Chapter 22

2656 Words
Mabuti na lamang at napili nila sa labas tumambay. Dahil kung hindi edi ang ingay ingay ng loob ng Starbucks. Naisipan kasi ng girls na doon muna sila tatambay matapos ang magshopping halos buong araw. "Maqui ang sakit na ng tiyan ko sayo." Sabi ni Bea habang napapahawak na nga sa tiyan. Pano ba naman para silang nasa comedy bar sa pinagsasabi ni Maqui. "O bakit may tahimik sa atin?" Sabi naman ni Tippy. Bigla kasi nito napansin si Julie na tahimik lamang na umiinom sa kanyang frappe. Julie slightly straightened up and looked at her friends. "Huh?" "Ay wala na. Okay ka lang ba Jules?" Tanong naman ni Nadine. Tumawa si Joyce at uminom mula sa kape niya. "Problema niya dalawa nanliligaw sa kanya." "How to be you po bes!" Ani Maqui at nagtawanan nanaman sila. "Hindi ko naman sila pinayagan mangligaw." Himutok pa ni Julie at uminom muli sa kanyang frappe. At this rate ay makakailang balik na talaga siya sa CR. "Haba ng hair kasi. Pero dyosa ka naman talaga Jules we get it." Sabi ni Nadine. Nagsingitian ang lahat at si Julie ay napailing lang. "Baliw ka." "What? It's true! Kaya yung mga nagtataka diyan kung bakit dalawa manliligaw mo...and I say, dalawang gwapo, e mga bulag sila." Napabuntong hininga na lang si Julie. Kakaibang problema din ang sa kanya. Although alam niya na hindi naman niya dapat pinoproblema ito. She could just ignore the two for all she cared. Ilang tao din ang napapalingon sa gawi nila. Ikaw ba hindi mapapalingon kung makikita mo ang anim na babaeng magaganda na magkakasama? Mapapalingon ka diba? "It's not that hard naman." Sabi ni Bea dahilan para mapatingin ang iba sa kanya. "Ang sa akin lang..." Simula pa ni Bea. "Kung sino ang gusto mo talaga sa dalawa edi don ka. Kasi meron at meron na nakakahigit." "Alam naman nating lahat kung sino talaga ang nakakahigit." Sabi ni Maqui at makahulugan na tumingin kay Julie Anne. Nag-iwas ng tingin si Julie. Love is not easy. Hindi pwede na ganun ganun na lang iyon. Magsisinungaling kasi siya kung sasabihin niya na wala na siya nararamdaman para kay Elmo. Hindi naman pwede iyon. Hindi pa nga kasi siya nakakamove on tapos umepal nanaman ang lalaki. She wouldn't be feeling things if she didn't care for the guy. Pero binabantayan na lang niya talaga ang puso niya. "Guys..." Natigil sila sa paguusap nang magsalita si Joyce. Bulong lang ang sinabi ng huli pero sapat na iyon para mapatingin siya sa kung saan din ito nakatingin. Sa hindi malayo ay naglalakad si Tiffany kasama ang dalawa pa nitong kaibigan. Alerto na napaupo si Julie kahit na hindi siya nagpapahalata. Mabuti na lang at lumagpas lang sila Tiffany dahil muhkang nagmamadali ang mga ito. "So wala talaga silang something ni Elmo?" Tanong pa ni Tippy. Julie shrugged her shoulders. Meron man o wala...wala na siya doon. "Tiffany likes Elmo." "And Elmo?" Si Bea. "Nako." Natatawa na singit ni Maqui kaya naman napatingin lahat sa kanya. "Kung alam niyo lang kung paano iniyakan ni Elmo si Julie." At natatawa pa ito sa sarili na para bang inaalala ang eksena nung nasa ospital si Elmo. "Muhkang gago ang loko. Siguro dahil sa pinapainom na pain medication sa kanya." Saka nito hinarap si Julie. "I quote bes, "Pakiramdam ko may kulang kapag wala si Julie." As in bes ayun yung sinabi niya. Tapos naluluha. Nagpipigil nga kami ng tawa ni Frank eh." Nagsitawanan din ang iba pa nilang kaibigan. "Aww, that's so sweet!" Ngiti naman ni Tippy. "E kasi naman. Dati pa namin sinasabi sa inyong dalawa na may something talaga eh. Kayo lang naman itong naghintay pa ng problema bago may gawin." "Yan ang gusto ko sayo Tips eh. Straight forward ka." Natatawa na sabi ni Joyce. Julie shook her head. Ito na nga at sinsingil na siya ng kakainom niya. Tumayo siya saglit at nagpaalam sa mga kaibigan na magCR. "Ako din bes!" Ani Maqui at inangkla pa ang braso kay Julie at sabay silang pumunta sa restroom. Sa may kaliwa ng entrance banda ang sinasabing restroom at natigilan silang dalawa nang makita kung sino ang papasok. It was Tiffany and her two friends. Taas noo na nakatingin ang mga ito sa kanila. Walang nagsasalita hanggang sa naglakad na palayo si Tiffany ngunit nagbitaw na ng maikling salita ang isang kaibigan nito. "Tiff di ko gets, mas maganda ka naman doon. Ano kaya nakita ni Elmo no?" "Eh sana harapan mo na sabihin pabulong bulong ka pa eh!" "Maq..." Pigil ni Julie sa kaibigan. Nanlilisik na kasi ang mga mata nito habang nakatingin sa kaibigan ni Tiffany na muhkang ngusong tinubuan ng muhka. "O e sadya ko naman yun para marinig ni Julie eh." Sabi pa nito habang si Tiffany ay nananahimik na napapailing na lamang. "Zara tama na." Sabi naman ni Tiffany. Pero hindi pa rin nagpaawat si Zara. "Sa totoo lang Julie ah. Mabait ka naman e. Epal ka lang talaga sa sana ay lovestory na ni Elmo saka ni Tiff. Sana wala ka na lang sa eksena. Tss." At naglakad na ito palayo habang hila hila si Tiffany na nakayuko lang. "Irita." pigil na sabi ni Maqui. "Kung wala lang tayo dito sa SB bes pinagsisigaw ko na yon eh. Bes--?" Napatingin ito kay Julie na nananahimik lamang. "Bes?" Umiling na lamang si Julie at pumasok sa loob ng restroom. Nagaalala na sinundan ni Maqui ang kaibigan. Walang tao sa loob at napahilamos si Julie nang muhka. "Bes bes. Wag mo pansinin yung sinasabi nung nguso na yon!" But Julie merely shook her head and chuckled mirthlessly at Maqui. "Bakit ganon Maq ako na nga yung umiwas diba? Ako na nga yung umaayaw ako pa rin may kasalanan. Ako pa rin kontrabida." "Hindi ka kontrabida bes." Maqui saod reassuringly. She wrapped one arm around Julie and they both looked at their reflection on the mirror. "Kita mo yan? Muhka ba yan ng isang kotrabida? Ikaw ang bida. At wala na sila magagawa. Ikaw naman ang gusto ni Elmo eh. Tiffany will just have to live with that." "Hindi pa rin talaga ako naniniwala." Sabi naman ni Julie Anne matapos suklayin ang buhok. "Nadala lang yan si Elmo. Male instinct. Hindi sa sinasabi ko na possessive siya pero lumapit lang sa akin si Carlos e biglang nagkaganyan. Tingnan mo. Lalayuan ko si Carlos babalik nanaman yan kay Tiffany." She scoffed and shrugged her shoulders. "Kapakshetan naman kasi ang pag-ibig na yan eh." Sabi na lang ni Julie. She sauntered off outside and made her way back to their table. Kaso natigilan siya nang makita na may kasama na sila sa lamesa nila. "Bastos ng mga 'to nagsilabasan ang mga jowa e tayo naman wala tayo jowa." Sabi ni Maqui. Paano ba naman. Andon na ang mga boys ng grupo nila at nakatayo sa tabi ng mga girlfriend. "What're you guys doing here?" Sabi ni Tippy habang inaakbayan siya ni Sam. "Galing kami sa isang game dyan sa may village sa kabila. And we knew you guys were here." "Namiss na namin kayo eh." Sunod pa ni James sa sinabi ni Sam at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Nadine. "Wala si Elmo?" Bago pa mapigilan ni Julie ang sarili ay natanong na niya iyon. "Yii." Asar ni Kris pero mabilisna tinakpan ni Joyce ang bibig ng kaibigan. "Ayan na siya." Sabi naman ni Jhake at tinuro pa ang entrance ng SB. Papasok si Elmo habang nagtetext. Hinubad nito ang suot na shades at hinawi ang buhok. "Ehhh ang pogi..." Itong table na 'to ang daya o. Parang kumikinang silang lahat " "Andaya talaga bakit ako lang walang jowa?" Himutok ni Maqui. Sinimangutan ito ni Julie Anne. "Wala din naman ako jowa ah." "E ano tawag mo--" "Hi Lahat." "Ah itong dalawa yung magpartner? Bakit ganun bes... Ano babies nila? Mg diwata?" "Kumain na ba kayo, Lahat?" Tanong ni Elmo sa kanya. "Oo." Maikling sabi ni Julie Anne at muli ay umupo sa kaninang inuupuan. Nakarinig sila nang mabilisang galaw at tunog ng kaluskos na upuan. Bago ang tawag ng isang babae. "Tiffany!" Napatingin silang lahat sa eksenang nangyayari at nakitang lumalabas ng Starbucks si Tiffany habang hinahabol ng dalawang kaibigan. Tameme ang buong barkada sa nangyayari. "Sundan mo siya." Simpleng sabi ni Julie Anne kay Elmo. Nagtatakang tiningnan siya ng lalaki but she had this blank look on her face. Kahit na nandoon ang mga kaibigan nila ay hindi nahiya maglabas ng saloobin si Julie Anne. "Hindi kasalanan ni Tiffany kung ano man ang nararamdaman niya. But you need to settle things with her Elmo. Kaya go. Go and talk to her." Matapos ay kinuha niya ang kanyang bag at nagsimula maglakad palayo. Wala na siya narinig pa sa mga kaibigan dahil alam ng mga ito na gusto niya mapagisa. Nakakapagod na kasi yung wala ka naman ginagawang mali pero ikaw pa rin may kasalanan. Hindi mo na tuloy alam kung saan ka lulugar. Sumakay siya sa kotse niya at kung saan saan lang muna nagdrive hanggang sa wala na siya mapuntahan kaya naisipan na lamang niyang umuwi. Si manang lamang ang tao sa bahay dahil sigurado siya na magkasama ang magulang niya at marahil nagd-date habang ang Ate Angel niya ay paniguradong kassma si Kuya Richard. Sa isang araw nga pala ay magsusukat na sila ng damit. Nagbihis lamang siya ng shirt at shorts bago naglakad papunta sa playground ng village. Malamig ang hangin dahil paggabi na and that's what she loved the most about the season. Nagaagaw na ang liwanag at dilim nang maupo siya sa swings. Ang simoy ng hangin ay nagdadala ng kakaibang ginaw pero gusto naman niya iyon. Mas lalo lang din napapadali ang mga agam agam niya. Naalala nanaman niya ang eksena kanina sa kapehan n iyon. Sa totoo lang, hindi lang siya sa sarili naaawa kundi pati na din jay Tiffany. Dahil aminado siya sa sarili na wala naman talaga kasalanan ang babae. Kagaya niya ay nagmahal lang naman ito. At sa naririnig niya sa ibang tao ay marahil mas nararapat talaga si Tiffany kay Elmo. Sa ngayon pa lang, muhkang mas mahal nga ni Tiffany si Elmo. Mas pinaglalaban nito ang lalaki kahit na natatalo na. At siya? Masyado siyang takot. Hindi kagaya ni Tiffany. "Lahat..." Muntik na siya mapatalon sa swing nang marinig ang nagsalita. She saw Elmo standing there in-front of her. Hinihingal pa ang lalaki at medyo pawisan. Nagtatakang tiningnan niya ito. "W-what are you doing here?" "Hinanap kita." Hingal pa din na sabi ni Elmo bago tumabi sa kanya sa swing. "I told you to talk to Tiffany." Mabilis na sabi niya. Ayaw na talaga niya ng gulo. Kahit na hindi na siya masaya basta walang gulo. "I already talked to her." Sagot naman ni Elmo. "She's still my friend Lahat. She was always my friend. Ako lang itong gago na kapag lumalapit siya ay ineentertain naman siya. But from the start we both knew that we were just friends." "Well she doesn't want to be just friends." Dugtong pa ni Julie Anne. "At kahit paano Elmo umasa siya sayo eh. Malay mo kayo talagang dalawa." Umigting ang panga ni Elmo sa sinabi niya at marahas siya nitong tiningnan. "Naalala mo nung una tayo nagkakilala?" Biglang tanong ng lalaki. Hindi siya sumagot pero patuloy itong nagkwento. "Bata pa lang tayo non Lahat but I knew we'd be close. Kahit na lagi tayo non nagaasaran. I was just a kid but for me you were it." He shook his head. "Itong lumaki tayo natakot ako na baka I was going into this too quick. Gago ko diba? Natakot ako. E pano nga naman ako mananalo kung di ako susugal? I learned that the hard way." Julie shook her head and quickly stood up. Ayaw niya marinig ang lahat ng ito. Hirap na hirap na nga siya eh. "Lahat!" Elmo called out. But she started running before Elmo could say more. Puro na lang kasi ito salita. Mahirap maniwala. =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= Bangag ng umaga na iyon si Julie. Hindi nga niya alam kung papaano siya nakapasok eh. May quiz sila ng umaga na iyon kaya naman nagaaral muli siya mag-isa. Patingin tingin din siya sa oras dahil 15 minutes bago magtime ay gusto na niya bumalik sa classroom. Sa quadrangle siya nakaupo habang ang mga ibang estudyante ay pagala gala lang din. "Hi Julie." Napaangat siya ng tingin sa boses at nakita si Carlos na nakatayo sa harap niya. May maliit na ngiti sa muhka ng  lalaki habang may inaabot ito sa kanya. She smiled when she saw it was another fudgee bar. "Mahilig ka din ba sa ganito?" Tanong niya sa lakaki. Kibitbalikat ang sagot ni Carlos bago umupo sa tabi niya. "Muhka lang talaga na kailangan mo kumain ngayong umaga ng matamis." Tumawa si Julie at nginitian ang lalaki. But then she remembered what he told her the previous time they were together. "Carlos...I just...I think we should just be friends." She wasn't expecting it but Carlos just smiled at her. "Okay. Pero liligawan pa rin naman kita." Napabuntong hininga si Julie sa sinabi ng lalaki. Muhkang desidido nga talaga ito. "Ano yan?" "Anong set up yan?" Napatingin sila Julie sa bulung bulungan hanggang sa napansin nila na may mic sa gitna ng quadrangle. Napahigit naman ng hininga si Julie nang makita na naglalakad papunta sa mic si Elmo. May dala itong gitara at muhkang kinakabahan. Lahat ng tao na nandoon sa quadrangle ay napapatingin na din. "Hi SAU." Bati ni Elmo sa mic. Nagshake pa ito ng sariling kamay na parang kinakabahan. "Gusto ko lang magalay ng kanta para sa babaeng espesyal sa akin. Alam ko iba sa inyo walang pake at ang iba ay naaabala pa. Pero kailangan ko kasi bumawi sa kanya. See, I hurt her bad. And I want to show her how sorry I am and that I need to make it up to her." Deretso na ngayong nakatingin si Elmo kay Julie dahilan para kulangin nanaman sa hininga ang babae. "Julie Anne San Jose...Lahat...It's always you." At nagsimula na ito umawit. I don't want another pretty face I don't want just anyone to hold I don't want my love to go to waste I want you and your beautiful soul I know that you are something special To you I'd be always faithful I want to be what you always needed Then I hope you'll see the heart in me I don't want another pretty face I don't want just anyone to hold I don't want my love to go to waste I want you and your beautiful soul You're the one I wanna chase You're the one I wanna hold I won't let another minute go to waste I want you and your beautiful soul Your beautiful soul, yeah You might need time to think it over But I'm just fine moving forward I'll ease your mind If you give me the chance I will never make you cry c'mon let's try I don't want another pretty face I don't want just anyone to hold I don't want my love to go to waste I want you and your beautiful soul You're the one I wanna chase You're the one I wanna hold I won't let another minute go to waste I want you and your beautiful soul Patapos na ang kanta ay lumapit ito kay Julie. Lahat ng estudyante ay sa kanila na nakatingin. "Iii nakakakilig. Si Julie pala talaga!" "OMG." Walang pake si Elmo na katabi nito si Carlos. Hindi na niya hawak ang mic pero nakatayo siya sa harap ni Julie Anne. He caressed her face and kissed her forehead causing her to gasp. He rested his forehead on hers and again caressed her cheek. "Ikaw lang Lahat...ikaw lang." =°=°=°=°=°=°=°°==°°=°=°=°=°=°=°=°=°= AN: Sorry natagalan ako magupdate haha! Busy ang sched sa work and sa life hahaha thanks for reading! Malapit na ang labanan habaha votes and comments please!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD