Bumaba mula ng sariling kwarto si Julie Anne ng araw na iyon. Maaga siya nagising o dikaya, maaga siyang hindi nagising. Hindi naman kasi siya makatulog. At nang makita na may araw na ay hindi na siya dinalaw ng antok. Pero sigurado siya na sisingilin siya ng katawan mamayang hapon.
"Morning ma." She mumbled when she saw her mother. Nakapusod ang buhok niya at nakasuot siya ng puting T-shirt at shorts.
"Hi pa." Bati din niya sa tatay na nasa hapag at umiinom ng kape. Ang mama naman niya ay nagluluto ng umagahan nila.
"O anak, natulog ka ba? Laki ng eyebags mo o." Pangaasar sa kanya ng tataty niya.
Sinimangutan niya lang ito kaya mas lalo pa natawa sa kanya ang kanyang tatay.
"Ian inaaway mo nanaman yang bunso mo." Saway ni Lara sa asawa.
Tumawa lang si Ian at tumayo para halikan ang tuktok ng ulo ni Julie Anne. "Joke lang syempre love ko tong batang ito."
Mahinang ngumiti lang si Julie bago tumayo din at ginawan ang sarili ng kape.
Nanlaki ang mata ng nanay niya nang makita kung gaano karaming kape ang i-scinoop niya at linagay sa tasa. "Ang dami naman ng kape mo anak. May balak ka ba matulog?"
"E ganyan naman talaga ako magkape ma." Sabi na lang niya at linagyan na ng mainit na tubig ang kanyang tasa bago haluan ng cream at gatas.
"Kakabahan ka niyan anak." Sabi ni Ian habang tinitingnan si Julie na gumawa ng kape. "Pampakaba kape diba? Tapos pampalakas gatas, Edi kabado times two ka niyan!"
"Pa last mo na yan ah." Simangot nanaman ni Julie sa tatay niya. Nasa punto na ito ng buhay na walang ginawa kundi mag dad jokes.
Pero pati si Lara ay natawa na at lumapit para halikan sa pisngi ang asawa.
"Eew Ma and Pa." Sabi ni Julie at kunwari ay kinilabutan bago muling umupo sa hapag. Sinimulan niyang haluin ang kape. Hindi naman talaga siya nandidiri. Kinikilig pa nga siya sa magulang niya eh.
Kailan kaya siya makakhanap ng ganyan? Bigla na lang dumaan sa isipan niya ang nakangiting muhka ni Elmo. But she immediately shook the thought away. Hindi ka nga gusto Julie, gaga ka talaga.
Napainom lang siya lalo ng kape, sinasamyo ang pakiramdam ng init nito sa lalamunan. Kung enervon sa ibang tao, kape sa kanya.
"Si ate nga pala?" Tanong niya sa magulang habang naglalapag ng corned beef sa harap niya ang kanyang nanay.
"Ayun pinagpalit na tayo kay Richard." Sagot ni Ian na kunwari ay nagtatampo habang umiinom muli sa kanyang kape.
Mahinang natawa si Julie habang tinitingnan ang tatay. "E papa naman. Siyempre they want to spend time with each other."
"Basta nararamdaman ko malapit na ikasal panganay ko." Tila na-e-excite na sabi Lara. "Nako we will plan the best wedding ever!"
"Ako magb-bake ng cake!" Presinta ni Julie. Doon na lang kasi talaga siya bumabawi dahil kahit papaano ay doon siya bilib sa sarili.
"Of course sweetheart." Sabi ni Lara at hinaplos ang muhka ni Julie. "Ano nga pala balak mo mamaya?"
"Wala naman po." Sagot din ni Julie. Parang gusto na lang niya manatili sa bahay. Wala siya gana lumabas o gumimik sa kahit saan. Kuntento na siya sa pagstay sa loob ng bahay.
"Lumabas ka naman anak. Ang putla mo na kaya."
"Papa naman eh."
"Ian inaasar mo nanaman anak mo." Sabi ni Lara.
At kagaya ng kanina ay natawa lang si Ian.
"Di na ata kita nakikita magjogging kasama si Elmo?"
Ayan nanaman ang puso niya. May ganung epekto talaga sa kanya ang lalaki eh. Yung tipong sira kaagad sistema niya kasi hindi alam kung ano ang ire-react. Marinig lang niya pangalan nito ay kinakabahan na siya.
"Uh. Busy yun pa eh. Sabagay come to think of it. Sige magjojogging ako." At kaagad siyang napatayo sa hapag. Mabuti na lang at nakakain na din naman siya kahit kaunti. Basta lang hindi mahalata na iniiwasan niya ang topic na nagsisimula sa E at natatapos sa O.
Mabilis siyang umakyat sa sariling kwarto at nagbihis ng sports sando at cycling shorts.
"Ayan anak paaraw araw ka naman para hindi ka magmuhkang bampira."
"Papa!" Reklamo nanaman ni Julie at sumimangot.
Tumawa lang ulit si Ian habang nakaupo at nanunuod ng TV.
"Ma jogging muna ako." Paalam ni Julie sa nanay na nagbabasa ng magazine sa tabi ng tatay niya.
"Osige anak."
She made her way out of the house and into the street.
Nagunat unat muna siya at nagwarm up nang makarinig siya ng isang tunog na parang may natumba.
Sa gulat ay napatingin siya sa may tabi at nagulat nang makita si Elmo na nakadapa sa may kalsada.
"Lahat!" Gulat din na sabi niya at mabilis na linapitan ang lalaki.
"Are you alright?" Nagaalala na tanong niya habang tinutulungan ang lalaki mapaupo muli sa may gutter.
Nadungisan ang muhka nito pero muhkang wala naman sugat.
"What happened?" Tanong niya habang umuupo sa tabi ni Elmo. Inilabas niya ang twalya na hinanda niya para sa pagtakbo sana. Pinunasan niya ang dumi na nagmarka sa muhka ni Elmo.
"N-nadapa lang ako." Sagot ng lalaki. He was staring down hard at her and they looked away at the same time.
Pinakalma muna ni Julie Anne ang sariling puso bago balingan ng tingin si Elmo. Laking gulat na lang niya nang dahan dahan siya nitong hilain patayo.
"Are you going to jog?" Tanong ng lalaki sa kanya.
She nodded her head. "Yeah. Just for a bit though."
"You should. May dala ka bang water bottle? s**t, you used your towel on me wait."
"Saan ka pupunta?" Habol ni Julie pero nakapasok na ulit si Elmo sa loob. Wala pang dalawang minuto ay nakalabas na ito. Pawis na pawis ang muhka habang lumalapit sa kanya.
Saka naman nito inabot ang isang twalya sa kanya.
Hindi napigilan ni Julie ang mapangiti at bahagyang natawa. "O ganun din. Ikaw naman ang pawis. Baliw ka talaga."
Napatingin lang sa kanya si Elmo habang tumatawa pa rin siya. She noticed this and felt a little tense. Ginamit niya ang dala nitong twalya at ipinunas iyon sa gilid ng muhka ng lalaki. She felt him tense up and she just smiled at him.
"I better get going." Saka niya iniwan ang binigay nitong twalya at nagsimula magjogging palayo.
Hindi siya lumingon. Iba epekto kapag nakikita niya si Elmo eh. Sinabi na niya sa sarili na kontrolin ang emosyon. Pano ba naman siya magmomove on kung ganyan na lang? Ang hirap ng sitwasyon! Napabilis ang pagtakbo niya. She was sprinting and not jogging.
"Lahat! Lahat!"
Napatigil siya sa pagtakbo at nakita si Elmo na nahabol siya. He was smiling at her. May bago nanaman itong dalang twalya.
He handed it to her and she couldn't help but smile. Siguro naman kaya niya ito diba? Parang dati lang. Yung hindi pa sila awkward sa isa't isa. Kagaya pa rin ng dati.
"Dararatradati!"
Napasimangot si Julie sa narinig at nakita si Sam na kumakanta palapit sa kanila. Nakapangjogging atire din ito kagaya ng sa kanila ni Elmo. Maya maya lang ay nakita nila si Tippy na nakasunod dito at ganun din ang attire.
"Oh hey guys! Jogging din pala kayo! Tara saan ba route niyo?" Ani Tippy.
In the end ay ang dalawang lalaki ang magkasama magjogging. Nauuna ang mga ito kayla Julie habang ang dalawang babae ang magkatabi sa likuran.
"Kamusta ka Jules?" Alam naman ni Julie na tungkol sa pagkakaospital pa rin niya ang tanong na iyon kaya ngumiti lang siya bilang sagot. Okay naman na talaga siya eh.
"Move on na ako. Basta ba malayo na sa akin si Zach eh."
"He should get a worse treatment than just rehab." Sabi ni Tippy.
But Julie only somberly smiled back. Naniniwala naman siya sa second chance at baka nga second chance sa buhay na ito ni Zach. "Basta wala na siyang ibang masasaktan okay na ako."
They continued jogging until they reached the village plaza.
"Pahinga muna tayo." Sabi ni Sam at nagunat unat muna.
Umupo na si Julie at si Tippy sa may mga swing sa playground.
"Wait, bili ako water." Sabi ni Sam at tumayo para dumeretso sa isang tindahan na malapit lang sa kanila.
Si Elmo ay umiinom na sa baon nitong water jug bago ibigay kay Julie na tinanggap naman ito at uminom na din.
Saka naman nagpunas ng pawis si Julie Anne gamit ang bigay na twalya ni Elmo bago ibigay ito sa may-ari at siya namang punas din ng pawis ni Elmo.
Tiningnan sila ni Tippy na una ay nakakunot ang noo hanggang sa bahagya na itong natawa. "O so, lahat ng gamit share kayo ganun?"
"Ha?" Ani Julie na bahagyang namumula; sana hindi halata. "Hindi naman. Nakulangan lang kami ng twalya."
"How sad. Rich people not having enough towels." Pangloloko ni Tippy nang makabalik na si Sam.
"Here babe." Sabay bigay ni Sam ng tubig kay Tippy. Nginitian ng huli ang nobyo bago ininom binigay nitong tubig.
"Malapit na nga pala ang pasukan." Sabi naman ni Sam sabay harap kay Elmo. "Swerte mo pre ka-group mo si Julie sa thesis."
"O bakit?" Tanong naman ni Julie.
"Hello Jules." Tippy said. "Para kang magician gumawa ng thesis! Naalala mo yung babyt hesis natin nung sophomores tayo? Uno kaagad ang grade!"
"Hindi pa nga natin alam kung sino ang magkakagroup." Sabi naman ni Elmo na ngayon lang umimik habang nakatayo sa tabi ni Julie Anne.
"E hindi nga naman kasi kayo naghihiwalay eh." Puna pa ni Sam.
Sabay na nagkatinginan si Julie at si Elmo. This was bad. Well. For Julie's part. Parang ngayon lang niya nare-realize na masyadong package deal na ang pangalan nila ni Elmo. Sooner or later ay kailangan na niya lumayo dito ng tuluyan. Pabalik balik na lang ang thoughts niya tungkol dito. Talk about being torn.
Pero nang tingnan niya si Elmo ay kinukumbinsi niya ang sarili na kaya naman niya kahit hindi ito lagi kasama. Hindi naman sila magkakabit sa tadyang.
"O ano? One more lap?" Sabi naman ni Sam kaya natigil ang pagiisip ni Julie Anne.
They all set up at ngayon ay nagpalit palit naman sila ng kasama tumakbo. Si Sam at Tippy ang magkatabi habang si Julie at Elmo ang sabay na nagjo-jog.
"Lahat." Elmo called as they continued jogging.
"Hmm?" Julie said.
"Can we stop for awhile?"
Binagalan ni Julie ang pagtakbo. Nauuna na sila Sam at Tippy sa kanila at muhkang hindi naman napansin ng mga ito na tumigil sila.
They stopped by a certain house. Ang alam nila ay isang matandang dalaga ang nakatira doon at mga maid lang ang kasama sa bahay.
Sa may gutter sila sa harap naupo.
"I'm sorry." Elmo said after a while.
Julie looked at him and saw how pained he looked. "Diba sabi ko naman sayo, kalimutan na lang natin yun? If I can do it I'm sure you can."
But Elmo still had that same expression on his face. He sighed and again looked at her. "I just feel like I'm such a big dick."
Mahinang ngumiti si Julie at napailing. "Look Lahat, we make mistakes. We learn from them. Then we move on right?"
Tumingin din sa kanya si Elmo. Nginitian niya ito para naman mawala na ang bigat sa pakiramdam nito. Kinukumbinsi ni Julie ang sarili na mas matapang siya kay Elmo. Mas kakayanin niya ito. If a guy you like doesn't like you back, you just have to put on your big girl panties and move on right?
Hindi naman sa pagkakaroon ng boyfriend umiikot ang mundo. Magfofocus na lang siya sa pagaaral para pagkagraduate niya e alam na niya ang gagawin niya sa buhay. Bahala na yang mga boyfriend boyfriend na yan.
"Masyado malalim iniisip mo Lahat." She teased the guy. "Lahat na lang lahat na lang."
And that made Elmo smile. "Lahat na lang lahat na lang." He replied. Naputol ang usapan nila nang mag-ring ang telepono ni Julie.
Inilabas ng babae ang iPhone mula sa arm band kung saan nakalagay ito. Sabay na nanlaki ang mata nila nang makita kung sino ang tumatawag.
Tiningnan muna ni Julie ang lalaki bago sinagot ang tawag.
"Hello po tita? Opo...opo kasama ko po. Talaga po?! Sige po pauwi na po kami."
Binaba niya ang tawag and Elmo expectantly looked at her. "What did mom want with you?"
She smiled at him. "They're home!"
"What?!"
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
"Teka teka Lahat sumama ka." Sabi ni Elmo habang pinipigilan si Julie na dumeretso sa bahay ng mga ito.
"Ha? Ako ba hanap ng nanay mo?" Asar pa ni Julie Anne.
"Ikaw hahanapin on sa akin trust me."
"Alam ko mahal ako ni Tita Irma pero kaya mo na yan!" Sinubukan ni Julie hilain ang sarili palayo pero mahigpit ang hawak sa kanya ni Elmo.
"Lahat sige na ikaw na mismo nagsabi na mahal ka ni mommy. Ikaw hahanapin non!"
"Ang baho baho ko pa eh!"
"Kailan ka ba naging mabaho tara na please?" And he used those f*****g puppy eyes that always seemed to f*****g work on her.
She clicked her tongue and slapped his arm. "Sige na nga!" Nauna pa siyang magmartsa papasok sa bahay ng mga Magalona na akala mo ay doon siya nakatira.
"Julie Anne!"
Nawala ang simangot sa muhka niya at napalitan ng ngiti nang makita niya ang babae sa harap niya.
"Hi po tita Irma!"
Tumayo mula sa sofa ang nanay ni Elmo at mabilis na lumapit kay Julie para yakapin ito.
"Oh let me look at you!" Nakangiti na sabi ng babae at hinaplos ang muhka ni Julie Anne. 'Ang ganda ganda mo talagang bata!"
"Thank you po tita." Ngiti naman niya.
Saka naman nagpakita si Elmo sa likod ng babae.
"Hi ma."
"Hi baby boy!" Bati ni Irma bago halikan sa pisngi si Elmo.
"Ma naman eh hindi na ako baby!"
"You'll always be my baby, remember that!"
Nagtawanan ang ibang nasa may living room at nagulat si Julie nang makita na nandoon pala ang magulang niya pati na si Ate Angel at Kuya Richard. Kasama ay ang daddy ni Elmo na si Rob at si Frank at Maxene.
"Bakit di ko alam na uuwi pala kayo?" Tanong ni Elmo sa mga magulang.
"We wanted to surprise you!"
Napatingin si Elmo sa mga kapatid niya at pareho itong napakibit balikat.
"Don't look at us bro." Sabi ni Frank.
"Oo Moe hindi rin namin alam." Sabi naman ni Maxene.
"Told you we wanted to surprise you guys." Sabi naman ni Rob. "Dito kami hanggang sembreak mo Elmo. After e sa kompanya ka naman magO-OJT eh."
Lumabas mula sa kusina ang mga kasama sa bahay ng mga Magalona at naglabas ng meryenda. Brunch na rin.
"Ikaw ba Richard e inaalagaan mo itong si Angel?" Tanong ni Irma kay Richard. Parang pangalawang nanay din kasi ni Angel ito dahil sa sobrang close ni Laura at Irma kahit dati pa.
"Opo." Ngiti ni Richard. "Mahal na mahal ko po si Angel."
"Ayun naman pala Irma. Stop harassing the boy." Natatawa din na sabi ni Rob. "Hay ang lalaki niyo na. Akalain mong huling taon na sa college nila Elmo at Julie Anne?" Sa sinabi nito ay nadako naman ng tingin ng lahat sa dalawang pinakabata sa kwarto na iyon.
Magkatabi kasi sa may sofa ang dalawa at kumakain ng turon na gawa nila Manang. Pero muhkang hindi narinig nang mga ito ang usapan.
"Ang ingay mo kumain." Sabi ni Julie kay Elmo at pinahiran ang lumalandas na crumbles ng turon sa pisngi nito. "O ang kalat pa eh."
"Mahirap kumain ng turon Lahat. Tingnan mo ikaw meron din." Saka pinahiran din ni Elmo ang gilid ng bibig ni Julie Anne.
Nagkatinginan ang lahat ng iba pang tao na nasa kwarto.
"Itong dalawa kailan aamin?" Tanong ni Richard.
Napailing si Laura. "Hindi rin namin alam, anak."
Saka lang siguro nahalata ni Julie at Elmo ang nangyayari at napatingin sa kanilang lahat.
"What? What's wrong?" Tanong ni Julie Anne. Nakatigil pa sa ere ang kamay niya na kakapahid pa lang sa pisngi ni Elmo habang ang lalaki ay nakatingin lang din.
"Kailan ba kayo aamin mga anak?" Biglang tanong ni Irma.
Kumabog ang dibdib ni Julie at maging si Elmo ay parang natameme. Pero bago pa sila makasagot ay tumawa lang muli si Irma.
"Biro lang mga anak. Dati talaga balak namin na ipagkasundo kayo. Pero sino ba naman kami para pilitin kayo diba? Kung gusto niyo edi masaya. Kung ayaw, well that's fine with us too."
"Tama. Dahil dyan, maglabas pa ng maraming turon!" Anunsyo ni Ian.
Sumimangot si Julie. "Pa, ang sugar."
"Haha biro lang!"
"Pakiramdam ko mabibitin ako sa ganito lang." Sabi ni Irma at hinawakan ang kamay ni Laura. "Gusto niyo ba kumain mamaya ng dinner sa labas?"
"That would be great!" Sabi ni Laura. "May gusto kasi ako i-try na buffet place. Would you guys like it there?"
"Anything for food!" Sabi naman ni Frank at natawa si Maxene na kinurot ang braso ng kaibigan.
"Teka nga! Namimiss ko na boses ni Julie Anne eh." Sabi bigla ni Rob at napatingin kay Julie at Elmo. Binalingan naman nito ng tingin ang bunsong anak. "Elmo, duet nga kayo ng kanta. Magpiano na lang si Julie Anne."
"Ha? E Pa naman."
"Sige na you two always did that when you were younger." Sabi ni Laura.
"Oo nga bunso." Sabi pa ni Angel. "Sige na please?"
Tumingin si Julie at Elmo sa isa't isa bago walang nagawa na tumayo. Kinuha ni Elmo ang mga plato at pinatong iyon sa coffee table habang si Julie ay paderetso na ng piano.
Tumabi sa kanya si Elmo. "Anong kakantahin natin?"
"Nung bata pa tayo naalala mo ito?" At sinimulan ni Julie ang intro sa piano.
Elmo gave a small smile before starting with the first verse.
Well, here we are again;
I guess it must be fate.
We've tried it on our own,
But deep inside we've known
We'd be back to set things straight.
At sinundan ni Julie sa pangalawang verse.
I still remember when
Your kiss was so brand new.
Every memory repeats,
Every step I take retreats,
Every journey always brings me back to you.
Pakiramdam ni Julie e sinasadya talaga ng tadhana. Bakit ba kasi ayun ang naisip niya na kanta?!
Sabay silang dalawa na umwait sa chorus ng kanta.
After All the stops and starts,
We keep coming back to these two hearts,
Two angels who've been rescued from the fall.
After All that we've been through,
It all comes down to me and you.
I guess it's meant to be,
Forever you and me, After All.
Binuhos na lamang ni Julie ang emosyon sa pag-awit at dinig na dinig iyon ng lahat ng nakikinig. Pati si Elmo ay nadarama ang kanilang kinakanta halata sa pagtingin nito sa kanya.
They finished the song and their audience clapped with joy.
"Ang galing galing talaga ng anak ko!" Sabi ni Ian at hinalikan ang buhok ni Julie matapos nitong umupo sa tabi. Tinatago ni Julie na nanginginig ang mga kamay niya. Nadala ata talaga siya sa kanta.
"May harmony din talaga boses ninyong dalawa ano?" Pagpuna pa ni Frank. "If it doesn't work out in college magbanda na lang kayong dalawa."
"Frank! Paanong di magwowork out sa college e parehong dean's lister naman ang dalawang yan?" Sabi pa ni Maxene
"Ay oo nga no."
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
"Ma tinatamad ako eh."
"Tinatamad ka diyan?" Sabi ni Laura. Pinalo nito ang pwet ni Julie na nakahiga pa rin sa kama.
Tinatamad kuno ito pero nakabihis na ng slip dress.
"You love eating with the Magalonas. Tara na!" Pinatayo na nito si Julie at inayos ang buhok ng dalaga.
Lumabas ng bahay si Julie at saktong nandoon si Elmo. Ang gwpao nito sa suot na v neck shirt na pinatungan lang ng denim na jacket.
"Hi Lahat." Napangiti ito nang tingnan siya.
"O ayan na pala si Elmo. Sa kanya ka sasabay anak." Sabi ni Laura. "Kasi kayla Kuya Richard mo kami ng papa mo."
Muhkang wala naman siya choice kaya sumakay na si Julie sa kotse ng lalaki matapos siya nitong alalayan.
"Nagugutom na ako." Pagbasag ni Elmo sa katahimikan.
Natawa si Julie. "Lagi ka naman gutom eh. Taba." Pangaasar niya.
"You love me though." Natigilan silang dalawa. Dati naman kasi ay wala lang sa kanila iyon. Pero sa nangyari nung nakaraan ay may iba na itong pinapahiwatig kahit sa totoo lang ay hindi naman ganun ang ginusto.
"Lahat..."
"It's alright Elmo." Pinilit ni Julie ngumiti kahit sa loob loob ay nanghina siya ng bahagya. Pero naovercome naman niya kaagad yun. Huminga lang siya ng malalim at pinikit ang mga mata para kunwari ay wala na ang sakit sa dibdib niya.
Naramdaman niyang hinawakan ni Elmo ang kamay niya. Tila ba sinasabi nito ang "sorry". She gripped it back. Because she was strong. She could do this.
Nakadating na sila sa restaurant at dinala sila sa isang table. Unfortunately walo lang daw ang kasya sa table na iyon dahil medyo puno ang lugar. Weekend nga naman kasi.
"O dito sa pangdalawahan na lang ang mga bunso." Sabi pa ni Frank at tinulak si Elmo papunta sa sinasabing dalawahan na nasa tabi lang din naman kung saan sila lahat.
Sinimangutan ni Elmo ang kuya niya pero ngumiti lang ito.
Elmo pulled one chair for Julie to sit. "Ako na kuha ng food."
Gusto sana umalma ni Julie kaso nauna na sa kanya ang lalaki. Lagi naman ganito diba? Kagaya lang ng dati. Siya ang dapat hindi maglagay ng malisya.
Nakakuha na nga ng pagkain si Elmo at hindi nagkamali si Julie dahil alam nito kung ano ang gusto niyang pagkain.
"Eat up Lahat." Sabi ni Elmo. He started doing so and so did she.
Rinig nila ang usapan ng pamilya sa kabilang lamesa. Marahil ay akala ng mga ito na hindi nila rinig o sadyang pinaparinig lang talaga sa kanila.
"Pabebe talaga yang si Julie at si Elmo no?" Ani Frank.
"What's pabebe anak?" Tanong ni Irma.
"Pakipot ganern ma." Sabi naman ni Maxene.
"Eh hayaan niyo na ang mga yan." Sabi din ni Ian. "Kung gusto, gusto, kung ayaw, ayaw. Wag niyo ipressure."
Sabay na nagangat ng tingin si Elmo at Julie sa isa't isa. Mata lang nila ang naguusap hanggang sa si Elmo na ang nagsalita.
"Tinutulak ba talaga nila tayo Lahat? Sila lang ba o lahat ng tao sa paligid?" Tanong ni Elmo.
Julie stared him down. Tears wanted to well up in her eyes but she had this strong amount of control. "Pwede rin. Simpleng sabi niya." Pwede rin na tadhana." Then she breathed out. "Pero hindi gagana si tadhana kung aayawan mo."
Elmo looked back at her looking thoughtful but his phone started ringing. Nakapatonglang kasi ito sa may lamesa kaya naman nakita kaagad ni Julie kung sino ang tumatawag.
Tumingin sa kanya si Elmo na para bang nagpapaalam at tumango lang siya kahit alam niya sa sarili niya na hindi naman kailangan magpaalam ni Elmo.
"Hello Tiffany?...What?!"
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
AN: This is my signature mahabang chapter pero bitin pa rin. Ano sa tingin niyo nangyari? Kamusta sa tingin niyo ang mag-Lahat? Where do they stand? :D hehehe! Comments please? And votes? Thank you for reading!
Mwahugz!
-BundokPuno<3