"Nasa zoo ba tayo o ano?" Inis na sabi ni Nadine habang nakaupo sa mga waiting sofa.
Kasalukuyan silang nakaupo sa boutique na pagmamayari ng isang sikat na fashion designer.
And being in the starlight world, kakilala ito nila Angel.
Siyempre ang bride to be ang una nilang sinusukatan kaya silang mga abay ay naghihintay muna.
Ang girls ay sa isang side ng boutique habang ang boys naman ang sa kabila.
"Nako pakiramdam ko talaga si Angel ang magiging pinakamagandang bride ever!" Kinikilig na sabi ni Jennylyn.
"Naman! Grabe ang tagal ko hinintay na ikasal na sila ni Richard." Sabi naman ni Bubbles, isa pa sa mga kaibigan ni Angel.
Sabay na tumingin ang dalawang babae sa grupo ng mga kabataan. Siyempre ay close din ang mga ito kay Angel kaya lahat sila imbitado.
Ay kahit ngayon pa lang nila naging kaibigan si Bea ay inimbitahan din ito ni Angel.
"Bakit ka nakasimangot Nadine?" Tanong ni Bea.
"Eh kasi." Simulani Nadine habang pasimple na tumitingin sa mga tao sa boutique. "Bakit ba ganyan sila makatingin?"
"Kasi magaganda tayong lahat." Proud na sabi ni Bubbles at tumabi pa kay Nadine sa sofa.
"Bet ko yan ate Bubbles. Totoo naman eh." Kibit balikat na sabi ni Maqui.
Tumawa si Julie na nakaakbay din kay Maqui.
"Bes bakit nakasalamin ka pa? Hindi ka ba mahihirapan magpasukat?"
"Lahat, yung case ng glasses mo nandito sa bag ko ah. O yung gamot mo sa pagkahilo nandito din sa akin."
Sabay sabay silang napatingin sa nagsalita at nakita na papalapit sa kanila si Elmo. Hindi ito nakatingin sa kanila dahil masyado ito abala sa paghalungkat sa hawak na duffel bag.
Kagaya ni Julie ay nakasalamin ito dahil pareho silang malabo ang mga mata.
Saka naman napatingin si Elmo nang walang sumagot.
Lahat ng kababaihan ay nagtatakang nakatagilid ang ulo habang deretso na nakatingin sa kanya.
"What?" He asked.
At syempre ay si Maqui ang umarangkada.
"Ngayon ko lang nalaman na gusto mo din pala maging babae Elmo, kaya pala hindi kayo pwede ng best friend k--"
"Wait wait wait a minute." Pigil ni Elmo sa sinasabi ni Maqui. "Sino naman ang nagsabi na gusto ko maging babae?"
"E sa bakit ka nandito?" Mataray na sambit ni Maqui habang tumatawa ang iba pa nilang kasama.
Kunot noo si Elmo pero sumagot din naman. "Lumalabo na daw kasi mata ni Lahat kaya siya nahilo nung isang araw. And she needs to get her prescription again later." Sabi pa ni Elmo sabay bigay ng tubig kay Julie.
"O Lahat you drink your water muna."
Tinanggap naman ni Julie Anne ang tubig kahit na muhkang natatameme sa pinaggagawa ni Elmo.
"Teka nga teka." Singit ni Jennylyn. "Ang alam ko e hindi naman kayo ang magjowa ah." Sabi pa nito na may maliit na ngiti sa labi. Kumbaga ay halata na nanloloko.
"Basta she needs tubig." Sabi pa ni Elmo na napapailing pero nagiba ang muhka at napangiti nang tumingin kay Julie. "Inom ka na Lahat. May cookies din ako dito kung gusto mo ng makakain."
"Kami Elmo hindi mo bibigyan?" Natatawa na tanong ni Tippy.
"Pakuha kayo sa mga boyfriend niyo." Asar pa ni Elmo.
At natawa lalo ang mga babae.
"E ikaw nga hindi ka naman boyfriend ni Julie eh." Tawa ni Nadine.
Si Joyce ay humahagikhik na nakakapit na kay Nadine habang si Bea ay nakangisi kay Elmo.
"In fairness Elmo. Sige lang go lang ng go."
Imbis na maasar si Elmo ay ngumiti lamang ito sa kanila. "She's still my Lahat no matter what you guys say."
"O tama na yan! Sa sobrang kilig hindi na makapagsalita si Julie!" Ani Bubbles.
Dahil doon ay tumingin silang lahat kay Julie na kung pwede lang ay magtatago na sa likod ni Maqui. Namumula na talaga ang muhka niya.
Hindi rin alam ni Julie kung ganun dahil nahihiya siya o dahil kinikilig siya. Pinapaniwala niya sa sarili na ang una ang dahilan.
"Julie magsalita ka naman!" Ani Tippy at mahinang kinurot pa ang tagiliran ni Julie Anne.
"Th-thank you." Sabi ni Julie kay Elmo na ngumiti lamang.
"Walanjo, di ko ma-take yung "th" ni Julie. Bes, baluktot ng dila mo! Kapag nagkaanak kayo ni Elmo tangina tagalog ko kakausapin nang matuto naman!"
"Are the ladies in waiting ready?!" Natigilan ang usap usapan nila nang lumabas si Ismael, ang sikat na designer.
May malaking ngiti sa muhka nito at kumikinang ang mga mata habang tinitingnan silang lahat. "Aba aba. So unfair girls, walang pangit sa inyo! Oh this is going to be so fun!" Natigilan ito nang makita doon si Elmo na busy sa pagayos ng gamit ni Julie sa isang tabi.
"And who is this handsome young man?" Tanong pa ni Ismael.
Natawa silang lahat at sabay na unikot naman ang mata ni Maqui bago sumagot.
"Nako sir. Wag niyo po pansinin. Aso po yan ng best friend ko. Kaya laging nakasunod."
"Maq naman." Pigil ni Julie sa kaibigan.
At dahil doon ngumisi si Maqui. "Ay ayaw mo ba ng aso? Tawagin na lang nating boyfriend mo ganern?"
"Maqui naman eh." Julie pouted yet again.
"Hintayin na lang namin kung kailan mo sagutin si Elmo, Jules." Nakangiti na sabi ni Bea.
"O tara na. Mamaya na ang ligawan at susukatan ko na kayo." Sabi naman ni Ismael.
Apparently tapos na si Angel sukatan pero hindi siya pinapakita sa kanila. Sa araw na daw mismo ng kasal makikita ang gown.
At dahil si Julie ang magiging maid of honor, siya ay unang susukatan.
Pumasok si Julie sa loob nang isang malaking sukatan pa na kwarto. Apart from Ismael ay may dalawa pang babae na muhkang ito ang mga magaassist sa pagsukat sa kanya.
"Up on the podium please my dear." Ani Ismael.
Tumayo naman si Julie sa taas ng sinasabing podium at mahinang ngumiti sa designer. Medyo kinakabahan siya pero she was in good hands naman. Her Ate Angel trusted Ismael and there was no reason for her no to trust the man.
Umikot muna ito habang tinitingnan ang pigura niya.
"Bagay ang red na theme sa skin tone mo my dear. Maganda ang pagkaputi mo. Hindi ka masyado putlain except sa face part. Will you take off your glasses for me please?"
Tinanggal naman ni Julie Anne ang suot na salamin.
Ngumiti muli si Ismael. "Ang ganda ng muhka ng batang ito. Kunan na ng measurements yan. Kaya naman pala in-love na in-love iyong lalaki doon sa labas sayo."
"Ah. Hindi po. Nahihibang po iyon. Hindi po talaga siya in-love sa akin." Ani Julie.
Tiningnan muna siya ni Ismael bago natawa. "Nako iha, kamo papalitan mo na yang salamin mo. Baka nga mali na ang grado. Ang sa tingin ko kasi ay in-love nga talaga ang lalaking iyon sa'yo."
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
"Maq! Bakit naman hindi ka makakasama?"
"Ate mong gurl! Linalagnat ako! Isasama mo pa ako!?"
Napalabi si Julie habang hawak ang kanyang cellphone. Heto at naghahanda siya para sa trip nila sa Biak na Bato. At dahil tinatamad siyang magdrive, umasa sana sila ni Maqui na makikisabay na lamang sila kay Elmo.
"Hindi ka naman kakainin niyan ni Elmo! Unless na lang gusto mo..."
"Maq!"
"HAHAHAHA papagaling na ako bes! Love you! Maraming picture ah!" Kahit na may sakit e ang sigla pa rin ni Maqui. Hindi tuloy alam ni Julie kung totoo bang linalagnat iyon o hindi.
"Julie Anne! Ito na baon mo o! Binaunan ko na din si Elmo! O meron ditong sandwhich. Pakainin mo habang nagd-drive ah! Saka wag mo masyado tulugan. Kausapin mo din para hindi masyado makatulog."
Patagong inikot ni Julie ang mga paalala sa kanya ng kanyang ina. Yung totoo sino ba anak siya o si Elmo? Nakakainis eh.
"Opo na ma." At humalik na si Julie Anne sa ina.
Inaantok na tiningnan naman sila ni Ian. "Bunso, tuloy ba talaga kayo? Kinakabahan ako baka ulanin kayo eh. Sabi pa naman baka may dumating na bagyo."
"Mainit ang panahon mahal ano ka ba." Ani Laura at hinalikan sa pisngi si Julie.
Beep beep!
"O ayan na si Elmo!"
Sabay din na lumabas mula sa bahay si Laura at Ian habang bumababa na ng steps si Julie. Nakasuot siya ng simpleng shirt at jogging pants.
Lumabas mula sa kotse si Elmo. Naka-cap ito at kumakaway pa sa magulang ni Julie. Ito na din ang kumuha sa dalang backpack ni Julie at ipinasok ito sa likod.
"Ingatan mo si bunso, Elmo ah!"
"Opo tito!" Kaway pabalik ni Elmo kay Ian.
Pumasok na si Julie sa loob ng kotse ng lalaki. Nakasimangot na ibinahagi niya ang balita. "Hindi makakasama si Maq, may sakit."
"What?" Nagaalalang tanong naman ni Elmo. "Ano nangyari?"
"May lagnat. Ipapahinga na lang niya itong field trip." Sagot naman ni Julie Anne.
"Well, we better get going then." Tumingin sa likod si Elmo para imaneubra ang kotse at bumusina pa sa magulang ni Julie bago tinahak ang daan papunta Bulacan.
"Tulog ka muna Lahat para naman makapahinga ka."
"Nakatulog naman ako ng maigi. Saka baka makatulog ka pa. Okay ka na ba magdrive ng malayo?" Hindi pa naman ganun katagal simula nang maaksidente si Elmo noon. Mabilis lang na nabilhan ito ng kotse kaya hayun at nagmamaneho nanaman.
"One accident won't hinder me." Ngiti ni Elmo sa kanya. Parang may ibang gusto sabihin si Elmo sa binibigay nitong ngiti kaya nag-iwas na lamang ng tingin si Julie Anne. Parang gusto niya magback out at gumawa na lang din ng reflection paper. Kaso hindi na pwede dahil ito nga at nasa high way na sila.
"Elmo ito itong direksyon na 'to."
"Hindi ko alam na backseat driver ka pala Lahat."
"For your information ay nasa passenger seat ako."
Kanina pa sila nagaaway sa direksyon. May ibang route si Elmo na gusto kunin samantalang si Julie naman ay ang traditional na route ang gusto gawin.
"O ito magw-waze na talaga ako wag ka na aangal!" Asik ni Julie.
Nanahimik na lang si Elmo pero mahinang bumubulong bulong habang binubuksan ni Julie ang kanyang app.
"May sinasabi ka?"
"Wala po." Mukmok pa rin ni Elmo habang nagd-drive At dahil si Julie ang boss ay sinunod na nila ang app ng babae.
Kaya hayun at ala sais y media pa lamang ng umaga ay nakaabot na sila sa park grounds. Hindi gaano karami ang tao dahil hindi naman panahon ng trekking pero nakita na nila ang iba pa nilang mga kaklase na nandoon.
"Hi Julie! Hi Elmo!" Maligalig na bati ni Eina sa kanila.
Nakasunod sa babae si Carlos na nagbibigay ng maliit na ngiti kay Julie Anne.
"Saktong sakto yung block natin para doon sa tour!" ani Eina.
Natigilan si Julie nang makita na nandun din pala si Tiffany. Kausap nito si Zara kaya nakatalikod ito sa kanila pero kahit sa likod pa lang ay kilala na ni Julie ang babae.
"Grabe te no."
Muntik na mapatalon si Julie sa nagsalita sa tabi niya at nakita niyang nandoon si Trixie.
"Lahat, ayusin ko lang gamit natin sa kotse ah." sabi naman ni Elmo.
Tiningnan muna ni Trixie si Elmo na papalayo na bago harapin muli si Julie Anne.
"Te tingnan mo naman si Tiffany. Nagpekpek shorts pa! E jusmiyo hipon ang peg niya!"
"Trix." Saway pa ni Julie sa kaibigan.
Nailing na lamang si Trixie at sakto ay nakabalik na si Elmo mula sa kotse.
"Start na tayo!" Maligalig na sabi ni Eina. Muhkang ito ang magiging leader sa trekking nila na ito.
"Arkila tayo ng batang tour guide okay lang yan."
"Sundan niyo lang po ako ate kuya!" sabi ng bata. Mura lang naman daw ang magiging bayad sa kanya eh.
"Mas maganda po kung buddy system tayo."
"Julie ako na lang buddy mo." Mabilis na sabi ni Carlos.
Bago pa makasagot si Julie ay siya namang lapit ni Elmo. "No, Lahat I'll be your buddy."
"Mga ungas! Ako magiging buddy ni Julie Anne! Gusto niyo kayong dapawa ang maging mag-buddy!" singit pa ni Trixie.
At hinila na nito si Julie Anne palayo.
Isang trail na puro rock formation muna ang dinaanan nila. Puro pa sila papicture at kung anek anek.
"Mga ate kuya, meron po ditong batis. Pwede po maligo saka magpahinga muna."
"Pahinga muna tayo kanina pa tayo naglalakad eh." Ani Zara at napapaypay pa sa sarili.
"Kakapahinga lang natin kanina ah." Sabi naman ni Carlos.
Sinimangutan ito ni Zara. "E pagod na kami ni Tiffany eh. Pwede ba. Saglit lang naman."
Nanahimik na lang si Carlos at napailing na lamang. Tumabi ito kay Julie na nakaupo na din sa mga bato. Wala sila magagawa kung gusto muna magpahinga nila Zara.
"Are you okay Jules?" Tanong nito kay Julie Anne.
Ngumiti si Julie sa lalaki. "Oo naman Carlos. Gusto ko pa nga maglakad eh."
"Asan si Elmo?" Biglang singit ni Trixie.
Dahil sa tanong ng babae-este--lalaki ay napaikot ang tingin nila sa paligid.
Hayun si Elmo sa may batis. Wala itong damit pantaas at muhkang kukuha ng bagong pamalit na tshirt mula sa backpack nang lumapit si Tiffany.
"In fairness ang hot talaga ni Elmo. Pero tanginis ano yang linta na lumalapit! Jules! Pigilan mo!"
But Julie wasn't saying anything.
Pinapanuod lang niya kung ano ang mangyayari.
Nakita niyang kinakalabit ni Tiffany si Elmo at humarap naman dito ang lalaki.
Elmo looked sad as he looked at the girl. May sinasabi si Tiffany at muhkang maiiyak na ito habang si Elmo ay umiiling lamang. Hindi mabasa ni Julie Anne kung ano ang sinasabi ng lalaki pero ito ang unang nag-iwas at naglakad pa palayo.
Naiwang mahinang humikbi si Tiffany at nagpunas lang ng pawis bago naglakad muli.
Aamin si Julie sa sarili na nababahala siya sa nakita. Maaari bang totoong may nararamdaman si Elmo para kay Tiffany pero natakot lang itong mawala siya?
"Jules tara na. Lakad na daw ulit tayo." Putol ni Carlos sa pagiisip niya.
Umiling si Julie sa sarili para makalimutan niya ang iniisip. Saka siya naglakad palayo.
Buong trek ay tahimik lamang siya hanggang sa umabot sila sa mga kweba. Medyo madilim kaya kailangan maingat ang paglalakad.
Kapa siya ng kapa sa bulsa niya para lamang makita na hindi niya dala ang kanyang flashlight.
"Lahat. May extra ako dito."
Gulat na lang niya nang makita na nandon na pala sa tabi niya si Elmo. Nakasando na lamang ang lalaki na marahil ay ipinalit nito sa suot na Tshirt kanina.
"No it's okay." Sagot niya. Parang nawalan kasi siya ng mood sa nakita kanina. Unayos ka Julie Anne diba dapat wala ka na pake? Ano ngayon kung muhkang may nararamdaman si Elmo kay Tiffany.
Nauuna na ang iba sa kanila dahil pareho silang tumigil lamang sa may edge ng kweba.
"No come on. Take the other one."
"Ayoko nga sabi." Asik ni Julie at kita naman ang pagkagulat sa muhka ni Elmo.
Kinalma ni Julie ang sarili bago naglakad palayo.
Pero mabilis siyang hinawakan sa kamay ni Elmo.
"Teka lang--"
"Whoa! E-Elmo!"
"Julie!"
Huli na dahil nadulas si Julie at dahil nakahawak sa kanya si Elmo ay dito niya kinuha ang kapit dahilan para pareho sila madulas.
Inexpect niya na makakatamo siya ng sakit mula sa gasgas pero wala siya naramdaman na kahit ano.
Nakapikit pa ang mata niya matapos ang pagkadulas. Alam niyang may pinapatungan siyang matigas na bagay.
"Argh..."
She gasped and quickly stood up. She landed on Elmo! Si Elmo na nakahiga pa rin sa putikan sa sahig ng kweba.
"Lahat are you okay?!" Nagaalalang tanong ni Julie.
Bumuka ang mata ng lalaki at nagaalalang tiningnan din siya. "L-Lahat. Nasugatan ka ba, ano? May galos ka?"
"Ikaw ang nasugatan." Ani Julie. May isang malaking galos sa kanang braso ng lalaki. Dahil nga nakasando ito ay napuruhan ang balat nito.
"Ayan bakit mo kasi ako hinila eh." Himutok kunwari ni Julie. Naiiyak siya sa nakitang galos sa braso ni Elmo.
"Sshh Lahat. I'm fine! It's just a scratch!" sabi pa ni Elmo. Nakaupo si Julie sa isang bato at si Elmo pa ang kumakalma dito.
Iniisip lang ni Julie, na dahil sa kanya ay nasugatan pa si Elmo.
"May sugat ka tuloy." Ulit pa niya. She guessed Elmo worked too hard so they would be close again. Totoo kaya na nanliligaw ito dahil may nararamdaman na talaga ito para sa kanya? O natakot lang itong mawala ng isang matalik na kaibigan?
"Lahat look I'll get it cleaned up okay? Lalagyan ko lang muna ng tela."
"Elmo you don't have to work so hard." Sabi niya bigla kaya natigilan sa pagsasalita si Elmo. She sniffed yet again. Nagiging iyakin na ata siya. "I forgive you okay? I'll be your friend again. But don't do this just because you missed me as a friend. Don't make me believe you have feelings for me when you're just confused."
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
AN: WALA PONG PAPATAY SA AKIN. Hahaha alam ko bitin! Di bale mapapabilis naman ang update kapag natuwa ako sa votes and comments eh haha! Pagpasensyahan niyo na po ako. Sa ospital po ako nagttrabaho. Wala po kami weekends at holidays haha hindi namin alam kung ano ung mga un haha! At hindi ako lagi pangumaga. Anyway thanks for reading!!