Elmo looked intently at Julie who was still sitting on the rock. Madilim ang paligid at ang tanging ilaw nila ay mula sa maliit na awang sa dulo ng mismong kweba.
He then looked somberly at her and caressed her face. Julie gasped at the contact but she didn't move.
"I'm sorry if I make you feel this way Lahat." Mahinang sabi ni Elmo. Malalim ang boses ng lalaki habang deretso ang tingin sa kanyang mga mata. "I have to work hard to earn your trust again and I understand why you would be feeling this way. But I don't feel that way about Tiffany. I can assure you that." Dumeretso na ito ng tayo at itinapat pa ang flashlight sa dadaanan nila bago ibigay ang kamay para kunin ni Julie. "Let's go? Naiwanan na tayo ng grupo."
Julie looked back at him, seeing the small smile on his face before placing her hand in his.
He gave it a good grip before slowly navigating her through the terrain.
Napapahawak din si Julie sa braso ng lalaki para alalayan ang sarili at dahil doon ay napasadahan ng mga daliri niya ang galos nito.
"Elmo wait. Gamutin muna natin yung galos mo. Baka ma-infect."
"It's just a scratch Lahat." Ani Elmo. "Baka mahuli na tayo. Medyo naririnig ko na yung iba pa nilang yapak."
"No Elmo. Malalim o. I think some rocks got you." Pilit pa ni Julie.
Tumigil na nang tuluyan si Elmo at hinayaan nito na paupuin siya ni Julie sa isang malaking bato.
"May alcohol ako dito." Ani Julie sabay labas mula sa belt bag niya.
Mahinang ngumiti si Elmo. "May alcohol ka pero wala ka flashlight?"
Sinimangutan ni Julie Anne ang lalaki at ngumisi lang ito sa kanya. "Joke lang Lahat."
"Give me your arm." Simpleng sabi ni Julie Anne. Inabot naman ni Elmo ang braso.
Ngumingiwi ito nang lagyan ng kaunting alcohol ni Julie ang braso. Sunod ay pinunit ni Julie ang ibabang bahagi ng kanyang suot na tshirt para itapal sa sugat ng lalaki.
"Lahat you don't have to do that."
"Hindi pwede ma-infect ang braso mo Elmo." Sabi pa ni Julie. "Ewan ko ba kung bakit ang accident prone mo eh."
"Diba ikaw dapat yung madadapa?" Pangaasar pa ni Elmo. "Aray!" Napahiyaw ito nang diinan pa ng alcohol ni Julie ang sugat niya.
He pouted her way and she just smiled before standing up. "Come on, I'd hate for you to get an infection. Tara?"
Pero tinitigan lang siya ni Elmo matapos niya sabihin iyon. Napakunot ang noo niya habang binabalik ang tingin sa lalaki.
"Hey, what's your problem?"
Pero hindi muna sumagot si Elmo at tiningnan lang siya. Maya maya ay mag-isa itong napangiti sa sarili at tinatago pa ang muhka. Dahil nakalakad na din sila ay may kaunting liwanag na sa lugar dahilan para mapansin ni Julie ang pamumula ng tainga ni Elmo.
"Okay ka lang ba?"
"H-ha? O-oo oo...ah..o-okay lang ako." Tumayo na ito at inayos ang ginawang benda ni Julie Anne bago ngumiti sa babae. "Let's go" hindi na nito hinintay pa na magsalita ang babae bago kunin ang kamay nito.
Sinigurado ni Elmo na hindi magagalusan si Julie Anne habang patuloy silang naglalakad papasok sa mga kweba. Partida di kagaya ng mga kasama nila ay wala silang guide dahil nga nahuli sila.
"Lahat look!" Biglang sabi ni Julie Anne.
Minsan ay hindi niya napapansin na ganun pa rin ang tawag niya kay Elmo. Force of habit.
Nasa may patag na bahagi sila ng kweba. Puro putik nga lang at kaunting agos ng tubig. Pero sa gitna ng putik ay may tumubong maliit na bulaklak dahil na rin siguro sa maliit na awang sa ibabaw na bahagi dahilan kaya ito naarawan.
Mag-isang ngumiti si Julie habang bahagyang lumuluhod para tingnan ang bulaklak. Kahit na napapalibutan ito ng dumi, putik at kadiliman ay umusbong pa rin ang kagandahan nito.
Julie smiled wider as she gazed at the flower. "Lahat, ang ganda o." She said and gave one glance just as she saw Elmo putting his phone down.
Natulala siya. Was he taking a picture of me?
Pasimple na tinago ni Elmo ang telepono sa bulsa ng suot na jogging pants at tumabi kay Julie para tingnan ang bulaklak.
"Kahit na mahirap, nagawa pa rin niyang tumubo no? Yung mabuhay? Kahit siguro nahirapan nagsikap pa rin para matuloy." Bulong ni Elmo habang nakatingin pa rin sa bulaklak. Silence enveloped them until they slowly turned to each other.
Ngayon lang ata ulit sila nagkalapit ng ganito. Kitang kita ni Julie Anne ang sarili sa mga mata ng lalaki. Kita niya kung ano ang ekspresyon niya sa muhka. Puno ito ng lungkot na may halong pag-asa.
"You're worth everything Lahat." Bulong pa ni Elmo. "Wala ako pake kung paghirapan ko man. If it leads to being with you then everything will be worth it."
"Elmo..." Tanging bulong ni Julie. Sometimes you can't fake feelings just like that. And it was something about Elmo's eyes. They reflected too much of hers.
His eyes traveled down to her lips but he didn't move. He just breathed in and started pulling away when Julie reached with both hands and planted her lips on his.
Though surprised, Elmo closed his eyes and held both of her hands as he answered back.
Halos maubusan na silang dalawa ng hininga at si Elmo ang unang lumayo. Pareho silang hinihingal habang hawak ni Elmo ang balikat ng babae.
"L-Lahat, I-I'm sorry, I shouldn't have taken advantage of you like that."
Tuluyang namula ang muhka ni Julie at siya ay nag-iwas ng tingin. "N-no. It was all me. I'm sorry." Sa sobrang hiya ay nagsimula siya maglakad palayo. Ngunit sa bilis ng paggalawa niya ay kamuntikan nanaman siyang madulas kung hindi pa siya sasaluhin ni Elmo.
"Careful Lahat!" Elmo yelled.
Napaupo ang lalaki sa putikan habang si Julie ay napakandong dito.
"Nandito ata sila!"
Ang tunog ng mga lagabog na paa ang sunod nilang narinig. At bago pa sila makagalaw ay siyang dating ng mga kaklase nila.
Si Eina ang una nilang nakita at napangisi pa ito sa kanila.
Sunod ay si Trixie na ang nasa likod ay si Carlos. Lahat ay muhkang gulat na gulat at nagaalala.
Tahimik lang silang lahat hanggang sa nagsalita si Trixie. "Pucha! Pinagalala niyo kaming dalawa tapos maglalampungan lang pala kayo?!"
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
After lunch din nang maikot nila ang buong trail. Sa dami nila ay hindi ganun kabilis ang pagusad nila. Binalikan pa si Julie at Elmo. Pagka-exit ay bumalik sila sa bahagi ng batis na maraming puno para na rin makatago sila mula sa init ng araw. Mabuti na lamang at kahit papaano ay mayroon silang masisilungan. Pero napansin din nila na parang naiipon ang mga ulap. Saglit lang at nakakaramdam na din sila ng kaunting ambon. Sana wag tumuloy sa ulan.
Tahimik lang sa isang tabi si Julie. Hiyang hiya siya sa sarili. She practically attacked Elmo! Masyado siya nagpadala sa damdamin at sa sitwasyon. Ni hindi na nga niya matingnan ulit ang lalaki nang sunduin sila ng mga kasamahan.
Dumikit siya kay Trixie hanggang sa makalabas na sila ng kweba.
At ngayon heto at nagtatago pa rin siya kay Elmo. Nakaupo siya sa ilalim ng puno. Ang iba pa nilang kasama ay enjoy na naliligo sa batis. Ang iba naman ay sa public CR pinili maligo.
Dumaan si Elmo sa harap niya bago umupo sa tabi.
She tensed as she felt his heat beside her. Nahihiya pa rin talaga siya.
"Uhm, Lahat?" Tawag nito.
Kahit ayaw ay hinarap niya ito at tumingin sa kaliwa.
"Pwede pa bendahan ulit yung sugat ko?" Parang nahihiya pa na tanong nito. May dala na itong plaster na marahil ay dala nito sa kotse.
Tumigil na ang pagdurugo pero hindi pwedeng hayaan pa rin na ganun na lamang iyon.
Kinuha na ni Julie ang mga dala pa na gamit ni Elmo at sinimulan gamutin ang sugat ng lalaki.
Nang matapos ay sinigurado niya na malinis ito. "There...all done." She smiled softly. Nahihiya pa rin siya pero siguro it was a good sign naman na siya ang unang linapitan ni Elmo hindi ba?
"Thank you Lahat." Sabi muli ni Elmo at hinaplos ang muhka niya. He softly looked at her and she was both tensed and comforted at the contact. "S-sorry kanina p-pala." Tila kinakabahan na sabi nito. "I shouldn't have taken--"
"You didn't take advantage of me." Mabilis na sabi ni Julie Anne. She looked at the ground for a while before looking back at Elmo. "But can we forget that it happened?"
Elmo looked back at her, a serious look on his face. "I don't think I can. Not when I felt your lips again." He caressed her face again. "Remember Lahat, you're worth everything. Titigil na lang siguro ako kapag ikaw na mismo nagsabi. When you say it to my face." Tumayo na ito at naglakad pabalik sa kotse.
Mag-isang nanatili si Julie sa kinauupuan. Kahit anong pigil niya ay ayaw mawala ang ngiti sa muhka niya. Nahihibang na ata siya.
"Ganyan ka makangiti ngayon."
Natigil siya nang may lumabas mula sa likod ng puno at iniluwa noon si Tiffany. Mabuti sana kung parang diawata ang pagluwa kaso hindi eh. Nakakatakot eh.
Tiffany's arms were crossed as she looked at Julie. "Ganyan din naman sa akin ka-sweet si Elmo, Julie Anne. Paano kung iwan ka lang din niya sa ere kagaya ko?"
"Excuse me Tiffany!" Biglaang singit ni Trixie na nasa tabi tabi lang pala. "Walang wala yung ginagawa ni Elmo sayo, sa ginagawa niya kay Julie. Sweet talaga siya kay Julie! Mabait lang siya sayo! At wag ka nagfefeeling---"
"What's going on?"
Natigil ang litanya ni Trixie nang lumapit sa kanila si Elmo.
Nakakunot ang noo nito na nagtataka sa nangyayari.
"It was nothing." Mabilis na sabi ni Julie at naglakad palayo. Ayaw niya ng gulo.
"Ayan Elmo. Gusto mo ba talaga kay Julie? Binabalewala ka lang!" Sambit pa ni Tiffany. "She took you for granted once! And she will again!"
Sa sinabi nito ay natigilan si Julie at binalik ang tingin sa kanila. Reresbak na sana siya nang muling magsalita si Elmo. "She can do all she want Tiffany." Mahinahon na sabi ni Elmo. "She'll still have me." Napabuntong hininga ito bago tingnan ang babae. "Look Tiff, we're good friends. But that's just it. I'm sorry if I led you on wrong. I tried. You're not like this. You're good and interesting to talk to. But please...I'll always come back to Julie."
Naiipon na ang mga luha sa mata ni Tiffany pero hindi nito hinayaan na malaglag ang mga iyon.
Naglakad na lang ito palayo at napatungo si Elmo habang umiiling.
Pero humarap din ito kay Julie at nagbigay ng maliit na ngiti. "Are you ready to head on home?"
"Dapat makaalis na tayo." Sabi ni Trixie. "Muhkang uulan pa naman."
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Napatalon si Julie sa kinauupuan sa loob ng kotse ni Elmo. Paano ba naman sunod sunod na ata ang kidlat habang nagbabaybay sila.
"E-Elmo can we stop for a while."
Nagaalalang tiningnan ni Elmo ang dalaga. "But Lahat we have to get home. Lumalakas ang ulan."
"Nakakatakot yung daan eh."
Ang kaninang ambon lamang ay naging ulan na. At malakas ang ulan. Mabuti na lamang at walang kasamang hangin pero dahil papagabi na ay delikado pa rin na bumaybay.
Nakita ni Elmo na nanginginig na din sa lamig at takot si Julie Anne. Kilala niya ito mula bata pa sila at alam niyang may takot ito sa kulog.
"Okay Lahat." He held her hand reassuringly.
Nagpark si Elmo sa isang malapit na kainan. Ayun na kasi ang pinakamalapit na pwede nilang silungan. Rest stop din ito sa mga bumabaybay sa daan na iyon galing sa mga dulong probinsya. Hindi lang sila Julie at Elmo ang kinakailangan sumilong. Dahil isang tour bus ata ang doon din napagdesisyunan na tumigil saglit.
"Manang pabili po ng dalawang goto." Sabi ni Elmo sa tindera sa may canteen ng rest stop. Medyo nanginginig na ito sa lamig dahil nakasando pa rin siya at wala naman siyang dalang jacket. Hindi talaga nila ineexpect na uulan ng ganito.
Umupo na si Julie sa isang bench at dinala naman ni Elmo ang biniling pagkain.
"Thank you." Sabi ng babae. Nagsimula na sila kumain nang tumunog ang telepono ni Julie.
It was her mom. Kaagad niya itong sinagot at binaba muna ang hawak na kutsara.
"Ma? Opo. Tumigil kami saglit. Wala po makita sa daan eh. Opo opo. Ha? Dito po sa may rest stop. Medyo malayo pa po eh. What? Uh...okay sige sige. Sige mommy." Balisa na binaba ni Julie ang tawag at kaagad naman tinanong ni Elmo kung bakit.
"Are you alright Lahat? What did your mom say?"
Sasagot na sana si Julie Anne ang kaso ay napabahing si Elmo.
"Uh. s**t. I'm sorry." Ani lalaki na naiwas naman ang muhka nang mabahing.
Nagaalalang tiningnan ni Julie ang kaibigan. "Wala ka ba ibang pamalit?"
Umiling si Elmo. "This is the last one. Yung isa yung naputikan eh."
Napabuntong hininga si Julie. "Well. Mom said we should find a motel or something. Wag na daw tayo bumyahe at delikado pa."
"Ineng meron kami mga kwarto dito. Kaso kung ako sayo kumuha na kayo ng boypren mo at yung mga nagtotour e dito din ata makikitulog."
"Ako na..." Ani Elmo. Mabilis itong tumayo at nakipagusap sa may front desk ng rest stop.
Ang matandang babae na nagbigay sa kanila ng pagkain ay nakatingin pa rin sa kanya. "Swerte mo maalaga iyong boypren mo no? Ang iba kasi palibhasa sila na eh hindi na sweet."
Hindi na lang umimik si Julie Anne.
Pansin niya ay medyo natagalan si Elmo. Ano naman kaya ang nangyari doon?
"O ayan na pala siya."
Gulat na lang ni Julie nang sumilong muli sa karinderya si Elmo. Dala dala na nito ang mga bag nila pero basang basa ito sa ulan.
"Lahat! What'd you do?"
"Kinuha ko na yung mga gamit." Elmo explained. "Ginamit ko lang yung bag ko na pampasilong kaso lakas talaga ng ulan eh."
"Nako e magpahinga na kayong dalawa at lumalakas pa lalo ang ulan."
Kaagad namang kinuha ni Julie ang sariling gamit mula kay Elmo kahit ayaw pa pumayag ng lalaki. Paakyat pa lang sila sa narentahan na kwarto ni Elmo ay bahing na ito ng bahing.
"Nako Elmo! Bakit ka kasi nagpabasa! May dala akong gamot inom ka pagkapasok mo sa kwarto mo."
"Natin..."
Kaagad na napatingin si Julie sa lalaki. "Huh?"
"Kwarto natin. Wala na silang kwarto na iba. Muntik na nga maubos buti nakakuha pa ako. Tama si manang dito din matutulog yung mga nag tour. E hindi naman ito hotel kaya kakaunti lang din rooms nila."
Pinakalma ni Julie ang sarili. Sa iisang kwarto lang sila ni Elmo?! Hindi pwede! Dati ay okay lang. Wala pa malisya kahit pareho silang makatulog sa tree house. Pero iba ito. Ang kaso wala naman siya magagawa. Napagod din siya sa activities nila kanina.
So kunwari ay nagkibit balikat na lamang siya at pumasok na sila sa binigay na kwarto.
Maliit lang ito pero malinis naman. Pang rest stop lang talaga at tipong motel kung sa states ibabase.
Isa lang ang kama. Isa lang ang kama. Isa. lang. ang. kama.
Pinipigilan ni Julie na hindi magkapanic attack. Pasimple siyang nagdesisyon kunwari na magbibihis muna.
Binaba ni Julie ang gamit sa desk malapit sa pinto ng banyo. Kinuha niya ang dala niyang pampalit. Bumabahing bahing pa rin si Elmo nang pumasok siya at makapagbihis. Nagpunas din siya ng katawan at hinandaan ng tubig si Elmo.
"Lahat, nakahanda na yung tu--"
Natigilan siya nang makita na naglalatag ng kumot sa sahig si Elmo. Wala na itong pantaas at tanging ang jersey shorts lang ang suot.
"What are you doing?" Tanong niya dito.
Tiningnan siya ni Elmo na napatingin muli sa ginawa nitong "kama".
"Pagod na ako Lahat eh. Dito na ako matutulog--"
"Ang laki nung kama o." Diba Julie Anne dapat masaya ka na ito na ang nagkukusa.
Ngumiti lang bilang sagot sa kanya si Elmo. Pansin ni Julie na medyo namumula na din ang ilong nito.
"Maligo ka muna doon." Ani Julie. "Ikaw ang nabasa ng ulan. Kailangan malinisan ang katawan mo." Inayos nito ang ginamit na twalya.
Tumango si Elmo at pumasok na sa loob ng banyo. Hinalungkat ni Julie ang bag ng lalaki at inilabas ang huli nitong shorts. Buti pa shorts marami ito dala pero pantaas wala. Napailing na lamang siya sa naisip. Linapag din niya ang baon niyang gamot at tubig sa may desk.
Matapos mag-ayos ay nahiga na siya sa kama. Nakatalikod siya sa banyo at kinukuha na ng antok nang marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo. Marahil ay tapos na si Elmo maligo.
Hinarap niya ito at kaagad na iminuwestra ang kama.
"Dito ka na. Maglagay na lang tayo ng unan sa gitna." Ani Julie.
At dahil nakita ni Elmo na hindi magpapatalo ang babae ay tumango na lamang siya. Tumalikod na si Julie at hinayaan ang sarili na kumalma. Masyado marami ang nangyari sa araw na ito.
Pinikit niya ang mata niya pero paano siya matutulog kung nararamdaman niya ang init ng katawan ni Elmo sa tabi niya. Bago pa niya mapigilan ang sarili ay umikot siya. Hindi na rin naman siya nagulat nang makita na nakaharap din si Elmo.
"Sleep Lahat." Sabi ng lalaki. Medyo ngongo na ito. E default na ngongo na nga ito magsalita eh.
"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ni Julie.
Tumango ang lalaki at ngumiti. "Tulog ka na."
"You should be the one sleeping. Nagkakasakit ka na. Rest. Ako na din magd-drive bukas. At hindi ka aangal."
Elmo smiled at her. "Okay Lahat."
Sinara na nito ang mga mata at gumaya naman si Julie.
Pero kalagitnaan ng gabi ay nagising si Julie dahil nararamdaman niya ang lamig. At muhkang hindi lang siya. Pati si Elmo ay nanginginig na sa lamig. Pero nakapikit pa rin ito.
Wala sa sarili na inabot ni Julie ang lalaki at siniksik ang sarili. Magkatabi naman na sila sa kama eh.
Naramdaman niyang nagulat si Elmo pero yinakap din siya pabalik.
"Thank you for taking care of me Lahat." Ani Elmo. He tangled his legs with hers just to get more heat. "It's no wonder it's not hard to love you..."
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
AN: Ang haba nung chapterrrr haha! Anyways! I hope you guys like it! Wadya think? Comments please? With votes? Hehehehe Thank you!