"Mam excuse lang po ah."
Nagising si Julie sa pagtapik sa braso niya. Madilim pa ang kwarto pero maya maya lang ay bumukas na ang ilaw at napapikit ulit siya. May astigmatism pa naman siya kaya masakit talaga ang biglang bukas ng ilaw.
"Mam sorry kuha lang po ako ng BP niyo." Sabi ng nurse sa kanya.
Nginitian niya ito at inalay ang braso kaso napagtanto na may nakayakap pa pala sa kanya. Napakurap kurap siya at ngayon lang napansin na nakayakap pa rin pala sa kanya si Elmo. Napasilip pa siya sa maliit na sofa sa tabi ng kama niya at nakitang natutulog doon ang ate niya.
Inayos niya ang sarili at hindi naman nagising si Elmo.
Ngumiti ang nurse na para bang nanloloko at nginitian lang niya ito pabalik. Kinuha na nito ang blood pressure niya bago tanggalin ang gamit na stethoscope.
Kukunin na sana nito ang BP ni Julie kaso hindi makagalaw dahil sa laki ni Elmo.
"Uhm mam, okay lang po ba gisingin muna siya?"
"Ah opo. Sorry." Mabilis na sabi ni Julie bago humarap para tapikin sa balikat si Elmo. "Lahat, hey wake up muna."
"Mm...hmm?" Dahan dahan na bumukas ang mata ni Elmo bago nito napagtanto na may ibang tao pala na nandoon.
"Ah...sir okay lang po ba kunan ko muna saglit ng BP si Ma'am?"
"Ay opo!" Muntik pa malaglag si Elmo sa kama nang tumayo siya.
Maikli lang na natawa ang nurse. Sa kaunting ingay ay nagising na din si Angel.
"Ano yan?" Tanong nito.
"Kunan daw ng BP si Lahat, ate." Paliwanag pa ni Elmo habang nakatayo sa tabi ng kama ni Julie. Inayos pa nito ang buhok ni Julie sa gilid at nginitian ang babae.
Nakuha na ng nurse ang BP ni Julie at nginitian ito. "Back to normal na ma'am. Hintayin na lang natin nag rounds si doc mamaya."
"Ok po. Thank you." Ngiti ni Julie Anne. Tiningnan nila ang oras at nakita na ala sais pa lang ng umaga.
"Elmo uwi ka muna di ka na nakapagbihis o." Sabi ni Angel.
"Oo nga Lahat." Sabi ni Julie habang lumalabas na ng pinto ang nurse. "Pahinga ka muna. And thank you for staying with me."
"Sure ka?" Tanong pa ni Elmo na parang ayaw talaga umalis.
Mahinang ngumiti si Julie. Okay naman na kasi ang pakiramdam niya. May kaunting kirot na lang sa ulo.
Hindi pa rin gumgalaw ang lalaki at nakatingin lang kay Julie Anne.
Si Angel na ang tumayo at hinawakan ang balikat ni Elmo.
"Moe, okay lang yan. Uwi ka na muna ha? Kung gusto mo balikan mo na lang si Julie kapag nakapahinga ka na."
Huminga ng malalim si Elmo at tumango kahit na parang ayaw pa rin nito.
"Pahinga ka muna." Sabi ni Julie. Nginitian niya ang lalaki. "Kita mo muhka ka nanaman panda."
Napanguso ang lalaki at bahagyang natawa si Julie Anne. Pero napangiwi ito dahil kumirot ang kanyang ulo dahil sa tawa. Hindi ito lumagpas sa paningin ni Elmo kaya mas lalo itong napaupo sa tabi ng babae. "Are you alright?"
"I'm alright Lahat. Sige na please pahinga ka na muna sa inyo."
"Nandito naman ako Moe eh." Sabi ni Angel at lumapit para haplusin ang buhok ni Julie Anne. "Ako na muna magaalaga sa kapatid ko sige na."
Elmo looked at the both of them and finally nodded his head. "Okay. Pero babalik din ako kaagad." Lumapit ito at hinalikan sa noo si Julie bago bumeso din kay Angel. Wala naman itong ibang dalang gamit dahil ang sando at pamalit na shorts lang ang suot nito mula sa pool party nila Bea.
Ngumiti muna ulit ito kayla Julie at Angel bago lumabas ng kwarto.
"Kamusta ka bunso?" Tanong kay Julie ni Angel.
"Okay naman ate." Sagot ni Julie at nginitian ang nakatatandang kapatid.
Angel smiled softly at her before caressing he hair. Julie was already sitting up so she and Angel were both seated on the bed.
"Mabuti na lang at naabutan kayo kaagad ni Elmo kagabi." Maingat na sabi ni Angel. Ayaw naman kasi nito na biglain sa sitwasyon ang bunsong kapatid.
Sa sinabi ng ate ay napabuntong hininga si Julie Anne. Ngayon lang ulit bumabalik sa kanya ang lahat ng nangyari nang nakaraan na gabi. Hindi niya rin inakala na ganun ang magiging reaksyon ni Zach kahit na sinasampal na nito ang sariling kapatid.
"Ngumingiwi ka pa rin kanina eh." Angel said softly.
"Sa tawa lang yun ate. Medyo malakas din kasi ang imapct nung ulo ko sa dingding." Sagot naman ni Julie Anne.
"Hindi lang sapat rehab ang inabot ng bata na iyon." Nagagalit na sabi ni Angel. "Kawawa naman yung kapatid."
"Okay lang yun ate." Sabi ni Julie. "Saan na nga daw pala si Tiffany? Kawawa naman siya."
"I don't know bunso but they said she's okay."
Tumango na lamang si Julie Anne sa sinabi ng kanyang kapatid. As much as possible ay ayaw muna niyang isipin ang mga pangyayari nung gabi. Hindi naman na talaga ganun kasakit ang kanyang ulo pero minsan ay nararamdamn niya na para itong kumikirot.
Malapit na mag alas diyez ng umaga nang iwan siya saglit ni Angel dahil bibili lang daw muna ito ng makakain.
Nakahiga lang siya at nagpapahinga. Naka-on lang ang speakers niya at doon tumutugtog ang kanyang iPhone pero hindi siya guamgamit. Pakiramdam kasi niya nahihilos iya sa ilaw ng sariling telepono.
A knock on the door surprised her for a bit. Saka naman ito bumukas at laking gulat niya nang makita niya si Tiffany na pumapasok.
"H-hi Julie." Nahihiyang sabi nito.
Muhkang takot pa itong dumeretso sa loob kaya naman nginitian niya ito para hindi na kabahan. "Hi Tiffany. Upo ka." At iminuwestra niya ang sofa sa tabi ng kama niya.
Kinakabahan na ngumiti din pabalik si Tiffany. Pansin ni Julie na may pasa na din ang gilid ng mga labi nito at hindi makakaila ang mahabang sugat sa gitna mismo ng pangibababang labi nito.
"Are you alright?" Nagaalalang tanong ni Julie dito.
Parang maiiyak na tiningnan siya ni Tiffany. "Ang bait mo naman Julie. Ikaw nga itong naospital dahil sa ginawa ng kapatid ko tapos ako tatanungin mo kung mabuti ang kalagayan ko."
"He hurt you too." Sagot ni Julie Anne. "At mas masakit iyon Tiffany dahil kapatid ka niya. He never should've done that."
Napabuntong hininga si Tifany. "A-alam ko. Kaya nandito ako ngayon kasi gusto ko humingi ng paumanhin sa ginawa niya."
"You're not responsible for him naman eh." Sagot ni Julie. Ngayon ay nakaupo na din siya sa may kama. "I'm just glad to know that you're safe. I think he's been like that with you for a long time now."
Hindi sumagot si Tiffany sa sinabi ni Julie at napatango lamang kaya naman alam kaagad ng huli na tama siya.
"What about your parents?" Tanong pa muli ni Julie Anne.
Napailing si Tiffany. "Ang tito na lang namin ang kasama namin sa bahay. Di sila nagkakalayo ni Zach."
Bahagyang naalarma si Julie Anne. "Does he hurt you too?"
Mabilis na umiling si Tiffany bilang sagot. "Hindi. Pero wala siya lagi sa bahay. Trabaho lang. Pinapakain lang niya kami ganun. Kundi dahil sa mga scholarship namin ni Zach di kami makakapasok sa SAU eh."
"So...yung scholarships niyo ngayon?" Tanong ni Julie.
Napailing si Tiffany. "Hindi ko lang alam. Susubukan ko. Zach's in rehab. Hindi ko lang din alam kung ano na ang gagawin ng tito ko."
Bago pa makasagot si Julie ay saka naman bumukas ang pinto. Derederetso na pumasok si Elmo at natigilan lang nang makita na nandoon si Tiffany. Muhkang bagong ligo pa ito dahil medyo basa pa ang buhok.
"Tiffany." Sambit nito.
Mabilis na tumayo ang babae mula sa sofa at inakay na ang bag sa sarili. "H-Hi Elmo." Saka nito hinarap si Julie Anne at maikling ngumiti. "Julie, mauna na ako. Pagaling ka. At sorry talaga sa lahat."
"Okay ka lang din ba?" Tanong ni Elmo kay Tiffany. Hinawakan niya ang kamay nito, pinipigilan makalabas ang babae.
Napalunok si Tiffany at tumango. "O-oo okay lang ako. S-salamat." Namumula ang muhka na ngumiti ito kay Elmo bago nagsimula maglakad palabas ng kwarto.
Parehong nakatingin si Julie at Elmo sa may pinto hanggang sa umiling na lamang si Elmo at umupo na sa tabi ni Julie Anne.
"Hi Lahat, are you feeling better?"
Maikling ngumiti si Julie sa lalaki. "I'm doing good. Bakit nandito ka naman na kaagad? I told you to rest."
"Muhka ba akong hindi nakarest kagabi?" ngiti sa kanya ni Elmo at tumabi sa kanya sa kama. May inilabas itong plastic at nakita ni Julie na may laman itong puro chocolate. "Wala naman sinabi si doc na bawal ka dito so eat up."
Parang bata na natuwa sa nakita si Julie Anne agad niyang kiunuha ang isang plastic. "Chocolate makes everyone happy." She declared before taking a bite out of one.
"Grabe ka pahingi naman." Pangungulit ni Elmo.
"Di pwede binigay mo na sa akin eh." Tawa ni Julie at muling kinagatan ang kinakain na chocolate.
Elmo pouted her way and she laughed before offering one the chocolate to him. Imbis na hawakan ito ay kumagat na lang si Elmo at hinayaan si Julie na subuan siya. Kung dati ay parang wala lang ito kay Julie ngayon ay may kung anong nararamdamn siyang kakaibang t***k sa kanyang puso.
Siya na ang unang nag-iwas ng tingin lalo na at parang kakainin siya ni Elmo sa kung paano siya nito titigan na para bang siya ang gusto nito kagatin at hindi ang tsokolate.
"Julie!"
Sa gulat ay halos mapatalon silang dalawa sa kama.
Nakasimangot na hinarap ni Elmo ang bagong pasok na babae sa kwarto. "Ate naman! You're going to give me a heart attack."
Umirap ang babae at pinaalis si Elmo sa pwesto nito para siya naman ang nakaupo sa tabi ni Julie. "Ang arte mo Elmo Moses. E tutal nasa ospital naman tayo so I think you're in good hands."
"Galit lang yan ate Maxene kasi istorbo ka daw sa kanila ni Julie Anne."
Hindi lang pala ang ate ni Elmo ang dumating pati pala si Maqui kasama ang kuya niya.
"Kamusta ka Jules?" Tanong ni Maxene at hinagod hagod pa ang likod ni Julie Anne. "Hindi na kasi umuwi itong bunso namin kaya alam kong something's wrong."
"Okay naman na po ako ate. Na himatay lang po talaga ako kagabi. Saka tumama po kasi yung ulo ko."
"Nagsugat din ba yung head mo Lahat?" Lalapit na sana si Elmo para umupo sa tabi ni Julie pero pinigilan siya ni Maxene.
"Elmo ano ba. Hindi ka na kasya dito sa kama ipagsisiksikan mo pa sarili mo."
"Ako kasi nakaupo kanina dyan!" Himutok ni Elmo.
"Ito naman si kuya mong boy!" Natatawa na sabi ni Maqui na katabi ni Frank sa sofa. "Ano kaya kapag magiwasan kayo ni Julie no? Yung try lang? Mga one month ganun hindi kayo pwede magkita."
Napahagalpak ng tawa si Frank. "Hindi kaya ni Elmo yan. Nung isang linggo nga eh. Yung hindi siya makapunta kayla Julie kasi nagtampuhan sila? Parang tuod nasa bahay lang! Nakahiga lang sa kama! Parang babae!"
"Shut up Kuya!"
"Hahaha! Akala mo naman kayo e no." Sabi ni Maqui.
Mahinang napailing na lang si Julie. Hindi lang naman si Elmo ang nahirapan ng mga panahon na iyon. Siyempre. Ikaw ba naman best friend mo tapos bigla kayo magiiwasan, anong mararamdaman mo diba? And Elmo is too great of a friend to her to lose. Di bale nang may nararamdaman pa siyang higit sa pagkakaibigan dito.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
Nakalabas na din si Julie sa ospital nang araw din na iyon at mas ginusto niyang magpahinga sa may tree house. Dahil hindi papatalo ang dalawa niyang best friend ay kasama niya doon si Elmo at si Maqui.
"Grabe bes. Kung nandon lang ako baka binasag ko muhka ni Zach eh." Sabi ni Maqui habang minamanicure ang kuko ni Julie.
Nakasandal sa may dingding ng mismong treehouse si Julie Anne habang si Elmo ay nasa tabi niya na nakatulog na.
Binalingan ng tingin ni Julie ang lalaki bago harapin ulit si Maqui. "I think Elmo did that already."
"Oo yan kitamo napagod." Sabay nguso ni Maqui sa lalaking natutulog sa tabi ni Julie Anne. "Pinatulog mo ba yan kagabi?"
"Ha? Oo naman. Katabi ko siya--"
"Katabi mo siya?! Hindi na kayo nahiya sa ospital!"
"Shh! Maq! You'll wake him." Julie hissed.
Pero hindi natinag si Maqui. "Nako nako. Imbyerna ako sa inyong dalawa."
"Natulog lang naman kami. Bata pa kami ginagawa na namin yun." Julie said.
"That's not the point bes." Untag ni Maqui. "19 na kayo. Rinegla ka na tinuli na siya! Buti kung kagaya ng dati kahit maglingkisan kayo sa kama okay lang!"
"Maq." Sinubukan ulit patahimikin ni Julie ang kaibigan.
Napailing na lang si Maqui at nanahimik lalo na nang makita si Elmo na unti unti na nagigising.
"Mm, s**t I fell asleep?"
"Hindi Elmo. Hinimatay ka din kasi tumama din ulo mo sa dingding."
"Maq..."
"Are you sure you're feeling okay Lahat?" Tanong ni Elmo kay Julie, hindi pinapansin ang sinabi ni Maqui.
Julie smiled at the man. "Oo nga. Bakit ba ayaw niyo maniwala?"
"Just checking." Elmo smiled back.
And they ended up just smiling at each other.
"Ah hello? Nandito ako?" Sabi ni Maqui at kunwari ay kumaway kaway pa sa kanila. Dumeretso na ng upo si Elmo at sumandal din sa dingding.
"Ikaw nga may pasa din eh." Sabi ni Julie at hinawakan ang muhka ng lalaki. Totoo. May namumuo nang pasa sa kaliwang pisngi ni Elmo dahil natyempouhan din ito ng suntok ni Zach.
"Battle scars ang tawag dyan." Sabi ni Maqui na ngayon ay linalagayn ng kutiks ang kuko ni Julie. "Mabuti na lang din talaga at umabot si Elmo kasi baka kung ano pa ang nagawa ng hayop na yun."
"Tinamaan din si Tiffany eh." Sabi pa ni Julie at napatingin kay Maqui. "She visited me this morning."
"O? Talaga?" Nagtatakang tanong ni Maqui.
Tumango naman si Julie Anne. "Bago kayo pumasok. Actually nagpangabot pa nga sila ni Elmo eh."
Elmo nodded to support what Julie Anne just said.
Tinapos na ni Maqui ang pinaggagawa sa kuko ni Julie Anne at sumandal sa inuupuan. "O edi kilig pepe naman ang ate mo?"
Kunot noo na tumingin si Elmo kay Maqui. "What?"
"Tanga ka ba Elmo? Crush na crush ka kaya nung babae na yon!"
"Hindi naman ah." Sabi ni Elmo na napapakamot pa sa likod ng ulo.
Si Julie ay nananahimik lang sa isang tabi. She shifted as she sat and looked the other way. Come to think of it Tiffany looked flushed when she saw Elmo that same morning.
"Hay nako. Diba grabe nga yan makalingkis sayo nung kayo pa ni Zach ang naghahangout?" Maqui pointed out.
Elmo shook his head. "She did that para mas gumamit ako ng drugs."
"Ungas ka." Tawa din ni Maqui. "Crush ka pa rin non kahit na lumapit ka sa kambal niya o hindi."
"Parang crush ka nga niya." Hindi natiis na sabi ni Julie. Pero bulong lang iyon dahil napaisip din siya sa sinasabi ni Maqui dahil naalala niya kung paano non landiin ni Tiffany si Elmo. Iniisip niyang ginawa iyon ng babae para nga matulak sa droga si Elmo pero hindi niya naisip na ginawa din ito ng babae dahil totoong may gusto ito kay Elmo.
"Hindi nga ako crush non." Sabi na lang ni Elmo na napapailing.
Kibit balikat na lang ang ginawa ni Maqui. "Okay sige. Wala naman kaso kung crush ka niya o hindi eh. Unless na lang papatusin mo."
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
"Girl tulala ka nanaman epekto ba yan nung head injury mo?" Napapitlag si Julie sa biglaang pagsalita ni Maqui.
It's only been a couple of days since she was hospitalized. Palapit na din ng palapit ang bagong school year kaya naman ineenjoy na lang nila ang natitira nilang araw ng pagiging malaya bago muli sumabak sa mga grades.
Tulala nga talaga siya habang si Maqui ay nagshoshopping sa isang botique na si Maxene ang may ari. Magaganda naman talaga ang mga damit na design ni Maxene pati na rin sa kadahilanang may discount kapag dun sila nagshoshopping.
"Kinakabahan ka na no? May kompitensya ka na kay Elmo dahil kay Tiffany." Pagbibiro ni Maqui.
Pero nang hindi sumagot si Julie ay napatingin ito sa kanya.
"Ui bes joke lang yun." Sabi ni Maqui.
Naalala lang niya dahil napadaan sila kanina sa Starbucks kung saan nila huling nakita na kasama ni Elmo si Tiffany at Zach.
"Anong kompitensya? Hindi pa ba kayo ni Elmo?" Napatingin sila sa nagsalita at nakita si Ellen, isa sa mga employee ng boutique na iyon ni Maxene. Matagal na din itong nagt-trabaho doon. Parang ate na nila ito.
"Ate Ellen, alam mo naman undefined yung relationship nitong best friend ko at ni Elmo."
Napailing si Ellen habang nagaayos ng mga damit sa tabi nila Julie. "Yung totoo ganda. Akala ko talaga maysomething na kayo ni Elmo tapos hindi niyo pa nadedepina."
"Wala po ate. He doesn't feel that way about me." Sagot ni Julie Anne.
Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Ellen. "Ha? Ano ka ba ganda. Pano mo naman nalaman yon?"
"Eh hindi ko rin po talaga alam." Sabi ni Julie. "Saka natatakot po ako kung tatanungin ko man siya."
Halos ngumanga na si Ellen sa mga naririnig. "You mean to say wala? As in walang action?"
"Action?" Tanong ni Julie. Hindi niya alam kung ano ba ang sinasabi talaga ni Ellen pero parang alam na niya.
"Kahit kiss man lang iha!" Sabi ni Ellen na tumigil na sa pagaayos ng mga damit. "Di mo pa natitikman labi ni Elmo?!"
Natigil ang ibang babae sa pagshop sa loob at gusto na ni Julie magtago dahil lahat nakatingin na sa kanila. Si Maqui naman ay tuwang tuwa sa eksena at talagang hindi pa nagpipigil ng tawa.
"Ate naman."
"Ang bagal mo ineng!" Tawa din ni Ate Ellen. "Kung ako kasi sa'yo. Ako na susunggab sa batang iyon. Pakagwapo pa man din." Umiling iling na lang ito at naglakad na papasok ng stock room.
Tawa ng tawa si Maqui habang si Julie naman ay namumula na.
"Kaloka si Ate Ellen!" Sabi na lang ni Maqui at nagpatuloy na sa paghahanap ng damit. At dahil wala naman siya sa mood ay umupo na lang si Julie sa mga sofa na ginawa para sa mga naghihintay na asawa at boy friend.
Tumitingin lang siya sa social media accounts niya nang marinig na may bagong pumasok sa loob ng boutique.
Saglit na tumigil ang t***k ng puso niya nang makita na si Elmo ito. And he was with Tiffany. Muhkang nahihiya pa ang babae pero si Elmo derederetso lang pumasok hanggang sa nakita ng lalaki si Julie Anne.
He looked surprised but nonetheless went up to where Julie was with Tiffany following him.
"Hi Lahat! Di mo sinabi na punta kayo dito?"
"Uhm..." Nanahimik muna si Julie. Unang una dahil hindi makaprocess ang utak niya lalo na at nakikita niyang kasama ni Elmo si Tiffany ngayon. Napadako ang tingin niya sa babae na nahihiya lang na ngumiti sa kanya.
"Hi Julie."
She was able to smile back despite feeling slightly irritated. "Hi Tiffany kamusta ka?"
"Uhm..." Napatingin si Tiffany kay Elmo at ang lalaki na ang nagsalita.
"She's looking for a job. Kahit part time lang. E naalala ko na ate's still looking for applicants. Kaya sinundo ko siya sa kanila."
"Bes, maganda ba--ui Elmo!" Gulat na sabi ni Maqui dahil siya mismo ay nanggaling sa dressing room. Pero gulat din siya nang makita na nandoon si Tiffany.
"H-Hi Frencheska." Bati ni Tiffany. Halatang nahihiya kay Maqui. Mga ka-close lang naman kasi talaga ni Maqui ang tuatawag sa kanya ng Maqui.
"Uh hi."
"Elmo there you are!" Natigil ang usapan nila nang lumabas si Maxene mula sa kanyang opisina.
Saka lang nito napansin na nandoon rin pala si Maqui at Julie. "Oh hi girls!" Sabay beso sa magbest friend. Tumingin naman siya kay Tiffany na nahihiyang ngumiti pabalik. "You must be Tiffany. Halika pasok na tayo sa office ko for the interview."
"Una na din kami ate." Sabi naman ni Julie.
Pero kaagad na umangal si Maqui. "Ha? Anong una? Hindi pa ako tapos!"
"O sige ako na lang mauna." Sabi ni Julie. Ewan niya pero parang sumama ang pakiramdam niya. Baka sa init oo.
"Are you alright? Ihatid na kita pauwi." Mabilis na sabi ni Elmo.
Mula sa gilid ng mata niya ay nakita ni Julie na nakatingin sa kanila si Ate Ellen at ngumingiti pa ito sa kanila. Saka naman nadako ang tingin niya kay Tiffany na muhkang dismayado dahil aalis na si Elmo. Naiinis siya. Naiinis siya sa sarili dahil naiinis siya kung bakit ganun ang itsura ni Tiffany.
"Wag na. I can go home by myself." Ngiti na lang niya. Bumeso na siya kay Maqui at Maxene bago naglakad palayo. She was half expecting Elmo to stop her. Pero kagaya nga ng sabi nila ay wag masyado magexpect dahil madidisappoint ka lang. Kagaya ng nangyayari ngayon sa kanya. Disappointed siya dahil nakalabas na siya ng mall at lahat ay hindi pa rin siya hinabol ni Elmo.
Nakauwi naman siya ng matiwasay. Hindi porke mayaman sila ay hindi siya marunong magcommute.
"Hi manang." Bati niya sa buthing kasambahay. Ngumiti lang ang matanda at alam na nito na sa tree house ang deretso ni Julie Anne.
Nagbihis lang siya ng simpleng spaghetti strap at shorts dahil medyo mainit ang panahon bago tumambay sa tree house. Nakahiga lang siya sa kama at pagulong gulong na nagbabasa ng libro. Anything to take her mind of the fact that Elmo was with Tiffany. Naiinis talaga siya sa sarili. Ano naman karapatan niya magselos diba?
Parang gusto niya uminom ng sleeping pills para itulog na lang ang pagiisip nang marinig niyang may papaakyat ng tree house.
Laking gulat niya nang makita si Elmo. What was he doing here? Shouldn't he be with Tiffany.
"Hi Lahat." Bati ng lalaki.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi niya natiis na tanong habang umuupo sa kama.
Elmo frowned but sat down beside her. "May bago ba at nandito ako? Lagi naman ako tumatambay dito ah."
Nag-iwas ng tingin si Julie bago sumagot. "Akala ko kasama mo si Tiffany eh."
"I left her there." Mabilis na sabi ni Elmo. "Ikaw kasi bigla ka umalis e pasimula pa lang interview ni ate sa kanya."
Sa totoo lang gusto sabihin ni Julie na 'wala siya pake' kaso magiging masyadong obvious. Kaya hindi na lang siya sumagot at binuksan ang TV. Gulat na lang niya nang bigla itong mamatay.
"What gives!" Inis na sabi niya nang makita na hawak ni Elmo ang remote.
"May problema ba?" Tanong ng lalaki.
Hindi siya sumagot kaya si Elmo ulit ang nagsalita. "Is this about what ate Ellen was saying kanina?"
Gulat na napatingin siya dito. May sinabi si ate Ellen?! Sobrang bilis na ng t***k ng puso niya. Bisto na ba siya?! Alam na ba ni Elmo na may gusto siya dito?
"B-bakit? Anong sabi ni ate Ellen?"
"Sabi niya namromroblema ka daw kasi wala ka pa first kiss."
Napabuntong hininga si Julie. Wait...that didn't make it any better.
Nahihiya na muli ay nagiwas siya ng tingin. Magkakastiff neck na ata siya kakaiwas ng tingin kay Elmo. "Nagpaniwala ka naman doon."
"Bakit?" Biglang sabi ni Elmo sa matigas na tono. "May first kiss ka na?"
O bakit ganun ang tunog nito?
"Wala no." Tawa na lang niya at sa wakas ay hinarap ang lalaki. "Ikaw ba meron na?"
Natatakot siya sa sagot pero ano pa ba eexpect niya. Gwapo si Elmo at sikat ito sa mga kaibigan at kaklase. Hindi malayong may experience na ito.
Nang napatagal ang sagot nito ay umiling na lang siya. "Ano ba itong usapan natin--"
"Wala."
Nagulat siya sa sinabi ng lalaki at napatingin muli dito.
Seryosong nakatingin sa kanya ito hanggang sa napansin niyang bumababa na ang tingin nito at umabot sa kanyang labi. Napasinghap siya ng iangat nito ang tingin at deretso sa kanyang mata na tumitig. Lumapit ito sa kanya hanggang sa napasandal siya sa dingding ng treehouse.
"L-Lahat?" She called out.
His eyes darkened and he looked at her once again. Nanginginig siya kasi iba itong makatingin hanggang sa hinaplos nito ang muhka niya.
"E-Elmo."
At sa isang iglap ay lumapat ang mga labi nito sa labi niya. Napasinghap siya sa gulat pero lumala lang iyon ng maramdaman niyang pumasok ang dila ni Elmo sa bibig niya. He groaned and she gasped before control went out the window and she kissed him back with the same fervor.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
AN: Happy JuliElmo day faneys!! Abot pa 11:59 pa lang! Comments please! Napapabilis talaga update ko sa maraming comments and votes hehehe! Thanks for reading!
Mwahugz!
-BundokPuno<3