"Ano ba naman itong si Jeremy?" bubulong-bulong na wika ni Ada. "Ganiyan ba talaga bunganga niya? Ganiyan ba talaga siya makipag-usap sa kahit na sinong babae?" "Ano'ng sabi mo?" ani Jeremy sa kaniya. "Wala. Sabi ko, ang gaganda naman ng mga damit. Hindi ako makapili," tugon ni Ada. "Mamili ka lang diyan. Mauupo lang ako. Nangangawit ang paa ko," ani Jeremy sabay turo sa bench na nasa labas ng store. Tumango si Ada at saka siya naglakad palayo. Nagulat pa si Ada nang biglang may kumalabit sa kaniya. Paglingon niya, isa iyon sa mga saleslady. "Ang swerte mo naman, sis," wika ng saleslady. "Super gwapo ng jowa mo. Saan mo siya nabingwit? Share mo naman, oh. Para magkajowa rin ako ng gwapo at mayaman." Tumaas ang sulok ng labi ni Ada. "Hindi ko siya jowa," tugon niya. "Amo ko siya." "M

