Sinigurado ni Julie na lahat ng gamit nila ay nakalagay sa tamang box. Ayaw niya magkalituhan mamaya eh. Si Roe ay nakaupo sa kama at pinapanuod siya habang pasulyap sulyap na nanunuod ng Spongebob sa cellphone ng mommy niya. "Marunong din pala manuod ng cartoons yang anak mo no." Napasulyap si Julie sa nagsalita at nakita si Maqui na pumasok sa loob ng kwarto. "Grabe ka naman sa anak ko Maq." Ani Julie. "E akala ko kasi puro pagbabasa alam niyan." "I like cartoons too ninang!"Depensa pa ni Elro sa sarili at napanguso. Hindi napigilan ni Maqui ang mapatawa at lumapit para halikan ang tuktok ng ulo ni Roe. "Alam ko baby binibiro ka lang ni ninang. Cute cute mo talaga. Bes, pati yung pag nguso namana kay Elmo kaloka." Nakangiting napailing na lamang si Julie habang tinapos ang paglaga

