Chapter 21

2226 Words
Malaki ang ngiti nang mga magulang niya sa kanya pagkababa pa lamang niya ng kanyang kwarto.  Nawe-weirduhan na tiningnan ni Julie si Ian at Laura. "Anong meron?"  "Ang sarap pala magluto ni Elmo ano bunso?" Sabi naman ni Laura.  Tila tumigil ang pagtibok ng puso ni Julie sa narinig. Hindi pa siya nakakagalaw nang maigi nang makarinig siya ng yapak mula sa bandang kusina nila. At hindi na rin siya nagulat sa nakita.  Hayun si Elmo at naglalakad habang may dalang dalawang plato. Isa puno ng fried rice ang kabila puno ng spam.  "Good morning Lahat." Maligalig na bati nito sa kanya.  "Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong niya. Pero hindi kaagad nakasagot si Elmo dahil nanlaki ang mga mata na tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa bago namumula na nag-iwas ng tingin.  Dahil doon ay napatingin din si Julie sa sarili at doon lang naalala na nakasando at shorts lang siya! At wala siyang bra! Napaigik siya bago nagmamadaling tumakbo pabalik ng kwarto.  Shet nakakahiya! Sa totoo lang ilang beses na din naman sila nagkita ng ganun ni Elmo pero dati iyon. When such feelings weren't involved yet! Nahilamos niya ang muhka gamit ang mga kamay bago nagmamadaling nagsuot ng bra at sinuot muli ang kaninang gamit na sando bago palitan ang suot na shorts ng jogging pants. Kahit na ang init init.  Nakasimangot pa rin siya habang pinapanuod si Elmo na naglalagay ng pagkain sa harap ng nanay at tatay niya.  "Ang sarap nitong scrambled eggs mo anak." Sabi ni Laura kay Elmo. "Creamy eh. At least alam ko kapag ikakasal kayo ni Julie e hindi kayo magugutom. Hindi kasi marunong magluto itong bunso ko."  "Ma!" Angal pa ni Julie dahilan para mapatingin ang mga tao sa hapag sa kanya.  "O anak nakabalik ka na pala." Pangaasar ng papa niya.  Hinarap na muna ni Julie si Elmo na simpleng nakangiti sa kanya. "Ang aga aga nambubulabog ka dito."  "Anak naman." Saway ng papa niya. "Ang sarap nga magluto ng batang ito. Dali tikman mo itong itlog ni Elmo."  "Pa!" "O bakit ba?"  "Kain ka na Lahat." Sabi ni Elmo.  Pero snimangutan lang ito ni Julie. "Wala ako gana." Saka dumeretso sa coffe pot nila.  "Julie naman nagpakahirap si Elmo magluto para sayo o." Saway ni Laura.  Sinimangutan ni Julie si Elmo bago harapin ang nanay. "Ma, wala naman po kasi ako sinabi na lutuan niya ako." At tumalikod na siya para gawan muli ang sarili ng kape. Napabuntong hininga si Elmo pero ngumiti lang sa dalawang matanda. "Tito, tita, kain lang po kayo."  Inis na umupo si Julie sa may hapag. Hindi niya talaga pinapansin ang lutong pagkain ng lalaki kahit na gutom na siya. Muhkang masarap pa naman ang itlog ni Elmo.  "Lahat sige na kain ka na. Kunwari hindi na lang ako nagluto nyan." Pagsusumamo ni Elmo habang umuupo sa tabi niya.  Kunwari wala naririnig ang magulang niya pero alam ni Julie na nakikinig ang mga ito sa usapan nila.  "Ayoko." Matigas pa rin na sabi ni Julie. Nagmamadaling inubos niya ang kape pero pinigilan siya ni Elmo.  "Magkakape ka lang tapos walang laman tiyan mo? Sasakit yan mamaya. Sige na Lahat kain ka na. Kahit tinapay lang o." Malambing na sabi nito.  Sinimangutan ulit ni Julie ang lalaki. Bakit ba ang kulit kulit nito?! Tumayo na siya sa hapag at hinayaan na lang ang kape niya doon at umakyat.  "Lahat ito naginit ako ng tubig para sayo." Sunod ni Elmo sa kanya habang dala dala ang painitian ng tubig.  Hinarap ni Julie ang lalaki sa gitna ng hagdan at kinakabahan na napalunok ito. "Ano ba Elmo ang kulit kulit mo naman eh! In the first place hindi ako pumayag na ligawan mo ako! If I know hindi totoo itong pinapakita mo. Kaya pwede ba. Leave me alone!" At nagmamadaling umakyat na ito sa kwarto niya. Pabagsak niyang sinara ang pinto at nanggagalaiti na sinipa ang upuan sa may dresser niya. Imbyerna na siya kay Elmo. Sino akala nito para ganituhin siya?! Ano 'to laruan ng feelings?! Ipaparamdam nito na mahalaga siya tapos sa isang iglap mababalewala nanaman siya? Well not this time! Nakarinig siya ng katok mula sa kabilang side ng pinto niya bago may nagsalita. "Lahat iiwan ko dito yung painitan ah. Maligo ka na." At narinig ni Julie na naglakad na ito palayo.  Halos masabunutan niya ang sariling buhok. Wasn't he going to stop!? Naligo na siya para kahit papaano ay mabawasan ang init ng ulo niya. Simpleng sleevless blouse at jeans ang suot niya dahil medyo mainit ang panahon. Nakatali din ang buhok niya at suot suot nanaman niya ang salamin niya.  "Bye Ma, Pa." Paalam niya sa mga magulang niya. Mamaya pa ang alis ng mga ito kaya parehong ineenjoy pa rin ang luto ni Elmo.  "Ingat ka anak." Sabi ng mama niya na may malaking ngiti sa muhka. Masyadong malaki. Nakaramdam na siya.  "Ingat ka ganda!" Bati sa kanya ni manang na naghahalaman sa harap.  Pero natigilan din sa paglakad si Julie nang makita si Elmo na naghihintay sa labas. Naksandal ito sa kotse niya. He was wearing a maroon V-neck shirt and black jeans. Nakasuot din ito ng salamin dahil naalala niya pati ata grado ng mata e pareho sila.  "What're you doing here? Mamayang tanghali pa pasok mo." sabi ni Julie. Though she didn't want to admit it, alam niya ang sched nito.  "Ihahatid kita." Lumapit ito sa kanya.  And as usual, he towered over her so she had to look up at him.  "Kaya mo na ulit magdrive?" Hamon pa ni Julie. It's not that she was scaring him. Aba e kung pareho sila mapano.  "Para sa'yo oo."  Julie smirked. "No thanks. Marunong ako magdrive. And I'm smart enough to tone down my speed."  "I'm never smart when it comes to you." Sagot pa ni Elmo na sinusundan si Julie habang papasok na sa kotse.  Julie gave a challenged look. Alam niya kung ano ang sinasabi nito. Alam niyang kaya ito nag ala fast and the furious dahil hinabol siya nito.  Wala sa sarili na pinindot niya ang tagiliran nito.  "Aray!" "Ayan, masakit pa pasa mo dyan. Honestly Elmo, magpahinga ka na lang. You're wasting both of our time." Papasok na sa may driver's seat si Julie nang biglang pumasok sa  kabilang side si Elmo. Tigagal na tiningnan ni Julie ang lalaki. "O sino may sabi pumasok ka dyan?" "Kung ayaw mo ako ang magdrive edi sabay na lang tayo." "Sino may sabi? Alis!" "Julie sige na isama mo na si Elmo wala yang kotse eh!" Natigilan silang dalawa nang makita ang tatay ni Julie na umiinom pa ng kape sa may porch at nakangiti sa kanilang dalawa. "Thanks tito!" Kaway pa ni Elmo kay Ian. Sinimangutan ni Julie ang lalaki. At dahil malelate na talaga siya ay sinimulan na niya ang pagmamaneho . Dahil sa kabila nakaharap ang kanyang kotse ay kinailangan pa niya umikot ng isang street. Papadaan sila sa may bandang court nang may mapansin si Julie na papalabas ng isang bahay. "What the fuck." Rinig niyang bulong ni Elmo. Dinahandahan niya ang pagmaneho at binuksan ang bintana ng side niya. "Carlos! Papasok ka?"  Halatang nagulat si Carlos pero ngumiti din naman nang mapansin na si Julie iyon. Nawala bahagya ang ngiti nito nang makita si Elmo na nakasakay sa may passenger seat. "Tara sabay ka na sa akin. Sayang din pamasahe." Ngiti pa ni Julie Anne. Tahimik lang si Elmo na nakaupo sa may passenger seat at kunwari ay may tinetext. "Okay lang ba?" Ngiti pa ni Carlos. "Oo naman!" Sabi pa ni Julie. Mahinang bununtong hininga si Elmo mula sa kung saan ito nakaupo pero hindi na lamang iyon pinansin ni Julie Anne. Sa wakas kahit na muhkang nahihiya pa rin ay sumakay naman si Carlos. Dinadaldal ni Julie ang lalaki para naman hindi ito ma-OP samantalang si Elmo ay tahimik lang na tumitingin sa labas. Nakadating sila sa school at marami na ang estduyante. "Ay, ang shala ni Julie dalawa ang boys." " Tungaw kung ganyan ka ba naman kaganda eh. Afford mo dalawang lalaki." Napalingon si Elmo sa mga nagsasalita at kaagad na nanahimik ang mga ito. Nauna na maglakad si Julie at kasama pa nito si Carlos na masayang naguusap. Napabuntong hininga ang lalaki bago sinubukan humabol sa dalawa. "Lahat di ka pa talaga kumakain. Sige na kahit sandwhich lang o." Tawag niya dito. Naiiritang liningon siya ni Julie at natigil siya sa paglakad. "Bakit ba ang kulit mo? Hindi kita boyfriend Elmo. At hindi naman ako pumayag na manligaw ka sa akin. Pwede ba..." Napatingin pa ang ibang estudyante sa kanila. "S-sorry." Sabi naman ni Elmo. "A-ayoko lang talaga magutom ka." "Pare, kakain naman kami eh." Simpleng sabi ni Carlos. "Deretso na kami sa class pagtapos." At nauna na ito at si Julie maglakad. Liningon ni Julie Anne si Elmo na ngumiti na lang sa kanya. "Kain kayo ah." Pahabol pa nito. She looked away  and ignored the way her heart was starting to beat fast. "Hey. Okay ka lang? Tawagin natin si Elmo." Sabi sa kanya ni Carlos. But she quickly shook her head. "May ibang gagawin pa siguro yon." Sabi na lang niya. Naupo silang dalawa sa may canteen at sinimulan siya interviewhin ni Carlos. "Nanliligaw ba siya sayo?" Tanong naman nito. "Akala ko sila ni Tiffany eh." Mahinang natawa si Julie. "Wala siguro magawa. Sabi niya manliligaw daw siya. Well as if." She shook her head. Her heart was stilk guarded. Her walls were put up high. Getting heart broken could do that to a person. "H-hindi ka ba tumatanggap ng manliligaw ngayon?" Biglang tanong ni Carlos. "H-ha?" Tila kinakabahan na sabi ni Julie Anne. "Hi guys!" Napatingin sila sa nagsalita at nakita na ang kablock pala nilang si Eina ang papalapit.  "Hi Eina." Bati ni Julie Anne. "May notes ba kayo ni madam? Last week? Ang bilis kasi magsulat." Sabi ni Eina. "Ako meron." At linabas ni Julie ang gamit mula sa bag. "Oo nga pala. May extra akong sandwhich. Sayo na lang Julie o." Sabi nito. "Exchange na sa notes." ngiti ng babae. "Ah. Salamat." Ngiti pabalik ni Julie. "Balik ko sayo mamaya notebook mo ah. Bye papa Carlos gwapo mo talaga." Tawa pa nito bago naglakad palayo. Nagkatigninan muna si Carlos at Julie bago parehong ngumiti na lang. "Egg sandwhich. Fave ko to." Sabi ni Julie nang buksan ang binigay sa kanya ni Eina. Inalok pa niya si Carlos pero umayaw ang lalaki. "Julie, yung kanina." Tawag pa nito. Natigilan si Julie. Hindi pa pala nito nakakalimutan yung pinaguusapan nila kanina. "Bakit mo natanong?" "C-curious lang." Sabi ni Carlos sabay kibit balikat. "Wala. Wala ako balak tumanggap. Wala naman kasi sa priority ko yan." Simpleng sabi ni Julie Anne. Kinagatan niya ang bigay na sandwhich sa kanya ni Eina. Natigilan siya. Bakit parang pamilyar yung timpla. Wala sa sarili na napalingon siya sa paligid hanggang sa may nahagip siya sa bandang stairs ng school nila. It was Elmo and Eina. Tumatango ang babae sa ex best friend niya at ngumiti naman pabalik si Elmo. Nakita niyang nagthumbs up pa si Eina dito bago naglakad palayo. Sakto ay napasulyap sa kanya si Elmo. Nagbigay ito ng maliit na ngiti sa kanya bago nagsimula maglakad palayo. "Are you okay Julie?" Tanong ni Carlos sa kanya. She snapped out from her reveried and nodded her head. Matapos kumain ay deretso na sila sa klase. Nauna siya dahil dumaan muna sa CR si Carlos. Papakaliwa na sana siya sa classroom nila nang muntik na niya makabanggaan ang isang pigura. Nagulat siya nang makita na si Tiffany ito. Mugto ang mga mata ng babae at halatang walang tulog. Sumimangot ito nang mapansin siya. "Sarap talaga ng buhay mo no? Lahat na lang nakukuha mo." Ani nito bago naglakad na palayo. . Tulala siyang napatayo doon. What did Tiffany mean? Hanggang sa klase ay bahagyang tulala siya. Mabuti na lamang at lecture lang, walang quiz. Nang dumating ang lunch ay sabay muli sila ni Carlos kumain. Sa corridors sila dumadaan nang may marinig silang usapan ng mga kalalakihan na papalabas ng isang classroom. "Moe pare nakakababa ng pride ginagawa sayo ni Julie." "Oo nga dude. Pucha muhka kang kawawang tuta e nababalewala naman ginagawa mo." "Wala akong pake." It was Elmo's voice. "Ginagawa ko ito for her. Di bale na balewalain niya ako."  "Gago pre ginagamit ka lang nyan. Tingnan mo dalawa kayo nung Carlos, landi eh--" "Ay!" Napasilip na si Julie sa usapan at nakita nilang hawak ni Elmo sa kwelyo ang isa nilang kabatch. Nakasandal na ang lalaki sa pader at nanggagalaiti na tiningnan ito ni Elmo. "Pare wag mo babastusin. Never call her that. Ako makakaharap mo." Ang ibang estudyante ay kinabahan na din. Sa takot siguro sa laki ni Elmo ay tumango lang ang kabatch nila na muhkang napaihi na sa salawal. Bumalik si Julie sa dinaanan nila ni Carlos kaya hindi sila napansin nila Elmo. "Julie." Tawag pa ni Carlos na sumusunod sa kanya. She stopped walking and faced him. The two of them stopped altogether. Carlos sinply looked at her. "Muhkang desidido talaga si Elmo." Sabi nito. At tuluyang nagulat si Julie sa sunod pa nitong sinabi. "Desidido na din ako ligawan ka eh." =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=° AN: Hopia mani at popcorn! Haha! Dito muna tayo hueheuheueheue! Thanks for reading! Pahingi po ng votes and comments! Mwah mwah! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD