Chapter 6

5252 Words
"Alam mo bes ikaw lang kilala ko na fourth year na bibili pa din ng school supplies." Matapos sa cafe ay dumeretso silang NBS na ang tinuturing kiddie store ni Julie para sa sarili. "Bantayan mo Maq at kung ano ano nanaman ang bibilhin niyan." Bulong ni Elmo kay Maqui habang busy si Julie sa pagpili ng kung ano anong gamit na minsan ay hindi naman niya talaga kailangan. "Whoo takot ka lang kasi ikaw magbubuhat ng lahat ng yan." Ganti pa ni Maqui na nakangisi. Elmo merely shrugged. "Doesn't matter. I'd carry all of her bags for her." Then he turned away, looking at some pens on the side. Napailing na lang si Maqui na para bang gusto niya humandusay sa gitna ng bookstore. "Lahat pahawak naman ako." Wala sa sarili na sabi ni Julie at nagsimula maglagay ng isang libro, ilang notebook at ballpen sa kamay ni Elmo. Sinalo kaagad ni Elmo ang pinaglalagay ng babae sa kamay at pinanuod ito na magikot pa. Mahinang napangiti ito sa sarili nang maramdaman ang kurot ni Maqui. "Huy." "Huh? What?" "What what ka diyan." Balik ni Maqui. "Yang pangiti ngiti mo na yan hindi pwedeng patapal tapal na lang yan!" Imbis na sumagot ay ngumiti lang ulit si Elmo at sinundan ng tingin si Julie na patuloy lang sa pagiikot sa buong store. "Hay kapakshetan talaga." Napatingin si Elmo kay Maqui na ngayon ay naglalakad na palayo. "Bes!" Napatalon si Julie nang kalabitin siya ni Maqui at muntik pa niyang mabitawan ang mga hawak na libro. "Maq naman wag mo naman ako gulatin ng ganyan!" "Hinay hinay kasi sa kape Julie Anne! Nako nagiging adik ka na sa ganyan ha!" Tawa pa ni Maqui habang inaakbayan si Julie. Tumawa naman ang huli at binalik ang pagtingin sa hawak na mga gamit. "Lahat ito o, kumuha na ako ng cart." Napatingin sila sa boses at saktong nakita si Elmo na may dala dalang isang maliit na cart kung saan nakalagay na ang mga unang gamit na inilagay ni Julie doon. "Ito na pala alalay mo bes." Natatawa na sabi ni Maqui. Napakamot lang sa likod ng ulo si Elmo pero nakangiti pa rin kay Julie Anne. "Salamat Lahat." Ngiti naman ni Julie Anne at sinimulan maglagay ng gamit sa dalang cart ni Elmo. "Nako Elmokong, mabuti na kumuha ka pa ng isang cart." "Eh Maq naman eh. Hindi naman ganun karami bibilhin ko." "Hayaan mo na siya Maq." "Ayan sige. Palibhasa bati na kayo pagtutulungan niyo ako." Irap ni Maqui at naglakad na palayo.  Sabay na nagkatinginan si Julie at Elmo at parehong natawa. "May pera ka ba para bilhin ang buong store?" Tawa naman ni Elmo. Mahina itong sinuntok ni Julie sa tiyan. "Aray ah." Elmo groaned, holding on to his stomach. "Yabang yabang mo sa abs mo tapos hindi mo naman pala kaya braso ko." Tawa pa ni Julie Anne. "Bakit? Witness ka naman talaga ng abs ko ah." Sabi pa ni Elmo habang nagsisimula na sila maglakad. "Wala kang abs." "Hawakan mo pa eh." "Ako papa Elmo pahawak!" Sabay na napatalon sa gulat si Julie at Elmo nang marinig ang boses at nakitang nasa likod nila si Trixie. Actually, Patrick talaga pangalan nito pero gusto niya maging Trixie. Ka-block nila ito sa college. Tumaas baba pa ang kilay ng binabae habang nakatingin kay Julie at kay Elmo. Napalunok ang lalaki at napatago pa sa likod ni Julie. Akala mo naman ay mahaharangan siya e sa tangkad at laki ng katawan niya ay walang nagawa ang kay Julie. "Ito naman si Elmo di naman kita kakainin ng buhay." Kinakabahan na ngumiti lang si Elmo at napahawak lang sa balikat ni Julie Anne. "Tama na Trixie nanginginig na eh." Natatawa din na sabi ni Julie Anne. "Kaloka ka Elmo. Alam ko naman for Julie Anne's eyes lang yang abs mo ahahaha!" Halakhak pa ni Trixie kahit na nasa gitna sila ng book store na iyon. "Ay sayong sayo na Trixie." Sabi ni Julie at nagbibirong tinulak palapit si Elmo kay Trixie kaso malakas ang kapit ni Elmo sa kanya at hindi man lang niya ito napaurong. "Parang linta eh." Irap ni Trixie. "Nga pala, pupunta ba kayo sa party ni Bea sa Tuesday?" "Ah oo, suporta kay Jhake." Tawa din ni Elmo. Imbitado din kasi sila sa birthday ng ka-batch nilang iyon. At kagaya ng sabi ni Elmo, suporta na din kay Jhake na liniligawan si Bea. "Buti pa si Jhake dumadamoves na. Ikaw ba Elmo ano na nangyari sayo?" "Huh?" Balik ni Elmo sa sinabi ni Trixie. Umirap nanaman ang lalaking gusto maging babae at nagpaypay na lang ng kamay. "Sabagay. If I know ilang beses niyo na ginawa ni Julie yon. Anyways. Una na ako at nagpapabili ng pizza si mudra. Mwah kbye!" Sabay na nagkatinginan si Julie at Elmo, parehong napapailing na lang sa sinasabi ng kaibigan nilang iyon. "Saan na nga pala si Maqui?" "I'm here!" May boses kaagad na sumagot sa tanong ni Julie Anne. Rumampa papunta sa kanila si Maqui na muhkang nakailang ikot na sa buong store. "Bes bilhin mo na yan at nagugutom na ako." "Luh, kakakain lang natin ah?" Sabi pa ni Julie. Kaagad na pinanlakihan ni Maqui ng mata ang kaibigan. "Kakain?! Bes maggagabi na ui! Ang tagal mo kaya nagikot dito!" Saka naman napatingin si Julie sa sariling relo at tama nga ang sinabi ni Maqui! It was close to 6 in the evening! "Tara na Lahat." Sabi naman ni Elmo habang tulak tulak ang cart na may laman na gamit ni Julie Anne. "Nako te tingnan mo siya magbabayad niyan." Nakuha kaagad ni Julie ang sinasabi ni Maqui at mabilis na hinabol ang lalaki. "Elmo! Ako magbabayad nyan ah!" =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= "Ma dito na lang po kami magdinner. Opo sige po opo. Bye, love you!" Binaba na ni Julie Anne ang tawag. Nasa isa silang pizza place dahil kanina pa siya nagc-crave ng pizza. Kakabalik lang din niya galing ng CR nang tumawag sa kanya ang nanay niya. "Was that tita?" Tanong ni Elmo nang makabalik siya galing CR. Muhkang nakaorder na ito at si Maqui dahil wala na ang mga menu sa harap nila. "Yeah, she was asking me if we'd be home for dinner." Sagot naman ni Julie habang umuupo sa tabi ni Elmo. "Nandito na tayo eh. Saka feel ko traffic pa. Nakakatamad bumyahe." Sabi naman ni Maqui. "Bakit? Ikaw ba nagd-drive? Nakakapagod ah." Sabi naman ni Elmo bago uminom ng tubig. "Ikaw. Kala mo. Nakakapagod din maging pasahero ah." Irap ni Maqui. "I can drive." Biglang suhestyon ni Julie Anne. Kaagad naman napatingin si Elmo sa kanya. "What? No Lahat okay lang di naman ako napapagod magdrive." "Hay kapakshetan talaga o." Marahas na tumingin si Maqui sa dalawa. "Ako naman ang naiihi! Letse magusap kayong dalawa dyan!" Pinanuod ni Elmo at Julie na maglakad palayo si Maqui bago tumingin sa isa't isa. "Nakainom na ba si Maqui ng gamot niya?" Tanong ni Elmo. Tumawa si Julie. "Hindi na niya iniinom kaya isusumbong ko na sa doctor niya." Nagtawanan silang dalawa hanggang sa nanaig na ang katahimikan sa kanila. Still smiling, Julie slowly looked away. "Ah Lahat." Tawag ni Elmo dahilan para mapatingin siya dito. "Hmm?" Sagot niya matapos lingunin muli ito. Saglit na hindi nagsalita si Elmo at nakaupo lang doon na tinitingnan siya. Nakatitig lang ito sa kanya kaya napakunot na rin ang kanyang noo. "Huy!" "Huh? What?" "Tinawag tawag mo ako tapos mababangag ka dyan." Natatawa din na sabi ni Julie Anne. "Oh uh." Napakamot sa likod ng ulo si Elmo bago natatawang napangiti sa kanya. "Nakalimutan ko sasabihin ko eh." Julie smirked and shook her head. "Alam mo. Pagod lang yan eh. Sige na ako na magd-drive mamaya." "What?" "I said I'll be driving later." Julie answered. "I think you need to rest." "What? No. No need." Mabilis na sabi ni Elmo na napapasimangot pa. "Ako magd-drive." They stared at each other and like before, Julie was the first one to look away. Bakit ba kasi ganito si Elmo? Mas nahihirapan siyang hindi mahulog sa ginagawa nito eh. Sadya ba itong lahat o ano? =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= "Alam mo bes ilang araw ka nang lutang." Isang umaga yun at palapit na ng palapit ang pasukan kaya naman wala na silang ginawa kundi gumala o di kaya mag hangout. Isang umaga na iyon ay naisip ng mga babae sa tropa ni Julie na lumangoy sa pool ng mga San Jose habang ang mga lalaki ay busy sa paglalaro ng basketball sa kanilang court. Si Julie, Joyce at Tippy ang nasa lounge chairs habang si Maqui at Nadine ang lumalangoy. Tumigil sa gilid ng pool si Maqui at tiningnan si Julie na tulalang nakahiga doon. "Is it about Elmo?" Biglang tanong ni Tippy na napaupo na ng deretso sa may lounge chair. Dahil usapang tsismis ay kaagad na nagsituon ang lahat ng pansin sa sinasabi ni Tippy. "What? What about Elmo?" Maang na tanong ni Julie. Baka sakali ay makatakas siya. "Oh don't hide Jules." Sabi pa ni Tippy na maalam siyang tinitingnan. Pati si Julie ay napaderetso ng upo at si Maqui at Nadine naman ay nakakapit na sa gilid ng pool.  "Oo nga." Sabi pa ni Joyce na napaupo na din sabay tanggal ng suot na shades. Pakiramdm tuloy ni Julie Anne ay sinusugod siya ng mga kaibigan. "Si Elmo? What? Nothing's wrong." "Pansin namin Jules wag ka na magtago." Sabi naman ni Nadine. "Parang iwas ka sa kanya. Kung hindi pa siya lalapit sayo hindi kayo makakapagusap." "Kinakausap ko naman siya ah." Pagdadahilan pa ni Julie Anne. She breathed in and looked at her friends. Hindi kasi nagsalita ang mga ito pagkatapos kaya alam niya na kahit anong sabihin niya ay kukulitin pa rin siya ng mga kaibigan niya. Napatingin siya sa paligid. Pakiramdam niya kasi bigla na lang babalik ang mga lalaki galing ng court pero nang makita na tahimik naman ang lugar, ay nagsalita siya. "Hindi na kasi pwede na lagi kami magkasama." Walang nagsalita sa mga kababaihan nung una. Tila iniisip kung ano ba ang sinabi ni Julie Anne. Kunot noo na nagsalita si Joyce. "Bakit naman?" "Kasi..." Napatingin muna si Julie kay Maqui na mahina lang tumango sa kanya. Kaya tinuloy niya ang sasabihin. "Kasi ayoko masyado masanay." "Isn't it too late for that?" Turan ni Tippy. "Paanong hindi ka masasanay when you two have always been together naman talaga." "It's different this time." Napasinghap si Nadine kaya sabay sabay na napatingin ang iba dito. Nakatakip pa ang isang kamay nito sa bibig habang nakatingin kay Julie. "Bakit Jules? Unaamin ka na ba na inlove ka na kay Elmo?" Sobrang tahimik ng paligid. Walang gumalaw. Walang nagsalita. Basta lang hinintay na sumagot si Julie Anne. "Yes." "Iiiii!!!!" "Omg!" "Shet sabi ko na nga ba!" "I'm not so thrilled about it!" Mabilis na sabi ni Julie sa kanilang lahat kaya natigil ang sunod sunod na tili ng mga babae. "Bakit naman?" Si Joyce. "I''m the one who's in love with him. To him, I'm still his best friend." "You don't know that!" Sabi pa ni Tippy. "Kaibigan lang ba ang tingin niya sayo ng lagay na yon?! Talo pa niya mga boyfriend namin sa pagiging sweet!" "Ganun lang talaga siya." Tila nahihirapan na sabi ni Julie Anne. "Saka natatakot ako. Ayoko mawala friendship namin sa kagagahan ko." "Mas mawawala kasi umiiwas ka!" Sabi pa ni Nadine. Julie shrugged and sighed. Siya ang hirap sa sitwasyon na ito. "Hindi naman tuluyan na mawawala. Hanggang sa makapagmove on lang ako sa kanya. After, then I'll be his best friend again." "Pucha bes hindi gagana yan!" Sabi ni Maqui. "Gasgas na yan! Kung ako sayo komprantahin mo si Elmo kung panggagago lang ba yang ginagawa niya! Wag siya pa-fall kamo! Tangina best friend ko ang nadedehado sa kanya eh!" Naguguluhan na tiningnan ni Julie si Maqui at napailing. "Natatakot nga ako Maq, what if he doesn't feel the same? I'll lose him! Mas okay na manahimik ako kaysa hindi na kami maging magkaibigan." Natahimik ang lahat dahil tuloy pa rin na nagsalita si Julie Anne. "Don't get me wrong but your boyfriends, well they were the ones who came on to you. Nanligaw sila. Elmo and I are best friends. Pano kung umamin ako tapos hindi naman pala?" "Pano kung gusto ka din niya pala?" Mabilis na sabi ni Nadine. "If he did. He wouldn't be giving me these mixed signals." Sagot ni Julie Anne. "Or ako lang talaga ang nagaassume. Ayoko." She shook her head and tried to hide her tears. "I can't risk losing him." Sabay sabay na nagkatinginan ang iba pa na babae. Nahihirapan sila para kay Julie Anne. Pero kung sila nga ang nahihirapan, ano pa kaya si Julie? =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= "Don ka ba matutulog o uuwi ka?" Hinarap ni Julie si Maqui mula sa paglalagay niya ng ilang gamit sa kanyang bag. Party kasi ngayon ni Bea at sabay sabay sila papunta. Car pool na lamang ng barkada; kotse ni Sam. "Uuwi ako bes alam mo naman hindi ako komportable matulog sa ibang bahay." Apparently ganun kalaki ang bahay nila Bea. May iilang guest room ito kung saan pwede matulog ang mga tao. Hindi rin naman kasi ganun karami ang pupunta. Panay mga kabatch lang din nila sa SAU. "Lahat?" Natigil ang usapan nila ni Maqui nang marinig nila ang munting katok sa kwarto ni Julie Anne. Maqui made a small face. Hanggang ngayon kasi ay nakapako sa kanila ang pagamin ni Julie. Napahinga ng malalim ang huli habang nakatungo. "Pababa na kami Lahat!" Tawag niya pabalik. "O sige sa may sala na lang ako maghihintay." Sagot ni Elmo mula sa kabilang gilid ng pinto. Narinig pa nila ang papalayo na mga apak nito hanggang sa nanahimik na sa kabila. "Parang ang hirap ata na umiwas ka sa kanya bes." Sabi naman ni Maqui. "Sa iba kasi package deal na kayong dalawa." "We are not." Julie said softly. Tinapos na niya ang pageempake ng ibang gamit para sa pool party at nauna na lumabas ng kwarto. Narinig niyang napabuntong hininga na lamang si Maqui sa likod. Dala dala ang bag ay bumaba na siya sa living room ng kanilang bahay at sakto ay nakita si Elmo na naghihintay sa may sofa. Tahimik lang itong nakaupo at tila may malalim na iniisip nang marinig nito na pababa na siya. Ngumiti ang lalaki sa kanya at tumayo na nang makababa siya. "Let's go?" Tanong ni Elmo. "May dala ka ba blazer saka pamalit? Anong swimsuit suot mo?" "Una na ako sa labas mga ungas." Sabi ni Maqui. Naiwan si Julie at Elmo sa may sala. "O, Elmo ikaw na bahala sa prinsesa ko ah." Biglang sabi ng papa ni Julie na galing pala ng kusina. "Una na po kami Pa." Paalam ni Julie at humalik pa sa pisngi ng ama. "Ako po bahala sa kanya tito." Balik ngiti ni Elmo na ngayon ay buhat na ang bag ni Julie Anne. Beep beep! "Ayan na si Sam, better get going." Sabi ni Ian at ngumiti sa dalawang kabataan. Inalalayan na palabas ng bahay ni Elmo si Julie at nakita nila na nasa loob na ng kotse sila Maqui. Pumasok na sa loob si Julie at siniksik ni Elmo ang sarili sa tabi nito. "All aboard?" Ngiti ni Sam. Ang driver nitong si Kuya Rey ay nakahanda na. "All aboard!" Kaya simula na umandar ang kotse. "Asan nga pala si Jhake?" Tanong ni Joyce dahil napansin niya na wala ang kaibigan nila. "Syempre papogi edi nauna na doon." Sabi naman ni Sam. "I think he's helping with the preparations." Kanya kanya silang usapan nang maramdaman ni Julie na lumalapit sa kanya si Elmo. "Lahat..." "Hmm?" Balik niya sabay lingon. "Anong dala mo na swimsuit?" Mahinang natawa si Julie sa sinabi ng lalaki. "Itim..." Maikling sagot niya. Kumunot ang noo ni Elmo. "One piece?" "Bakit ba ang dami mo tanong?" Natatawa pa rin na sabi ni Julie Anne. Elmoc clicked his tongue. "E sige na sagutin mo na lang kasi." "Oi oi kayong dalawa ah!" Tawag pansin ni Nadine. Natawa si James na nasa tabi ng babae. "They have their own world, baby let them be." "Tense yan si Elmo eh." Tawa ni Kris. "Bro, rinig na rinig ka naman. Di mo control suot ni Julie Anne." "Shut up Kris!" Nagtawanan ang buong van. Umiling na lang si Julie at tumingin sa labas. Kahel na ang kulay ng langit dahil saktong maaga sa gabi ang simula ng party. Nakarating na sila sa wakas at rinig ang malakas na tugtugan sa loob. "Akala ko ba kaunti lang daw invited?" Tanon pa ni Maqui. Nagsikibit balikat lang sila. Baka napagdesisyunan ni Bea na magimbita pa ng mas maraming tao. Nagpaalam na si Sam kay Kuya Rey bago sabay sabay na silang pumasok sa loob. Sobrang lakas ng speakers at ramdam na ramdam ang pagdagundong ng puso kapag pumasok ka sa loob. "Hi friends!" Bumungad sa kanila si Trixie na nakasuot pa ng bathing dress. Hindi napigilan ni Kris ang bahagyang pagtawa kaya mabilis itong siniko ni Joyce. "Kain kayo sa loob! Nandoon sila Bea!" Sabi pa ni Trixie na tuloy lang sa pagsayaw. "Magbibihis na ba tayo?" Tanong ni Julie sa mga kaibigan. "Bihis na kami Jules." Sabi ni Nadine. Nasa ilalim ng suot nilang mga shorts at spaghetti strap ang kanilang mga bathing suit. Ang kaso si Julie ay sa bag pa nakalagay. "Ah ganun. Sige bihis muna ako sa CR." "Samahan na kita Lahat!" Susunod na sana si Elmo pero mabilis itong pinigilan ni Julie. "Elmo marunong ako magbihis. Sige na sunod na lang ako sa inyo." At nauna na siyang maglakad. Napapailing sa sarili na dumeretso siya sa loob ng bahay. Sa totoo lang naiinis na siya kay Elmo. Naiinis siya sa pinapakita sa kanya ng lalaki. Dahil lalo lang siya nalilito. "Bea!" Bati niya nang makita ang kablock na nasa may kusina. "Julie!" Bati din nito at lumapit para yakapin si Julie Anne. Muhkang naghahanda ito ng mga maiinom nang pumasok si Julie sa loob. "Dami mo bisita ah." Sabi pa ni Julie Anne. "Nako nagimbita na kasi ng nagimbita ang iba. But no matter! There's food for everyone naman." "That's great. Sasagutin mo na ba si Jhake?" Namula si Bea sa tanong niya pera nakangiti pa rin naman ang babae. Hindi niya alam kung nasaan ang katropa niya pero sigurado siya ay patuloy itong tumutulong sa party ni Bea. "Oo nga pala, saan pwede magbihis?" Tanong niya dahil muhkang hindi pa rin siya masagot ni Bea. "Ah may CR sa taas. Yung dulong door sa right." Ngiti sa kanya ni Bea. "Okay salamat." Julie hauled her bag upstairs and proceeded to change into the bikini she brought with her. May pampatong lamang siyang pulang blazer at shorts. Nang makabihis na ay lumabas na siya ng bathroom at muntik na mapasandal sa dingding nang may maglakad sa harap niya. She looked up and was about to say sorry when she saw who it was. "Hi sexy." Ngiti ng lalaki sa kanya. And something about that smile made her shiver and not in a good way. "Zach." Tanging nasambit niya. Kinilabutan siya sa itsura ng lalaki. "Ikaw ba gumamit ng CR? Naiihi na kasi ako." Tumawa si Zach. He leered at her and Julie felt the shivers yet again. "Shet ambango pa. Amoy na amoy." "Lahat." Napalingon sila sa boses at nakita na nakatayo doon si Elmo. Nakabihis na ito ng swimming trunks at sando. Mabilis na lumapit si Julie sa lalaki at itinago naman siya ni Elmo sa likod. "Ui pare." Sabi naman ni Zach habang pinaglalaruan ang mga labi. "Sayang di ka na sumasama sa amin. Okay pa naman mga session. Gusto mo isama yan si Julie Anne eh. Mas masaya." "Shut up Zach." Elmo growled. Mahigpit nitong hinawakan si Julie na nakakapit din naman sa kanya. Tumawa lang si Zach. "Whatever. You can have her." At pumasok na ito sa loob ng CR. Hinarap ni Elmo si Julie Anne at hinaplos ang magkabilang braso nito. "Lahat are you alright?" Parang sa ginawa ng lalaki ay kumalma na si Julie Anne. She felt protected whenever he was near. Napasinghap siya at tumango. "Let's go." Sabi naman ni Elmo at inakbayan siya bago sila naglakad pabalik sa pool area. Nakita nilang naglalaro na ang iba pa g tao ng volleyball sa pool. "Guys! Laro tayo! Sino una kukuha ng piso sa ilalim!" "Ay masaya yan!" Natatawa na sabi ni Maqui. "Sino sasali?!" Nagsitaas ang kamay ng iba at kaagad silang naghanda para maglaro. "Sali ako Lahat ah." Sabi ni Elmo at ngumiti pa kay Julie bago hinubad ang suot na sando at pinahawak sa kanya. Saka naman ito dumeretso sa pool. "Hindi pa talaga kayo ni Elmo ng lagay na yan ah?" Sabi ni Trixie na nasa tabi pala nila. "Hindi pa ba sila? Yung totoo?" Sabi ni Yna na nasa tabi nila. Maikli pa itong natawa. "Akala ko pa naman kayo na. Cute niyo kaya tingnan." "Bestfriends lang daw bes." Sabi naman ni Trixie na may kasamang irap. Tinago na lang ni Julie ang lahat sa maikling pagtawa. "Oo nga kasi." Sana lang natatago ang pamumula ng muhka niya. Napahigpit lang ang hawak niya sa sando ni Elmo. Nagsimula na ang laro at pinanuod nilang magunahan ang mga lalaki sa paglangoy sa piso. "Bhe, cheer mo naman daw si Elmo." Sabi ni Trixie sa kanya. Mahina siyang natawa at nagkbit balikat na lamang. "Go Lahat!!" "Ay puta friend biglang binilisan! Nainspire!" Akala mo naging shokoy na binilisan ni Elmo ang paghahanap sa piso. At sa isang iglap ay bigla na lamang itong nagdive pababa. Sumunod ang ibang lalaki pero nauna na talaga si Elmo. Ilang segundo lang ang lumipas at umahon na ito na may ngiting tagumpay. Lahat ng sampung piso ang nahanp nito! "Bro! Di ka man lang nagtira sa amin!" Natatawa na sabi ni Sam habang inilalayo ang buhok sa muhka. "Ginalingan po ni Elmo Magalona pipz!" Natatawa na sabi ni Trixie. "Prize mo daw kiss galing kay Julie!" "Yiiiiii!" Umiling iling si Julie kahit na lahat ay nakatingin sa kanila at si Elmo ay maikli lamang na ngumiti. "Wag niyo kinukulit best friend ko." Biro din ni Elmo. Binigyan naman kaagad ni Julie ng twalya ang lalaki para hindi ito lamigin. "Hustisya sa mga best friend!" Irap ni Trixie at nagtawanan lang ang mga tao. Umupo na si Julie sa tabi nila Nadine na nakakandong ngayon kay James. "Huy kayong dalawa, hustisya sa mga single." Sabi ni Maqui at nagbibirong binato ng maliit na plastic cup si James. Tumawa lang ang lalaki at imbis na paalisin sa upuan si Nadine ay mas inakay pa palapit. "Ah bastusan tong lalaki na ito o." "Lahat, may carbonara sila gusto mo?" "Ay isa pa itong bastos." "Ah, deh sige ako na kukuha." Tatayo na sana si Julie mula sa upuan pero pinigilan siya ni Elmo. "Deh ako na. Papunta na rin naman ako don." At kung gusto man umangal ni Julie ay hindi niya nagawa dahil naglalakad na palayo si Elmo. "No reactions about Elmo being all over Julie?" Tanong naman ni James kay Maqui. Pero imbis na patulan ito ay nanahimik lang si Maqui. Lahat silang mga babae ay alam naman na kung ano ang desisyon ni Julie Anne. Kahit si James ay muhkang hindi alam kung bakit ganun na lamang ang naging katahimikan ng mga babae pero pinili na lamang nitong manahimik din. Bumalik na si Elmo na may dalang dalawang plato ng pasta at ibinaba ang isa sa harap ni Julie Anne. "Kuha na din kayo ang sarap nung handa." Sabi naman ni Elmo. Pasimpleng nagkatinginan ang mga babae pero sabay sabay din naman nagsitayo para kumuha ng pagkain. "Masyado mo naman ata ginalingan." Tawa ni Julie sa lalaki habang sumusubo ng pasta. Lumunok muna si Elmo bago sumagot. "Sarap lumangoy eh." Tanging nasabi na lang niya bago inabot ang gilid ng labi ni Julie at pinahid ang ligaw na sauce. Kita ang pagkatigil ni Julie pero hindi niya pinahalata. Pahirap ng pahirap na ang pagpigil niya sa sarili lalo na at ganito siya tratuhin ni Elmo. "Uh, saglit ah. CR lang ako." Sabi niya. Kailngan niya iwasan ang lalaki para macontrol niya itong nararamdaman. Palakad na sana siya papunta sa CR nang makarinig siya ng naguusap. "Tangina Tiff wag mo ako iiwan sa ere!" "Zach ayoko na..." "Sayang yung pera tanga ka ba talaga?" "Ayoko na ng ganito, natatakot na ako --Pak!" Mahinang napasinghap si Julie at mabuti na lamang ay natakpan niya ang bibig niya dahil siguradong maririnig siya. Bahagya siya sumilip mula sa corner ng dingding at nakita na ang kambal pala ang naguusap. Kita niyang umiiyak na si Tiffany at nakahawak sa muhkang sinampal ng sariling kambal. "Bobo ka talaga! Hindi tayo yayaman kapag tumigil tayo! At tuloy mo paglalandi mo kay Elmo! Tangina lumayo tuloy ang gago. Peste kasi si Julie Anne. Kinantot na siguro si Elmo kaya nacontrol." "Zach tama na. Mapapasama tayo eh--Pak!" "Kanina ka pa ah!" "Tama na yan!" Hindi na nakayanan ni Julie lalo na nang marinig niya na pangalawang beses nang sinampal si Tiffany. Hinarang niya ang sarili sa katawan ng babae na napaluhod na sa sahig. Nanlilisik ang mata ni Zach na tiningnan siya. "O? Eeksena ka ngayon?" Sabi ng lalaki. Bago pa makagalaw si Julie ay naabot na siya ni Zzach at mahigpit nitong hinawakan siya sa buhok. "A-aray! Zach wag!" "Kaunti na lang susubok na si Elmo ng drugs eh. E sa yaman ng gagong yun edi marami na sana ako benta!" "Zach masakit!" Iyak ni Julie. Nahihilos iya sa pakiramdam na muntik na mahila ang buhok niya sa sariling anit. "Tangina ikaw yung b***h eh! Control mo kasi si Elmo." Malaks nitong tinulak si Julie dahilan para tumama sa dingding ang babae. "Zach tama na!" Iyak din ni Tiffany. Napapikit si Julie sa naramdamang sakit. Sana lang wala naman masyado damage sa likod niya. Pakiramdam lang niya magpapasa dahil sa corner siya tumama. Pero bakit parang nahihilo siya? Tumama din ata ang ulo niya. Linapitan niya si Tiffany na nakaluhod pa din. "Are you alright?" She asked, looking at the girl's face. nagsisimula na magpasa ang magkabila nitong pisngi at may sugat na ang pangibababng labi nito. "S-sorry Julie Anne." "Ah!" Iyak ulit ni Julie nang hawakan ni Zach ang buhok niya. "Ikaw peste ka talaga e. Pakielemara ka. Gusto mo pakielamanan kita?" Sabay lumapit ito at sinubukan halikan si Julie. "Wag!" "HEY!" Tumigil sila sa boses na dumagundong at nakitang nakatayo doon si Elmo. Nanlilisk sa galit ang mata nito. Kinompetensya ni Zach ang itsura ni Elmo. Napadako ang tinign ni Elmo kay Julie at Tiffany na parehong umiiyak. "Tangina ka!" Sigaw ni Elmo bago lumapit at inambagan ng suntok si Zach. Hindi nagpatalo ang huli at sinagot ang mga suntok ni Elmo. "Tama na yan!" Julie shrieked and tried pulling Elmo away but the guy was stronger and landed another punch to Zach's face. Nanghihina na napaupo ang huli at dinaluhan ni Tiffany ang kambal. "Zach..." Iyak nito. Nakarinig sila ng mga apak na papalapit at di naglaan ay nakita nila si Jhake. "Ano nangyari?" Tanong ni Jhake. Gimbal na napatingin ito sa nangyayari. Nanghihina na napatingin si Julie sa paligid niya. Pakiramdam niya nanlalabo ang lahat sa paligid. "Lahat! Lahat!" Alam niyang si Elmo ang tumatawag sa kanya. Naramdaman din niyang inikot nito ang mga braso sa kanya. Naninilim na ang paningin niya. "Lahat!" Masakit ang ulo na unti-unting nagising si Julie Anne. Nasa hindi pamilyar siyang lugar. Pero hindi na kailangan sabihin sa kanya na nasa ospital siya. Parang naalala niya na marami ang bumubusisi sa kanya pero sa sobrang hilo ay tulog lang ang ginawa niya. "Bunso?" Napalingon siya sa boses at nakita niyang nandoon ang kanyang ate. "Ate Angel?" Pero imbis na sumagot si Angel ay may isa pa na pigurang nagpakita. "Lahat!" Alalang alala ang muhka ni Elmo na lumapit sa kanya. "Lahat." Her voice was hoarse and Elmo immediately reached for a glass of water and helped Julie drink up. Sakto ay bumukas ang pinto at pumasok ang mga magulang ni Julie Anne. "Bunso!" Iyak ni Lara at lumapit para halikan sa noo si Julie. "Okay ka na ba ha?" "M-medyo nahihilo po ako mommy." Mahinang sabi ni Julie Anne. Pakiramdam niya naging bata ulit siya. "Kakasuhan ko ang batang yon!" Nanggigigil na sabi ni Ian. Pinakalam naman siya ni Angel sa pamamagitan ng paghaplos sa braso. "Mamaya na yan Ian." Sabi ni Lara at umupo sa tabi ni Julie para yakapin ito. Tinawag ng mga magulang ang doctor at si Angel ay nagdesisyon na kumuha ng damit nila sa bahay. "Lahat, what happened?" Tanong ni Julie. "You passed out." Elmo explained. "They say your head hit the wall hard. Are you alright?" "I feel a little dizzy..." Sabi ni Julie at nahiga sa kama. Nakaupo sa tabi niya si Elmo at hinahaplos haplos pa nito ang buhok niya. Tila nakaramdam siya ng ginhawa sa ginagawa ng lalaki. Naalala niya ang ginagawa ni Zach at dinadaluhan siya ng takot. "Zach was on drugs." Elmo explained. "They're sending him to a rehab center." "What about Tiffany?" Tanong ni Julie. "She's okay." He stroked her cheek. "I'm sorry Lahat. I wasn't there." Liningon ni Julie ang lalaki at nakita niyang namamasa na din ang muhka nito. Umupo siya sa kama kahit na pinigilan siya ng lalaki. Hinaplos niya ang muhka nito. "You still came. Thank you." "I sensed something bad." Elmo explained. "Siguro nakakabit na rin talaga ako sayo no Lahat?" Ayun nga ang mahirap eh. Sa isip isip lang ni Julie. Paano niya lalayuan si Elmo gayung parang nakakabit na ito sa kanya? Sigurado siya pareho silang mahihirapan. At hindi lang iyon. Masakit ang lumayo dito. Di bale na ang siya ang mahirapan basta wag lang masaktan ang lalaki kung lalayo man siya. She rested her face on his strong chest and breathed in his scent. Amoy na amoy niya ang mabangong amoy ng lalaki. Napapikit siya dahil parang nakakaramdam nanaman siya ng hilo. "You need to sleep Lahat." Sabi pa ni Elmo at hinayaan siyang mahiga. Aalis na sana ito pero out of instinct ay napaabot sa kamay ni Elmo si Julie. Parang natatakot siya mag-isa. Nakikita pa rin kasi niya si Zach at ang mga ginawa nito sa kanya. "Don't let go." Biglang sambit ni Julie Anne. Elmo somberly looked at her and nodded his head. "Okay." At hinubad nito ang sapatos bago humiga sa tabi ni Julie Anne. Elmo situated himself behind her so they were in a spooning position. She was facing the wall and he was right behind her. She could feel his heat radiating and that was enough for her to feel safe. Maya-maya lang ay umikot na ang isang braso nito sa kanya at siniksik pa niya ang sarili sa katawan nito. Di bale na mahirapan siyang pigilan ang mga nararamdaman. Mas mahihirapan ata siya kung malalayo sa kanya si Elmo. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= AN: Huhu ang haba nugn chap! Dahil dyan next week na ulit ang update charot! hahaha! Pahinging comments and votes para malaman ko kung ano nararamdaman niyo! Saka para mainsipire pa ako magsulat huehuehue! Thanks for reading! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD