Chapter 4

3142 Words
Punong puno na ata ng dessert ang kusina nila Julie pero wala siya pakielam. Kapag kasi nalulungkot siya ay nagbbake siya. "Ang sarap bunso!" "Pa hinay lang ha. Yung sugar mo." Sabi ni Julie nang may maliit na ngiti sa muhka. Hindi pwedeng malaman ng pamilya niya na nagkakagulo sila ngayon ni Elmo. "Ang sarap kasi eh." Sabi pa ng tatay niya habang inuubos ang cupcake na gawa mismo ni Julie Anne. Linggo ng tanghali at naghahanda na din sila para makapagsimba mamayang hapon. "Lumalaki na kaya tiyan mo pa." Tawa din ni Angel sabay himas sa bumibilog nang tiyan ng ama nila. Hindi anak ni Ian si Angel pero close silang dalawa kagaya din ni Julie. Namatay na ang unang asawa ni Lana na siyang tatay ni Angel at nakilala naman nito si Ian kung saan nabuo si Julie Anne. "Imonitor niyo pagsubo ko ah." Tawa pa ni Ian. Kumakagat sa isang cupcake na sumagot si Angel. "Ang sarap kasi magbake ni bunso. Balang araw ba Jules magpapatayo ka ng bakery?" Napaisip si Julie sa sinabi ng kanyang nakatatandang kapatid. Wala naman sa plano niya iyon. Business ad kasi ang kinukuha niyang kurso sa kolehiyo at kaya lang niya talaga kinuha iyon dahil sa kompanya ng kanilang pamilya. The San Joses own a corporation that owns a chain of restaurants and were doing quite well. "Ewan ko lang ate." Natatawa din niya na sagot at naupo sa tabi ng kapatid. Nginitian siya ni Angel at inakbayan pa. Kahit na malapit na mag-isang dekada ang layo nila ay hindi iyon dahilan para hindi sila maging malapit sa isa't isa. Angel was the perfect older sister to Julie Anne and Julie adored her dearly. "O, ang dami mo na-bake pero hindi mo naman kinakain." Pagpuna ni Angel. Siguro ay nahalata nito na nakaupo lang sa tabi niya si Julie at hindi man lang tumikim ng sariling linuto. "Eh nakakabusog kapag tumitikim habang nagb-bake e." Pagdadahilan pa ni Julie. Pero ang totoo niyan ay wala siyang gana kumain. Pano siya kakain kung puro si Elmo ang nasa isip niya. Nakakainis talaga yung lalaki na iyon. Ayaw siya tigilan kahit sa isip. "Hey mga anak." Sakto naman ay bumaba galing kwarto si Lana at nakangiti pa sa kanilang lahat. Muhkang bagong ligo ito at fresh na fresh. Julie loved her mother dearly. Kahit na minsan ay lagi siya nito pinupuna. "Nako nagbake nanaman ang bunso ko." Tawa pa ni Lana at tumikim ng cupcake. Napapikit pa ito sa sarap ng kinain. "Ang sarap mo talaga magbae ng ganito anak." "Sabi ko nga ma. Magpatayo siya ng bakery." Sabi pa ni Angel. "I mean why not. Hindi ba at may puhunan naman ang San Jose corporation para sa diversity of restaurants. Hindi lang naman buffet." "Bata pa ako ate. Hindi ko pa naiisip yan." Natatawa na sabi ni Julie Anne. "Oo nga naman kasi Angel." Sabi pa ni Lana. "Wag mo muna palakihin masyado si Julie. Eh ikaw nga pala kailan ba kayo ikakasal ni Richard?" "O bakit sa amin napunta ang usapan?" Natatawa din na tanong ni Angel. Lihim na napangiti si Julie. Basta ba hindi na siya ang pinaguusapan e okay na ang lahat. "Anak, 30 ka na. 31 din si Richard. You both have stable jobs. He's a very good employee and you two can take care of yourselves. Pwedeng pwede na kayo iksal. Saka gusto ko na ng apo!" "Bakit ako?" Nahihiwagaan na tanong pa ni Angel. Tumawa si Julie at nakisingit sa usapan. "E baka ako ate." "Subukan mo Julie Anne. Wala ka pa pinapakilala na lalaki sa amin." Kunwari ay pagbabanta ng kanyang ama. "Wala ba? E pano si Elmo?" Nakangiti na sabi ni Lana. Kaagad na nawala ang ngiti sa muhka ni Julie pero sinalo niya ang sarili at kunwari ay natawa na lang. "Ma, ano ba. Elmo ka diyan. Deh no!" "Sayang gusto ko pa man din ang batang iyon." Tawa din ni Ian. "At least kilala ko na. Saka muhka namang mahal ka nun eh." . Nanigas ang ngiti sa muhka ni Julie. Haay kung alam lang ng mga magulang at kapatid niya ang lahat. Nasalba siya sa pagiging topic nang sakto ay pumasok si Richard sa kusina. "Goodafternoon po Ma, Pa." Bati nito at nagmano pa kayla Lana at Ian. "O ang aga mo ata ngayon Chard?" Sabi ni Lana at napatingin pa sa wall clock sa may kusina bago ibalik ang tingin sa lalaki. "Mamaya pa ang simba ah." "Hayaan mo na Ma. Siyempre gusto niyan makita si Ate." Pagtudyo pa ni Julie Anne. Mahina siyang kinurot ni Angel sa hita at natawa na lamang siya. Matapos ay pinili niyang magbasa muna sa sa may living room hanggang sa oras na para magsimba. "Let's go!" Ngiti ni Ian sa kanilang laaht at binuksan na ang pinto ng sasakyan. Hiwalay nga lang ang sakay nila Angel dahil may sariling sasakyan si Richard. "Hindi ba tayo late? Ang tagal kasi nitong tatay mo Julie Anne." Sabi ni Lana habang naglalagay ng seatbelt. "O ikaw naman hon." Paglalambing pa ni Ian. "Saglit lang naman ako naligo." "Naku wag mo ako dinadaan sa ganyan ha." Kunwari ay naiinis na sabi ni Laa pero nakangiti pa rin naman. Julie smiled to herself while sitting at the back. Kung may gusto man makakita ng true love ay sigurado siya sa parents niya iyon napatunayan. Sana lang ay mahanap din niya ang sarili niyang true love balang araw. "Bunso diba maaga lagi si Elmo sa simbahan? Tanong mo nga kung nandoon na ang pari." Sabi ng nanay niya. Oo maaga talaga si Elmo dahil isa itong sakristan. Pero ayaw ni Julie itext ito. Hindi pa rin siya sumasagot sa sinabi ng kanyang ina pero muhkang hindi rin naman nito hinintay na sumagot siya. Marahil ay akala nito na automatic niyang itetext si Elmo. Masyado na ata sanay ang tao na silang dalawa ang magkasama. "O muhkang wala pa nga ang pari." Sambit ni Ian nang makapark sila sa may simbahan. Ang mga sakristan, lectors, commentator at usherettes ay nasa may entrance pa ng simbahan at hinihintay pa ang pari. Naipit ang hininga ni Julie sa lalamunan nang makita na nakatayo doon si Elmo. Seryoso ang muhka nito at pinaglalaruan lang ang dulo ng suot na sutana. Muhkang naramdaman nito na nandoon siya dahil napaangat ito ng tingin. Kita niya ang gulat sa muhka nito. And that wasn't all. There was longing in his face. Malapit sa isang linggo na din kasi silang hindi nagkikita. Napatayo ito nang makalapit na ang pamilya San Jose. "O Elmo!" "Good afternoon po tita." Bati ni Elmo at bumeso pa kay Lana. "Tito." Bati din nito at nagmano kay Ian. Tahimik lang si Julie sa tabi. Tumingin sa kanya si Elmo at napatango lamang siya. Sana hindi makahalata ang pamilya niya. "Ui Moe! Hindi ka naggym kanina?" Tanong bigla ni Richard kay Elmo. "Parang ang tagal nga kitang hindi nakita Moe." Puna din ni Angel. Tahimik lang si Julie dahil ito na nga ata ang kinatatakutan niya. Saka naman tumingin si Angel kay Julie Anne. "Bunso, kailan kayo huling nagkita ni Elmo?" Napalunok si Julie sa tanong at si Elmo naman ay tila pinagpawisan. Kaya nagpakawala na lang ng maikling tawa si Julie Anne. "Last week pa ata ate. Busy kasi si Elmo." "Ah oo nga po eh." Sagot naman ni Elmo na napakamot pa sa may batok. "Aww, kaya pala parang laging malungkot itong kapatid ko." Sambit ni Angel. Kung pwede lang siya matunaw ay kanina pa nangyari. Umiwas siya ng tingin kay Elmo. "Andyan na si Father!" Laking pasasalamat na lang niya at dumating na ang pari. Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at umupo na sa tabi ng magulang sa isang pew sa harapan. Doon kasi sila lagi nakaupo kapag nagsisimba. Pansin niya na paulit ulit tumitingin sa kanya ang kanyang kapatid. Kaya naman umuiwas na lang siya at sa sariling kamay na lang napapatingin. Buong misa ay tahimik lang siya. Hindi nga lang siya makaangat ng tingin ng tuwid dahil sa harap nakaupo si Elmo at paminsan minsan ay napapansin niya na tingin ito ng tingin sa kanya. Medyo naiinis na nga siya dahil hindi siya mapakali sa upuan. Iwas na iwas siya dito. Ultimo sa pangongomumyon ay pinili niyang sa lay minister kung saan hindi si Elmo ang umaalalay pumila. Kahit pa sa kabilang side kung saan sila nakaupo iyon. Hindi pa kaagad umuwi ang kanyang mga magulang pagkatapos ng misa dahil nagkikipagusap pa ito sa kapwa parishoner. "Ate una na ako." Sabi ni Julie sa kapatid. Basta gusto na niya umuwi. "Ha? Hintayin mo na sila mama." Sabi naman ni Angel na takang taka nakatingin sa kanya. Palinga linga sa paligid si Julie. Nakikita niyang naghuhubad na nang sutana si Elmo kaya naka tshirt na puti na lamang ito at itim na pantalon. Sakto ay napatingin ito sa kanya at nagmamadali pang lumapit. Umakyat ang panic sa sistema ni Julie. "Bye ate!" "Ha? Julie teka!" Pero animo wala narinig si Julie na binilisan pa lalo ang takbo. Dalawang kanto lang naman ang layo ng bahay nila sa mismong simbahan. "Lahat! Julie! Please!" Napalingon siya at nakitang hinahabol siya ni Elmo. Mas binilisan pa niya ang takbo dahil alam niyang maaabutan siya nito sa haba pa lamang ng mga binti ay talo na siya. Nakaabot siya sa bahay nila at nagmamadaling umakyat sa kwarto. "Julie anak! Anong nangyayari sayo?" Gulat na sabi ni manang na nakasilip sa may garahe. "Wala po manang, uhm, manang, kapag..." "Lahat! Wait please!" Nagpapanic pa rin na tiningnan ni Julie si manang. "Manang wala po ako dito." At kaagad siyang pumasok sa loob at napasandal sa pinto. Bahala na si manang. Mula sa may bintana ay naririnig niyang naguusap si Elmo at manang. "Manang alam ko po nandyan siya." "Pasensya na anak ha. Pero ayaw ka muna niya kausapin ngayon eh. Hayaan mo muna at kapag handa na siya kausapin ka lalapit naman yun." Hinihintay ni Julie na sumagot si Elmo. Pinapakinggan lang niya ang usapan nila. At saka niya narinig si Elmo na napabuntong hininga. "Okay po." Sighing, Julie walked on upstairs to her room and lied down on the bed. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod sa pagtakbo kanina. Pakiramdam niya inijeksyonan siya ng adrenaline nang makita na papalapit sa kanya si Elmo kanina. Hindi pa niya kaya kausapin ito. Duwag na kung duwag pero hindi pa niya alam ang sasabihin eh. At di rin siya handa sa kung ano man ang sabibin ni Elmo. Hindi niya alam kung nahihiya o nasasaktan siya sa sinabi nito. Dahil tama nga naman si Elmo. Hindi siya ang girlfriend nito. At ano ba ang pake niya kung gusto nito sumama sa kung sino sino. Natigil ang pagiisip niya nang makarinig siya ng katok sa kanyang pinto. Noong una ay kinabahan siya dahil akala niya pinaakyat ni manang si Elmo. Pero hindi. Bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Maqui. The girl was smiling softly at her before closing the door. "Hi bes." Ngiti ni Maqui. Dumeretso si Julie Anne nang upo sa kama at kaagad na tumabi sa kanya si Maqui. Inihilig naman niya ang ulo sa balikat ng best friend. "Tinawagan ako ni Ate Angel." Sabi ni Maqui na pinatong din ang ulo sa taas ng kay Julie. "Bakit di mo sinabi bes?" Muntik na mag-isang linggo kasi simula nang mangyari ito. "Di ko kasi alam kung problema talaga ito." Tanging nasagot niya. "Malamang bes problema! Nagaway kayo ni Elmo...your guy best friend!"  Saka tiningnan ni Maqui si Julie Anne. "Tama diba? Sabi ni Ate Angel iniiwasan mo daw kasi." Might as well come on out with it. Kaya nagsimula magkwento si Julie. Alam na ni Maqui kung ano ang nakita nila nung isang araw. Ang hindi nito alam ay ang usapan nila ni Elmo matapos. Hindi pa siya tapos sa pinagsasabi ay sumabog na si Maqui. "Aba eh tarantado pala siya eh!!" "Maq..." "Tangina pasalamat siya na meron may pakielam sa kanya! O edi hayaan mo Jules! Simula ngayon hindi mo na siya papakeelamanan." Napabuntong hininga si Julie at tumingin sa kanyang mga kamay sa kanyang hita. "Naisip ko lang Maq, was I smothering him?" "Hindi bes." Mabilis na sabi ni Maqui na para bang naeskandalo siya sa sinabi ni Julie Anne. "Siya itong unang nagtext sayo. Nagtext pa e magsisinungaling din naman. Saka magbest friend kayo eh! Oo hindi ka niya girlfriend pero ibig sabihin ba non hindi ka na pwede mag-care? Nasanay na kayo sa isa't isa eh! Syempre lagi kayo magkasama..." Hindi pa tapos sabihin ni Maqui ang pangungusap ay napatingin si Julie dito. "That's it." "Huh?" Gulantang na sabi naman ni Maqui. "What is it?" Napaisip muna saglit si Julie bago biglang tumayo at kinuha ang kanyang cellphone. Hindi pa rin malaman ang gagawin na tiningnan ni Maqui ang pinakamatalik na kaibigan. "Maq...kakausapin ko lang si Elmo." . "O teka bakit biglang gusto mo na siya kausapin?" Hindi muna sinagot ni Julie ang kaibigan dahil busy pa siya sa pagtipa ng isang mensahe kay Elmo. To Lahat: Meet me at the tree house in 10 minutes. "Teka bes alam mo ba ginagawa mo?" Sabi pa ni Maqui. "Ano? Hihintayin ba kita dito? Ano?" Napaisip saglit si Julie habang hawak hawak ang sariling telepono, di alam ang isasagot kay Maqui. Wala pa ilang minuto ay sumagot na si Elmo. From Lahat: I'll be there. "Hindi ko alam eh. Ikaw ba?" "Nako uuwi na muna ako. Baka mahaba haba pa ang usapan niyong dalawa. Basta tsismisan mo na lang ako kung ano nangyari." Tumayo si Maqui mula sa kama at lumapit kay Julie para halikan ito sa pisngi. Julie gave back an unsure smile. But she had to do this. Naunang lumabas ng kwarto si Maqui at sigurado siya na uuwi na din naman kaagad ito. She took a moment to rehearse what she was going to say before making her way to the tree house. Sa baba pa lang ay kita na niya na may ilaw doon. Kaya sigurado siyang nasa loob na si Elmo. Muli ay huminga siya ng malalim na para bang kumukuha ng lakas sa gagawin. Nang makasigurado sa sarili na hindi na siya aatras ay umakyat na siya papunta sa make shift ladder ng puno. Nasilip niyang nakaupo na si Elmo at palinga linga sa paligid na para bang hindi ito sigurado kung pupunta nga ba siya. Pero kaagad din naman siya nitong napansin at mabilis siyang tinulungan paakyat. "Lahat!" Mabilis na sabi nito. "I'm sorry. I'm so so sorry. Please forgive me. Hindi kita dapat sinigawan ng ganon. I'm sorry. I know you were just--" "Elmo." Pigil ni Julie sa lalaki. He was already rambling and it was as if he didn't know what he was really going to say. At kagaya ng kanina ay huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Aamin ako Elmo na ayaw ko talaga kayla Zach." Simula niya at hinayaan naman siyang magsalita ng lalaki. "Pero narealize ko na wala nga ako karapatan manghimasok sa kung ano gusto mo gawin. Hanggang pagbigay na lang ng advice siguro pero mali siguro na parang dinidiktahan na kita." "No Lahat you have every right--" "Narealize ko lang na masyado kasi tayo sanay na magkasama." Julie cut him off. She smiled sadly at him. "Siguro nasanay lang tayo pareho na hindi naghihiwalay kaya naging habit na ang lahat. Don't get me wrong. You're still my best friend. And I still care for you." Halatang naguguluhan si Elmo dahil kunot na kunot na ang noo nito at tila binabasa ang ekspresyon sa muhka ni Julie Anne. "I'm just looking out for you Elmo. And I still got your back pero promise ko sa'yo na I'll back off."  "Julie wag ka naman ganyan." Nanghihina na sabi ni Elmo at hindi napigilan ang biglang yakapin ang babae. Kahit nagulat ay hinayaan ni Julie ang sarili na maramdaman ang init ng lalaki. He's still her best friend after all and nothing would change that. "Ano ka ba. Hindi ko naman sinasabi na hindi na kita papansinin." Mahinang tawa niya para kahit papaano ay gumaan ang sitwasyon. Pero humigpit lang ang yakap ni Elmo. Julie rubbed his back. "Huy. Ano ka ba." She pulled away with a bit of a struggle and saw that Elmo was intently looking at her. Nginitian niya ang lalaki at mahinang sinuntok ang braso nito. "Sorry kasi naduwag ako kausapin ka. Nagtampo naman talaga ako sayo pero naisip ko na wala naman mangyayari kung tuloy akong magtatampo sayo. And I just really wanted to fix this." "Tama lang na nagtampo ka. What I did was wrong." Sabi ni Elmo na parang batang nahihiya. "I should've never lied to you. Kumain lang din naman talaga kami nila Zach but I should've never lied to you. I'm sorry." "Apology accepted." Nakahinga ng maluwag si Julie. "Friends?" At naglahad pa siya ng kamay. Elmo pulled her closer and gave her a hug. "Best friends." Sabi pa nito. Julie returned the hug before pulling away. "Okay ah? Bati na tayo." She smiled at him and he couldn't help but smile back. "But I have to get going. Medyo naantok na kasi ako." Sabi naman ni Julie. "H-ha? Agad? Ayaw mo ba kumain muna?" Gulat na sabi ni Elmo. Mahinang natawa si Julie. "O ikaw naman ang clingy ngayon?" Biro pa niya bago muli ay mahinang sinuntok ang braso ni Elmo. "Pagod nga ako. Hinabol mo kasi ako kanina. Bukas siguro. Kapag wala ako gagawin. Food trip tayo. " Kahit muhkang hindi sigurado ay tumango na lamang si Elmo. Sabay silang dalawa bumaba at nang maabot ang damo na lapag ay muling humarap sa isa't isa. "O pano una na ako ah." Sabi pa ni Julie. "Goodnight Lahat." Sabi ni Elmo. He looked defeated but allowed her to walk away. She smiled at him one last time before making her way inside. Kinailangan niya gawin iyon. Dahil simula ng gabi na iyon ay lilimitahin na niya ang pakikipagkita kay Elmo. Baka nga masyado na niya ito nasasakal at ayaw naman niyang tuluyan na silang mag-away. Kaya siya na ang gagawa ng paraan. Dapat masanay na silang dalawa na hindi masyado magkita para naman makagalaw sila ng maginhawa. He would still be her best friend though. Ayun nga lang, medyo lalayo siya ng kaunti para naman hindi nito isipin na obligado ito kasama siya. Ang magkasintahan nga dapat may limitasyon eh, ang magbest friend pa kaya? "You're doing the right thing, Julie." Bulong niya sa sarili at matapos ay naghanda na matulog. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= AN: hi friends! Kamusta naman ang chap? Ano sa tingin niyo mangyayari sa mag-Lahat? Wala na nga ba? Hahaha stay tuned! Thanks for reading! Votes and comments please! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD