PAGOD NA IBINAGSAK ni Haze ang katawan sa may sofa nang makapasok siya sa kaniyang kwarto sa hotel na tinutuluyan nila ni Nicolo. Ramdam niya ang pagod dahil sa maghapong pakikipag-usap sa mga kliyente nila. Halos tatlong araw na sila ni Nicolo na nakikipag-usap sa mga kliyente ng kumpanya. They negotiated with the new and existing contracts of the clients to their company. They also have acquired new clients. “Tired?” Nicolo asked. Tumango si Haze. “Ang sakit na rin ng paa ko.” Aniya saka tinanggal ang suot na salamin at inilapag ito sa center table. Umupo naman si Nicolo sa tabi ni Haze saka kinuha ang dalawang paa nito at ipinatong sa hita niya. “What are you doing?” nabiglang tanong ni Haze. “I’ll massage your feet,” sabi ni Nicolo na parang normal lang na gawain niya ‘yon. Baha

