Chapter 8

3053 Words
Umagang umaga ay tahimik na nakaupo si Julie sa harap ng hapag. Late na siya nagigising ngayon. Nasira ata ang body clock niya. "Ngayon ka lang ba nagising anak?" Tanong sa kanya ni manang. Muhkang galing ito sa laundry room, kita sa dala dalang basket ng mga linabhan. Medyo inaantok na tiningnan ni Julie Anne ang matanda. "Ah opo manang eh." "Aba dati hindi ka naman ganyan." Sabi pa ni manang. Oo. Dati hindi siya ganito. Dati hindi pa rin siya nahahalikan. Pero iba na ngayon. Dahil ang best friend niyang lalaki ang nakakuha ng first kiss niya at siya din nakakuha ng first kiss ni Elmo. Siya ang unang humiwalay ng gabi na iyon at walang sabi sabi na bumaba ng tree house at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. It's been two days and she's heard nothing from Elmo. Ayaw din naman niya. Hindi pa kasi siya handa para harapin itong muli. "Nagaaway nanaman ba kayo ni Elmo?" Biglang tanong ni manag, catching her attention. "Aba napapadalas na ata yan ah. E nung isang linggo diba may tampuhan kayo?" Napatungo si Julie, tinitingnan ang pagkain sa harap niya. Nakakdalawang subo pa lang ata siya. "H-hindi naman po kami nagaaway manang." "Ah ganun ba?" Parang hindi rin makapaniwala na sabi ni manang. "E kasi naman sanay ako na lagi nandito yung batang iyon. Minsan nga nakakatulog na dito hindi ba?" Muli ay napatungo lang si Julie. hindi kasi niya alam kung ano ang sasagutin sa matanda. Narinig niya na binaba ni manang ang dala dalang basket hanggang sa maramdaman niyang umuupo ito sa tabi niya. "Anak." Simula nito. Sa wakas ay napaangat ng tingin si Julie at nakitang nagaalala na nakatignin sa kanya si manang. Kunot ang noo nito at ngayon ay hinahaplos pa ang kanyang balikat. Kahit ang ekspresyon niya sa muhka ay masyadong halata. Hindi na siya magtataka kung bakit nagaalala sa kanya si manang. "May ginawa ba si Elmo anak?" Maingat na tanong ni manang. Saglit na hindi sumagot si Julie pero dahan dahan din naman umiling bago ibalik ang tingin sa pagkain. Sigurado naman siya na hindi siya titigilan ni manang at gusto lang din niya na may makausap. "W-wala po manang. Ano lang..." She sighed before finally letting it all out. "Ayaw ko po maging awkward kami eh." "Okward?" "Yung naiilang po manang..." "Ah...o e bakti naman kayo magkakailangan?" Biglang tanong ni manang at naguguluhan pa na nakatingin kay Julie. Kahit medyo nahihiya ay inilabas na ni Julie ang lahat. "Hinalikan niya po kasi ako." Sobrang bilis ng t***k ng puso niya. She couldn't believe she was telling this to their old house maid! Parang pinagpawisan din tuloy siya. Grabe nahiya siya bigla. Kung pwede lang ay magtatago siya sa likod ng kanyang buhok. Napasilip siya sa kung anong reaksyon ni manang ang blangko lang ang ekspresyon nito hanggang sa muli ay nagsalita. "O e tamang tama lang. Malaki naman na kayo. Wag lang yung mas hihigit pa sa halik anak ha? Hindi pa ako handa magkaron ng apo sa tuhod." "Eh manang--" Natigilan si Julie bago ituloy ang sasabihin. "Hindi naman po kasi kami." "Ano kamo?!" Gulantang na sabi ni manang at napapitlag si Julie sa kinauupuan. Mabuti na lang at sila na lang ang tao sa bahay. "Akala ko kayo na ni Elmo! Kumabaga hindi niyo lang sinasabi! Aysus maryosep naman o!" Napapailing na sabi ni manang bago tignnan muli si Julie na napatungo lang. "E pano yan anak? Hinalikan ka niya kamo?" "O-opo." "Aba e tapos ano sabi niya?" "A-ako po unang umalis eh." Pag-amin ni Julie. "Naguguluhan po ako manang. Ayoko po masira friendship namin. K-kahit na matagal ko na po alam na gusto ko siya." Nahahabag na tiningnan ni manang ang alaga. "Anak, may dahilan naman siguro kung bakit ka niya hinalikan diba? May nararamdaman din siya siguro anak." "Pano po kung nabigla lang siya?" Tanong din ni Julie Anne. "Mas gusto ko po kalimutan na lang namin ang nangyari. Balik na lang po kami sa dati." "Pano kung pareho kayo ng nararamdaman? Pano anak?" Balik ni manang. "Kapag nakompirma mo na ang lahat sa kanya, pwede niyo ipagpatuloy yan." "Pero--" "Natatakot ka anak alam ko." Malumanay na nginitian siya ni manang. "Mas pagsisishan mo kung hindi mo susubukan." =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Nang gabi din na iyon ay nag-aya si Julie kay Maqui na lumabas papunta sa paborito nilang mall. Nagyaya sa isang restaurant si Julie Anne at kaka-order pa lamang nila ng pagkain nang sunud sunurin na siya ni Maqui ng mga tanong. "Umamin ka San Jose, mat problema ka na hindi sinasabi sa akin." Gulantang na tiningnan ni Julie si Maqui. Pero nang hindi ito umatras ay bumuntong hininga na lang siya. "Ito na sasabihan ko na nga eh." Hindi na umimik pa si Maqui at hinintay na sumagot si Julie. Kinakabahan ang huli dahil pakiramdam niya e matutunaw siya sa kung paano siya tingnan ni Maqui. Para bang sinasabi ng muhka nito na ayusin niya ang sagot kundi ay bibigwasan siya nito sa gitna ng restaurant na iyon kahit na maraming tao sa paligid. "You have to promise me you won't scream or shout." "Oh my god hindi ka na virgin." "What? No!" Mabilis na sabi ni Julie at napailing pa. Inismiran niya si Maqui na seryoso pa rin na nakatingin sa kanya kahit na kung ano na pinagdudahan nito sa kanya. Inipon niya ang hangin sa baga bago nagsalita. "Elmo kissed me the other night and I kissed him back." Matapos sabihin iyon ay sinilip niya ang muhka ni Maqui at nakitang nakanganga ito. Pero dahan dahan na naging ngiti ang nganga nito at napakagatlabi pa na parang kinikilig. "Maq?" "Iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii." Halatang pigil na pigil ang pagkakilig ng pinakamatlik na kaibigan. Tipong namumula na ang muhka nito at parang kiti kiti na hindi mapakali sa upuan. "Bes pakshet ka naman!" Sabi nito nang mahina pero mariin. "Bakit dito mo sinabi sa akin? Sana sa bahay para pwede ako sumigaw!" "This is exactly why I brought you here. Para hindi ka makasigaw." Buntong hininga ni Julie Anne. "Teka teka bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba magaling humalik si Elmo? Muhkang magaling naman siya humalik pero siyempre ang lagi ko iniimagine na hinahalikan ako si Frank--ay ano ba tong usapan na ito. Gaga ka talaga Julie kung ano ano kasi sinasabi mo." Tinaasan ng kilay ni Julie ang kaibigan at bahagyang natawa pa. "Ako pa talaga ah? At sabi ko na may pagnanasa ka talaga kay Kuya Frank eh." "Bakit, pareho lang naman tayong may gusto na Magalona." Natigilan si Julie at napabuntong hininga nanaman. "O ayan ka nanaman." Pagpuna ni Maqui. "Ano? Hindi nga magaling humalik si Elmo no?" "It's not that." Namula si Julie dahil naalala niya kung paano siya halikan ni Elmo nung gabi na iyon. Mabuti na lang at nasa kanya pa rin dila niya. "Bes gusto mo tubig namumula ka eh." Pangaasar ni Maqui sabay abot kay Julie ng isang baso. Napailing na lang si Julie. "Ayaw ko na kasi balikan. I'd rather tell Elmo to forget about it." "Gaga ka ba? Bakit naman?!" Dumating na ang pagkain nila kaya hinintay muna nilang makaalis ang waiter bago nagsimula ulit magusap. "Ilang beses ko ba sinabi na ayaw ko masira friendship namin?" Pilit pa ni Julie habang tinitingnan ang pagkain. Bakit pa siya nagorder e pakiramdam niya hindi rin naman niya makakain kung ano ang nasa harap niya. "Ungas. Bakit ka naman hahalikan ni Elmo kung wala lang sayo?" Ani Maqui. "Ayun nga yung ayaw ko malaman eh." Tila nahihirapan na sabi ni Julie Anne. "Parang mas masakit kung malalaman ko na ginawa niya yon dahil wala lang. Dahil nabigla siya. Ganun." "Alam mo masyado ka nag-o-over think e. E pano kung may gusto din naman talaga sayo si Elmo diba?" Julie shook her head at that. Wala siya sa wisyo. Hindi kasi pumapasok sa utak niya na magkakagusto nga sa kanya ang best friend niya. Tinapos na niya ang usapan at kahit anong gusto pa ni Maqui ituloy ay binalewala na lamang niya. Kahit papaano ay nakain naman niya ang i-sinerve sa kanya pero bumigat lalo pakiramdam niya. "Mahirap ka pala malungkot bes. Yung iba kasi kapag nalungkot kain ng kain ikaw nawawalan ng gana." Ani Maqui. Nagisip ito saglit bago hilain patayo si Julie. Kanina pa naman nila nabayaran ang bill. "Saan tayo pupunta?" Takang tanong ni Julie. Wala naman kasi sinasabi sa kanya si Maqui. "Don sa park! Tara gagawa tayo ng music video mo." Wala na nagawa si Julie dahil una, mahigpit ang kapit sa kanya ni Maqui at pangalawa ay gusto din niya magpahinga. Naupo silang dalawa sa isang bench sa indoor park ng mall na iyon. "Tara lam mo magpicture picture na lang tayo. Dami mo liker eh." Tawa pa ni Maqui at inilabas ang iPhone para magselfie selfie. Kahit papaano ay napapasaya si Julie at hinayaan na niya ang sarili na ienjoy ang oras kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigan. Nakakilang picture na ata sila nang may mapansin silang nandoon din sa park na iyon. "Bes look." Sabi ni Julie sabay nguso sa nakikita. Sinundan ng tingin ni Maqui kung saan nakanguso si Julie at nanlaki ang mata sa nakita. "Hala siyaaaa." "You think sila na?" Nakangiti na tanong ni Julie sa kaibigan. "Tara nang malaman!" Hinatak siyang muli ni Maqui patayo. Mabuti na lang talaga at hindi pa natatanggal ang braso niya sa kakahatak ng kaibigan. Papalapit pa lang sila ay nanlaki ang mata ng lalaki nang matanaw ang mga pigura nila. "Hi Jhake!" "Maq! Jules! Anong ginagawa niyo dito?" Gulantang na tanong ni Jhake. At saka ito napatingin kay Bea na umiinom ng juice sa tabi niya. Hindi pinansin ni Maqui at Julie ang lalaki at imbis ay binaling ang tingin kay Bea. "Hi Bea!" "Hi girls." Nakangiting sabi ni Bea bago tingnan si Julie. "Jules, kamusta ka na?" Halatang nagaalala pa rin ito sa nangyari sa kanya. Julie smiled softly at her. Sigurado siya magiging usap usapan din iyon sa papasok na school year kaya hindi na siya nagtaka pa. "Okay na ako. Just a bump on the head." "Mabuti. I'm sorry sa party ko pa nangyari yon." Bea replied. "Mabuti na lang nandoon kaagad si Elmo. May 'Julie sense' siguro siya." Natatawa na lang din na sabi nito. Julie smiled somberly because she didn't know how to reply to that while she saw Maqui glancing at her from her periphery. "Saan nga pala si Elmo?" Tanong naman ni Jhake. "Uh..." Simula ni Julie. E sa hindi niya alam ang sagot doon eh. "Baka nasa bahay or nag-g-gym." "Hindi mo alam kung saan siya?" Takang tanong pa ni Bea. "Ah oo eh." Dahil ang totoo naman niyan ay hindi sila lagi magkasama ni Elmo. Or talagang ngayon lang nangyari iyon. "Kapag naging boyfriend na kita dapat report ka kaagad sa akin ah." Biglang sabi ni Bea dahilan para mamula si Jhake sa tinuran ng babae sa kanya. "E yun naman pala!" Natatawa na sabi ni Maqui. "Bea sagutin mo na kasi si Jhake para naman masaya na ang little boy namin." "Maka-little ka naman Maq!" "Hahahaha!" Tumawa na rin si Julie sa nangyayaring eksena sa harap niya nang tumunog ang hawak niyang iPhone. Tiningnan niya ito at bumungad ang larawan nila ni Elmo na nakangiti para sa camera. "Ayan na pala si Elmo tumatawag!" Ngiti ni Jhake. Wish lang ni Julie na hindi halata ang panginginig ng kamay niya nang pindutin niya ang answer.  "Hello?" "Lahat?" Saglit na tumigil ang pagtibok ng puso ni Julie. Parang bigla niya namiss ang pagtawag sa kanya ng ganun ni Elmo. Kahit na dalawang araw pa lang naman ang nakakalipas. "Where are you?" Tanong pa muli ni Elmo mula sa kabilang linya. Kita ni Julie na pinapanuod siya nila Jhake. Napabuntong hininga siyang sumagot. "Nasa mall kami ngayon. I'm with Maq." "Oh. Uh, anong oras kayo uuwi?" Napatingin si Julie sa kaibigan dahil alam naman niyang hindi nariring ni Maqui ang usapan nila ni Elmo. "Maya maya pa." "Sige. I'll wait for you na lang." "O-Okay." At kaagad na binaba ni Julie ang tawag. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kanya sila Jhake. "Okay ka lang Jules?" Tanong naman ni Bea. Julie nodded her head. Might as well get it over with now. Kakausapin na siya ni Elmo at kailangan niyang paghandaan kung ano man ang sasabihin sa kanya ng lalaki. "Maq uwi na tayo." Sabi naman ni Julie. "Ay ayan uuwi na kasi tinawagan na ni Elmo." Tawa ni Jhake. "Ganyan ka din naman sa akin." Bira ni Bea dahilan para mapatawa si Maqui. Nagpaalam na ang dalawang babae sa nagliligawan bago dumeretso sa parking lot. "Anong sabi niya bes?" Tanong ni Maqui, halatang curious na curious sa usapan ni Julie at Elmo. Julie shrugged as she got inside her car. Yeah this time siya ang may dalang kotse. "Hinahanap lang ako." "After two days talaga?" Sabi pa ni Maqui habang naglalagay ng seat belt. At kagaya ng kanina ay napakibit balikat lang si Julie Anne. Sa totoo lang mabilis ang t***k ng puso niya ngayon dahil kinakabahan siya. Parang bumabaliktad din ang sikmura niya. Ganoon siya kapag kinakabahan eh. Kung pwede lang ay wag muna sila magharap ni Elmo pero hindi naman pwede na ganun. "Bes bakit parang ang bagal mo magdrive." "Shut up Maq, kinakabhan na nga ako eh." "Ungas 'to. Magkikita din naman kayo ni Elmo pinapabagal mo pa." Irap ni Maqui. "Tumatanda na ako dito sa kotse mo eh!" "Ito na ito na!" Julie grumbled. Bakit ba kasi kilalang kilala siya ng kaibigan niya. Sa wakas ay nakarating sila sa village. Mas mauuna ang bahay nila Elmo sa daanan kaya mas lalong lumalaks ang t***k ng puso ni Julie Anne. Dahan dahan lang ang pagmaneho niya kahit na anong daldal ni Maqui na bilisan daw niya ang pag-drive. Paparada pa lang siya nang hindi napigilan ni Maqui ang mapareact. "Tangina anong ginagawa ng hitad na yan diyan?" Napatingin siya at nakitang kasama ni Elmo na nakaupo sa may garden ng bahay si Tiffany. Tulala lang si Julie hanggang sa naipark na ang kotse. Nakatingin sa direksyon nila si Elmo at napatayo pa ito mula sa kinauupuan. "Bes. Hinga bes." Julie snapped herself out of her reverie. Okay it was now or never. Lumabas na silang dalawa ni Maqui sa kotse at kaagad silang sinalubong ni Elmo na muhkang masusuka na din. "Bagay nga kayo." Bulong ni Maqui kay Julie habang papalapit pa lang si Elmo. "Pareho kayo ng reaksyon kapag kinakabahan eh." "Maq." Banta pa ni Julie. Sakto ay nasalubong na sila ni Elmo. Mahina itong ngumiti kay Julie Anne. "Hi." "Anong ginagawa ni Tiffany sa bahay mo?" Bungad ni Maqui. Naliltong napabalik ng tingin si Elmo kay Tiffany na ngumiti lang sa kanila bago pumasok sa loob ng bahay. "Ah, kinakausap kasi siya kanina ni ate. Pauwi na din siya." Elmo explained. "O ano, ikaw pa ang maghahatid?" Sabi din ni Maqui. "H-hindi." Elmo answered but was looking at Julie Anne. "Sa inyo muna ako bes." Tanging nasabi ni Maqui bago bumeso kay Julie. Tiningnan nito ng masama si Elmo bago pumasok sa loob ng bahay nila Julie Anne. This was really awkward. Ngayon silang dalawa na lang ang nandoon ay hindi alam ni Julie kung ano ang sasabihin. Nakatingin lang sila sa isa't isa. "Lahat." Si Elmo ang unang nagsalita. Pakiramdam ni Julie ay tatakbo siya. Pero ibang pagtatakbo ang gagawin niya. "Nung isa gabi Elmo." Simula niya. "K-kalimutan na lang natin yon." Halatang hindi ineexpect ni Elmo na iyon ang sasabihin niya. Kita sa pagkunot ng noo nito at ang pagtataka sa muhka. "But Lahat..." "Masasagot mo ba ako Elmo kung bakit mo ako hinalikan nung gabi na iyon?" Tanong ni Julie Anne. Hindi niya alam kung saan galing ang tapang niya. Baka sa adrenaline lang sa katawan niya. Mabilis pa din ang t***k ng puso niya at pakiramdam niya lalagnatin siya sa nararamdamang init ng katawan. "Masasagot mo ba ako kung bakit akala ng mga tao na boyfriend kita? Kasi nakikita nila na ang sweet mo sa akin. Kasi hindi tayo mapaghiwalay kuno. Masasagot mo ba iyon?" Ang masakit sa lahat ng ito ay hindi maksagot si Elmo. Tila nawalan ito ng dila o bigla na lang hindi na pala marunong magsalita. Ang ekspresyon lang nito sa muhka ang nagsasalita. Tila nahihirapan ito. At muhkang sa ganung paraan ay alam na ni Julie ang sagot sa kanina pa niya pinupuna. She gave a wan smile. "Elmo you're my best friend. At alam ko na sweet ka lang talaga sa akin. Siguro hinalikan mo lang ako kasi nalaman mo na wala pa ako first kiss. Maalaga ka lang talaga sa akin kasi nakasanayan mo na yon. Well, maalaga ka naman talaga na lalaki eh. Tingnan mo nga si Tiffany grabe mo alagaan." She looked up at him again. "Pero please lang Elmo. Kung best friend mo lang ako, best friend mo lang ako okay? Hindi mo ata alam kung gaano nakakatanga ang isipin kung ano ba talaga ako sa'yo." "Julie..." Sa wakas ay nakasalita si Elmo. There was this spark. Isang spark kung saan umasa si Julie nang makita na may sasabihin na sa kanya si Elmo. "I don't...I don't think I'm good enough for you." Biglang sabi nito. "You're too perfect Lahat. I would be lucky to call you mine. But I don't want to lose our friendship. You're my best friend. What if we don't work out?" Julie sighed and nodded her head. Naisip na din niya yan. "Ganyan din naman iniisip ko eh. You'll still be my best friend Elmo." She said. "Pero mas maganda ata na less ang oras ng pagkikita natin. I don't want to lose you just like that." "A-ayoko din." Elmo said. They looked at each other painfully. Ramdam ang bigat sa kanilang dalawa. Ramdam ang damdamin. He reached out and hugged her as she hugged him back. Mahirap maging duwag. Lalo na sa mga bagay na hindi mo alam kung ano ang mangyayari. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= AN: Wala pong papatay sa akin at wala pong babato ng kamatis. Kape lang. Hehehe! Hirap na hirap ako sa chapter!! Pahinging electrolytes! Sorry na oo sorry na kasi bitin kasi nakakainis alam ko haha! Let me know what you think! Comments please? Votes? Haha! Thanks for reading! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD