*The day before competition* Arcela's Pov Pag gising ko ay naabutan ko si Mom and Dad na nag mamadali. Parehas silang balisa kaya naman agad ko silang nilapitan. "Mom, dad, may nangyare ba?" Tanong ko sa mga ito. "Ang Tito Malvar mo tumawag, buhay pa si Marfelie at kasama na nila ito ngayon." Nakangiting saad ni Mom. "P-paano po nangyare yun, diba namatây sa sunod si Marfelie nung baby pa ito?" Nauutal na tanong ko dito. "Ang mahalaga ay buhay ang pinsan mo. Pupunta kami doon ngayon, gusto mo bang sumama?" Tanong nito sakin. "Gusto ko sana Mom, kaso bukas na ang competition ko." Malungkot na saad ko dito. "Ganun ba, baka bukas na kami makabalik ng dad mo. Sa competition nalang tayo mag kita." Saad nito sabay halik sa pisnge ko. "Mag iingat po kayo." Nakangiting saad ko dito

