Mabuti na lamang talaga at papalapit na ang bakasyon at pagkatapos nun ay magOJT na sila.
Nakahiga lang sa sofa si Julie Anne habang nanunuod ng House M.D. sa telebisyon. Halos magacrobatics na siya sa kakaikot niya habang nakahiga. Ang ulo niya ang mas malapit sa TV at nakabaliktad pala siya.
"Julie Anne nako naman bata ka kaya nasisira mata mo eh."
Julie knew that voice anywhere and that was her loving mom. She sighed and slowly straightened up from the couch. Sakto ay nakita niya ang nanay niya na nakapamaywang sa harap niya.
"Ikaw bata ka lumabas ka naman ng bahay."
"Ma naman eh ang init init sa labas." Reklamo pa ni Julie Anne habang nakaupo na sa couch. Minsan kahit 19 na siya e gusto niya umarte na para bang bata. Lalo na sa harap ng mommy niya. Palambing lang ba.
"Nabuburyo ka rin naman dito eh."
Bago pa makasagot si Julie sa nanay niya ay siya namang tunog ng doorbell ng kanilang bahay. Siya na rin ang sumagot para lang maiwasan ang pagnag ng nanay niya.
Nagulat siya nang buksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang gwapong muhka ni Elmo. Nakasuot ito ng suit at kita ni Julie na may dalang isang to go cup ng Starbucks at paper bag ng sinabing kapehan.
"Lahat."
Gulat na sambit ni Julie.
Nahihiyang ngumiti ang lalaki sa kanya. "Hi Lahat. Napadaan ako sa Starbucks kanina and I thought you'd like some." Sabay abot ng dala dala.
Kinikilig na napangiti si Julie kahit na pinipigilan. "Thank you."
"Bunso sino yan?!"
Napalingon si Julie sa boses na tumawag at si Elmo ay bahagyang napasilip. Hindi lumipas ang ilang segundo at nagpakita na si Laura. Nawala ang simangot sa muhka nito nang makita si Elmo.
"O anak nandyan ka pala! E teka bakit naman ganyan ang suot mo. Manliligaw ka lang e nagsuit ka pa."
Mahinang natawa si Elmo sabay umiling. "Nako tita hindi po. Galing po kasi ako sa office nila mama. Pinakilala lang niya po ako kasi pagkatapos po ng October mag-OJT na po ako doon."
"That reminds me..." Sabi ni Laura sabay tingin kay Julie Anne. "Ikaw pala bunso hindi ko pa naayos ang mga papeles."
"May iba pa ba ako na requirements?" Tanong ni Julie sa nanay.
Umiling si Laura at muhkang buo naman ang pagiisip. "Wala naman. Siguro ay next week dadalhin na kita ulit sa office." umingin muli ito kay Elmo na hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa loob ng mismong bahay. "Julie ano ka ba papasukin mo si Elmo." Ngumiti muna si Laura sa lalaki bago naglakad papasok sa loob ng bahay.
Saka lang napapitlag si Julie at naalala na hindi pa pala niya iniimbitahan na pumasok sa loob ng bahay ang lalaki. Pero kasi dati naman hindi naman nito kailangan pa magpaalam.
"Bampira ka ba?" Pangaasar nanaman ni Julie sa lalaki. "Kailangan pa kita imibitahin sa loob?"
"Ah eh..." Napakamot sa likod ng ulo si Elmo. "B-baka kasi busy ka..."
Julie smirked his way at namula nanaman ang muhka ng lalaki. "Gusto mo ba?"
"A-alin?"
Natawa nanaman si Julie. Para kasing kabadong kabado si Elmo. "Ang pumasok!"
"A-ah...kahit hindi na muna Lahat. Bihis muna ako." Tumingin na ito ng deretso kay Julie at ngumiti. "Gusto mo ba sumama sa court?"
Kaya ayun. Natagpuan ni Julie ang sarili na kasama si Elmo papuntang basketball court ng kanilang minamahal na village. Nakabihis na ng jersey si Elmo at basketball shorts habang siya naman ay simpleng sando at shorts lang din ang suot. Siya ang may hawak ng bola ni Elmo at pinapatalbog talbog pa ito.
"Sila Sam ba kasama mo maglaro?" Tanong ni Julie habang patuloy na nagd-dribble ng bola.
"Si Sam, Kris and James. Sinamahan daw ni Jhake si Bea sa mall eh." Sagot ni Elmo habang pinapanuod si Julie na magdribble.
Saglit lang naman ang lakad nila doon at sakto ay nakita ni Elmo na naglalaro na ang tatlo pa niyang kaibigan.
Si Nadine lang din ang babae na nandoon. Marahil ay busy si Joyce at Tippy para samahan ang mga boyfriend nila.
"Jules!" Maligalig na kaway ni Nadine. Ilang metro pa ang layo nila ni Elmo pero nakita kaagad siya nito. Siguro ay buryong buryo na itong mag-isa na nakaupo sa benches.
"Nadz!" Bati din ni Julie at bigla na lang tumakbo papunta sa kaibigan.
"Lahat baka madapa ka!" Tawag pa ni Elmo sa likod niya pero nakaabot naman si Julie kay Nadine ng matiwasay.
"Thank god nandito ka. Kanina pa ako bored." Irap ni Nadine. When you've been to the court many times, it gets a little dull.
"Hayaan mo na kasi si James. Big boy naman na yan."
"O E bakit si Elmo?" Ganti pa ni Nadine.
Tumingin si Julie kay Elmo na nakikipagharutan na kay James at napakibit balikat na lang. "Ah. Malaki din yan. Kaya na niya sarili niya."
Nadine daintily laughed and shook her head. "Wala din naman kasi ako magawa sa bahay. Kaya ayun. Nuod na lang din ako. After naman nito sa bahay lang muna kami."
Natahimik silang dalawa dahil nakita nilang may kausap na apat pang lalaki sila Elmo. Marahil ay makikipaglaro ang mga ito.
"Kamusta naman kayo ni Elmo?" Tanong pa ni Nadine.
Julie turned to Elmo first. Marahil ay naramdaman nito ang bigat ng tingin niya kaya napatingin din sa kanya. Ngumiti muna ito bago maikling kumaway. She smirked his way but gave back a small wave.
Saka niya muling binalingan ng tingin si Nadine na nakangiti lang din sa kanya. "We're good. Somehow, I think I got my best friend back." At hindi mawala ang saya sa katawan niya. Because she really was happy. She had her walls built up. Ilang beses din silang nagkasakitan ni Elmo. But maybe they were really just meant to be this way.
"James is also my best friend." Ani pa Nadine at bahagyang napasulyap kay James na kumaway. At kumaway din siya pabalik bago tingnan ulit si Julie. "So, will I be expecting na magiging pareho na tayo ng sitwasyon?"
Julie sighed but smiled at Nadine. "When I'm ready...why not right? I'll just see how things go."
Matapos nun ay kung ano anong topic na lamang ang pinagusapan nila hanggang sa napagod na ang mga lalaki maglaro.
"Baby, you're really sweating. May damit ka?" Tanong ni Nadine kay James.
Ang kaso lamang ay napailing ang lalaki.
"Tsk. You'll get sick nyan." Ani Nadine at pinahubad kay James ang jersey. Ayun na lang din ang ginamit na pamunas.
"May baon akong twalya..." Linya naman ni Julie at pinahubad din kay Elmo ang sariling jersey.
"Pre...namiss ko bigla si Joyce." Natatawa na sabi ni Kris kay Sam.
"Oo nga eh." Ani ng huli. "Busy kasi mag-aral si Tippy. Alam mo naman yun."
Hindi na lang pinansin ni Julie ang sinasabi ng mga kaibigan. Pinunasan niya ang likod ni Elmo na parang batang hinahayaan ang sariling nanay.
At wala na din naman kay Julie ang ganun. Gaya nga ng iniisip niya, it was like Elmo was back in her life. The Elmo that was her best friend.
"Nako buti na lang talaga nagbaon ako. Pawis na pawis ka o." Saway pa ni Julie Anne.
Ngumiti lang si Elmo at napakamot sa buhok. "E Lahat nanalo naman kami eh."
"Pawis ka pa rin..."
"Lahat na lang lahat na lang..."
Natigilan si Julie sa sinabi ng lalaki. She lifted her gaze up his way and couldn't help but smile. She missed that.
Bumili saglit si Sam at Kris ng tubig panginom nila habang si James ay busy pa rin na inaalagaan ni Nadine.
Wala sa sarili na kinuha ni Julie ang bola at nagsimula magshoot. Ang kaso ay kulang ang binigay niyang lakas kaya hindi man lang tumama ang bola sa ring.
"Lakasan mo pa Lahat." Ani Elmo. Nakaupo ito sa sahig ng court at nagpapahinga lang muna. Nakasampay ang kanina nitong gamit na jersey sa likod ng bench.
Linakasap pa ng kaunti ni Julie ang pagtira. Umabot naman kahit papaano sa ring pero hindi pa rin pumasok. Mabilis na tumayo si Elmo para habulin ang bolang tumalbog papalayo bago lumapit kay Julie.
"Like this Lahat." He said, his voice a little low, like a whisper before he stood behind her and put his hands over hers.
Hawak na ngayon ni Julie ang bola but that was the least worry from her mind. Masyado siya apektado sa pakiramdam ng init ng katawan ni Elmo sa likod niya. Wala pa naman itong pantaas at siya naman ay nakasando lang.
"Bigyan mo ng follow through..." Bulong ni Elmo sa tainga niya.
Kahit na kinilabutan ay sinunod niya ang sinabi nito at ginaya ang pinapakita nitong pag-galaw ng kamay.
"Shoot natin okay? 1...2...3!"
Lahat ng init at kilabot ni Julie ay inilabas niya sa pagbuslo at saktong shumoot ang bola sa loob.
She smiled just as Elmo did. "I did it Lahat!"
"Ikaw pa ba?" Sabi naman ni Elmo.
"Ganun talaga siguro kapag nagfocus, nakakapasok." Ngisi naman ni Julie Anne. He still had his arms around her as they smiled at each other.
"O kayong dalawa tama na yan at kumain tayo!" Tawag pa ni Kris na nakabalik na pala.
Salo-salo silang kumain ng isaw habang umiinom ng tubig. And Julie thought to herself, well she really did miss this.
Mag-gagabi na ng umuwi silang dalawa ni Elmo. At naspot kaagad ito ng nanay ni Julie kaya wala itong choice kundi doon na kumain. Wala din naman kasi ang magulang ni Elmo dahil may pahabol na business trip ang mga ito sa Davao. Ang kanyang Ate Maxx lang ang nasa bahay at si Frank naman ay matutulog sa bahay ng kaibigan nito.
"So tuloy pa rin pala ang panliligaw mo kay Bunso, Elmo ah." Ani Angel habang sumasandok ng kanin.
Napatango si Elmo. Pakiramdam niya nasa interrogation room siya. Pinagpapawisan na siya nang maramdaman niyang marahang tinapik ni Julie ang hita niya.
He visibly relaxed at that and smiled at the girl before turning to her family. "She's worth it po."
"Good answer iho." Sabi ni Ian bago sumubo ng pagkain.
The dinner went fairly normal. Hindi na masyado tinanong si Elmo sa panliligaw niya kay Julie Anne. Ang tinuon na lamang nila ng pansin ay ang papalapit na wedding ni Angel at Richard. At nang matapos kumain ay rumetiro na sila Ian at Laura para makapapahinga habang si Angel ay naghihintay pa ng tawag kay Richard.
"Uwi ka na." Pagtataboy ni Julie kay Elmo. Pero syempre biro lamang iyon.
Elmo pouted. "Lahat naman..."
"Bakit? May gagawin ka pa ba?"
Elmo only smiled. "I just want to spend time with you."
Kaya natagpuan nila ang sarili na umaakyat sa tree house ni Julie Anne. Para kay Julie this was a big step. This place was their sanctuary. A few months had already passed since they last spent time together there.
Mabuti na lamang at maginhawa ang hangin na pumapasok sa loob ng tree house. Umupo si Julie sa kama at napansin naman niyang nakatayo lang si Elmo at nakatingin sa paligid.
"Back out ka na ba? Pwede ka naman na umuwi." She loved teasing him because he always pouted like that.
"Ako manunuod lang ako ng movie dito." Ani Julie at nagkibit balikat na sumandal sa headboard ng kama. Nakaready na kasi ang laptop niya.
"P-pwede ba tumabi sayo?" Tanong bigla ni Elmo. Halatang halata na kabado ito.
Kahit naman si Julie e. May espesyal na koneksyon silang dalawa sa lugar na ito. And being here together again makes both of them nervous. Mas tinatago lang ni Julie.
Umurong si Julie at hinayaan ang lalaki na tumabi sa kanya sa kama. Technically she didn't want to watch anything. At muhkang pati si Elmo ay walang ganung balak. Luminga linga ito sa paligid na para bang minememorize ang lugar.
"Namiss ko dito." Ani Elmo.
Nagulat na lamang si Julie nang bigla itong napaluha.
"Hey..." She called and patted his arm. Isang tulo lang naman iyon na pinunasan din kaagad ni Elmo.
"Naalala ko lang na ako ang sumira ng lahat." Elmo breathed in. "I'm sorry. Alam ko ilang beses mo na sinabi na wag ko yun sabihin but I really am. I miss us Lahat. Yung dating tayo."
Julie somberly looked at the young man beside her and reached out to caress the hair on the back of his nape. "Hey. I think it's time we both give each other chances, don't you think?"
Elmo looked back at her and gently put his hand on her lap. "Thank you Lahat." Kagaya nga ng pagshoot ni Julie kanina, nakailang subok din ito pero nang nagtulungan silang dalawa ay doon pumasok ang bola.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
It was a week before exams and a week before Angel and Richard's wedding. Nag-aaral si Julie Anne sa may quadrangle nang may anino na humarang sa binabasa niyang notebook.
Tinago niya ang gulat niya nang makita niya si Tiffany na nakatayo sa harap niya.
There was a soft look on the girl's face.
"Julie pwede ka ba makausap?" Tanong pa nito.
Marami naman ang tao sa paligid. Hindi naman siya siguro nito sasaktan diba? Kaya dahan dahan siyang napatango.
Umupo ito sa tabi niya sa bench bago nagsimula magsalita.
"Sorry Julie. I'm sorry for what I've done." Suminghap ito. "Siguro nagmahal lang talaga ako kaya ganun. Sana lang mapatawad mo ako. You and Elmo deserve each other."
Napatingin si Julie sa babae. Tiffanys sadly smiled her way. "Siguro panahon na para magmove on ako. Diba? And hindi ako makakapag move on nang hindi humihingi ng patawad."
Julie smiled at Tiffany. "Hindi naman kita kailangan patawarin dahil wala ka naman talaga ginawang mali sa akin."
"Lahat?" Natigil ang usapan nila nang makita nilang papalapit si Elmo sa kanila. May dala itong dalawang shake para sa kanila.
"H-Hi Moe." Nauutal na sabi ni Tiffany. She smiled at Elmo's way but it was sad. Parang gusto ulit bumuhos ng luha nito pero nagpigil lang ito. "S-sorry talaga. Lalayo na ako promise."
"We can still be friends right?" Ani pa Elmo.
Julie also nodded her head as if agreeing with what Elmo was saying.
But Tiffany slowly shook her head. "In time siguro. Pero hindi muna sa ngayon. Pero salamat. You were always there for me Elmo. Thankful naman ako doon." She stared at him one more time, as if she was boring unto his soul, before finally walking away, holding the strap of her bag close to her.
Sabay na nagkatinginan si Elmo at Julie. Umupo na ang lalaki sa may bench at inabot kay Julie ang dalang shake. "It was so wrong for me too. Kung hindi lang ako masyado nagpakatanga."
"I guess you'll do the right things from now on." Ani Julie. She placed her hand on top of his and he smiled at her.
"Kung pwede ka lang halikan ngayon eh." Elmo said boldly bago nahihiyang tumawa. "Sorry, may drugs ata itong watermelon shake."
Julie smiled his way. "Pwede naman kaso nasa school grounds tayo eh."
Nanlaki ng sobra ang mata ni Elmo at parang aatakihin na sa puso ang itsura nito sa sinabi ni Julie Anne. "L-Lahat...what--?"
"Bes, bakit ganyan itsura nyan. Ano itakbo na ba natin sa ospital?"
Napalingon silang dalawa sa nagsaasalita at nakitang hayun at nakatayo si Maqui na may hawak na shake. Nakangisi pa ito sa kanilang dalawa. "Kaunti na lang Elmo, makakamit mo na ang matamis na auew auew ng best friend ko."
"Ha?" Nalilito na sabi ni Elmo.
At inulit naman ni Maqui. "Kako malapit na ang auew auew..."
"What?"
"TANGINA YUNG OO NI JULIE MALAPIT MO NA MAKUHA! PAKA-SLOW NAMAN O!"
=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0
AN: Hahaha sorry guys pagbigyan niyo na ako at madaling araw na #bangag. Let's read between the lines eh? Marami pang kaganapan na mangyayari stay tuned! #MalapitNaAngRollerCoasterRideOfEmotions
May clue na keo hahaha! Thank you thank you! So happy with the comments from the previous chapter! Thanks again!