Chapter 26

3416 Words
Huni ng mga ibon ang nagpagising kay Julie nang umaga na iyon. Napakurap kurap pa siya at napatingin sa bintana sa tabi ng kama. Tumila na ang malakas na ulan pero kita pa rin ang ebidensya dahil basang basa ang mga dahon ng puno sa tabi nila. Hindi rin ganun kasikat pa ang araw kahit na napansin ni Julie na alas syete na ng umaga. Nakapatong ang baba ni Elmo sa taas ng ulo niya at sobrang lapit nila sa isa't isa pakiramdam niya matutunaw na siya dito. "Elmo...Elmo..." Tawag niya. Sinalat niya ang noo nito at mabuti naman at hindi natuloy sa lagnat at pabahing bahing nito kinagabihan. Sa wakas ay napamulat naman na ang lalaki kahit na hirap pa rin tuluyang bumukas ang mga mata. "Lahat? What time is it?" He asked. "Mag-7 na. Come on. We need to get up." HIniwalay ni Julie ang sarili sa lalaki dahilan para magkiskisan ang mga binti nila. Umakyat ang kilabot sa sistema niya at mabilisan siyang napaupo ng deretso sa kama. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya at nakaiwas pa rin siya ng tingin. "Lahat." Tawag ni Elmo at masuyo nitong hinawakan ang balikat niya. Matutunaw ata siya sa init ng balat nito sa kanya. "Come on, we should get on home." Pasimple siyang lumingon dito at tumango tango. "Okay." Elmo smiled back and stood up from the bed. Nagikot ikot pa ito na tila may hinahanap at kaagad naman nakuha ni Julie kung ano ang ginagawa nito. "Sinampay ko yung damit mo. They should be dry now." Umikot si Julie sa may desk chair kung saan nakasampay ang damit ng lalaki bago pa nito makita iyon. Namumula siyang tiningnan ng lalaki at nagtataka naman niyang binalik ang tingin nito. "What's wrong?" Elmo shook his head and smiled her way. Sinuot na nito ang kahit papaano ay natuyo na damit bago nagsimula magimis ng mga gamit nila na naiwan. "I'll drive." "No Lahat I will..." "May sakit ka pa..." "I feel fine." "Elmo." Elmo sighed and grabbed the keys from Julie. "Okay na ako Lahat. Nakapahinga na ako. Magaling yung doctor ko eh." Ngiti pa nito sa kanya. Namula nanaman si Julie pero itinago na lang niya iyon. Pumasok sa na siya sa may passenger seat at inayos ang seatbelt. Sakto ay nakita niya si manang tindera na nagkakape. Inangat pa nito ang tasa sa kanya na para bang nagpapaalam. She smiled back and gave a small wave. Nagsimula na magmaneho si Elmo. Basa pa rin ng kaunti ang daan pero wala naman na talaga ang ulan. "Kapag napagod ka sabihin mo kaagad sa akin ah." Sabi ni Julie kay Elmo. Tumango at ngumiti ang lalaki bago patuloy na nagmaneho. Tahimik lang si Julie Anne na tinitingnan ang mga nadadaanan nila na tanawin. Napasulyap siya kay Elmo na nakangiti habang nagmamaneho. Nasisiraan na ata ito ng bait. Hindi rin ata nito alam na nakatingin siya. Kaya pasimple niya itong pinagmasdan. Kunwari ay nakatakip ang muhka niya sa kanyang buhok pero nakasulyap talaga siya dito. Nang bigla na lamang itong kumanta. "Baby...let's cruise..." He started humming the next part. "Don't be confused..." It was as if he was humming the part that the girl sang. Hanggang sa dumating na sa chorus at hindi napigilan ni Julie ang kumanta. You're gonna fly away, glad your goin' my way I love it when we're cruising together The music is played for love, Cruising is made for love I love it when we're cruising together Natapos nila ang kanta at parehong natatawang tumingin sa isa't isa. There it was again. Bakit ba ganun makatingin si Elmo sa kanya? Yung para ba lumalangoy ito sa kailalaliman ng kaluluwa niya. At kagaya ng laging nangyayari, siya ang unang nagiiwas ng tingin. Tumikhim siya at umayos ng upo habang si Elmo ay binalik ang tingin sa daanan. "Ano na plano mo after grumaduate?" Tanong ni Julie. Tumingin saglit si Elmo sa kanya na para bang nainigurado kung tinanong nga ba talaga siya ng ganon ni Julie. Nang masiguraod na hinihintay nga ng babae ang sasabihin niya ay sumagot naman siya. "Work for the company. Bata pa lang kami ganun naman na gusto nila mama." "But is that what you want?" Tanong pa ni Julie. Muli ay tiningnan siya ni Elmo. Siguro naninigurado kung bakit ganito ang pinaguusapan nila. "Kinakausap kita para hindi ka makatulog." Dahilan pa ng babae. Mahinang tumawa si Elmo bago sa wakas ay sinagot ang tanong ni Julie Anne. "I'm happy with what I'm doing. As long as me and the people that I love are healthy." Julie's heart literally skipped a beat. Parang ngayon lang bumabalik sa kanya ang nabitawan na salita ni Elmo kagabi. "It's no wonder it's not hard to love you..." Ganun na lang ba kadali magbitaw ng mga ganung salita. Pero naalala niya na may karamdaman ito kagabi. Baka nagdedeliryo lang. Tama tama. Nagdedeliryo lang ito kanina. "Ikaw Lahat? Sa kompanya niyo din ba ikaw?" Tanong sa kanya ni Elmo. Pasulypa sulyap ito sa kanya habang nagmamaneho pa rin. Mabuti na lamang at hindi gaano katraffic pa. Nagisip siya sa tanong ni Elmo. Ito din ang tanong niya sa lalaki pero siya wala din sagot. Well, walang clear na sagot. "I don't know Lahat. Wala sa plano ko ang magtrabaho sa kompanya. I feel like I won't enjoy it there." "You could put up a bakeshop." Elmo pointed out. He smiled at her. "Nakalimutan mo ata na gusto mo magtayo. Naalala mo nung bata tayo? Diba lagi tayo naglalaro ng tau-tauhan. Ikaw yung asawa na nagt-trabaho sa bakeshop tapos ako yung asawang bibisita para bigyan mo ng cake?" "I never said na asawa kita. Customer ka kaya." Pilit pa ni Julie. Pero nagkibit balikat lamang si Elmo. "Sabi mo eh. Pero tawag mo pa kaya sa akin non, honey, para kunwari asawa mo ako." "Hindi nga!" Pilit pa muli ni Julie. Pero ang totoo ay naaalala na niya ang sinasabi ni Elmo. At tama nga ito. Ganun ang "role play" nila nung bata. Pero siyempre kunwari hindi niya talaga naaalala. Hanggang sa makauwi silang dalawa ay daldalan lang sila ng daldalan. And Julie missed that. Julie missed her best friend. And she was so glad. Because it was as if he was back again. Back for her. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= It was a few days after being stranded on that rest stop. Sabado ng umaga at hindi alam ni Julie kung balimbing ba ang panahon o ano. Dahil kung anong inilakas ng ulan nung isang araw ay siya namang taas ng araw ngayon. Nakaupo siya sa lounger sa may pool nila. Nakasuot siya ng simpleng two piece. Kasama niya si Maqui na nagpapatan din. "Bes, ikaw lang dapat magpa-tan eh. Putla mo eh." Asik pa ni Maqui. Nakashades na tumawa lang si Julie pero hindi pa rin linilingon ang kaibigan na nakaupo sa tabi niya. "Tawa ka dyan. Di ka pa nagk-kwento sa nangyari nung isang araw." Umupo nang deretso si Julie Anne at tiningnan ang kaibigan mula sa taas ng suot na shades. "That reminds me. Salamat pala at iniwan mo ako ah." "I was sick!" "Sick? May picture ka sa i********: na kasama sila Tippy sa court!" Himutok pa ni Julie Anne. At dahil huli na nga siya, ngumisi lang si Maqui at nangaasar na nginisihan ang kaibigan. "Dapat pinapasalamatan mo ako bhe. O diba. Kung nandon ako, edi bantay salakay ako. Hindi kayo maiiwan ni Elmo sa kweba, hindi kayo maglalaptchuk, at hindi mo siya makakama nung gabi." "Maq!" Naeeskandalo na sabi ni Julie. "Bakit? May sinabi ba ako na iba? Natulog kayo sa kama! Diba natulog naman kayo sa kama!" "Stop! Stop repeating it!" Ngumisi ulit si Maqui at uminom mula sa kanyang buko juice. "Bakit ka ba kinakabahan dyan? Unless na lang may hindi ka sinasabi at yung banana ni Elmo ay nag-split na sa'yo." "Oh my god." Julie face-palmed. Never na talaga siya makakatakas sa pangaasar ng kaibigan. "So what does all of that mean bes?" Sumeryoso ang muhka ni Maqui. Hindi kaagad nakasagot si Julie. What does all of what mean? "I mean, you kiss him inside of a f*****g cave. So what's the big deal?" Napakagat labi si Julie Anne sa tinanong ng kaibigan. She hesitantly looked at Maqui, still looking unsure. "Maq, is it bad if I still don't know what to think?" "No." Mabilis na sagot nito. May mga panahon na puro kakulitan si Maqui at may mga panahon naman na seryoso ito. "No one can blame you bes. But I think it's time to weigh your options wisely.I mean...ikaw? Kakayanin mo nanaman ba na mawala si Elmo ulit?" Napatungo si Julie sa naisip. She was starting to get him back. At least his friendship. And she had missed it so much that she didn't even want to think of losing it again. "I can't control what he wants. But I can't just get back to it just like that. Mahirap Maq eh. Naranasan ko umiyak na pakiramdam ko mauubos na yung tubig sa katawan ko." Maqui smiled and gave Julie a one armed hug. "I understand bes. At sa nakikita ko naman kay Elmo ngayon, he's really trying. Ikaw na bahala kung ano ang balak mo gawin." =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Tiningnan muli ni Julie ang mga sagot sa kanyang quiz. Kapag tapos ka na ay maari ka na magpasa ng papel at umalis na. Muhkang tama naman na ang mga sagot niya, kumabaga satisfied na siya. Inimis na niya ang gamit at pumunta sa harap para ipasa sa propesor nila ang kanyang papel. "Thank you miss San Jose you may go." Ani kanilang propesor. Nagpapasalamat na ngumiti si Julie dito. Binalik niya ang tingin sa mga kaklase at nakitang marami rami pa rin ang kumukuha pa ng quiz. Kasama doon si Trixie na nakita niyang nakatitig lang sa papel sa harap. Lumabas na siya ng kwarto at sa quadrangle dumeretso. Natigilan siya nang makita na nakaupo si Carlos sa isang bench. Itinaas nito ang kamay na para bang sumesenyas sa kanya. Lumapit siya at umupo sa tabi nito habang may maliit na ngiti sa muhka nito. "Hi." Simple at nakangiti na bati ni Julie Anne. "How was the quiz?" Tanong ni Carlos. Julie shrugged. "Okay lang. Muhkang ikaw nadalian ka." Carlos shrugged. "Nag-aral ako eh." "Yabang." Natawa si Carlos at ngumiti pabalik si Julie. "Grabe tumatawa ka din pala." "Oo naman. Hindi naman ako robot." Ani Carlos na may maliit pa rin na ngiti sa muhka. He really was a man of few words and Julie could only be the one to get some words out of him. Bahagyang sumeryoso ang muhka ni Carlos bago ito nagsalita. "Gusto ko lang makatulong kayla mommy." Lumabas nanaman ang pagtataka sa muhka ni Julie Anne at kaagad napansin ito ni Carlos. Huminga muna ng malalim ang lalaki bago nagpaliwanag. "Ako...saka yung kapatid ko...anak kami sa labas." That caught Julie's attention. Napatingin siya kay Carlos na nakatingin pa rin sa kawalan. Nagpatuloy ang lalaki sa pagsasalita. "Kaya kami nakatira sa bahay na iyon. My father is trying to buy our love pero may iba siyang pamilya. Yung unang pamilya niya talaga. He just got my mom pregnant with me. And then my sister was born. Akala niya naging responsable siya kasi biningyan niya kami ng bahay pero kinakahiya naman niya kami. Kaya pagkagraduate ko...I'll climb the corporate ladder. Bibilhan ko ang nanay ko at ang kapatid ko ng sarili naming bahay." He looked so determined as he said all that. Ngumiti muli si Julie Anne. "That's wonderful." "Thanks." Muli ay napangiti si Carlos. Pero sakto ay napatingin ito sa orasan at mabilis na tumayo. "Sorry Jules, gotta go. May class pa. See you later!" Nagmamadali itong naglakad palayo dahilan para maiwan si Julie sa kinauupuan. Siya din ay napatingin sa orasan at nakitang may oras pa bago ang sunod niyang klase. Alam niya na kaklase niya dito si Elmo at si Maqui kaya sigurdo siyang masisiraan nanaman siya ng bait. She thought things to herself. Mabuti pa si Carlos alam na kung ano ang gusto gawin sa buhay. Minsan ganun ba talaga yon? She was so secure of herself, being the daughter of a rich businessman and a business woman, that she hadn't really thought of what she wanted to do. Sa kakaisip niya ay naubos ang oras at pinasadahan na niya ang daan papunta sa susunod niyang klase. At hayun na nga. Nakaupo sa tabi ng usual niyang upuan si Elmo. Busy ito sa pagd-drawing kaya hindi napansin na dumating na siya. Binaba niya ang bag sa upuan na katabi ng lalaki at gulat itong napatingin sa kanya. Pero ang gulat na iyon ay napalitan ng tuwa. Tila ba ang saya saya nitong makita na umupo siya sa tabi nito. "Hi Lahat." "Elmo lumayo ka sinasabi ko sayo at baka ma-PDA nanaman kayo ng best friend ko." They stopped talking when Maqui came into view. Umupo ito sa kabilang side naman ni Julie kaya napapgitnaan ang babae. Yup. Masisiraan talaga siya ng bait ngayon. "Maq, singit ka eh. Don ka sa kabila umupo." "Kapal ng muhka mo po Magalona how to be you po. Mamaya laptsukin mo na lang bigla best friend ko dito edi naksuhan nanaman kayo." "H-hindi ko naman gagawin yon." Tila natameme na sabi ni Elmo at namula pa ang tainga. Kinuha kaagad ni Maqui ang pagkakataon at tumawa habang tiningnan si Elmo. "Nako. Kilig t**i ka sa naiisip mo no? Bawal yan Magalona hindi pa ako handa maging ninang. Pero kapakshetan ah kailangan ako ninang ng mga anak niyo!" "Hindi ko papakasalan si Elmo!" Singit pa ni Julie. Elmo only pouted while Maqui spoke yet again. "Ay ate mong gurl. Sino nagsabi na hindi pwede magkaanak nang hindi kinakasal? Ang kailangan lang dyan isang Versace on The Floor at sharp shooter ng mga tadpole! Ayun bang bang bang buo!" "Miss Farr! What are you talking about?" "Ah...eh. Mr Trinidad." Nautal na sabi ni Maqui bago ngumiti na lamang. "Yung sinasabi ko yung fireworks display sa may village namin kagabi. Bang bang bang ganern." Nagtawanan pa ang iba pa nilang kaklase at umiling na lang si Mr. Trinidad. Alam ng lahat na walang maanalo kay Maqui. Nagsimula ang lesso at sinimulan na din ni Julie na mag jot down ng notes. "Lahat." Bulong ni Elmo. From the corner of her eye, she looked at him. "What?" "Mamaya pa 5 uwi mo diba?" "Ha? Oo bakit?" "Pagkatapos kasi nito uwi na ako. Ito last subject ko for today." At ngumisi pa ang lalaki sa kanya, "O edi congrats." Mahinang tumawa si Elmo at hindi natiis na kinurot ang ilong ni Julie Anne. "Aray ah!" Asik ni Julie at mabilis na gumanti at kinurot ang braso ni Elmo. "A-aray! Lahat naman!" "Ms. Magalona! Mr. San Jose!" "Baliktad sir!" "Oh. uh...Julie! Elmo! Kung gusto niyo magdaldalan you two are free to leave my class." "Sorry po sir. It's my fault po." Ako pa ni Elmo. Hindi na lang pa nagsalita si Mr. Trinidad at nagsimula ulit magsulat at magdiscuss sa board. "Lahat..." "Ano nanaman." Julie gritted her teeth. "Uuwi ka ba kaagad?" "Ha? Oo naman. Wala naman ako lakad eh." Saka napatingin si Julie sa lalaki. "Bakit?" "Ha? Wala lang..." Umiling na lang siya sa sinabi nito. Nakadrugs siguro ang lalaki o ano. Natapos ang klase at nagmamadali siyang pumunta sa susunod niya pa. Habang si Elmo at Maqui ay parehong pauwi na. Medyo tinatamad na siya. Malapit na kasi ang exam, tapos ay sembreak na. Kaya naman kakaunti na lang ang binibgay ng mg professor na gawa. Sa wakas nang sumapit ang alas singko ay makakauwi na siya. "Julie!" Natigilan siya sa tumatawag sa kanya at nakita si Carlos na kumakaway mula sa may sakayan. Nung una ay muhkang nahihiya pa ito magtanong pero sa wakas ay nagsalita naman. "O-okay lang ba na magmeryenda tayo saglit?" Natigilan si Julie. But she saw how Carlos looked at her and finally nodded her head. Dinala siya nito sa isang maliit na parang diner. Muhkang malinis naman ang lugar saka first time niyang makakakain doon. "Ang mura dito ah." Nakangiti na sabi ni Julie habang tinitingnan ang price ng pagkain. Carlos smiled back at her. "Kailangan eh. Mas tipid." Kaagad silang kumain nang dumating na ang food. "Ang sarap ah." Ani Julie sa kinakain na palabok. "Ang cute mo kumain." Ngiti ni Carlos. Julie tensed at that but Carlos didn't back down. He smiled at her and wiped a spot of sauce from her face. Saka napagtanto na hindi pa rin pala tumitigil sa panliligaw si Carlos. It was subtle but this was what he was doing. "Carlos, I hope I'm not leading you on with this. Kaibigan kita. Enjoy ka makausap--" "I know." Carlos said softly and he still had that smile on his face. "Gusto ko lang naman makasama ka." Bahagyang nawala ang ngiti sa muhka nito at seryoso na nakatingin na ngayon kay Julie Anne. "I was just hoping...you know? Baka sakali makalimutan mo na si Elmo?" He let the sentence linger until it transformed itself into a question. Masinsinan na tiningnan ni Julie ang lalaki sa harap niya. Kung tutuusin, Carlos would be the one people would choose. He was hard working, smart, loves his family and knows what to do with his future. Kumpara mo kay Elmo na marami nang beses na may ginawa sa kanya. Ilang beses na siya pinaiyak. But then again...would she be feeling those things if she didn't care? "Nakikita ko na nagiisip ka." Sambit ni Carlos. He looked both nervous and hopeful. All these feelings. Being with Elmo again... She looked back at Carlos and she saw in his eyes that he knew too. "Well... I tried." Carlos smiled softly. "It was a lost cause but you're worth it Jules." Julie reached out and placed her hand on top of Carlos'. "You'll find her Carlos I assure you." Carlos smirked but smiled her way. "Go to him." Hindi na siya kailangan sabihan pa ng pangalawang beses. Sumakay na si Julie sa kotse niya at umuwi sa kanila. Pagkababa ay derederetso siya sa bahay ng mga Magalona pero kaagad siyang hinarangan ni Maqui at Frank. Aba at magkasama ang dalawa. "Whoops. Wrong way bes." Ani Maqui na nakaharang pa rin ang mga kamay sa harap ni Julie Anne. "What? I need to talk to Elmo, Maq..." "Pasok ka sa inyo Jules." Sabi naman ni Frank. Nalilito na tiningnan ni Julie ang dalawa pero walang magawa at naglakad papasok ng bahay. She looked back at Maqui and Frank before fully entering their house. She gasped when she saw Elmo standing there with a box of cupcakes. Cupcakes na muhkang sira sira. "Hi Lahat." Ani Elmo at nahihiyang pinakita ang box. "I now understand why you love baking. Hindi lang siya parang pagluluto na lagay dito, dagdag ng kaunti. Kailangan sakto siya." Binigay ni Elmo ang box. Tinanggap ito ni Julie at nakitang hindi pantay ang pagkabake at ang iba pa nga ay kulang sa luto. "I learned that you had to work hard when you bake. That's why the first batch didn't come out right." Saka nakita ni Julie na naglalabas ito ng isa pang box. What was inside were better looking cupcakes. "I think. If you try hard enough and work your way and do things right. Things will come out better." He gulped and looked at her. "I did things wrong before Lahat. Here's me hoping that I'm doing things right this time." Tiningnan ni Julie ang lalaki. Seryoso lang ang muhka niya habang si Elmo ay muhkang kinakabahan pa rin. What she did was she set the first box down before opening the one Elmo was holding. She grabbed a cupcake inside. Pinagaralan niya itong maigi bago kagatan. Elmo waited with bathed breath. Kinagatan ni Julie ang cupcake at dahan dahan na ngumiti. "Masarap ah." Then she reached out to hug Elmo close. Even though surprised, Elmo wrapped his arms around her and even kissed her hair and forehead. From then on they had a silent agreement. "Ikaw lang pwede mangligaw sa akin." Ani Julie bago bigyan ng halik sa pisngi si Elmo at matamis itong nginitian. "Frank saluhin mo si Elmo baka himatayin!" =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o AN: E ang haba nanaman nung chap hahaha I think this one is longer. I think lang hahaha! Wadya guys think? Orada na ba ito? Hahaha! Thanks for reading! Comments please! Sabi sa inyo kapag natuwa ako sa comments eh napapaupdate talaga ako. mwah mwah peeps!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD