Tahimik na nagbabasa ng libro si Julie sa kanilang sala. Usually ay sa tree house siya nagbabasa pero sa mga panahon ngayon ay mas naglalagi na lamang siya sa loob bahay. Dumaan si manang sa harap niya at napatigil pa ito na para bang takang taka kung ano ang ginagawa niya doon. Tiningnan siya nito nang masinsinan kaya naman bahagya niyang naibaba ang binabasang libro at tumingin sa matanda mula sa likod ng kanyang pagkalaking antipara.
"Bakit po manang?"
"Eh napansin ko lang kasi anak, bakit parang hindi ko nakikita si Elmo?"
Ganun ba kalala na lagi silang magkasama dati ni Elmo? Tinotoo niya kasi ang plano niya. Talagang umiiwas siya kay Elmo. Kapag magyayaya ito ay kunwari busy siya. Pero minsan totoo naman eh. Hahanap siya ng paraan na aalis siya. Yung tipong malayo - layo siya para hindi na siya mahabol nito. Not that she was expecting him to make habol. Pero okay na kasi iyong sigurado.
Ngayon nga lang siya ulit natengga sa bahay. Malapit na kasi ulit ang bagong school year. Dalawang linggo na lang at papasok na ulit sila. At seryosohan na ito dahil panghuling tao na nila ito.
"Busy na po iyon manang." Sagot niya sa tanong ng matanda kahit na hindi niya alam kung totoo nga iyon o hindi. Makulit din kasi ito kahit papaano pero siya na lang ang lumalayo.
Binaba ni manang ang hawak hawak na basket ng mga lugo at naupo sa may paanan ng dalaga. "Julie Anne. Umamin ka nga, anong tampuhan niyo ni Elmo? Ito ata ang pinakamatagal."
Technically bati na sila. Siya lang talaga ang lumalayo. "Manang hindi po kami nagtatampuhan. Bati naman po kami eh."
"O e bakit hindi ko na nakikita ang batang iyon dito?"
Nginisihan ni Julie si ang matanda. "Ikaw manang ah. Namimiss mo si Elmo ah."
"Tigil tigilan mo nga akong bata ka at kilabutan ka naman!"
Napatawa ng malakas si Julie at sakto naman ay tumunog ang kanyang telepono.
Tumalon nanaman ang puso niya nang makita kung sino ang tumatawag.
"O ayan pala hindi namab busy tinatawagan ka pa."
Napatingin siya kay manang na kanina pa pala minamasid ang pagtunog ng telepono niya.
Kasalukuyan na tumatawag si Elmo kaya nakabalandra ang litrato ng gwapo nitong muhka sa telepono ni Julie Anne.
With no choice, Julie Anne answered the call and even saw manang smiling to herself before walking away.
"Hey..."
"Are you home right now?" Mabilis na tanong ni Elmo na para bang naninigurado.
"Uhm...yeah." Ano kaya kailangan ng lalaki?
"Okay." Mabilis na sabi nito.
Julie heard some shuffling and the distinct sound of a door closing hanggang sa binaba ni Elmo ang tawag.
Inilayo niya ang telepono sa tainga at napatingin pa dito. What was that all about? Hindi pa niya naibaba ang hawak na telepono nang marinig niya ang bell sa gate nila.
"Bakit pa kaya nagb-bell yang bata na yan eh may susi naman yan?"
Napaikot siya sa boses at nakita na sumisilip ang matanda sa may kurtina ng bintana sa harap.
Napabuntong hinga si Julie saka tumayo na mula sa sofa. Nakisilip din siya kay manang at nakita na nakatayo nga si Elmo sa may gate ng bahay nila. Muhka itong nawawalang tuta na nakasilip lang at naghihintay na mapagbuksan.
"Puntahan mo na at akalain ng mga tao e nanlilimos yan." Tawa pa ni manang.
Mahinang natawa din si Julie. "Manang, muhka bang pulubi yan?"
"Sabagay wala namang ganyan kagwapi na pulubi." Sabi ni manang at iniwan na si Julie sa pwesto nito sa may bintana.
Lumabas na si Julie sa mismong bahay at naglakad papuntang gate.
Kitang kita ang sandali na napaangat ng ulo si Elmo at para itong bata na bibigyan ng isang basket ng candy nang makita na papalapit si Julie Anne.
"Marunong ka naman pumasok dito diba?" Pangaasar ni Julie sa lalaki. She wanted to make the situation lighter. Parang sobrang seryoso kasi ni Elmo.
"B-baka kasi hindi pwede." Nauutal na sabi ni Julie Anne.
Tinaasan ng kilay ng babae ang lalaki. "Grabe bakit naman?"
Hindi sumagot ang lalaki at napailing lang na parang nahihiya. Hindi napigilan ni Julie ang kanyang tawa at bago pa niya malaman ay kinukurot niya na ang pisngi nito.
"A-aray Julie!"
Natatawa pa rin na lumayo na si Julie Anne. "Drama mong lalaki ka tara na nga." Nauna itong naglakad at akala mo ay tuta na nakasunod si Elmo sa kanya.
"Napadalaw ka? Wala naman ako sakit." Ewan ni Julie pero bet na bet niyang asarin si Elmo ngayon.
Nakaupo na silang dalawa sa sofa at napakamot sa likod ng tainga si Elmo.
"Lahat naman eh."
Tumawa lang ulit si Julie. Yung tawang napapabungisngis na siya. And when she calmed down she saw Elmo smiling at her.
He was smiling at her like he was looking at her for the first time.
"Nginingiti ngiti mo dyan?" Pangaalaska pa rin ni Julie.
Pero imbis na sumagot ay ngumiti lang lalo ito.
"Nababaliw ka na ba?" Tanong muli ni Julie sa lalaki.
Ngumiti lang ulit si Elmo kay malakas na hahampasin na ni Julie Anne ang braso nito.
Sinangga lang ng lalaki ang mala-tubo sa lakas na braso ni Julie at sinalo ito habang tumatawa.
"Baliw ka na talaga. Papatawag na ako sa mental!" Inis na sabi ni Julie.
Tumatawa pa rin si Elmo. But his features softened as he held her wrists in his hand. "Namiss kasi kita."
Ramdam ni Julie ang pagtigil saglit ng t***k ng puso niya. Lalo na at ganyan siya tingnan ni Elmo. Pakiramdam niya kahit yung kaluluwa niya ay natutunaw eh.
Mabilis niyang inalis ang pagkakahawak sa kanya ni Elmo at umayos ng upo sa sofa.
Si Elmo ay naka-gilid pa rin ang upo para matingnan siya ng maigi.
"Namiss ka diyan. Bakit? Nagbakasyon ba ako?"
"No. But you're avoiding me."
Kunot noo na tiningnan ni Julie ang lalaki. "Sino may sabi?"
"I can feel it." Sagot pa ni Elmo. "Dati isang tawag ko lang sayo pwede ako pumunta dito. Pero ngayon lagi mo sinasabi na wala ka kahit nakikita kita sa kwarto mo. Dati lagi tayo magkasama."
Bahagyang kinabahan si Julie. Baka masyado na talaga nasobrahan ang pagiwas niya kaya nakahalata na ang lalaki. Out of impulse ay napasalita siya. "E hindi naman sayo umiikot mundo ko."
It was meant to come out light hearted but sounded a little harsher when it did.
Nakita niya ba bahagyang nagulat si Elmo at kaagad ay naging malungkot ang ekspresyon sa muhka. He looked guilty and sorry.
"S-sorry." Nauutal nanaman na sabi ng lalaki.
Huminga ng malalim si Julie. Gusto niya sana bawiin ang sinabi pero muhkang mas maganda na ganun na lang talaga ang isipin ni Elmo.
Nanahimik silang dalawa. Nakatungo lamang si Elmo habang si Julie ay sa gilid nakatingin.
"Hindi na ako nakikipagkita kayla Zach."
Biglang sabi ni Elmk habang nakatungo pa rin.
Tiningnan ni Julie ang lalaki na unti-unting nag-angat ng tingin sa kanya. Kitang kita ang lungkot at di kasiguraduhan sa muhka nito. Para bang takot na takot itong harapin siya.
"Why?" She asked.
Mahinang umiling si Elmo at napatungo ulit. "You're right. They're no good."
"What did they do to you?" Nagaalala na sabi ni Julie. Malaman lang niya kung ano ginawa ng mga iyon kay Elmo.
"Wala wala." Elmo said reassuringly. Marahil ay nakikita na nito ang panlilisik ng mata ni Julie Anne. "I thought you were just naghihinala. Pero it's true."
Alam na kaagad ni Julie kung ano ang tinutukoy ni Elmo. "Did you ever try some?" Maingat na tanong niya. She won't judge the guy. He was still her best friend.
Elmo shook his head. "No. They tried to make me but I walked out."
Panatag na ang loob ni Julie dahil muhka naman hindi nagsisinungaling ang lalaki.
"Matagal na yun." Sabi ni Elmo. "Bago pa ulit tayo nakapagusap. I was already avoiding them. Hindi ko naman sila uunahin. Ikaw lang." Walang halong pambobola sa tono ng lalaki at seryoso itong nakatingin sa kanya.
Ayan nanaman kung ano ano nanaman ang nararamdaman ni Julie Anne sa sarili. Para bang umaakyat ang kilabot sa sistema niya lalo na at hayan nanaman makatingin si Elmo.
Lumapit ito sa kanya at parang batang pinagalitan ng magulang na hinawakan ang mga kamay niya. "I really am sorry Lahat. If I could do anything to erase what happened I would. Words hurt. And I know I hurt you with what I said. I'm sorry. I'd do anything to make it up to you."
Parang may humahaplos sa puso ni Julie habang pinapanuod ang lalaki. She knew he was sorry. She could feel it. Hindi naman na talaga siya galit dahil humingi lang ito ng tawad ay sapat na sa kanya.
"Kung ilibre mo na lang kaya ako ng makakain?"
Nung una ay parang hindi pa nag-sink-in sa utak ni Elmo ang sinabi niya kaya nginitian lang niya ulit ang lalakim. Hanggang sa malaki na itong napangiti at kinuha ang kamay niya.
"Elmo!" Napatili siya nang hatakin siya nito patayo.
"Tara Lahat! Libre ko!"
"Aray--t-teka!" Kaso wala na magawa si Julie lalo na nang mabuksan ni Elmo ang pinto.
"Teka Lahat! Itsura ko o!" Naka puting T-shirt at shorts lang kasi siya.
"Maganda ka kahit sako suot mo tara na!" Excited na sabi ni Elmo. Akala mo maiihi na ito sa suot na shorts.
Sinakay siya nito sa kotseng nakaparada lang sa tapat bahay.
Wala na siya nagawa at pasarili pang napangiti. Na-realize niya na...namiss din pala niya si Elmo.
Hindi pa binubuksan ni Elmo ang makina dahilan para mapatingin nanaman siya dito. "O...akala ko ba aalis tayo?"
"You called me Lahat again." Sabi ni Elmo na hindi pinapansin ang unang sinabi ni Julie Anne.
Kahit si Julie ay nagulat pero tinago na lang ito sa pagngisi sa lalaki. "Bakit, Lahat naman kita diba? May iba ka pa bang Lahat?"
At kagaya ng kanina ay ngumiti ng wagas si Elmo, ang muhka ay namumula. He reached over the gear shift and hugged her hard.
Maingat na yinakap pabalik ni Julie ang lalaki. Madaya talaga. Hindi niya matiis ito.
"I really missed you Lahat." Sabi ni Elmo.
Marahil nga kasi na simula nung nakaraang linggo ay nakipagbati si Julie pero ang sumunod na linggo ay pag-iwas naman ang kanyang ginawa.
"Sige na ipagdrive mo na ako." Sabi pa niya na mahinang tinutulak palayo ang lalaki.
Ngumiti lang ulit sa kanya si Elmo. Kitang kita ang saya sa muhka nito.
Bubuksan na sana nito ang makina nang may malakas na kumatok sa side ng kotse ni Elmo.
"Aahh!" Maikling napasigaw si Elmo nang makita na sumisilip si Maqui sa may bintana.
Tinted kasi ang kotse kaya hindi nito nakikita na nasa loob silang dalawa mula sa side na iyon.
"Hoy! Julie Anne at Elmo Magalona! Lumabas kayo dyan aba malaman laman ko lang na may ginagawa kayo g milagro nako talaga!"
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
"Isa pa Elmo isa pa talaga!"
"What'd I do?!" Tanong ni Elmo kay Maqui.
Nakaupo silang tatlo sa isang cafe sa may mall. Sa labas nila napili tuambaydahil nalalamigan si Julie Anne sa loob.
"Eh kanina ka pa humihinga ng malalim yan eh! Kapag ako nairita ibubuhos ko sayo tong kape ni Julie."
"Maq wag mo idamay ang kape ko please."
"Lahat! Kanina pa ako inaaway ni Maqui o!"
Napailing na lang si Julie. Minsan talaga pakiramdam niya may kasama siyang mga bata kapag itong dalawa ang kasama.
"E si Elmo kasi eh. Wala ka magagawa boy ako ang best friend siyempre sasama ako!"
"Best friend din naman ako ah!"
"Tangina best friend lang ba talaga?"
"Ano yon Maq?" Biglang tanong ni Julie.
"Ha? Ah wala wala. Kako ang sarap ng hangin no? Buti sa labas tayo umupo." Saka patagong umirap.
"Oo nga eh." Sabi ni Julie at uminom mula sa kanyang kape. Napasilip pa siya sa loob bahagyang lugmok ang muhka bago ibalik ang tingin sa mga kaibigan.
"What is it Lahat?"
"Gusto ko sana bumili nung pesto sandwhich nila kaso marami tao. Nakapila."
"Ako na bibili!"
"Pero--"
Kaso bago pa makasagot si Julie ay sita namang tayo ni Elmo at dumeretso sa pila na pagkahaba haba.
Napapailing na sinundan ng tingin ni Julie ang kaibigang lalaki bago ibalik ang tingin sa harap para lang magulat dahil nakita niyang nakangisi sa kanya si Maqui.
"Alam mo natatakot ako kapag ganyan ka tumingin sa akin eh."
"Ang hina mo din talaga bes. Bumigay ka kaagad kay Elmo ah? Akala ko pa naman mas matagal pa ang pagpapahirap mo sa kanya. Kaya yan nasasanay eh. Ganun talaga kapag mahal mo--"
"Teka nga teka Maq ang dami mo naman sinabi eh." Sabi pa ni Julie Anne. Saka lang pumasok sa kanya ang sinabi ni Maqui. "Ha? Ano? Di ko mahal si Elmo ah! I mean, I love him as a best friend--"
"Kapakshetan Julie Anne San Jose!"
Tameme na napatingin si Julie sa kaibigan na hindi naman muhkang galit pero seryoso ang muhka.
"Tingnan mo nga si Elmo ngayon at sabihin mo sa akin na hindi mo siya mahal."
Dahil ayaw niyang masampal ng kaibigan sa harap ng maraming tao ay napalingon si Julie sa loob kung saan nakapila si Elmo.
The guy was waiting patiently and seemed to feel the weight of her stare and turned to her.
He smiled at her and gave a small wave.
She waved back before turning to Maqui once again.
"O?" Tanong pa muli ng pinakamatalik niyang kaibigan.
Napahinga ng malalim si Julie. "Bes, alam mo ba bakit ako lumayo kay Elmo?"
"Syempre, pakshet kasi siya--"
"Hindi lang yon Maq." Sabi pa ni Julie Anne. Muhkang matatagalan pa sa pila si Elmo kaya kinuha na ni Julie ang pagkakataon.
"Inisip ko kasi...ayoko na maramdaman niyang obligado siya sa akin. Yung para bang dahil lagi kami magkasama, e kailangan lagi na niya ako talaga iniintindi. Pano kapag ayaw naman talaga niya? Pano kung napipilitan lang pala siya?" Muli ay huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Lumayo ako sa kanya because I don't want this to continue..."
"What's not to continue?" Tanong pa ni Maqui.
"This...just...what I'm feeling." Parang nahihirapan na sabi ni Julie Anne.
Napasilip sila sa loob at saktong nakita na hinihintay ni Elmo ang order ni Julie.
Ngumiti ulit ito sa kanila na para bang wala itong ibang gusto gawin kundi ang ngitian si Julie Anne.
Julie shook her head and faced Maqui. "Ang daya lang eh. Kaya ambilis ko lang siya patawarin. Kaya hindi ko siya matiis. Na kahit ano ata gawin niya sa akin ay papatawarin ko pa rin siya." She looked at Maqui who was waiting for what else she was going to say. "I think I really am falling in love with Elmo."
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Alam ko po bitin haha! Pero sadya yan hahaha! Ano na sa tingin niyo? Manhid ba talaga si Elmo? Ano dapat gawin ni Julie? Hahaha stay tuned! Thanks for reading! Palimos po ng votes and comments!
Mwahugz!
-BundokPuno<3