Chapter 23

2622 Words
"Kasalanan mo 'to Elmo eh!" Ngumisi lang si Elmo habang nakaupo sila ni Julie sa waiting area ng dean ng college nila. "O ngingiti ngiti ka pa!" Kung anong simangot ni Julie siya namang ngiti ni Elmo. "Would you relax Lahat." Sabi ni Elmo sabay hawak sa kamay ni Julie na inilayo lang ito. "Wag mo na dagdagan." Nanggigigil na sabi ni Julie Anne. Pero mahigpit ang hawak ni Elmo sa kamay niya at ginamit pa nito ang hinalalaki sa paghimas sa balat ng dalaga. "Elmo." Julie warned. But Elmo only grinned at her before lifting her knuckles to his lips. "Mr. Magalona!" Napakurap silang dalawa sa boses at nakita na nandyan na pala si Dean Bermudez. "Kaya nga kayo nandito dahil Public Display of Affection. Hindi pa ba kayo titigil?" Pero kahit anong suway ng dean ay natatawa lang si Elmo dahilan para sikuhin siya ni Julie Anne. "Aray naman Lahat." "S-sorry po dean. Hindi na po mauulit." Napailing na lang ang dean sa sinabi ni Julie Anne. "Mabuti na lang at pareho naman kayong excellent students. Pero hindi iyon exemption. Now this is a warning. May sanction na sa susunod okay?" "Yes po dean." "No more kissing Mr. Magalona." "It was o-on the forehead." Nahihiyang depensa pa ni Julie Anne. "While that is very sweet Ms. San Jose, I ask that you two refrain from doing so. Wag lang sa school property okay?" Sabay na tumango ang dalawang estudyante and Dean Bermudez knowingly looked at them. "You may go. Imbitahan niyo na lang ako sa wedding niyo one day." At bumalik na ito sa pagsusulat. Nagkatinginan si Julie at Elmo at parehong napakibit balikat na lamang na lumabas ng office. Nginitian muna ni Julie ang secretary ng dean nila bago naunang lumabas. "Lahat wait up." "Tigil tigilan mo ako Elmo Magalona. Argh! Nagka-record pa ako ng dahil sayo! Kung kailan 4th year na tayo!" Maasar na naglakad palayo si Julie Anne habang si Elmo ay tumatawa na sumunod. "Tawa tawa ka dyan?" Simangot pa rin na tanong ni Julie habang naglalakad papunta sa susunod niyang klase. Elmo shrugged his shoulders but smiled back at her. "Imbitahin daw natin si dean sa wedding natin." Julie scowled and shook her head. "Imbitahin mo mag-isa mo. Hindi naman tayo ikakasal." At naglakad na siya palayo pero may pahabol pa na sigaw si Elmo. "Hindi pa ngayon Lahat! Pero tandaan mo! Balang araw magiging Julie Anne Magalona ka na!" Sa sobrang layo ng lakad ni Julie ay halos buong corridor ang nakarinig. Horrified, Julie looked at the people around her. Nakangisi ang mga ito ar ang iba ay tila kinikilig pa. Si Elmo ay nakatayo lang sa dulo ng corridor at ngumingiti sa kanya. She quickly walked away, her face reddening but also trying to hide the smile on her face. Pumasok na siya sa loob ng classroom at pinagsabihan ang sarili. She was able to get rid of the smile on her face but the giddiness inside her was still there. "Huy Jules." Pindot sa kanya ni Trixie. Marahil ay tulala na kasi talaga siya kaya ito napansin ng kaibigan. "Huh?" "Ay? Anyare bakit ka titig?" Tanong muli ni Trixie. "W-wala." She stuttered and fixed her hair. Pero nginitian lang siya ni Trixie. Iyong ngiting nangaasar. "Kala mo ha. Nakita namin ginawa ni Elmo. May itlog din naman pala ang lalaking iyon." "Shut up Trix." "O namumula ka te. Kilig pepe ka iniisip mo itlog ni Elmo!" "Trixie!" Hihirit pa sana si Trixie kaso ay pumasok na rin sa loob si Carlos. Nahihiyang tumingin ito kay Julie pero ngumiti pa rin bago umupo sa isang tabi. "Bes, kawawa naman si Carlos. Kung hindi mo naman siya gusto edi deretsuhin mo na." "Dineretso ko naman siya. And no I'm not choosing between Elmo and Carlos because I'm not choosing." Pilit pa ni Julie Anne. "Not choosing not choosing ka dyan. Hoy Julie Anne, masyado ka maputi kaya halata kapag namumula ka." Trixie pointed out. "Kanina ka pa namumula kasi aminin mo man o hindi e nakakakilig talaga yung ginawa ni Elmo." Nagiwas ng tingin si Julie. No. She won't fall for it. Not anymore. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= Natapos ang araw na iyon at malapit na pumikit ang mata ni Julie Anne sa pagod. Hindi niya alam kung bakit. Baka lang sa dami ng lecture ng araw na iyon. She fixed her glasses for a bit and walked to the parking lot when she saw Carlos heading her way. Nakangiti ito sa kanya at kumaway pa. "Okay ka lang ba?" "Ha? Oo naman." Sagot ni Julie sa tanong nito. "Parang pagod ka na eh." Carlos pointed out. "Are you okay to drive?" Julie thought to herself. "Baka magpahinga muna ako dito bago umuwi." It would do no good for her to drive when she was this tired. Baka makatulog pa siya habang nagmamaneho e. "Friends!" Sabay na napatingin si Julie at Carlos sa boses at muli ay nakita si Eina na papalapit. May malaking ngiti sa muhka nito habang may winawagayway na mga papel. "Kasama ba kayo sa field trip natin?" "Field trip?" Sabay pa na sabi ni Julie at Carlos at base sa muhka nilang dalawa ay alam na ni Eina na walang ideya ang mga ito sa sinasabi niya. "Oo diba binigyan tayo ni Sir Jimenez ng project? Either sumama sa field trip o magsulat na lang ng reflection paper." Malamang sasama na lang sila sa field trip. "Ang kaso lang kasi bring your own kotse daw." Sabi naman ni Eina. "Anyway kung sasama kayo ito yung attendance o." Tiningnan muna ni Julie at Carlos ang papel bago parehong pumirma. "Yes! Convoy na lang daw tayo friends."  Sabi ni Eina at kumaway pa sa kanila bago naglakad palayo. "How come I didn't know that." Sabi ni Julie Anne sa sarili. Ngayon lang niya narinig na may ganito silang project. Oh well. Napahikab siya at muli ay nagpahid ng luha mula sa kaantukan nang marinig niyang may tumatawag sa pangalan niya. Well, isa lang naman ang tumatawag sa kanya ng ganun eh. "Lahat!" She glanced at him and he stopped walking for a minute as he looked at her. "Are you alright?" Tanong ni Elmo. Puno ng pagaalala ang boses nito habang papalapit pa. "I'm fine." Hikab muli ni Julie Anne. "You're not fit to drive, you're riding with me." "Not necessarily Magalona." Napatingin silang lahat sa nagsalita at nakita na papalapit sa kanila si Maqui. May malaking ngiti sa muhka nito habang papalapit kay Julie Anne. "Pwede naman ako ang maghatid kay Julie Anne." Sabi pa ni Maqui na para bang hinahamon si Elmo. "Kami ang magkapitbahay Maq, ganun din yun." Pilit pa ni Elmo. Mas malayo lang naman ng ilang blocks ang bahay ni Maqui sa kanila. "Magpapahirapan pa tayo e pwede naman ako." Sabi muli ni Elmo. "He has a point Maq." Sabi ni Julie. She was responsible for herself. Ayaw niya talaga magdrive nang inaantok. Pero parang ayaw niya sumama kay Elmo. "You should go with Magalona, Jules." Lahat sila ay nagulat sa nagsalita dahil kanina pa ito nananahimik. "Okay ka lang ba Carlos?" Sabi naman ni Maqui. "Akala ko pa naman aakuin mo na ihatid si Julie kahit na commute lang." "If she's yawning like that then it'd be easier for Magalona to just take her home." Maqui smirked as she looked at all of them. "Akalain mong team Carlos ako?" At natatawa itong umakbay kay Julie na busy sa pagtingin sa kanilang lahat para sumagot. "Bes, sige na sumama ka na kay Magalona." Nakasimangot si Elmo pero hinaplos nito ang kamay ni Julie bago marahang hilain ang babae papunta sa sariling kotse. Julie turned to Carlos and gave a thankful smile his way. Nakabusangot pa rin ang muhka ni Elmo nang papasok na sila sa kotse nito. Binuksan ng lalaki ang pinto para sa kanya and she slowly climbed inside. Nakasimangot pa rin ito pagpasok. "Elmo kung ayaw mo naman ako ihatid edi wag." Naiinis na sabi niya. Elmo's face softened as he looked at her. "Of course I want to take you home." "E bakit nakasimangot ka dyan." "Wala." Maikling sabi na lamang ng lalaki. Julie rolled her eyes. Wala talaga siya sa mood ngayon. Hindi niya alam kung bakit nahihilo siya. Marahil ay gutom. Baka kapag nakatulog na siya ay magiging okay na siya. At nagsimula na nga magmaneho si Elmo, huling naramdaman na lamang niya ay ang paghaplos nito sa muhka niya bago siya makatulog. She woke up when she realized someone was carrying her. "E-Elmo?" "Shh. Just sleep Lahat." Sa sobrang antok niya ay hinayaan na lang niya ang sarili. Naramdaman niyang linalapat siya sa isang kama. Isa kama na alam niyang sa kanya dahil na rin sa amoy. May naghubad na din ng sapatos niya at naramdaman niya ang pagbukas ng aircon ng kwarto niya. Sunod ay may naghubad din ng kanyang salamin. "Sleep na Lahat." Narinig niyang bulong ni Elmo bago maramdaman ang paghalik nito sa noo niya. It was as if she passed out to a beautiful sleep. Nagising na lamang siya at napatingin sa orasan ng kanyang kwarto para makita na alas syete na pala ng gabi. Apat na oras siyang nakatulog. Bumangon siya mula sa kama at naghilamos bago dumeretso sa closet para magbihis ng Tshirt at shorts. Bumaba siya sa dining room ng kanilang bahay pero napatigil nang makarinig ng mga boses sa kanilang kusina. Pasimple siyang sumandal sa dingding para hindi siya makita pero rinig pa rin niya ang usapan sa loob ng kwarto na iyon. "Seryoso ka na ba kay bunso ha Elmo?" That was her mom's voice. Narinig niya ang kaluskos ng parang nagluluto bago sumagot si Elmo. "I denied her many times tita. And I know that hurt her a lot. At ang pinakamsakit, hindi totoo ang lahat ng iyon. I just did it because I got scared. And in return, Julie was the one who suffered. If I could take away all of her pain I would. But I can't so I'm just going to let her know how much..." There was a stop. Julie did her best to see what was going on. Elmo was cooking pasta while her mom was sitting on the counter. She wasn't quiet enough though. Because when she shifted, she hit the door. Napatingin tuloy ang nanay niya at si Elmo sa kanyang direksyon. "Anak gising ka na pala." Sabi ni Laura na lumilingon mula sa pwesto niya sa stool. Nanlaki ang mata ni Elmo nang makita siya. "L-Lahat kanina ka pa ba dyan?" Julie shook her head. "H-hindi naman." But she was lying. "Upo ka dito bunso." Sabi ng mama niya sa kanya habang tinatapik ang stool sa tabi. Umupo naman si Julie at seryoso siyang tiningnan ng nanay niya. "Anak may itatanong ako sayo ah." Sa sobrang pagkaseryoso ay kinabahan si Julie. Pati si Elmo ay nagtatakang napatingin sa ginang bago ito magsalita muli. Pati kay Elmo ay napalingon si Laura bago ibalik ang tingin kay Julie. Huminga muna ito ng malalim. "Anak buntis ka ba?" Umabot ng kabilang planeta ang paglaki ng mata ni Julie. "Po?" "Eh kasi bigla ka na lang daw inantok! Sa tingin ko naman aakuin ni Elmo--" "Ma I'm not pregnant!" Mabilis na sagot ni Julie. Paano siya mabubuntis eh virgin pa siya. Hindi naman siguro siya ang magdadala sa susunod na sugo diba? "You're not?" Tigagal na sabi ni Laura na nagulantang pa sa sinabi ng bunso. "Ah akala ko pa naman..." "Napagod lang po siguro si Lahat, tita." Mahinahon na sabi ni Elmo. Pero nakita naman ni Julie na parang pinagpapawisan ang lalaki. "Ah ganun ba. O well. Bata ka pa naman talaga bunso. Ang ate mo muna please." Sabi na lang ni Laura na parang hindi malaking bagay ang inaakusa niya kanina. "Maiba ako e tikaman na natin itong linuto ni Elmo. Sayang wala pa ang papa mo dahil may inaasikaso pa sa trabaho." Tumingin muna sa isa't isa si Julie at si Elmo bago sinimulan na kumain. "Ang sarap." Hindi napigilan na sabi ni Julie Anne. Lumaki ang ngiti sa muhka ni Elmo bago pa mamula ang muhka nito. "Ah anak, wag mo masyado pakiligin si Elmo at namumula na o." Ngumiti lang si Julie habang si Elmo ay napakamot sa likod ng ulo. Tatlo lamang sila na kumakain at tinirhan na lamang ang tatay ni Julie Anne. "Pwede ka na talaga magasawa Elmo." Natatawa na sabi ni Laura matapos nila kumain. "Pagkagraduate niyo hanap ka na ng papakasalan. Tutal parang ayaw sayo ng anak ko." "Ma!" Natigilan si Julie. Hindi niya alam kung ginawa ba niya iyon dahil sa nahihiya siya sa sinasabi ng mama niya o sa dahil ayaw niya isipin ni Elmo na ayaw nga niya dito. Muli ay tumawa si Laura at hinaplos ang buhok ng bunsong anak. "Binibiro lang kita anak. Kayo bahala kung gusto niyo ba magpakasal o hindi." "Ma naman eh." At muli ay naglakad na palayo si Laura matapos tapikin ang balikat ni Elmo. Nanaig ang katahimikan sa gitna ng dalawang kabataan. Walang umiimik sa kanilang dalawa hanggang sa lumapit na si Julie kay Elmo na nakatayo sa tapat ng lababo. "Elmo ako na dyan. Salamat sa dinner." Mahinang ngiti ni Julie. Pero hinila palayo ni Elmo ang mga hugasin. "Let me Lahat...please?" Julie put her hands on her hips. "Pagawin mo naman ako ng gawaing bahay." She said amusedly. But Elmo only smiled her way and kept washing the dishes. "Basta ba alam ko na nakakain ka na. After nito matulog ka na ulit. Baka napagod ka lang sa school." "Oo kasi sure naman akong hindi ako buntis." Natatawa na sabi ni Julie. Namula si Elmo sa sinabi ng babae pero hindi nito pinahalata iyon. Bagkus ay nagpatuloy lang sa paghugas. At dahil hindi naman mangiiwan ng bisita si Julie Anne ay pinanuod na lang niya ang lalaki sa ginagawa nito. All the while she thought of what had transpired between them. Hindi siya sanay na may nakakaaway na kaibigan. And to think na si Elmo na best friend pa niya ang natagalan ang away.  Sabagay sabi nga nila, hindi kayo tunay na magkaibigan kung hindi man lang kayo magaaway kahit minsan. And seriously, Elmo was a good friend to her, her best friend. "Elmo..." tawag niya. Lumingon sa kanya ang lalaki bago nagpunas ng basang kamay. Tapos na ata ito sa ginagawa. "Yes?" He answered, his voice deep and husky. Julie continued looking at him, her face still thoughtful. "Sana mabalik yung dati...yung tipong ikaw ang best friend ko." Elmo gave her a small smile. Lumapit ito sa kanya. Dahil siya ay nakaupo at ito naman ay nakatayo, nakatingala siya ngayon. Hinaplos ng lalaki ang muhka niya at seryosong tiningnan siya. "Lahat, we can't go back to being just that...we weren't just friends then because we were best friends. But now, I want to be your best friend and something more." He stroked her cheek with his thumb before kissing her on the cheek. "And I know it will still take a long way but I'm going to make sure it'll be us together." And again he smiled at her one more time before walking out of the house, leaving Julie to her thoughts. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= AN: This is a lame chap I know hahaha! Nagbubuildup ako sa mga pangyayari eh hehehe! Thanks for reading! Please vote and comment! Let me know what you think! Medyo marami mangyayari next chap :) Sana makaupdate kaagad. Comment lang ng comment at vote lang ng vote para ganahan akiz haha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD