TAHIMIK na kumakain si Nicolo at Haze habang nasa isang restaurant sila. Parehong inoobserbahan ang kinikilos ng bawat isa. They were both thinking about what had happened this morning. Nicolo was bothered and guilty. Gusto niyang umamin sa dalaga na nagkatabi silang natulog sa kama pero iniisip naman niya na baka magalit si Haze sa kaniya lalo na at dumidistansiya ito sa mga lalaki. Baka iba ang isipin ni Haze tungkol sa kaniya kapag sinabi niya. Habang si Haze naman ay kabaliktaran ng iniisip ni Nicolo. Pinagdarasal niya na sana huwag sabihin ni Nicolo na nagkatabi silang natulog sa kama. That would be awkward especially for her. “Haze.” “Nic.” Natawa sila pareho dahil sabay pa silang nagsalita. Haze smiled. “Ikaw na muna.” Sabi niya kay Nicolo. Nicolo smiled. “You go first.”

