Chapter 10

1328 Words
Napag alaman ni Rochelle na may condo unit si Nick sa V tower. Hindi naman niya alam ang phone number ni Marianel para isuli ang damit na pinahiram ng ina nito. Naisipan nyang puntahan na lang si Nick sa unit nito. Pero sa malas niya hindi naman pala naglalagi ang binata sa condo unit nito. House keeper na nakatoka sa unit nito ang naabutan niya kaya dito na lang nya ibinilin ang damit na isusuli. Total naman ina naman ng gf ni Nick si Tita Marinel. Saka siya nagtuloy sa opisina ni Bruno. Hindi alam ng binata na pupuntahan niya ito. Wala sa pwesto nito ang secretary ni Bruno kaya naman tuloy tuloy siyang pumasok sa private office ng binata para lang mapasinghap sa naabutan. Nakikipaghalikan ito sa malanding secretary nito. Ang malanding 'yon nakakandong pa sa binata. Tinabig niya ang tasang nakapatong sa mesang katabi niya. Nagkapirapiraso ito sa sahig na ikinatigil ng dalawa. Nagmamadaling lumabas si Rochelle. Naiinis siya bakit ganun ang nararamdaman nya. Nasasaktan siya sa nakita,she hate Bruno for kissing that higad na secretary nito. Bruno is mine!!He is my Prince Charming na hindi pwedeng pati sa ibang babae ay e share niya. "W--wait Rochelle...pigil nito ang braso niya ng maabutan ang dalaga. "Bitiwan mo nga ako!!asar na asik nya dito.Feelingerang selosang girlfriend lang ang peg nya. "Where you going? Tanong nito na di siya binibitawan. "Take your hands off!!Saan pa ba di uuwi na." Hindi siya binitiwan ni Bruno hanggang sa makarating sa parking area. "Hindi ako sasabay sayo,bumalik ka na nga sa malandi mong secretary. Ituloy niyo ang pakikipaglaplapan sa kaniya."sigaw niya dito. Tinawanan lang siya ng binata. "No,ihahatid kita. Paano ka nakarating sa office?tanong nito. "Of course sumakay ng taxi ano pa sa akala mo?Hindi ako bata para maligaw sa kung saan."angil nya. "Hey relax masyadong mainit ang ulo mo meron ka ba at ang sungit mo."ani Bruno na pinagmasdan si Rochelle. Lalo pang nainis si Rochelle sa binata gusto niyang toktukan ito at sabihang nagseselos siya. Hindi na nya kinibo ito dahil naiinis lang siya. Nagtext siya kay Ate Jha... "Ate Jha sabi niyo po wala siyang gf?b8 nkikipghalikan xa s malandi nyang sxretary?" Mayamaya lang nag replay naman ito. "Wla nga..pro mrmi xa ka flirt."reply nito. "Hindi pa ako uuwi,ibaba mo na lang ako dyan sa mall."anang dalaga na nakasimangot. Ipinarada naman ni Bruno sa parking lot ang sasakyan ng mall na nadaanan nila. Dahil mas malaking tao ang binata nakaagapay naman ito sa nauna ng dalaga. "What are you doing?"baling ni Rochelle kay Bruno na napahinto,muntikan ng sumobsob ang mukha nya sa malapad nitong dibdib. "I'm going with you."he said with smile in his handsome face. "No,you can't! Go home or else you can go to hell with your malanding secretary."ani Rochelle na tinawanan ni Bruno. Ang cute nitong magselos.Alam niyang may gusto ito sa kaniya. "Pinagtatawanan mo ba ako?" "Tskk....because you are so funny!!You look like a jealous girlfriend..." "Whatever!!!at wag na wag kang susunod sa kin."naiinis na turan ng dalaga na nagmamadaling humakbang palayo. Maagap naman si Bruno na nakasunod dito at inakbayan pa ang dalaga. "Ano ba!!hindi mo ba tatanggalin yang braso mo sa balikat ko?"nag eenarte pero kinikilig na hindi nagpahalata ang dalaga. Eh sa totoo namang nagseselos siya. "Nope!!At tigilan mo ng pumalag kasi po miss pinagtitinginan na tayo o...baka sabihin nila may L.Q tayo."ani Bruno na hindi nawawala ang ngiti sa labi. "Oh my gosh....kinikilig ako,"anang isip ng dalaga worth it ang pag iinarte niya. Niyaya siyang manood nito ng movie kaya gora lang siya. To the highest level ang feeling niyang maging gf ng binata. Kung maari nga lang halikan niya mapulang labi nito sinamantala na niya. Hindi lang sa panonood ng movie ang ginawa nila. Kahit pati ang arcade at kung anu-anong games ay pinatulan nya,hinihila nya ang binata na hindi magawang tumanggi.. Sinamantala niya ng bongga ang pagkakataon na makasama ng mahabang oras ang prince charming niya at sobrang nag enjoy siya. kaya naman kahit ng umuwi na sila abot tainga ang ngiti niya..feeling niya para siyang nasa cloud 9.. Habang tumatagal lalo siyang naiinlove sa binata. Kaya naman di siya makakapayag na Prince charming lang nya ito,kung maari nga e levep up.. Mas gugustuhin nyang maging groom to be niya na ang kanyang Prince charming..kinikilig siya ng bongga sa mga kalukuhang naiisip. Halos maglulundag siya sa kilig sa loob ng kaniyang kwarto. Nawala ang inis niya sa eksenang naabutan sa opisina ng binata. Bawing bawi siya dahil naenjoy niya ng sobra ang oras na magkasama sila ni Bruno. "Oh my gosh......my Prince I love you na..hindi ako makakapayag na may mga malalanding palaka ang aaligid-aligid sayo..akin ka lang baby Bruno."anang dalaga na yakap ang sarili. Amoy na amoy niya ang pabango ng binata na kumapit na ata sa katawan niya,sa kakadikit niyang sadya sa binata na kulang na lang ay yakapin niya. "Hoy luka luka anong ginagawa mo?"tanong ni Jharine sa dalaga.. "Ay palakang malandi!!!""gulat na sambit ni Rochelle. "Oi ikaw itong nasapian ng malanding palaka sa itsura mo. Anong nangyari sayo nilalamig ka ba?tanong ni Jharine sa dalagang kanina pa yakap ang sarili. "Naman Ate Jha naman,bakit bigla ka na lang nanggugulat eh..panira ka naman ng moment eh!Kailan ka pa dumating?.." "Ay sorry naman ha at nagulat pa kita ng lagay na yan.Kanina pa kasi ako kumakatok pero mukhang nasaniban ka ng malanding esperito. Umeemote ka pala sana sinara mo man lang yong pinto iha.Anyway kaninang umaga pa ako dito." "Masaya lang ako Ate Jha dont mind me okay. Anyway why you're here? "Wow ha umeenglish?ganun na ba epekto ng pagiging happy mo?Tao ba to o bagay?usisa ni Jharine sa dalagang ngiting ngiti. "Both po Ate Jha.Tao siya at bagay na bagay kami."abot tayga ang pagkakangiti nito. "Ewan ko sayo!!Hindi ko naabutan ang pinsan ko pwede bang ikaw na mag abot nitong documents na kailangan niya?May need pa kasi kong daan hindi ko rin siya mahihintay kailangan ko kasi bumalik ng Ilocos at kung pwde stop calling me ate tumatanda ako eh...Its Jha no more Ate."anito. "Sure why not!ikaw pa ba di ko pag bigyan."anang dalaga. "Sus style mo rin eh noh..for sure tuwang tuwa ka kasi may reason ka na naman malapitan ang pinsan ko. Hindi rin obvious pagkacrush mo sa pinsan ko noh?" " hindi lang crush,I think Im fallen in love with my prince na."anang dalaga. "Fallen in love gagah,crush lng yan oi...mag aral ka muna bago ka lumandi." "Jha naman tapos na po ako grumaduate,kainis naman to maliit lang ako noh!!!napasimangot na sagot nya. Tinawanan lang siya ng dalaga. "Oh siya I need to go ikaw na bahala dyan ha." "Ok ,wag ka mag alala makakarating to kay baby Bruno ko." "Naks baby talaga,naku bago mapasaiyo c cousin marami ka pang hitad na hahawiin na aaligid aligid sa lalaking yon. "Kahit gaano pa sila karami sisiguraduhin ko akin lang siya,mangarap na lang sila. I will do my best to make him mine."siguradong sambit nito na tinawanan lang ng kausap. "Hanep sa fighting spirit but let see,abangers ako dyan....okay iwan na muna kita ituloy mo lang yang pangarap mong yan."anito na natatawang umalis na.. Napadabog siya,parang di naman ito naniniwala sa kanya. "Hmmp....basta ako gagawin ko kung ano gusto ko,ipaglalaban ko prince charming ko." Binuksan na lang nya ang kaniyang phone para maiupload ang mga picture nila ni Bruno. Papatayin na naman niya sa inggit ang mga higad na umaaligid dito. Napangiti siya sa nilagay nyang caption bago iupload ang mga photos...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD