Dahil sa matinding curiosity, bumalik kaagad si Ashley sa ospital upang magbakasakali na makita muli ang babaeng iniiwasan ni Ada. She has to know who that woman is and what her part is in Ada's life at kung bakit takot si Ada rito. Mukha namang pumapabor o unaayon sa kaniya ang pagkakataon at nakita niya nga ito. Ngumisi siya nang makita ang ginang na palabas ng ospital pagkababa niya pa lang ng kaniyang kotse. Naglakad siya upang salubungin ito, ngunit kunyari ay hindi niya ito nakikita. "Ay!" Sabay pa silang napatili nang magkabangga ang kanilang mga balikat. Sinadya iyon ni Ashley upang magkaroon sila ng interaction. Kunwari pa ay nabitawan niya ang kaniyang bag. Pinulot iyon ni Linda. "Salamat," nakangiting wika ni Ashley. Ngumiti si Linda. "Walang anuman," tugon nito. "Galing ho

