"O Inom muna kayo ng juice." Tumigil ang mga trabahador sa location ng bakery ni Julie Anne at ngumiti nang lumapit ang babae at nagbigay sa kanila ng mga baso ng juice. "Salamat po mam!" Ani ng mga trabahador at nagsitigil sa pag-gawa. Sakto ay naglabas din si Julie Anne ng mga baked goodies na siyempre siya ang may gawa. Aside from Roe, baking was what made her happy nowadays. May isa pa Julie aminin mo. She sighed and shook the thought away before placing the tray on the small table a few meters away from where the workers were working. "Ang sarap po nito Mam Julie!" Ani mg isang worker na siguro ay ilang taon lamang ang tinanda kay Julie. "Kunwari ka pa Nestor! Crush mo lang yan si Mam Julie e." Namula na napakamot sa batok si Nestor. "G-grabe kayo." "Washu!" Panay kantyaw nang

