"Asan jowa mo?"
Napaikot ang mata ni Julie sa sinabi ng kaibigan. "How should I know? At hindi ko jowa si Elmo."
"Ay assuming ka te? May sinabi ba ako na pangalan?" Maang maangan na taong ni Maqui.
Sinimangutan ni Julie ang kaibigan na ngumisi lang dahil alam na nagwagi ito sa pangaasar.
"Hahahaha tangina bakit ba kasi ayaw niyo pa pareho umamin na may something kayo sa isa't isa?"
"He doesn't like me that way." Kaagad na sabi ni Julie habang umiinom mula sa baso ng juice. Nasa sun loungers lang sila ni Maqui at nagrerelax bago pa uminit ng sobra sobra ang umaga.
"But you like him that way?" Balik tanong naman sa kanya ni Maqui. Hindi kaagad siya nakasagot.
"Aha I knew it!"
"Isa ka pa assuming." Mabilis din niyang sagot sa pinakamatalik na kaibigan. "Wala naman ako sinabi. Saka nakita mo naman kung papaano kami ni Elmo makitungo sa isa't isa. Kahit dati pa."
Unang nakilala nila Maqui si Elmo nang lumipat ito pabalik sa Pilipinas para magfourth year high school sa bansa. Noon ay may slang pa talaga ito magsalita. Ngayon, apat na taon na ang nakalipas at magkakakilala na silang lahat.
"He's my guy best friend." Pagdeklara pa niya.
Umirap si Maqui habang tinitingnan ang kaibigan. "Yung totoo bes ah. Gamit na gamit na yan. Saka saan ka nakakakita ng magbestfriend na lalaki at babae na natutulog sa iisang kama."
"Kami ni Elmo." Julie said nonchalantly with a shrug of her shoulders.
"Kapakshetan." Natatawa na lang na sabi ni Maqui at uminom na din mula sa sariling baso ng juice. Inilapag nito ang iniinom sa maliit na lamesa na nasa tabi nila. "You can't tell me na sa sobrang close niyo ng lalaki na iyon ay wala kayo nararamdaman para sa isa't isa."
Julie sighed. "Why is this such a big deal Maq?"
"Because it's getting frustrating!" Sabi pa muli ni Maqui. "Tanong mo sa kahit sinong kilala mo! Lahat sila hinihintay na lang na maging kayo ni Elmo."
Julie sighed but rolled her eyes and shook her head. She leaned back on the lounger and closed her eyes. "Bait ba hindi niyo makuha na magkaibigan lang kami ni Elmo. Pwede naman maging magkaibigan ang lalaki at babae ah?"
"Oo pwede naman talaga bes. Pero kasi kapag kayo ni Elmo iba ang tinginan niyo."
"I'm telling you Maq, drop it." Julie said with finality. "Imagination niyo lang lahat ng yan."
"Hahaha di bale bes. Kami bahala. Pinagpustahan na namin kayo eh."
"Pwes matatalo lang kayo." Sabi na lamang ni Julie. Ewan ba niya sa mga ito. Ano naman ba kasi ang meron sa kanila ni Elmo? Normal na magkaibigan lang naman sila diba? Ayun nga lang hindi talaga uso minsan ang space sa kanilang dalawa.
May narinig silang hagikhikan sa bandang kusina ng bahay at hindi nga nagakamali nang makita na ang ate pala ni Julie at ang boyfriend nito ang nandoon.
"Hey Jules! Maq!"
"Hi kuya Richard!" Bati ni Maqui at pati si Julie ay kumaway.
Nakasilip ang lalaki sa may sliding glass door sa kusina at sakto naman na sumilip ang kanyang ate Angel.
"O, sunbathing kayong dalawa? Malapit na magtanghali. Pasok na kayo at baka masunog pa ang balat niyo." Sabi naman ni Angel at sumenyas pa sa dalawa na pumasok na.
Sabay na din tumayo si Julie at Maqui dahil sa sinabi ng naktatandang kapatid ng una at pumasok na sa loob.
Umupo sila sa may dining table at sakto ay nakita nilang nagluluto ng meryenda si Richard.
"What's that kuya?" Tanong ni Julie habang linalapag ang braso sa taas ng dining table.
Sumulyap si Richard sa kanya bago sumagot. "Grilled chicken. Nagugutom ang ate mo eh."
Julie mock gasped and looked at her older sister. "OMG ate buntis ka? Magiging tita na ako?"
"Baliw." Natatawa na sabi ni Angel na umupo sa tabi ni Julie Anne. "Deh no. Napagod lang ako sa meeting kasi malapit na magopen yung isang restaurant e naghahabol tayo ng polishings doon sa mismong place."
"Saan magbubukas ate?" Curious na tanong ni Maqui.
"Sa food street ng Linear Mall."
"Ah yung malapit diyan?"
"Yung tinatambayan lagi ng tropa niyo." Sagot ni Richard habang linalapag ang grilled chicken sa harap ng mga babae.
"Thanks love." Ngiti ni Angel at lumapit naman si Richard para dampian ng halik sa pisngi ang babae.
"Yii may forever talaga." Kinikilig na sabi ni Maqui. Sabay simangot nito at tumingin kay Julie. "Ito lang naman si bes ang hindi naniniwala sa forever eh."
"Sino may sabi?!" Angal pa ni Julie.
Pero bago pa makasagot si Maqui ay siya namang kunot ng noo ni Richard at napatingin pa sa kanya.
"Di ka naniniwala sa forever? E pano na lang si Elmo."
"Sabi sayo bes sabi sayo eh." Nangiinis na sabi ni Maqui.
Hindi pinansin ni Julie ang sinabi ng kaibigan at tumingin muli kay Richard. "Kuya ano naman kinalaman ni Elmo don?"
"E boyfriend mo yon diba?"
"Unfortunately hindi." Comment din ni Angel matapos umupo ni Richard sa tabi niya.
At naguguluhan pa din na tiningnan ni Richard si Julie Anne.
"Talaga?" At medyo natatawa pa ito na napailing. "Akala ko pa naman all this time e kayo ni Elmo."
"Akala ko din." Napapailing na sabi ni Angel.
Julie groaned frustratedly and looked at the people around her.
"Hindi nga kami non! At bakit ba? Bawal ba maging mag best friend lang muna?"
Bago pa may makasalita sa kanila ay siya namang pagtunog ng cellphone ni Julie na nasa may lamesa.
At dahil lahat sila ay dakilang tsismoso ay nakita kaagad nila ang maikling mensahe ni Elmo para sa kanya.
From Lahat:
Lahat, food trip lang kami nila James ah. Pero makakauwi na ako ng mga 9.
"Kita mo na." Komento pa ni Maqui.
Napatingin si Julie sa matalik na kaibigan at pati si Richard at Angel ay sabay na napapatawa.
"Why? What's wrong?" Sabi din ni Julie.
"Hindi pa kayo pero sayo siya nagpapaalam? Yung totoo bunso?" Natatawa pa rin na sabi ni Angel. "Basta hihintayin na lang namin na sa dulo kayo ang magkakatuluyan."
"Ugh! Hindi nga kasi!"
"Hahahahaha!" Tawa pa ni Maqui. "Bahala ka bes."
Matapos kumain ay napagdesisyunan nila Julie at Maqui na mag-mall muna.
Dahil nga summer at malapit na maglunch time ay sobrang raming tao ang mga nagliliwaliw.
"Yung totoo ah! Yung iba gusto lang naman magpalamig!" Naiinis na sabi ni Maqui. Ilang tao na ata kasi ang nakakabungguan nila ni Julie Anne sa sobrang rami ba naman ng ngaglalakad.
Mahinang natawa si Julie sa kaibigan.Nagb-beast mode din talaga kasi ito si Maqui lalo na kapag nainitan at nairita.
"O ayan pa! Magtatagal sa starbuck e isang kape lang naman ang binili! Yung tall pa!"
"Maq, marinig ka nila."
"Hayaan mo!" Simangot pa ni Maqui at umirap. Kasalukuyan silang nakapila ni Julie Anne sa counter para makabili ng food and drinks sa Starbucks.
Kakaunti na lang talaga ang pwedeng maupuan. Si Julie ang kanina pa lingon ng lingon at hanap ng hanap ng mauupuan ang kaso lang ay muhkang wala naman na talaga sila makukuhang pwesto. Masyado marami ang tao.
"Bes, I think hindi na tayo makakaupo." Sabi ni Julie habang pinipindot ang braso ni Maqui.
Lumingon na rin si Maqui, nagbabakasali na may biglang tumayo ang kaso ay masyado na komportable sa pagupo ang mga tao.
"Tsk. Wag na tayo dito kumain tara na nga." Sabi ni Maqui at umalis na sa pagkakapila.
Sumunod na lang si Julie Anne sa kaibigan at kinalikot ang telepono. Pasimple niya kasi tinetext ang kaso lang ay hindi sumasagot ang lalaki. Imposible naman na wala ito load! Naka line yun eh!
"Huy!"
"Huh?" Nagulat siya nang maramdaman na bahagyang kinurot ni Maqui ang braso niya. Gulat pa rin ang ekspresyon niya sa muhka habang tinitingnan ito. "What gives?"
"Give mo muhka mo kanina pa kita tinatanong kung saan mo gusto kumain tapos di ka sumasagot. Ano ba kasi problema mo at ang sama ng tingin mo sa telepono?"
Tila nahimasmasan na tinago ni Julie Anne ang telepono.
"Wala, uhm tara ikot na lang tayo sa food strip."
Kita niya na tinitingnan pa rin siya ni Maqui pero patay malisya siyang naglakad na lang ng mas mabilis.
Hanggang sa may nakita silang restaurant na medyo kaunti lang ang tao.
"Hay salamat." Bulong ni Maqui sabay baling ng tingin sa kanya at lapag ng bag sa upuan. "Hindi naman sa masama ang ugali ko bes ah. Pero feel ko kaya mas kaunti talaga ang tao dito kasi can't afford eh."
"Grabe ka!" Tawa pa ni Julie. Umupo na silang dalawa at sakto naman ay may lumapit na na waiter. Muhkang ka-age lang nila ito at may nakahanda pang ngiti sa muhka.
"Goodafternoon mam!" At naglahad na ito ng mga menu para sa kanila.
"Thank you...Ryan." Ngiti ni Julie. Sanay kasi siyang binabasa ang name tag ng mga ito dahil ayon sa nanay niya ay dapat gamitin ang mga pangalan ng mga server.
Tila kinilig ang lalaki at namumulang tumango pa bago napakamot sa likod ng ulo. "Ah, just call me mam if you're ready to order."
Muli ay tumango lang si Julie at nginitian ang lalaki bago binaling ang tingin sa hawak na menu.
Nang makalayo na ang waiter ay siya namang sipa ng mahina ni Maqui sa paa niya na nasa ilalim ng lamesa.
"Aray. Ano?"
"Arte mo ang hina non ah. Pansin ko lang kasi na bet ka ni kuya waiter."
Sumulyap si Julie sa gawi ng waiter at nakitang nakatingin ito sa kanya. Kaagad naman itong nagiwas ng tingin ng napansin na sinisilip niya ito.
Napailing na lang siya pero nakangiti na tinginan ang menu.
"Whoo kilig pepe ka no." Pangaasar pa ni Maqui habang hawak pa rin ang menu at tintingnan siya.
"Kilig pepe ka diyan." Natatawa na sabi ni Julie Anne.
"Ay oo nga pala kay Elmo ka lang kilig pepe."
"Baliw." Iling na lang ni Julie. Sakto naman ay napaangat siya ng tingin.
Halong gulat at pagtataka ang muhka niya nang mapagtanto kung sino ang nasa may pinto.
Parang napako siya sa kinauupuan.
Muhkang napansin ni Maqui na ganun ang muhka niya dahil nasundan nito ang direksyon kung saan siya nakatingin at pati ito ay naiwang muhkang nagtataka.
"Akala ko ba kasama ni Elmo sila James?" Tanong ni Maqui.
At nagtataka si Julie dahil sa pagkakaalam nga niya ay sila James ang kasama ni Elmo. Pero muhkang hindi iyon totoo dahil nakikita niya ngayon gamit ang dalawa niyang mata; si Elmo na pumapasok sa restaurant din na iyon. And he was't with James.
"That's Zach."
Sila Zach ay kablock nila Julie at Elmo sa school. Medyo nayayabangan si Julie sa lalaki dahil masyadong presko at pinaghihinalaan pa ni Julie na gumagamit ito ng bawal na droga.
"O e sino yang linta na yan?" Bulong pa ni Maqui.
May babae kasi na nakaangkla ang braso kay Elmo.
"Si Tiffany." Mahinang sagot muli ni Julie Anne. Si Tiffany naman ay ang kambal na kapatid ni Zach. Iba ng course nito pero siyempre ay laging nakikita ang kapatid kaya kilala na din ni Julie.
"Hindi ba natin lalapitan sila Elmo?"
"Huh? Wag na." Wala sa sarili na sabi ni Julie Anne. Parang nawalan na siya ng gana kumain. "Bes sorry okay lang ba na sa iba na lang tayo kumain?"
Nung una ay matagal na nakatingin lamang si Maqui kay Julie pero nakita ang ekspresyon ng pinakamatalik na kaibigan kaya mabilis silang lumabas na lang ng restaurant at muhkang hindi naman sila napansin nila Elmo.
"Bes are you alright?" Tanong sa kanya ni Maqui.
Kitang kita kasi kung papaano na umangkla si Tiffany kay Elmo at muhkang wala naman paki ang lalaki.
"Ha? Oo naman." Mabilis na sagot ni Julie. "Sa bahay na lang tayo. Paluto ako kay manang tapos magbake ako."
Hindi na niya pinasalita pa si Maqui dahil una na siyang naglakad.
Tahimik lang sila nagbyahe pauwi. Alam naman kasi ni Maqui kung kailan siya mananahimik.
Hangga't sa nakauwi na nga sila at linutuan na lamang sila ni manang ng pasta. Matapos kumain ay siya namang simula ni Julie sa pagbake. para siyang sinapian sa paggalaw. Basta gawa lang siya ng gawa hanggang sa ang natitira na lang na gawin ay ang hintayin mabake sa oven ang cookies na ginawa niya.
"Bes, kausapin mo ako." Sabi ni Maqui. Nanahimik kasi ito kanina at hinayaan lang si Julie na gawin ang gusto nito gawin hanggang sa handa na ito magsalita.
Julie sighed defeatedly and sat down on the chair. Nagpalumbaba siya habang tinitingnan ang oven bago nagsalita nang nakatulala.
"Parang tanga ba ako Maq? Nakakainis kasi, why'd he have to lie?"
Maingat na tiningnan siya ni Maqui. "Yun ba talaga o nagseselos ka don sa babae?"
"Ha?" Maang maangan na sabi ni Julie. She wasn't jealous! Ano naman pake niya doon kay Tiffany. "Hindi no. Ang nakakainis lang kasi, sinabi niya na sila James ang kasama niya tapos iba naman pala. Bakit? May tinatago ba siya tungkol kayla Zach? Wala naman diba? Saka ano ba pake ko kay Tiffany? Maglampungan sila all they like I don't care."
"O bes, hinay. Sa galit mo e hindi na natin kailangan ng oven. Yang apoy na lang sa ilong mo."
"Che."
Maqui laughed and sat down next to her best friend to give her a hug. "Ayan napangiti na kita. E kung tanungin mo na lang kaya si Elmo?"
Umismid si Julie. "Hayaan mo siya. Kainin na lang natin yung cookies."
Inabot ng gabi na kumain lang sila at nagkulitan habang nanunuod ng palabas. Kahit paano ay gumaan naman ang pakiramdam ni Julie. Gusto nga sana niya ay wag na pauwiin si Maqui kaso hindi pwede dahil hinanap na din ito ng nanay.
Kaya nang makaalis si Maqui ay bumalik nanaman ang lungkot sa sistema niya.
Problema mo ba Julie Anne? Hawak mo ba buhay ni Elmo? Diba hindi naman? Hayaan mo siya sa kung ano gusto niya!
"Manang, pagkadating po nila mommy pasabi na natulog na po ako."
"O sige anak." Sabi naman ni manang.
Dederetso na sana sa may kwarto si Julie pero naisip niyang sa tree hoise dumeretso. Doon siya tumambay at nagsurf na lang sa net. Baka sakali kasi ay makatulog siya. At hindi nga nagtagal at pumikit na ang kanyang mga mata.
Nagising na lang siya nang makaramdam na may tumatabi sa kanya sa kama.
Binuksan niya ang mga mata at halos tumalon ang puso ng makita na si Elmo pala iyon. Nakakunot ang noo na tinitingnan siya nito.
"Lahat bakit ka dito natutulog? Lalamukin ka. May kama ka naman sa taas ah."
Hindi pinansin ni Julie ang sinabi nito. Masyado pa siya namamangha na nandoon ang lalaki. Tumingin siya sa cellphone at nakitang alas nuebe na ng gabi. Medyo matagal pala siyang nakatulog.
"What're you doing here?"
Kumunot lalo ang noo ni Elmo sa sinabi niya.
"What?"
"Bakit ka nandito?" Tanong niya pa ulit. "Akala ko ba sila James kasama mo?"
Bahagyang natigilan si Elmo. "U-umuwi na ako kaagad."
"Talaga?" Ulit pa ni Julie. "Totoo?"
Napalunok si Elmo pero umigting ang panga na tiningnan si Julie Anne. "Julie---"
"Kailan pa naging si Zach si James ha?"
Halatang nagulat si Elmo sa sinabi niya. Kaya naman mas lalo pa ito natameme.
Julie laughed ruefully. "Mahirap ba sabihin sa akin na hindi naman sila James ang kasama mo? Bakit ka pa nagsinungaling? At si Zach pa talaga!"
Lalong umigting ang panga ni Elmo habang tinitingnan siya hanggang sa nakasalita na din ito. "It's cause you don't like Zach!"
"He's bad news Elmo! Ewan ko ba kung bakit nakikipaghang out ka sa lalaki na iyon."
"Wala naman kami ginagawa. We just play video games."
"E bakit hindi mo sinabi?"
"Hindi ko naman kailangan ireport lahat sayo!" Napasigaw na si Elmo.
Maging si Julie ay nagulat. Napatuwid siya ng upo sa kama. Si Elmo ay malalim ang hininga na nakatayo sa harap niya.
"Hindi?" Hamon pa ni Julie. "Pinilit ba kita? Hindi naman diba? Ikaw itong nagtext at nagsinungaling!"
"Kasi alam ko hindi mo ako titigilan." Dahilan pa ni Elmo.
Umiling si Julie at naiinis na natawa. "Sige bahala ka."
"Don't Julie." Malalim na sabi ni Elmo. "Don't make it to be my fault. I was just hanging out with a friend."
"Friend? Ginagamit ka lang din non Elmo!" Sabi ni Julie na para bang mapupokpok sa ulo ni Elmo ang sinasabi niya. "Malaman laman ko lang na gumagamit ka din! Malay ko ba kung pati yung kambal non ganon! I'm just looking out for you!"
"Hindi kita girlfriend, stop smothering me! Ano ba pakielam mo!" Hindi napigilan na sigaw ni Elmo.
Julie froze and looked at the guy. Maging ito ay nagulat sa sinabi.
He reached out for her. "L-Lahat."
But she immediately pulled back and shook her head. Oo nga naman. Tama din naman ang lalaki.
"Pakipatay na lang ang ilaw kapag aalis ka na." Mabilis na sabi ni Julie. Gusto na niya makaalis don at baka makita pa ni Elmo ang pagtulo ng luha niya. Mahirap na. Baka ano pa isipin nito.
"Lahat." Elmo tried calling her again but she'd already walked away and ram inside the house, leaving him dumbfounded inside the treehouse.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
AN: hopefully tuloy tuloy na ang update ko nito hahaha!
Thanks for reading! Please do vote! Comment about the chap! What you guys think? Haha!
Mwahugz!
-BundokPuno<3