***Femia's Pov*** Nakailang tawag na ako kay Richard pero hindi nito sinasagot ang phone ko kaya naman dumiretso na ako ng opisina nito. Madalas naman ay 8 or 9pm ito umaalis ng hotel. Pag pasok ko ng hotel nila ay dumiretso na ako ng elevator. Kilalang kilala na ako ng mga tauhan nito kaya naman binabati nila ako sa tuwing nakikita nila ako dito. Pag dating ko ng opisina ni Richard ay naka off na ang mga ilaw pero dumiretso pa din ako sa mismong opisina nito. Sobrang tahimik at naka off na din ang ilaw so ibig sabihin ay nakaalis na ito. Pa labas na ako ng office nito ng may mapansin akong maliit na papel sa sahig kaya naman kinuha ko ito. "Meet mo on the rooftop" basa ko sa note. Para kaya sakin ang note na to? Pero imposible, dahil hindi nya naman ako sinabihan na mag kikita

