lang si Pat ng tingin. Pero sa totoo, kinakabahan talaga ako.
"Yes po sir?"
"Ms. Dela Cruz, I have favor. Pwede bang pumunta ka sa floor ng mga grade 10 and then puntahan mo isa-isa yung mga classrooms at ipa-pirma ito sa teachers?"
Luh? Eh? Grade 10??
Napalunok naman ako bago sumagot.
"Sure po. Uhm.. Sir? Pwede pong mag sama ng kasama?", Magpapasama ako roon sa dalawa. Feeling ko di ko kasi kaya magisa.
"Sure."
Agad naman akong pumunta sa upuan at inaya sila. Ayaw ni Cess sumama kaya si Pat nalang sinama ko. "Para saan ba yan be?", Pat asked. "Ipapa pirma ko lang ito sa mga teachers. Tara na bilisan mo gusto ko na matapos toh" Kinakabahang sabi ko at narinig ko namang tumawa si Pat. Tinawanan pa talaga ako!
Hindi ko talaga alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil first time ko lang ito? Or.. dahil alam kong makikita ko yung lalaki na yun. Sana absent siya.