Habang si Roe ay masayang naglalaro sa may carpet sa living room, ay siya namang kaba ni Julie at Elmo habang nakaupo pareho sa may hapag at si Laura ay matalim na nakatingin sa kanilang dalawa. "May aaminin ba kayong dalawa?" Ani Laura. Grabe nung bata nga sila hindi sila nahuli e. Ngayon lang. Sabagay, may batang madaldal kasi. Napalingon si Julie sa anak na masaya pa rin naglalaro, wala itong kaalam alam na kinakabahan na ang magulang niya habang kausap ang lola niya. "Ma..." "Malaki ka na Julie Anne, may anak ka na." Pagputol pa ni Laura sa sasabihin ng anak. At bago pa muling makasalita si Julie Anne ay siya namang harap nito kay Elmo. "At ikaw wala ka ba sasabihin? May balak ka ba pakasalan anak ko?" "Ma!" "Meron po." Hindi kaagad nakaimik si Julie at napatignin pa kay E

