Isinama siya ni Bruno sa opisina nito na ang building ay kadikit ng V tower.
Isinama siya ng binata para maiba naman daw ang lugar na pinupuntahan nya at masanay na rin sa siyudad.
Pinagsabihan nga lang siya nitong wag makulit.
Umikot lang ang eyeballs nya sa sinabi nito.
"Ano ako bata na kulang na lang sabihin niya na wag malikot."
Sasagot pa sana siya pero pinili na lang nyang manahimik.
Excited siyang makarating sa opisina nito.
"Maganda kaya ang secretary nito?bata at dalaga?baka isa rin ito sa lumalandi sa baby Bruno nya.
Hindi nya naitanong kay Ate Jha ang bagay na yon.
Nag ayos siya at nagsuot ng babagay na dress na hindi naman siya mapahiya sa mga tauhan nito.
Feeling girlfriend ang kilos nya.
Chance na nya yon kahit feeler siya noh!who cares!!
Nang makababa sila sa kotse ng binata patungo sa main entrance dumikit pa ng husto ang dalaga sa binata na akala mo mawawala.
Pero ang totoo feeling girlfriend lang siya.
"Tskk....
"Bakit?"tanong ng dalaga.
"Pwede mo na kong bitawan,don't worry di ka mawawala dito."sagot nito na di naman nya pinansin.
Mas humigpit pa nga ang hawak nya sa braso nito.
At tama ang hinala nya dito,maraming papansin na empleyadong babae sa binata.
Babati lang ng "good morning sir" kailangan pang magpacute.
"Duh!!feeling magaganda!!"bulong ni Rochelle na ngumingiti sa mga ito.
Kulang na lang pakilala nya ang sarili na nobya ng Boss ng mga ito.
Nang makaharap nila ang Secretary ng binata na bumati sa binata.
Sa ganda at sexy nito parang nanliit siya,bukod nga sa maliit siya at matangkad ito pero kwedaw siya.
Siya si Rochelle Escobido She can't give up Bruno no matter what.
Ke maganda o ano pa ang itsura ng mga babaeng nakikipag flirt dito.
Sumimangot siya ng hindi man lang siya pinakilala nito sa secretary.
"Want coffee Sir?"tanong ng secretary.
"Yes please..Ikaw Rochelle you want coffee?"tanong ng binata sa kanya.
"No thanks!"sagot nya na umupo sa harap ng computer na nasa opisina.
"What can I do to help you here?"naitanong nya.
"Nothing!!you stay here as I want!"
"Huh?as in wala?Anong gagawin ko dito tutunganga lang?Isinama mo pa ko?"
"Isinama kita para naman maiba ang paligid mo..but its not what you think na bibigyan kita ng work dito."anang binata na umupo sa swivel chair.
Natahimik lang sila ng pumasok ang Secretary nito na dala ang kape.
Hindi agad umalis ang babae dahil sa mga dinidikta ng binata para isulat sa note nito ang mga importanting tao na dapat nitong kausapin.
Dahil insecure siya sa Secretary ng binata na lantaran din namang nag papacharming sa binata.
Dahil nga feelingerang gf siya ngayon lulubusin na nya.
Lumapit siya sa mga ito at uminom ng kape sa tasang iniinoman ng binata.
Huling huli niya ang pag tikwas ng kilay ng babaeta.
"I thought you dont want coffee?"ani Bruno.
"Hmm..tinikman ko lang kung OK ba yong timpla niya ng kape but I change my mind.
Hindi ko type yong lasa ng kape."anang dalaga na napangiti ng lihim ng makitang sumimangot ang secretary nito ng uminom ang binata sa tasang ininuman nya.
"Medyo matabang nga"
"See!!gusto mo bang ipagtimpla na lang kita?"alok nya dito.
"No thanks,ok na to may tatapusin lang ako then we can go to V tower."
"Okay take your time!"anang dalaga na bumalik sa kinauupuan.
Nang lumabas sila ng opisina ng binata mukhang asar na sa kanya ang malanding Secretary nito.
Kaya naman humawak pa siya sa braso ng binata para isipin ng mga tauhan nito na girlfriend siya ng binata.
Pag dating nila ng V tower sa isang restaurant sila nagtuloy ng binata.
Kumain sila kaya naman kinikilig siya.
Feeling nya first date nilang dalawa.
Habang naghihintay ng order nag excuse ang binata sa kanya na may tatawagan lang.
Sinamantala naman nya ang pagkakataon.
Bago umalis ang waiter inutusan nyang kunan sila ng picture na dalawa ng hindi alam ng binata.
Feeling close lang siya sa waiter na kinausap nya na kunan sila gamit ang sariling cp nito at ipasa na lang sa kanya.
Saktong lumapit naman ang binata na ibinulsa na ang cp nito at nag umpisang kumain.
Ganado siyang kumain dahil feelingerang frog na gf siya.
Pag nakuha niya ang kopya ng picture nila ipagkakalandakan nya sa sss ang mga yon,with hashtag firstdate lang ang drama.
Itatag pa nya sa binata ng lumuwa naman ang mata sa inggit ng Emily na yon.
Isama na ang mga malalanding nagpapacute dito.
Siya lang ang may karapatang landiin ang baby Bruno nya.
Nang matapos kumain nag excuse siya sa binata na tutungo sa ladies room.
Nakita naman niya agad ang waiter na inutusan niya at friendly naman ito.
Naipasa nito agad agad ang tatlong stolen shot nila ni Bruno.
Walang dudang mapagkakamalan nga silang mag jowa.
Ang sweet nilang tingnan sa mga picture nila.
Nagpasalamat naman siya at nagtuloy sa ladies room.
Dahil nasa picture ang isip niya kaya hindi agad nakaiwas sa dalawang batang naghaharutan.
Ang chocolate ice cream na hawak ng isang bata ay tumapon sa suot niyang damit.
Walang pakialam na tumakbo na ang dalawang bata palayo sa kanya.
Napapangiwi siya ng makitang ang dungis ng damit niya.
Nakakahiya sa makakakita,mas lalo siyang aasarin ng binata sa itsura niya.
Nagmamaktol na hindi nya malaman kung anong gagawin sa suot niya.
Makikipag meet pa naman ang binata sa friend nitong si Nick.
Nakakahiya pag nakita siya sa ganitong itsura,ang alam pa naman ng mga kaibigan nito girlfriend siya ni Bruno dahil sa kagagawan nya sa f*******:.
Nang basain nya at punasan lalo pang kumalat ang dumi sa suot niya.
"Here!you can use it.
Sa tingin ko naman kasya yang damit sayo."anang nakangiting ginang sa kanya sa ladies room.
"Ho?"
"Don't worry hindi pa gamit yan,regalo kasi yan ng anak ko sa akin pero di ko pa nagagamit.
Medyo nadagdagan kasi ang timbang ko kaya parang magiging suman naman ang itsura ko."anito.
"Nakakahiya naman po,regalo pala ng anak niyo tapos ipasusuot nyo pa sa akin."alanganing abutin ang damit na may tag price pa.
"No,wag ka mahiya looked at your dress mapapahiya ka niyan ikaw din.
By the way you can call me Tita Marinela.Sige na use it isuli mo na lang sa kin ng hindi naman magalit anak ko."nakangiti pa ito sa kanya.
"Ako po si Rochelle, nice to meet you po Tita Marinela.
Nakakahiya man po pero tatanggapin ko na lang po alok nyo.
Wag po kayong mag alala ibabalik ko po ito.
Napag-alaman nyang may ka meeting ang ginang sa Restaurant na yon.
Nakilala rin niya ng personal ang friend nitong si Nick.
"Gosh!ang gwapo mo pala sa personal.
Nice to meet you Nick."anang dalaga.
"Nice to meet you too,Alam ba ng parents mo na nag cutting ka?"biro ni Nick.
"Hala!Kuya Nick alaskador ka rin.
Hindi lang po cutting class kaya kong gawin,itatanan ko na iyang friend mong iyan."bulong ni Rochelle kay Nick na nagpatawa ng malakas dito.
Napakunot noo si Bruno kausap nila si Marinela.Ito ang kameeting nila ni Nick.