Chapter 17

1313 Words
Jaicy's POV Lumipas ang ilang araw na hindi natitigil ang deal namin ni Prince. Noong una ay worried talaga 'ko na baka may makakita sa mga panakaw n'yang halik sa 'kin pero habang tumatagal ay parang hinahanap hanap ko na ang mga labi n'ya. Hindi ko maiwasang kabahan dahil parang may iba na 'kong nararamdaman sa kababata kong si Prince. Parang... Parang gusto ko na rin s'ya. "Are you listening?" Napataas ang balikat ko sa gulat nang marinig ko ang mas pinalakas na boses ni Prince. G'wapo s'yang nakangiti sa 'kin habang winawagayway ang kamay n'ya sa mukha ko. Nahihiya kong inayos ang nagulo kong buhok at tumingin sa kanya. "You're spacing out," natatawang sabi n'ya. Tumikhim ako at nahihiyang umiling. "Hindi ah! May naalala lang ako," pagdadahilan ko. Tumango lang s'ya kahit halata namang hindi naniniwala sa sinabi ko. Muli n'yang tinuro ang canvas sa gilid n'ya. "What does this painting tell you?" tanong n'ya. Pinagmasdan ko ang canvas na nakapatong sa easel. Naroon ang painting na ginawa n'ya. Ang tagal din palang trabahuhin ng mga artworks n'ya. Inabot kasi s'ya ng one week para sa isang 'to. Saksi ako ng mga oras na ginugol n'ya para sa napakagandang painting na ito. Umagaw ng pansin ko ang makukulay na pinturang ginamit n'ya. Isang babaeng may buhok na bahaghari. Nakangiti pero may butil ng luha sa kanang pisngi. Mapakla akong napangiti dahil sa mensahe ng painting n'ya. "A strong and brave person," nakangiting sabi ko. Nilipat ko ang tingin sa kulay asul n'yang mga mata. "Walang takot n'yang nilabas ang makulay na pagkatao n'ya. Nahihirapan pero masaya s'ya. Masaya s'ya na nagpapakatotoo na s'ya. Masaya s'ya kasi malaya na s'ya." Tumaas ang magkabilang sulok ng mga labi n'ya. "Yes," tugon n'ya. Napangiti ako nang hilahin n'ya ako paupo sa lap n'ya. Lagi n'ya 'tong ginagawa kapag natutuwa s'ya sa 'kin. Kasunod na nito ay hahalikan n'ya na ko. Hinanda ko na ang sarili para sa muling paglapat ng mga labi namin nang magsalita s'ya. "I love you." Parang bulang nawala ang ngiti sa mga labi ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa mga mata n'ya. Punong puno ng sinseridad at walang bakas ng kahit anong pagbibiro. "H-Huh?" hindi makapaniwalang sagot ko. Hinihintay kong bawiin n'ya ang sinabi n'ya pero hindi n'ya ginawa. "I said I love you," ulit n'ya. Humigpit ang hawak ko sa mga balikat n'ya. Totoo ba ang naririnig ko? "Mahal kita, Jaicy. M-Matagal na. Bata palang tayo. Akala ko noon infatuation lang. I thought it would eventually go away but six years have passed already and I still do love you." Bakas ang frustration sa boses n'ya  at tila hirap na hirap na kumbinsihin ako na totoo ang sinasabi n'ya. Nag-aalala s'yang tumingin sa 'kin. Binabasa ang ekspresyon ng mukha ko. Binalot kami ng katahimikan. Hindi ako nakasagot sa mga inamin n'ya sa 'kin. Parang tinakasan ako ng boses ko at hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig ko. Napalunok ako at dahan-dahang tinago ang mukha ko sa leeg n'ya. Jusko. Hindi ako ready mga bakla! "H-Hey?" tawag n'ya. "Teka!" malakas na sabi ko at mas siniksik ang mukha sa leeg n'ya. "Huh? Why? Show me your face. I want to see you." "Teka nga sabi!" "Bakit ba?" nagtatakang sabi n'ya at pilit akong nilalayo sa kanya pero mas hinigpitan ko ang kapit sa balikat n'ya. "Hey?" "Teka nga sabi kinikilig ako!" asar na sabi ko at namumulang nagtago sa leeg n'ya. Narinig ko ang mahinang pagtawa n'ya at ang paghaplos n'ya sa ulo ko. "You're so cute," malambing na sabi n'ya na mas lalong nagpapula ng mukha ko. Pilit kong kinalma ang nagwawala kong puso. Hindi ko inaasahan ang confession n'yang ito! Nanatili lang nakasiksik ang mukha ko sa leeg n'ya. Parang tarsier akong mahigpit na nakayakap sa kanya. Lalo lang akong namula nang mapagtanto ko ang position namin. Para kaming magjowa. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ramdam ko ang pagwawala ng mga paruparo sa loob ko. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Mga senyales ba 'to? Senyales na pareho kami ng nararamdaman? Dahan-dahan kong tinaas ang ulo ko at diretsong tinitigan ang mata n'ya. Bakas ang pinaghalong kaba at mangha sa asul n'yang mga mata. Taimtim lang s'yang nakatitig sa 'kin at tila naghihintay ng sagot. Isang mabilis na lunok at wala sa sarili ko s'yang binigyan ng sagot. "Mahal din kita." Awtomatikong lumiwanag ang mukha n'ya sa sinabi ko. Napapikit na lang ako nang pagdikitin n'ya ang mga labi namin. Kusang pumulupot ang mga kamay ko sa leeg n'ya. Bahagyang nanlambot ang tuhod ko nang gumalaw ang mga labi n'ya. Mahal ko nga s'ya... siguro. Hindi matago ang ngiti sa mga labi namin. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam. 'Yong pakiramdam na may taong nagmamahal sa 'yo. 'Yong pakiramdam na may nagbibigay halaga sa 'yo. Ang sarap pala sa pakiramdam. Saktong pagbukas namin ng pinto ay s'yang paglabas ni Ryu ng k'warto. Nagtama ang mata naming dalawa. Bumaba ang tingin n'ya sa magkahawak naming kamay ni Prince. Agad kong binitawan si Prince. Blangko s'yang tumingin sa 'ming dalawa at umalis. "Hanggang kailan natin itatago ang relasyon natin, Jaicy?" Bakas ang inip sa boses n'ya. Matipid akong ngumiti at hinaplos ang pisngi n'ya. "Kapag handa tayong dalawa. Sa tamang panahon," walang kasiguruhan kong sagot. Hindi ko alam kung kailan. But one thing's for sure, hindi 'yon ngayon. Hindi pa akong handang sabihin kay Mama ang totoo. Ngumiti s'ya sa 'kin at mabilis akong ninakawan ng halik. "I'll wait then. I'll wait till you're ready," mahinang sabi n'ya at pinagsakop ang mga kamay namin. Magkasabay kaming bumaba. Naisipan ko kasing i-pasyal s'ya sa lugar namin. Halos isang linggo na kasi s'yang nasa silid n'ya at nagpipinta. Hindi na s'ya nasisikatan ng araw. Ayaw pa nga n'ya no'ng una pero napilit ko rin. "It's cold!" nakangusong reklamo n'ya. Natatawa ko s'yang inirapan. Nandito kami ngayon sa pantalan. Maraming tao dahil linggo. "Dali na!" pamimilit ko. Ang sabi ko kasi ay magyapak na lang kami pero ayaw n'yang hubarin ang sapatos n'ya dahil malamig daw. Malamang ay malamig. Nasa dagat kami eh. "But it's cold," parang batang sabi n'ya at niyakap ako. Nakangiti kong pinagmasdan ang anino namin sa lupa. Nakapatong ang baba n'ya sa ulo ko. Gusto ko pa sanang tagalan ang gano'ng posisyon namin pero pinagtitinginan na kaming dalawa kaya ako na ang kusang lumayo. "Uuwi nalang ako kung ayaw mo," kunwari nagtatampong sabi ko at akmang aalis nang higitin n'ya ako pabalik sa kanya. "Oo na, huhubarin na," mababang boses na sabi n'ya at hinalikan ako sa noo. Kinikilig kong tinago ang mukha ko sa dibdib n'ya. Magkahawak kamay kaming lumibot sa pantalan. Nangiti kong sinasalubong ang malamig na ihip ng hangin. Medyo naiilang ako sa mga babaeng tumitingin sa gawi namin dahil kay Prince. Kita ko sa mga mata nila ang labis na mangha. "Kayo po si Prince Kyle Velasquez, tama?" nakangiting sabi ng isang babae. Napatingin ako kay Prince. Kilala n'ya ba ang babaeng 'to? "Yes po," magalang na sagot ni Prince. "P'wede pong pa-picture? Fan n'yo po ako!" excited na sabi ng babae. Wala na akong nagawa nang hilahin n'ya si Prince para sa isang picture. Naiwan akong nakatayo at pinagmamasdan ang boyfriend ko habang pilit na ngumingiti sa camera. Naiiling nalang akong napangiti. Famous nga pala ang isang 'to. "Ay hala! Hindi po kayo naka-wacky dito sa last picture. P'wede pong ulitin natin?" rinig kong sabi ng babae. Naiinip na tumingin sa 'kin si Prince. Nginitian ko lang s'ya para sabihing ayos lang. Mukhang nakuha naman n'ya ang sinabi ko at pinilit ilabas ang dalawang hintuturo n'ya para idikit sa pisngi n'ya. Halatang hindi sanay sa picture. Hahaha! Nakayakap sa sarili kong nilibot ang tingin sa pantalan. Tumigil ang mga mata ko sa isang lalaking nakatingin sa 'kin mula sa malayo. "Ryu?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD