bc

THE BACHELOR'S KARMA (Tagalog)

book_age18+
6.2K
FOLLOW
49.5K
READ
billionaire
escape while being pregnant
pregnant
playboy
badboy
heir/heiress
drama
comedy
like
intro-logo
Blurb

"Don't fall in love with me," wika ni Jeremy.

Umawang ang labi ni Ada. "Ha?" aniya.

"Don't fall in love with me," ulit ni Jeremy. "Hindi imposibleng ma-attract ka sa akin. Kung sa tingin mo, posibleng mangyari iyon, pigilan mo ang sarili mo. Liking me or falling in love with me will do you no good. Ayaw kitang masaktan. I want you to be an exemption."

The entire time he's talking, nakanganga lang si Ada.

"Huwag ka sanang masasaktan pero gusto kong maging honest sa iyo para wala tayong maging misunderstanding in the future. I know this will hurt you, but I need to tell you this." He paused for a while. He gathered strength para masabi ang kaniyang sasabihin. "As a woman, romantically and sexually speaking, I'm not into you. You're not my type. Wala akong nararamdamang malisya sa iyo kahit kaunti. I don't find you attractive or anything." He sighed. Napailing siya at napayuko. "That was too harsh, but you needed to hear it."

Napalunok si Ada.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jeremy.

Ngumiti si Ada. "Ang sakit no'n, ha?" aniya.

Jeremy chuckled. "I'm sorry."

"Pero, nakuha ko naman. At saka, ano ka ba?" ani Ada. "Gwapo ka lang, pero wala rin akong balak na magustuhan ka. Gusto mo bang magpakatotoo rin ako sa iyo?" Tumikhim siya. "Nang iwan ako ni Anton, isinumpa kong hindi na ako magmamahal pa ulit. Hindi na ako magpapaloko. Hindi na ako magpapauto. Masyado na akong na-trauma sa tatay ni Ethan. Jeremy, hindi kagaya mo ang babali no'ng sumpa kong iyon. Nang sabihin mong ayaw mo ng commitment, doon pa lang, na-turn off na ako sa iyo. Naisip ko, hindi ka rin pala iba sa ibang lalaki. Kaya huwag kang mag-alala, hindi ako mai-inlove sa iyo." Ngumiti siya.

Tumango si Jeremy. "Mabuti. Mabuti naman. At least, malinaw sa atin kung ano ba ang aasahan at hindi natin aasahan sa isa't isa." Tumango rin si Ada...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"YES, babe. Come on!" wika ni Jeremy habang pinagmamasdan ang babaeng nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Hawak niya nang mahigpit ang buhok nito. Lalo niya pang ipinagdiinan ang ulo nito sa kaniyang galit na galit na sandata dahilan upang halos maduwal ito. Tumulo tuloy ang mga luha nito. Ngunit kitang-kita niya pa rin sa mga mata nito ang masidhing kagustuhan nitong ma-impress siya. Nasa matindi siyang konsentrasyon upang maabot ang rurok ng kaligayahan nang tumunog ang kaniyang cellphone. Pinatay niya iyon at muling itinuon ang atensiyon sa babae. Ngunit muling tumunog ang kaniyang cellphone. Inis na inis siyang bumangon. Ang babae naman ay tumayo, pagkatapos ay umupo sa gilid ng kama, at naghihtay na balikan niya upang maipagpatuloy nang matiwasay ang ginagawa. "What the heck, bro? Ano ba ang problema mo? Tawag ka nang tawag," bulalas niya pagkapindot ng answer button ng kaniyang cellphone. Dinig na dinig niya ang malutong na pagtawa ng kausap sa kabilang linya. Si Jake iyon, ang matalik niyang kaibigan. "Let me guess," wika ni Jake. Jeremy rolled his eyes. "Shut up, Jake!" aniya bago pa masabi ni Jake ang laman ng isip nito. Lalong lumakas ang tawa ni Jake. "Look, I am sorry kung nadisturbo kita. Pero Jeremy, I just want to remind you na next week na ang bachelor's party ko. Don't you dare miss it. Lahat ng barkada, pupunta. Si Mark umuwi pa from States para lang makadalo." "Ilang beses mo na ba akong pinaalalahanan tungkol riyan?" Nagpakawala siya ng isang malakas na buntong hininga. "Relax, bro. I'll be there. Hindi ko pwedeng ma-miss ang paghahatid sa iyo sa huling hantungan mo." Siya naman ang tumawa nang malutong at malakas. "Inggit ka lang," ani Jake. "Ikaw lang naman itong ayaw mag-settle sa isang seryosong relasyon. Hindi mo lang alam kung gaano kasaya at ka-fulfilling ang maging isang one-woman man." "Ano naman ang fulfilling sa ganiyan? Parang isang putahe na lang ng ulam ang pwede mong kainin araw-araw sa habangbuhay. Iniisip ko pa lang, nagsasawa na ako at nasusuka." "I'm telling you, bro, isang araw ay madadali ka riyan." "Madadali? What do you mean?" "You know what I mean, bro. Araw-araw yata, iba iba ang babae mo. Paano kapag magkasakit ka?" Halos maglaho sa hangin ang huling winika nito. "Sakit?" Jeremy laughed. "Ano ang tingin mo sa akin, hindi nag-iingat? I use protection, bro. Do I still have to spell it out to you? Maliban diyan, hindi lang naman ako kung saan saan pumupulot ng babae. I make sure na malinis ang babaeng ikinakama ko. And excuse me! Stop exaggerating dahil hindi ako araw-araw nagpapalit ng babae." Jake chuckled. "Sabi mo, eh," anito. Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Jake na labis niyang ikinatuwa. Mabilis niyang kinabig ang babaeng atat na naghihintay sa kaniya, at kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Para sa kaniya bunga lamang ito ng malikot na imahinasyon ng mga tao. Sanggol pa lamang ay iniwan na siya ng kaniyang ina na hindi niya nakilala ang pangalan. Wala rin itong naiwang larawan. Hindi niya rin alam kung bakit siya nito iniwan. Ni hindi niya alam kung buhay pa ito, at hindi na siya interesado pang malaman kung buhay pa nga ito. Lumaki siya sa piling ng kaniyang amang si Don Ismael, pinakamayamang negosyante sa kanilang lugar at isa sa pinakamayamang negosyante sa buong bansa. Kaya lang ay pumanaw ito noong dalawampu't tatlong taong gulang siya. Solo niyang namana ang lahat ng kayamanan, ari-arian, at mga negosyo ni Don Ismael. Matalino siya at nasa dugo na ang pagiging isang negosyante. Napanatili niya ang kalaguan ng negosyo ng ama. Hanggang sa ang pera na ang nagtrabaho para sa kaniya. Maaga niyang natutunan ang magtrabaho nang matalino upang hindi maubos ang kaniyang enerhiya. He let money and people work for him para ma-enjoy niya ang kaniyang buhay. Nang tumuntong siya sa edad na dalawampu't siyam, ang naging buhay niya ay travel, barkada, alak, at babae. Wala naman na siyang aalalahanin dahil wala naman siyang ibang responsibilidad kundi ang kaniyang sarili. "Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo, Jeremy?" Napalingon siya at nakita ang hindi maipintang mukha ni Nina, ang kaniyang kinalakihang yaya. Matandang dalaga ito. Tumanda na ito sa pag-aalaga sa kaniya. Buong buhay nito ay inilaan sa pagsisilbi at pag-aalaga sa kaniya. "Hi, Yaya! I'm enjoying my life," nakangiting tugon niya. Nakasuot lamang siya ng boxer. Ang kaniyang kwarto naman ay dinaig pa ang dinaanan ng bagyo. Kaaalis lang ng babaeng nakaulayaw niya. Matindi ang performance ng babaeng iyon. Pinag-iisipan niya kung tatawagan niya pa ito ulit. "Tumayo ka na muna riyan. Lumabas ka, at lilinisan ko itong lungga mo," wika pa ni Nina. Kasama niya ang animnapung taong gulang na matanda kahit saan man siya pumunta. Nilapitan niya ito at inakbayan. "You know what, Yaya? Why don't you just cook something for me? Nagugutom na ako, eh. Ako na ang bahala dito sa kwarto ko. Okay?" aniya. Ang totoo ay ayaw lang niyang makita ng matanda ang nagamit niyang condom na kung saan lang niya ihinagis. Kahit papaano ay may hiya naman siya. "Bakit hindi ka na lang umuwi sa mansiyon, Jeremy?" tanong ni Nina. Hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo nito. "Hindi ko na naaasikaso ang mansiyon. Wala ka namang ibang ginawa kundi magdala ng babae rito sa condo unit mo." He paused for a while. Mataman niyang pinagmasdan ang kaniyang yaya. "I'll think about it," wika niya pagkaraan ng ilang sandali. "Huwag mong pag-isipan, Jeremy. Umuwi na tayo sa mansiyon. Mamamatay ako sa konsomisyon ko rito sa iyo." "Ikaw kasi, 'Ya. Buntot ka nang buntot sa akin." "At kasalanan ko pa talaga kung gusto kitang alagaan," ani Nina. "Ano na lang ang mangyayari sa iyo kapag iniwan kitang mag-isa?" "Fine, Yaya. Fine!" Nagbuntong hininga siya at inakbayan ang matanda. Hinagkan niya ito sa pisngi. Hindi naman siya kailanman nanalo sa tuwing nagkakaroon sila ng argumento. "Uuwi na tayo sa mansiyon." Lumiwanag ang mukha ni Nina at niyakap nang mahigpit ang binatang itunuturing na niyang sariling anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook