Jordan Pov "Kamusta pakiramdam mo? Pare?" ang nagaalalang sabi ni Brad. Nagising ako na nasa ospital na ako. Ilang araw din akong walang malay sa natamo kong mga suntok at sipa. Dagdagan pa ng binuhusan ako ng alak ni Albie sa buo kong katawan pati na din sa mukha. Kala ko makakasama yun sa akin yun pala ay inaalis ng alak ang mga impection sa mga sugat na natamo ko. Ngayon nasa apartment na ako kasama si Brad. Di ko pa natatanong sa kanya kung paano ako napunta sa ospital at kung sino ang nagdala sa akin sa ospital. Ilang buwan din ako nananitili sa bahay para magpagaling. Ngayon ay nakakapaglakad na ako ng maayos at nakakakilos ng mag isa. "Pare ok na ako masyado ka naman madrama dyan! Oh kamusta yung Helix Bar puwede na ba ako bumalik sa susunod na araw?" ang tanong ko sakanya.

