Jordan Pov Anong balak ni Albie bakit siya nandito? Ilang linggo din siyang di nagpakita sa akin. "Jordan para kana tanga dyan dude bat di ka umupo dito at sabayan mo ko sa paginom" ang ngiting sabi nito sa akin. Umupo ako sa tabi niya sapat lang na mag-iwan akong space sa amin dalawa. "Anong ginagawa mo dito?" ang takang tanong ko sakanya. Binigyan niya ako ng baso na may alak. "Chill inom ka muna" ang sabi nito. Pero di ko siya pinansin. "Albie ano ba!?" ang inis kong sabi sakanya. Tumingin siya sa akin at ngumisi. Hinawakan niya ang aking mukha. Hinaplos niya ito. Pababa ng pababa ang kamay niya hanggang mapunta sa harapan ko. Pero inalis ko ito. Anong bang nangyayari dito kay Albie. "Bakit dude naiilang ka ba na ako ngayon ang guest mo? Tsk!" ang sabi nito. Nagpatuloy siya

