Chapter 18

1071 Words
Jaicy's POV Taimtim lang s'yang nakatingin sa 'min mula sa malayo. Hindi ko gaanong makita ang mukha n'ya pero bulto pa lang ng katawan ay sigurado na akong siya si Ryu. Tatawagin ko na sana s'ya nang hawakan ni Prince ang kamay ko. "Let's go?" nakangiting tanong n'ya. Sumulyap akong muli kay Ryu pero wala na s'ya ro'n. Tumingin ako kay Prince at nakangiting tumango. Palihim kaming naglampungan habang pumapasyal sa pantalan. Ilang beses ko rin s'yang sinuway dahil sa mga panakaw n'yang halik sa pisngi at labi ko. Ilang mga tao rin ang tumigil para magpa-picture sa kanya. Madilim na nang makauwi kami. Agad akong nasermunan ni Mama dahil nahuli na kami sa hapunan. Hindi tuloy namin nakasabay si Tito Otep na maagang umalis para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin sa Maynila. "Saan ka matutulog?" tanong ni Mama. Napatigil ako sa pagpupunas ng lamesa. Hindi ko na napapansin ang mga araw. Mahigit isang linggo na rin pala akong natutulog sa k'warto ni Prince. Hirap kasi s'yang matulog kaya naisipan kong samahan na lang s'ya. Minsan nga ay nakatutulog pa s'ya sa kakakuwento ko. "Sa kabila po ulit," sagot ko. "Napapadalas ka 'ata ng tulog doon." Napataas ako ng tingin sa sinabi ni Mama. Patuloy pa rin s'ya sa paghuhugas ng pinggan. Unti-unti akong nakaramdam ng kaba. Nahahalata na ba ni Mama? "Baka naman ginugulo mo ang kaibigan mo, ha? Alam mo namang kailangan n'on magpokus sa bawat painting na ginagawa n'ya. H'wag mo mas'yadong istorbohin ang binatang 'yon," paalala sa 'kin ni Mama na agad kong tinanguhan. Kung alam lang ni Mama na hindi istorbo ang tingin sa 'kin ni Prince kundi inspirasyon. Ahmp! Pagkatapos kong tulungan magligpit at magsara ng bahay si Mama ay agad na akong tumawid papunta kina Prince. Dire-deretso akong umakyat ng hagdan papasok sa k'warto n'ya. "Prince—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko s'yang payapang natutulog sa kama n'ya. Kusang ngumiti ang nga labi ko. "Aga mo namang nakatulog," kausap ko sa tulog kong boyfriend. Hinaplos ko ang pisngi n'ya. "Sadyang nakapapagod ba ang paglilibot sa 'yo para makatulog ka ng ganito kaaga?" natatawang bulong ko. Saglit ko pa s'yang tinitigan bago tumayo at lumabas ng k'warto. Kailangan kong matunawan. Maaga pa pero tahimik na sa barangay namin. Tanging mga kuliglig na lang ang naririnig ko. Nayakap ko ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Tahimik akong umupo sa terrace nila at tinanaw ang nagkikislapang mga bituin sa langit. "Ang bilis ng araw," bulong ko sa hangin. Parang kailan lang nang dumating dito si Lei at Ryu. Nahuli pa si Prince pero sino ba namang mag-aakalang s'ya pa ang magiging first boyfriend ko. Naglaho ang ngiti sa labi ko nang bigla kong maalala ang lihim na relasyon namin. Hanggang kailan namin matatago 'yon? "What's with your heavy sighs?" Gulat akong napatingin sa gilid nang makarinig ako ng boses. Bumungad sa 'kin si Ryu na nakaupo sa sulok ng terrace. Maangas na nakapatong ang kamay n'ya sa tuhod n'ya habang blangkong nakatingin sa 'kin. "U—Uhhh..." Hindi ko magawang bumuo ng salita dahil sa pagwawala ng kung ano sa tiyan ko. Gusto kong tumugon sa sinabi n'ya pero nahihirapan ako. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang hawak n'yang baso. Alak ba iyon? "Umiinom ka ba?" nakakunot na tanong ko. Sinulyapan n'ya ang hawak n'yang baso at ngumisi. "Oh this? Yeah. It helps me sleep," mababang boses na sabi n'ya. Bakas sa mukha n'ya ang tama ng alcohol. "Bakit ka umiinom? May problema ka ba?" tanong ko. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang g'wapong pigura n'ya. Nakaupo lang naman s'ya sa sahig pero mukha pa rin s'yang modelo. Dumapo ang tingin ko sa mga tattoo n'ya. Bakit mas pinapalakas ng mga iyon ang s*x appeal n'ya? "Problem?" namumungay ang matang ulit n'ya. Tumingin s'ya sa 'kin kaya malaya kong napagmasdan ang kulay tsokolate n'yang mga mata. "Do I have a problem?" seryosong sabi n'ya habang nakatitig sa 'kin. Naiilang akong napatingin sa malayo. Hindi ko alam pero parang ako ang pinalalabas n'yang problema n'ya. "P—Pumasok ka na sa loob pagkatapos mo riyan," nauutal na sabi ko at mabilis na tumayo papasok ng bahay nang harangin n'ya ang pinto. Gulat akong napatingin sa leeg n'ya. "R—Ryu?" Napaatras ako nang humakbang s'ya papalapit sa 'kin. "B—Bakit?" Tumingala ako sa kanya at gano'n na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita ang nag-iigting na mga panga n'ya. Nag-aapoy ang mga mata n'yang nakatingin sa 'kin at tila galit na galit sa isang kasalanang nagawa ko sa kanya. Ano nga ba'ng nagawa ko? "R—Ryu!" Patuloy lang s'ya sa paglalakad kaya patuloy rin ang pag-atras ko. Mahigpit akong napakapit sa braso n'ya nang marating ko ang sulok ng terrace nila. "B—Bakit ba?! Magsalita ka nga!" natatarantang sabi ko sa kanya. Nanatili lang s'yang nakatitig sa 'kin kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Nanlaki ang mata ko nang itaas n'ya ang kabilang braso n'ya sa pader. Nakulong ako sa maskuladong katawan n'ya. Ni wala na akong makita dahil sa lapad ng balikat n'ya. "Where are you going? To your boyfriend's room again?" nanunuyang sabi n'ya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Gulat akong napatingin sa nagbabagang mga mata n'ya. "A—Alam mo ang tungkol sa 'min ni Prince?" nauutal na tanong ko. Sarkastiko s'yang ngumiti. "Who wouldn't? Were you even hiding your relationship? You seemed to be flaunting it," mapait na sabi n'ya. Napatingin ako sa braso n'ya nang maglabasan ang mga ugat doon. Bakit ba s'ya nagagalit? Dahil ba sa... Dahil ba sa bakla ako? "Bakit? Nandidiri ka ba na naging karelasyon ako ng kapatid mo? Akala ko ba ay tanggap mo ang pagkatao ko," naiiyak na sagot ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng tampo sa kanya. Sa kanilang tatlo ay s'ya ang unang nakaalam ng totoong pagkatao ko. S'ya ang unang nakaalam na pusong babae ako. Pero ito s'ya ngayon at punong puno ng galit ang puso dahil boyfriend ko si Prince. Hindi ko napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa mga pisngi ko. Tahimik akong humikbi sa mga braso n'ya pero pinatili ko ang eye contact namin sa isa't isa. Hindi nakaligtas sa nanlalabong paningin ko ang paglambot ng ekspresyon n'ya. Napakislot ako nang maramdaman ko ang malaking kamay n'ya sa pisngi ko. "I'm sorry," bulong n'ya at pumasok sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD