Chapter 12

1398 Words
Their gang is called Black Blood, obviously their blood is not black, but their soul is. College students with different courses, different personalities and ambitions but one color of soul. Black, dark, and dangerous. Nilingon ni Cale si Dash na hinila niya lang dito. Nakapambahay ang huli at may dalang supot na naglalaman ng pinamili nito sa convenience store. "Watch and learn," he whispered to him. Hindi basta basta ang gang nila, all have a background of martial arts and handling of weapons. Hindi naman kasi kung sino-sino nalang ang hinihila nila para sumali sa gang, Raven want strong people that will not drag them down. Originally, Raven formed the gang but she never wanted to be the leader so Cale become the one instead. Everyone respects Raven, because of how undefeated she is. There was even a rumour that at the age of sixteen she's been going in and out of japan's infamous underground arena, with zero loses at fourteen matches. "Bakit ba ako nandito?! Dinadamay mo na naman ako sa gulo niyo, Cale!" reklamo ni Dash. Ngumiti si Cale sa kanya. "Sa pagtapak mo sa underground arena ay siyang pagpasok mo sa mundo namin. And the only way out is death," saad nito sabay tawa. Sinamaan lang siya ng tingin ni Dash at muling sumilip sa first floor. Habang nag-uusap sila kanina ay nagsisimula na din ang laban. For the past one minute eight out of twenty people was down. Raven's school uniform was still perfectly white with no dust or dirt. Hindi masundan ni Dash ang galaw ni Raven sa sobrang bilis nito. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga katawan sa maruming semento, walang malay ang mga ito. Parang sumasayaw si Raven, sabay sabay na sumusugod ang mga kalaban ngunit wala kang makikitang pag-aalinlangan o takot sa mata ng dalaga. Dash blinked, did he just saw Raven smiled? The woman smiles like how Dash eat a delicious food. Iyong kuntento ka sa kinakain mo at nag-eenjoy. Raven looked like one right now. Raven was enjoying it. This is the first time Dash saw Raven smiled. It is weird and it's giving him goosebumps. Despite the fact that the woman was so beautiful and graceful habang umiiwas sa mga atake ng kalaban and giving her counter attacks, Dash now realized what Cale means at the arena. Raven is not just beauty and brain. She's a badass. In no time, the battle was over and it's Raven's victory. Naka kalat ang mga kalaban na parang mga nahimatay dahil sa sobrang kalasingan. May isang nilalabanan ang pag-aagaw ng katinuan niya at pinipilit tumayo. Bago pa mapigilan ni Dash si Cale ay tumalon na ito mula sa second floor at parang pusa na nag landing sabay ikot at binigyan ng roundhouse kick ang kalaban. May tunog pa ang pag bagsak nito sa sahig at may kaunting alikabok na nagkalat. Mabilis na tumakbo si Dash sa hagdan at bumaba. "Nababaliw ka na ba?! Ilang metro ang tinalon mo, magpapakamatay ka ba?!" bulyaw niya kay Cale dahil tinakasan talaga siya ng kaluluwa kanina sa ginawa nito. Akala ni Dash ay makakakita siya ng madugong tanawin. "Chill, mahal ko pa ang buhay ko para magpatiwakil," natatawa pang ani Cale. "Dash, you're here," Sabay na lumingon sila ni Cale kay Raven na nagpapagpag ng kamay habang umaabante palapit sa kanila. "Bakit mo siya sinama?" baling nito kay Cale. Mukhang nababasa ni Dash kung ano ang nais ipahiwatig ng blangkong tingin ni Raven sa kasama. At mukhang tama ang hinala niya dahil napataas ng kamay sa ere si Cale na tila kriminal na nag-surrender. "I have no bad intensions towards him, ma'am!" Inisapwera lang nito si Cale at hinila siya. "Let's go. I'll escort you to your home," Nagpatangay si Dash dahil gusto niya na talagang umalis sa creepy na lugar na iyon at baka magising pa ang mga kalaban at datnan silang hindi pa umaalis. Sumunod si Cale sa kanila. Raven was holding his arms while dragging him with her. Para itong nagmamadali para hindi sila maabutan ni Cale na halos patakbo na ang lakad para lang makasabay sa kanila. The woman has a strong grip, nararamdaman niya dahil habang tumatagal nasasaktan na siya sa mahigpit na kapit nito. She was obviously not aware that she is hurting him pero hindi na nagsalita si Dash. "Hintayin niyo naman ako! Sandali!" sigaw ni Cale nang medyo malayo na ang distansya nila. "Hintay uy!" Hinihingal pa ang loko nang sa wakas ay maabutan sila. Raven removed her hands from his arms. "Do you guys want to go unwind?" tanong ni Cale. "I know a place!" dagdag nito na may kasama pang taas ng kamay. "No, Dash is sick. He needs to bed rest," ani Raven. Although her voice was void of emotion and her expression was blank, she was merely stating a fact but Dash still felt a glimpse of worry from her choice of words. "Kill joy!" Cale groaned sabay baling sa kanya, "Let's go Dash! Tayong dalawa nalang. Maraming chicks doon kaya mabubusog mata natin nito mamaya," and Cale smiled wickedly. "I said, No," "Ano ka, mama niya?" "Shut up Damasco and be an obedient dog," "Arf! Arf! Ano ba, Raven! Sandali lang naman eh!" Tumahol pa talaga ang gago. Napailing si Dash sa ka-abnormalan ng mga kasama niya. Kaunti nalang at mahahawaan na siya. "Bad dog, you're displeasing your master," Raven said without any trace of humor. "Anong master ka jan! Hindi ako aso!" "Tumahol ka nga kanina eh," Dash wants to say but he couldn't bring himself to interfere at the discussion before him. "Fine," After so many hours of persuading, Raven finally gave in. Sumakay sila ng LRT pagkatapos ay sumakay na naman ng tricycle, minutes later they have arrived at their destination, a beach. Nasa Manila pa rin naman sila pero hindi alam ni Dash kung saang parte ba. "Maganda mag overnight dito, what can you say Dash?" baling ni Cale sa kanya. Overnight? He can't see a problem with that. After all, matagal tagal na rin simula noong nakapunta siya ng beach. Bumaling silang dalawa kay Raven, kibit balikat lang ang sagot ng dalaga. "Oy! Dito!" Lumingon sila sa tumawag, isang groupo ng kalalakihan ang nagsisiksikan sa isang maliit ng cottage habang may isang lalaking kumakaway sa kanila. "You brought the whole gang," poker face na saad ni Raven matapos nitong makita ang mga mukha ng tumawag sa kanila. "Hindi halatang pinaghandaan ah," segunda niya. Malakas na tawa lang ang sinagot ni Cale. All eyes were on them as they walked towards the gang. Ang awkward dahil nakapambahay lang siya at naka uniform naman sina Cale at Raven. But the gang was wearing a swimming trunks. May iba pang shirtless kaya pinagtitinginan talaga sila ng kababaihan. Inabutan sila ng isa-isang bag ng kasamahan ni Cale. "Pinagdala ko sila ng extra pampalit natin," nakangising paliwanag ni Cale, Nagka-instant bakasyon sila ng wala sa plano. O pinlano ni Cale na hindi pinapaalam sa kanila para hindi na sila makatangi pa. May mga dalang pagkain din ang mga kasama nila. Nagba-barbeque iyong isang lalaking hindi niya kilala tapos ay may mga dessert pang kasama. May kanin na isang malaking kaldero, may sabaw ng baka at inihaw na karne, manok at isda pa. At namamalikmata lang ba siya o may malaking lechon talagang kasama? Ang daming pagkain. Just the sight of these foods makes his mouth water. Inakbayan siya ni Cale kaya nalunok niya ang laway. "Guys, ito si Dash! Pakilala kayo sa kanya!" Walang kwentang pagpapakilala ni Cale. Hindi na niya matandaan ang pangalan ng iba pero ang pangalan noong tumawag at nagbigay sa kanila ng bag kanina ay Giyu, iyong nagba-barbeque naman ay Jiro. Mabait ang approach ng mga ito sa kanya, mukhang kilala na siya. Ang iba ay nakilala niya noong sumabay siyang kumain kay Cale sa cafeteria. Pero wala namang nag tanong kung bakit siya nandoon. Nilagay niya sa loob ng bag ang supot na dala matapos niya mag palit ng pangligo. Medyo gumagabi na, ang iba ay sumulong na sa dagat at sumisisid na. Kanina pa talaga naglalaway si Dash sa mga pagkain, pero wala pa namang kumukuha kahit kurot lang. Kaya umupo nalang muna siya sa sand habang naghihintay kung kailan kakain ang lahat. Mamaya na siya maliligo, mag-eenjoy muna siya sa sariwang hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD