5

4907 Words
5 "Alexia? Good morning, pupunta ka ba sa clean-up?" I heard someone said. "Clean-up po?" I asked. I'm still at my bed and planning to sleep again after this call. I don't have an appointment today. Wala nga ba? "Sa pag kaka-alam ko nasabihan na kayo ni Kapitan nung isang araw tungkol sa clean-up." Napatigil naman ako at napa-isip. Ano bang meron? Pag kaka-hirap naman ah. Inalala ko tuloy yung nangyari nung isang araw. Luto. Luto. Lexis. Luto. Luto. Lexis. Ninong Kap. Konsehal. Feeding. Check-up. Clean-up. Napapalatak naman ako ng maalala ko ang nangyari at sinabi ni Ninong Kap. Ay putek! Oo! Clean-up nga pala! Ang tanga talaga. Mabilis akong tumayo sa kama at nag sorry ng ilang beses kay Konsehal Majoy. S'ya pala ang tumawag, nalaman ko na lang nung chineck ko yung caller's id. Naligo ako ng mga ilang seconds lang. Maliligo na lang ako pag ka-uwi ko. Dire-diretso ako sa dirty kitchen namin at kumuha ng walis at dust pan. Tinatawag pa ako ni Mimi pero 'di ko na s'ya nilingon at kinawayan na lang. Nasa kabilang street daw sila at nag uumpisa na mag linis. Lakad at takbo na ang ginawa ko para mabilis akong makarating. Nang makarating ako doon ay sinalubong ako ni Daniel, SK chairman namin na isa sa mga ka-close ko. "Omg! Sorry! Hindi ako nagising sa alarm ko, promise!" sabi ko. Nag-alarm ka ba talaga, sis? "Ayos lang. Alam naman naming buhay prinsesa ka." Sabi ni Daniel. Tumawa ako at hinampas s'ya sa braso. Kahit kelan talaga ay napaka walang kwenta nitong si Daniel. Nahagip naman ng mata ko si Lexis. Babatiin ko sana s'ya pero mabilis s'yang tumalikod agad. Okay? What happened to him? Nakagat ko naman ang loob ng pisngi ko nang maalala ko yung nangyari nung isang araw. Up until now, I can't still believe na iisa lang ang probinsya namin! Kaya nung nakaraang araw ay hindi ko s'ya maka-usap ng matino. I don't know how to approach him kahit na s'ya naman yung nag a-approach sa una kaya minsan napapangiwi na lang ako sa pinag sasabi n'ya. I can still remember that night. That is so embarrassing! Kinapa ko naman ang bulsa ko at nagpapasalamat ako na may pera akong dala. Inilabas ko 'yon at tinignan kung magkano. It's 500-peso bill and 20-peso bill. I decided na bayaran yung pamasahe ko sa kan'ya. Ibibigay ko na yung 500 pesos ko. "Oy, KKB daw sa pagkain mamaya sabi ni Kap. May dala kang pera?" tanong sa'kin ni Daniel habang nagbubukas ng panibagong plastic bag. Magwawalis na sana ako pero napatigil ako sa sinabi n'ya. Parang namutla naman ako sa sinabi n'ya. Hala, wala na akong pera. "Huy, wala akong dala, Daniel." I frowned. "Joke lang naman. Sagot ni Kapitan lahat ng food natin," sabi n'ya. "Parang namutla ka ah." Sinamaan ko s'ya ng tingin at tinawanan lang ako. Simula pag ka bata namin nitong si Daniel ay ganito na talaga 'to. Laging nang- aasar tapos napa kuripot kaya for sure kung KKB kami mamaya ay magpapalibre 'to sa'kin. "Letse ka. Hindi kita ililibre pag gumala tayo. Bahala ka." Pananakot ko. Binelatan ko s'ya kaya napasimangot s'ya sa'kin. Tumawa naman ako dahil gagawin ko talaga 'yon. Tinalikuran ko na s'ya at hinanap na lang si Lexis para mag bayad ng utang. Nakita ko naman ito na nagbubunot ng d**o sa kabilang side ng kalsada. Parang gigil nga s'ya sa pag bubunot, badtrip ata. Napatitig naman ako sa long sleeve n'yang sweater or they called it sweatshirt. Kulay orange 'yon at walang design. Plain lang pero ang ganda ng shade ng orange, buhay na buhay. Para tuloy s'yang, walking kojic soap. Pero ang ganda talaga nung sweater. Sa taas lang ako tumingin at hindi na bumaba pa. Baka may makita na naman akong kakaiba eh ang aga aga pa. Basta ang alam ko na jersey short s'ya na itim, 'yon na 'yon. Lumapit ako at kinalabit s'ya sa balikat. Mabilis naman itong humarap sa'kin para lang irapan ako. The nerve of this guy! Hanggang ngayon pala ay nang-iirap pa din s'ya. Hindi na lang ulit ako nag salita at winalis na lang lahat ng binubunot n'yang d**o. Baka sumakit ang likod n'ya kung tatayo pa s'ya para itapon sa basurahan yung mga d**o tapos uupo ulit para mag bunot. "Ako na mag wawalis. Kaya ko." Rinig kong sabi n'ya. "Ako na lang para hindi ka mahirapan sa pag-upo at pag tayo." Hindi na ulit s'ya nag salita kaya pinag patuloy ko ang ginagawa ko. Gusto ko sanang maki-chismis kung bakit s'ya badtrip pero naalala ko nga palang hindi kami friends para mag chismisan. "Hindi pala tayo naka pag-usap nung isang araw 'no?" I opened a topic. "Ikaw naman ang hindi kumakausap sa'kin." He said. "I'm still shocked pa! Like kakakilala pa lang natin the other day tapos makikita kita dito sa province namin." "Ako din naman shocked pero kinakausap pa din kita." Dagdag n'ya pa. "Oo na. Ako na ang bad. Tsaka salamat pala sa grab nung nakaraang nakaraan gabi." Pag-aamin ko. Tumayo naman ito at humarap sa'kin. Mabilis kong kinuha ang 500 pesos ko at ibinigay sa kan'ya. But unfortunately, hindi n'ya pa rin talaga tinanggap. Sobrang konsensya ang inabot ko nang hindi n'ya tanggapin 'yon. Parang nung nakaraang gabi lang ay nag sisihin kami kung sino may kasalanan tapos ngayon naman ay parang nag aakuan kami kung sino ang may mali ang ginawa. Then, I asked him kung ano ang pwede kong ibayad sa kan'ya para kahit papano ay may naibigay naman ako sa kan'ya Pero pag pinanganak ka nga naman na demonyo na, demonyo ka na talaga habang buhay. Kagaya na lang nito, "Huwag ka na lang assumera minsan pwedeng bayad na 'yon at manampal." He said and smirked. Napa-kuyom naman ang kamao ko at nagpapadyak sa sahig. Umalis na lang ako sa tabi dahil baka masampal ko na naman s'ya. Pinaalala pa kasi ang ka-tangahan ko nung gabing 'yon. Pinag pahinga kami ni Ninong Kap at pinakain muna ng almusal. Pag katapos non ay nag linis na ulit kami at natapos kami ng mag tanghali na kaya nag paluto ulit si Ninong Kap ng ulit para sa lunch namin. Hindi ko pinapansin yung isang kanina pa nag papansin sa'kin. Kung kanina ay s'ya ang badtrip, ngayon naman ay ako. Iniirapan ko lang s'ya sa tuwing lumalapit s'ya sa'kin. "Dito mo na itapon 'yan." Natapatingin ako sa kan'ya nang ituro n'ya ang dustpan ko na maraming dahon. S'ya kase ay may hila hila ng isang basurahan. Inirapan ko s'ya at nilagpasan. Dumiretso ako kay Kuya Robert na may dala ring basurahan na de gulong at doon ko tinapon ang mga na-dakot ko. "Talaga nga namang may pagpunta ka pa dine eh. Nandoon naman sa tabi mo yung isang basurahan na hila hila ni Doc." Sabi ni Kuya Robert na patawa-tawa lang. Hindi na lang ako nag salita at bumalik na lang ulit sa pag wawalis. Nalaman ko din na isa pa lang nurse si Lexis at kapapasa lang ng board exam. Balita ko pa ay mag dodoctor daw. Imagine, yung gulat ko nang malaman ko 'yon. Ang demonyong hinayupak na 'yon ay mag dodoctor? Naka-uwi na ako sa bahay at nag pahinga lang ng kaunti bago naligo. Naisipan kong matulog muna ng tanghali at mamaya na ako gigising pag dating ng hapunan. Tinawagan naman ako ni Ninong Kap na wala daw munang activities na gagawin ngayon sa barangay dahil may aattendan s'yang seminar. Kaya lumipas ang dalawang araw na puro pag mamarathon lang ng movies and series ang ginawa ko. Dumating na din pala si Kuya Jerome nung isang isang araw pa pero hindi s'ya sa'min tumuloy. Sa bahay nila dito sa Balayan s'ya tumira. Dahil nga mag kaibigan si Kuya Jerome at si Lexis, nandito sila sa bahay ngayon dahil bumisita si Kuya Jerome kay Mimi. Nasa taas lang ako at nasa kwarto ko. Naririnig ko pa sila nag kukwentuhan doon sa baba. Kahit na may dalang Jollibee sina Kuya Jerome ay hindi pa din ako bumaba. Tinatawag ako ni Mimi kanina para kumain pero hindi ko s'ya sinunod. Takot ko lang na mag sumbong si Lexis kay Mimi na sinampal ko s'ya ng tatlong beses. Ayaw pa naman ni Mimi na nakikipag-away ako. "Napaka-gwapong bata mo naman, hijo. Hindi ko akalain na may kaibigan si Jerome na gan'yan ka-gwapo." Rinig kong tukoy ni Mimi kay Lexis kaya napa-irap ako ng todo. Ayan na naman si Mimi, tiklop na tiklop sa gwapo. Nasaan ba si Papa kasi?! "Ay hala, sobra naman po kayo. Hindi naman po ako ganun ka-gwapo, sakto lang naman po." Mabait na sabi ni Lexis. Tanginang 'yan. Si Lexis ba 'yon? Lakas talaga ng amats. Narinig kong nahampas ni Kuya Jerome ang lamesa at nag salita, "Nyeta! Ang bait mo ha?! Ikaw ba 'yan? Parang nasapian ka ng angel ah." "Shh... quiet ka lang." Natawa naman si Mimi ng malakas at nag pa-tuloy pa din sa pakikipag-kwentuhan. Sumapit na ang alas-nwebe ng gabi pero hindi pa ako nakakakain ng dinner. Gutom na gutom na ako at nang hindi ko mapigilan ang gutom ko ay dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at naririnig ko silang nag kukwentuhan pa sa baba. Naririnig ko na din ang boses ni Papa. Siguro ay ka darating lang din n'ya galing munisipyo. Bumaba ako sa hagdan at pinipilit na hindi gumawa ng kahit ano mang ingay. Nakatalikod sa gawi ko sina Lexis at Kuya Jerome habang si Mimi at Papa ay nasa harapan ng mga ito. Kaya nang makita ako ni Mimi ay agad s'ya napatayo, "Anak! Ang Kuya Jerome mo nandito na! May kasamang kaibigan, ang gwapo!" Lumingon sina Kuya Jerome sa'kin at nginitian ko lang sila. Pagkatapos ay tumakbo ako papasok sa dining area. Pero pag punta ko ay walang kahit anong pagkain ang nandoon. Pitsel na walang laman at dalawang baso lang ang nandoon sa lamesa. Luminga linga pa ako sa paligid pero wala talaga. Pumasok ako sa kusina pero wala din doon. Tsaka ko lang narinig si Mimi nang bumalik ako sa dining area. Lumapit ito sa ref at kumuha ng isang 1.5 na soft drinks. "Nandoon ang Jollibee mo sa lamesa sa sala. Doon mo kunin." Sabi ni Mimi at bumalik na sa sala. Ang galing, ang galing talaga! Pag minamalas ka nga naman. Inihilamos ko ang palad ko sa mukha habang napa buntong hininga. Inihahanda ko na ang sarili ko para sa bagong kahihiyan. Kung hindi si Lexis ang mag susumbong ay malamang sa malamang ay si Kuya Jerome 'yon. Lumapit ako sa kanila at bumati. Lumapit ako kay Kuya Jerome at humalik sa pisngi. Pa-ngisi ngisi naman itong si Lexis na nasa tabi n'ya. Siguradong sinabi ni Kuya Jerome kay Lexis na takot ako kay Mimi! "Hi, Madame." Lexis grinned. "Hi din." Mabilis akong kumuha ng isang plato para lagyan ng 1 pc. Chicken and 2 cups of rice. Kumuha din ako ng gravy. "Ay, magkaibigan na pala kayo?" usisa ni Mimi. "Yes po, Tita." Magalang na sagot ni Lexis. Hindi na ako umiimik at akmang pupunta sa dining area para doon kumain pero mabilis akong pinigilan ni Kuya Jerome. "Oh, saan ka? Dito ka na kumain, walang electric fan doon. Maiinitin ka lang, dito ka sa tabi namin," nang-aasar na itinuro n'ya ang espasyo sa tabi ni Lexis. "Oo nga, Alexia. Dito ka na, tabi ka d'yan kay Lexis tutal naman ay mag kaibigan kayo." Sabi ni Mimi. Sinunod ko na lang sila dahil ayaw ko nang makipagtalo. Bahagya namang umusog ng kaunti si Lexis para makaupo ako ng maayos. "Alam mo, Lexis, natutuwa ako na may bagong kaibigan na naman ang anak ko." Masayang wika ni Mimi. "Dalawa lang kaibigan n'ya noon, isang babae at isang lalaki." Para namang hindi ko malunok ng maayos ang kinakain ko. Hindi na pala ako gumamit ng kutsara at tinidor dahil nag kamay na lang ako. "Sobrang ilap nga po ng anak n'yo sa una eh." Lexis answered. "Ay totoo 'yan! Si Mariella na ka isa-isang kaibigan n'ya na babae ngayon eh bago pa sila maging friends ay grabeng iyak ang inabot noon sa anak ko dahil lagi n'yang sinasampal." "Nanampal ba Tita?" natatawang sabi ni Kuya Jerome. "Pinagagalitan pa namin 'yan noon. Sabi ko 'wag basta basta mananampal dahil masama 'yon. Sana nga ay hindi na s'ya ganun ngayon, ano, Alexia?" Si papa na ang nag salita at tumingin sa'kin. Sinamaan ko lang sila ng tingin ni Mimi. Humagalpak naman ng tawa ang katabi ko. Utas na utas sa pagtawa yung tipong na-iiyak na s'ya. Ganun din si Kuya Jerome na akala mo hindi nananampal. Hinampas ko sa hita si Lexis, "Letse! Manahimik ka!" Napasunod naman ang tingin ni Papa sa kamay kong humapas sa hita ni Lexis kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at umusog ng konti. Hanggang matapos akong kumain ay hindi nila ako tinitigilan sa kaka-asar. Nag paalam na sina Mimi at Papa na matutulog na sila. "Magpapahinga na kami ha? Alexia, ikaw na mag ayos nitong kalat." Gusto kong umirap pero baka dukutin ni Mimi mata ko. "Kita na lang tayo bukas ulit, Lexis, sa anniversary ng Tita Reli mo. Ipagpapaluto din kita ng ulam kay Alexia at ipapag gagawa ka din naming ng tart ni Alexia." Sabi ni Mimi kay Lexis. Ngumit naman si Lexis dito at mabilis na nag mano sa dalawa. Naunang umakyat si Papa tsaka naman sumunod si Mimi. Kaming tatlo na lang ang natitira dito at nilalantakan ang natirang pagkain. Nakasalampak na kami dito sa sahig habang kumakain. "Grabe, laugh trip talaga 'no, Je." Lexis laughed again and they do apir to each other. "Ano, okay na kayo? Tapos n'yo na akong pagtawanan? Nahiya pa kayo kanina eh dapat sinumbong n'yo na ako." Masungit kong sabi habang inuubos yung natitira kong manok. "Nah. Mabait naman kami ni Lexis kaya hindi ka namin isusumbong." Impokritong sabi ni Kuya Jerome at inirapan ko na lang s'ya. Nang matapos sa pagkain ay mabilis na rin kaming nag ligpit at nag ayos. Si Kuya Jerome ang nag hugas ng plato dahil ayaw mag hugas ni Lexis. "Ikaw na, p're. Parang 'di mo naman ako kilala," nakangusong sabi ni Lexis kay Kuya Je. "Lintek ka! Sa susunod 'wag ka nang kumain kung ayaw mo mag hugas." Humarap na ito sa sink at padabog na sinasabunan ang mga plato. Ako naman ay inililigpit ang mga balat ng mga chichirya at biscuits. Lumapit naman sa'kin si Lexis at tinulungan ako. "Give me the trash bag." Sabi n'ya nang matapos kami. "Ako na magtatapon ng basura." "Ako na. Hindi mo alam kung saan ang tapunan sa labas." "Edi samahan mo ko." "Kung sasamahan kita edi sana ako na lang nagtapon ng basura." "Ayos lang." sabi n'ya. "Ako na lang mag dadala ng basura." Akala mo naman ang bigat bigat ng basura kung maka-astang s'ya mag bubuhat eh kaya ko naman. Hindi na rin ako nakipag talo at kinuha na lang ang apat na bote ng sola na inubos nila kanina para ilagay sa labas. "Pupunta ka naman bukas 'di ba?" Tanong n'ya kaya tumango ako. "Magkaibigan pala si Mimi at si Tita Reli." "Mimi ka d'yan." "Sabi n'ya Mimi na lang din daw itawag ko sa kan'ya." Katwiran n'ya pa. "Parang wala akong maalala na sinabi n'ya 'yon." Sabi ko habang binubuksan ang front door. "Meron. Hindi mo lang narinig." "Wala naman!" "Bingi ka kasi!" Hinampas ko s'ya sa balikat at itinulak. Tumawa lang s'ya at mabilis na linapitan ang trash can na nasa labas ng gate. Ako naman ay inilagay ang bote sa tabi non para bukas ay makuha nina Kuyang taga kuha ng basura. "Formal party ba 'yung party ng Tita mo?" tanong ko. Binuksan n'ya ang gate at pinauna n'ya akong pumasok. "Hindi naman, pwede ka namang mag casual na lang. Close friends and some relatives lang naman ang pupunta," Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay agad n'ya 'yong binuksan. Kagaya kanina ay ako ang pinauna n'ya pumasok. "Pero kung gusto mo mag-gown, pwede naman. I'll ready my tuxedo just for you!" "Gago! 'Wag mo kong igaya sa'yo na pabibo!" sabi ko kaya napanguso s'ya. Pumasok kaming dalawa sa kusina at naabutan naman si Kuya Je na nagpupunas na ng mga plato tapos ay simangot na simangot pa. Tumingin s'ya gawi namin at sinamaan kami ng tingin. Napangiwi naman ako kaya tinignan ko ang katabi ko, naka-iwas s'ya ng tingin at pasipol-sipol habang nakapamulsa. "Mga laspatangan..." Hindi na lang kami umimik ni Lexis at hinintay na lang namn s'ya matapos sa may sala. Nasa kabilang dulo s'ya naka-pwesto habang ako ay sa nasa kabilang dulo din. Nakapikit ang mga mata n'ya habang sapo-sapo ang t'yan na para bang nananakit 'yon. Nilapitan ko s'ya at hinawakan ang noo kung may lagnat ba s'ya or wala. Nagmulat ito at nagtataka kang tumingin sa'kin, "What are you doing, Madame?" "Just checking you, Sir." Sabi ko. "Ayos ka lang ba? Masakit ang t'yan mo?" "Uy! Concerned!" Asar n'ya kaya napa-irap ako. "Ay 'di pala pwede 'to, may boyfriend nga pala." Dugtong n'ya pa. Binelatan ko na lang s'ya bago nagsalita, "Ano nga? May masakit ba sa'yo or what?" Umayos ito ng upo at ngumingiwing tumingin sa'kin, "Dito," Sabay turo sa t'yan n'ya. "Masakit po." Umupo ako sa tabi n'ya at tinaas ang tshirt n'ya. Pero wrong move ata 'yon. Napalunok ako at umiwas agad ng tingin. Hindi pa umaga pero may pandesal na agad akong nakita. "Madame naman! Sinisilipan mo na ako eh!" Sabi n'ya at bigla n'yang niyakap ang sarili na n'ya na akala mo minolestiya. "Engot! Tutulungan na nga kita, ang arte mo pa." "Bakit kailangan may pagsilip sa abs ko?" sabi n'ya at ngumuso pa. "Sabi ko masakit, it means na sa loob 'yong sakit, wala sa labas. Sabihin mo na lang kase kung gusto mo makita." "Shut up! Hindi 'yan totoo! Tignan mo 'yan, pinagbibitangan mo 'kong assumera, ikaw naman pala 'yon." I said. "Nye nye... kunwari naniwala ako." He whispered. "Anong binubulong bulong mo d'yan?!" Hindi ito nag salita at umiwas na lang ng tingin. "Hoy! Tigilan mo 'yang pinsan ko, Lexis Jeremy! Baka tuliin kita ng wala sa oras d'yan." Sigaw ni Kuya Jerome na kalalabas lang galing kusina. "Gago! Hindi ko titigilan 'to, bahala ka. Madaming atraso 'to sa'kin." Sabay nguso n'ya sa sa'kin. Pinitik ko naman ang noo n'ya at inambahan ng sampal pero mabilis s'ya nakatayo. "At excuse me, tuli na ako kaya 'di mo na kailangan pang tuliin ako." Lumapit s'ya kay Kuya at inakbayan ito. "Hala, hindi ba sabi mo bumalik 'yan sa dati kaya mag papa-tuli ka ulit?" sasagot na sana si Lexis pero inunahan ko na. "Talaga, Kuya?" sabat ko. Tumango ito na para bang nalulungkot. "Kawawa naman pala 'yan, Lexis." Turo ko sa 'ibaba'. Hindi ko 'yon tinignan at nanatiling nakatitig lang sa kanilang dalawa. "Hindi 'yon totoo! At anong bumalik?! Hindi ha! Mas lalong lumaki at tumigas nga," sabi ni Lexis at nasampal naman s'ya ni Kuya Jerome. Mabilis ko naman tinakpan ang tenga ko. "Kadiri ha!" I screamed because of vulgar words. "Aray ko naman!" He screamed because of pain. "Gago! Ang bastos mo! May babae tayong kasama." "Umuwi na nga kayo. Puro kabastusan lang ang alam n'yo." Pagtataboy ko sa kanila. Mabilis kong binuksan ang front door at tinulak sila paalis. "Good boy po ako! Eto lang hindi," turo n'ya kay Kuya. Tinulak naman s'ya ni Kuya Jerome palabas ng gate. "Mas good boy ako! Hindi ako mag papatalo! Umuwi ka na nga at panoorin mo na lang 'yang kapatid mo na si Winnie the pooh." He shouted. "Hoy! Cute s'ya ha! Love na love ko 'yon." Now I get it, kaya pala naka-ternong damit 'tong si Lexis na may print na Winnie the pooh ay dahil fan at love na love n'ya si Winnie the pooh. Kaya rin pala Winnie the pooh ang cellphone case nito. "Shh! Ang iingay, nakakahiya kayo sa kapit bahay. Umalis na nga kayo!" sigaw ko. Nang makaalis sila ay agad akong nag tungo sa kwarto. It's already 1:38 in the morning. At kailangan ko pang gumising ng 6 a.m. mamaya dahil lulutuin ko pa 'yung inuutos ni Mimi sa'kin na pang regalo n'ya. Pinilit kong matulog agad para hindi ako masyadong puyat. Nagising ako ng 5:15 a.m. dahil kinalampag na agad ni Mimi ang pinto sa kwarto ko. Hindi pa ako nakakatayo pero ramdam ko na agad ang p*******t ng ulo ko dahil sa puyat. I'm not a puyater. Ayaw kong bumangon pa dahil para hindi ko kaya sa sakit ng ulo ko. Kinapa ko ang side table ko para maghanap man lang ng gamot or kung anong pwede na pang alis sa sakit ng ulo. Poysian. "Yung poysian!" napasigaw ako at biglang tumayo. Sa pagtayo ko ay doon ko nakita ang kadiliman. "Grabe, nahihilo ako. Wala akong makita." Napatigil muna ako ng ilang minutes dahil nahilo talaga ako pag tayo. Pag katapos kong maka-recover ay lumapit agad ako sa bag ko at kinalkal ang laman noon. "OMG!" I screamed when I found the gift that Lexis gave to me. Pumilas ako ng isa at binuksan. "Hmm," singhot ko. Medyo umayos naman ang pakiramdam ko pag kalipas ng 30 minutos. Napangiti ako nang maalala kung paano ko pa pinagtabuyan 'tong bigay n'ya. I'll thanks to Lexis later. Kagaya ng nasa plano ay nagluto ako ng ulam para sa regalo ni Mimi sa kumara n'ya na tita pala ni Lexis. Pinag bake din ako ni Mimi ng tarts na hugis ulo ni Winnie the pooh para naman daw kay Lexis at talagang pinag drawing n'ya pa ako ng realistic na Winnie the pooh para ilagay sa ibabaw ng box ng tarts. Sumapit ang hapon at pinag hahanda na ako ni Mimi. Si Papa ay hahabol na lang daw dahil marami pa s'yang ginagawa. Sabi naman ni Lexis ay casual lang naman ay pwede na. So, I wore a off-shoulder floral dress na above the knee then I used my 2 inches color white wedge sandal. Hindi na ako nagdala ng purse or anything na hawak dahil d'yan lang naman sa kabilang kalye ang party. Sakto naman na pagkatapos kong mag-ayos ay natapos na din si Mimi. Binilinan n'ya ang mga kasambahay na i-lock ang pinto pagka-alis namin. We arrived at Tita Reli's house. Konti pa lang ang mga tao pero nag-kakainan na ang iba dahil may nag ki-cater. Lumapit naman agad sa'min si Tita Reli nang makita n'ya kami ni Mimi. "Reli!" sigaw ni Mimi. "Trix! Glad you are here!" sabi ni Tita Reli at nagbeso sila ni Mimi. "Oh eto," inabot ni Mimi ang isang malaking container na naglalaman ng ulam. "Luto ni Alexia 'yan." "Wow, salamat. Nag-abala ka pa." Tumingin ito sa'kin. "Pagkaka-ganda naman ng anak mo, Trix." Ngumiti naman ako at tumungo. I know right. Ibinagay sa'kin ni Mimi ang box ng tart at pinapahanap sa'kin si Lexis. May kakausapin lang daw s'yang mga kumare n'ya. "Hanapin mo si Lexis, sabihin mo hinahanap ko s'ya. Ikaw na rin mag-abot sa kan'ya nito," sabay abot ng box. Iniwan naman ako doon ni Mimi sa table na inukupa naming kanina. Tumayo ako at inikot muna ang labas ng bahay. Simula sa swimming pool hanggang sa kabilang parte ng garden ay hinanap ko pero wala. Ang ganda ganda ng suot ko tapos pag hahanapin lang ako ng taong nawawala. Nakakahiya namang pumasok na lang bigla sa bahay nila kaya sumilip muna ako sa bintana sa harap ng bahay. And there, I saw him sitting at the couch holding a liquor glass. Hindi kagaya kahapon na ternong Winnie the pooh ang suot n'ya because right now he just wears a f*****g white polo, the sleeves are rolled up to his elbow and black slacks. And, I saw an expensive Rolex in his left wrist. It's just a simple and typical look pero bakit parang kumikininang s'ya sa paningin ko ngayon. His facial expression right now is annoyed and dark na akala mo parang kakain ng tao any minute. Tiim ang bagang s'yang tumingin sa taong kaharap n'ya ngayon habang sumisimsim ng alak. Paano ko ibibigay 'tong tarts n'ya na may Winnie the pooh kung ganito s'ya ka-gwapo ngayong gabi? Peor sabi n'ya love naman daw n'ya si Winnie the pooh, hindi n'ya naman irereject 'to 'no? Nakita kong dumating si Kuya Jerome na may dalang Cuervo at Sapporo na ibinigay n'ya sa taong nasa harap ni Lexis. Nakatalikod s'ya sa gawi ko kaya tanging likod, batok at back of his head n'ya lang ang nakikita ko. He has an undercut hair. Hindi kagaya ni Lexis ang suot ng lalaking 'yon, tanging plain black t-shirt ang suot n'ya at hula ko ay may suot itong dog tag dahil may nakita akong nakasabit sa leeg. Tumingin ito sa gilid n'ya kaya napatingin ako sa leeg n'yang may tattoo. I saw only the head of phoenix na nasa kanang bahagi ng leeg nito. Napakunot naman ang noo ko nang mapagtanto kung sino ang taong 'yon. Anong ginagawa n'ya dito? Bakit? Bakit s'ya nag pagupit? Atlas, anong kagaguhan na naman ang ginawa mo? Magkakausap na silang tatlo at napatingin ako sa gawi ulit ni Lexis na ngayon ay sobrang dilim na ng expression ng mukha n'ya habang sina Kuya Jerome ay tumatawa lang. Umatras ako at nag buntong hininga. Papasok lang ako para ibigay kay Lexis ang tarts tapos hihilahin ko na palabas si Atlas dahil makiki-chismis ako sa nangyari sa kan'ya. Dahil bukas naman ang main door nila at may iilang bisita ang lumalabas ay pumasok ako doon at dumiretso sa may sala. Una akong nakita ni Kuya Jerome kaya napatayo ito at kumaway. Sunod naman na napatingin sa'kin ay si Lexis habang si Atlas ay nakasandal lang sa sofa at nakapikit. "Uhm, hi?" "Nandito na pala kayo ni Tita Trix, Alexia. Dapat tinawag n'yo 'ko." Sabi ni Kuya. "Aba, hindi ko naman alam na nandito ka na." sabi ko. "Tsaka ang aga aga pa umiinom na kayo." Lumapit ako kay Lexis at tumabi sa kan'ya, "Eto na yung tarts na pangako ni Mimi. Hindi ko alam kung masarap 'yan." Inabot ko sa kan'ya ang box at tumayo na rin para lumapit kay Atlas. Niyugyog ko ang balikat nito pero hindi pa din s'ya namulat. "Tinatamad pa akong magkwento, Alexia." Bulong nito ngunit nakapikit pa din. Lumingon naman ako kay na Kuya at Lexis para sana magtanong kung bakit nandoon s'ya pero nakita ko na lang na tumatawa ng walang tunog si Kuya Jerome habang si Lexis ay nakatungo at ginugulo ang buhok n'ya. "Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit kayo nag kakaganyan?" tanong ko pero hindi nila 'yon sinagot. "Eto," turo ko kay Atlas. "Bakit nandito 'to? Close kayo, Lexis?" "No, we're not close nor friends." Malamig na sabi nito habang nakatungo pa din. Napabalikwas naman si Atlas at mabilis na humarap sa'ming tatlo. "Huh? We are friends, right? You don't want me na?" Atlas said. "Oh, friends naman pala kayo eh." Sabi ko. "I do not friend with... your boyfriend." He groaned. "Amputcha, kaya pala balisa ka kanina pa, Lexis." Kuya Je laughed. "Boyfriend?" humarap si Atlas sa'kin na may nagtatanong na mukha. Pinandilatan ko ito ng mata pero lalo lang kumunot ang noo nito. Umirap na lang ako sa katanghan n'ya. "Hindi ko girlfriend 'to ah." I heard Lexis hissed and tsked while Kuya Jerome cleared his throat. "She said the first time we met that she has a boyfriend. Atlas daw name, sino 'yon kung hindi ikaw?" Lexis asked then pouted. Nakita ko ang pag ngiwi ni Atlas at pagtingin n'ya sa'kin. "Hala, hindi mo 'ko ininform kasi. Kailangan pala nating mag panggap edi sana kanina pa kita hinarot harot." Bulong n'ya. "Sige, ayos lang basta kwentuhan mo 'ko mamaya kung anong nangyari na sa'yo." Tumango ito at niyaya si Kuya Jerome lumabas para kumuha ng shanghai. Tinignan ko si Lexis na hawak hawak yung binigay ko. "Tikman mo na 'yan tapos sabihin mo sa'kin kung masarap or hindi." Sabi ko. Hindi n'ya pa rin 'yon ginagawa kaya lumapit ako sa kan'ya at kinuha sa kamay n'ya ang box. Ako na ang nagbukas at kumuha ng isa. "See this? Korteng Winnie the pooh 'yan, your favorite. Kaya tikman mo na." halip na kunin ay nakatitig lang ito sa kamay kong hawak yung tart. Itinapat ko ito sa bibig n'ya at sinubuan s'ya ng isa. "Sarap?" Tumango ito kaya napangiti ako. "Pahingi pa," ibinuka nito ang bibig n'ya tsaka nag intay na subuan s'ya. "Thank you sa tarts. Ayaw ko sanang kainin kase may Winnie the pooh eh." "Talagang favorite mo 'yon ha?" tanong ko. Ngumiti ito at tumango. Hindi ko namalayang nakatitig na s'ya sa'kin kaya pagbaling ko sa kan'ya ay nagtagpo ang aming paningin. Nakita ko naman ang pagkislap ng mata n'ya na parang... iiyak? "Are you okay? May masakit ba sa'yo ulit?" "Wala." "Anong wala? Pa-iyak ka na eh." "Hindi kaya, antok na lang ako." Hinaplos ko ang pisngi n'ya kaya napapikit s'ya. "Iniisip ko lang kung kelan ko kaya matitikman ang luto mo ulit. Natatakot ako na ba ka these tarts are the last food that I ate baked by you." "Do you want me to cook for you?" Napa-isip ito sandal sa tanong ko. "Parang 'wag na lang." kaya napatingin ako sa kan'ya. "But why?!" "When I go back to Manila baka hanap hanapin ko lang ang mga luto mo. Hindi naman ako pihikan pero kung lagi kang nagluluto for me baka maging picky eater na ako." "Really? Ang ganda ng dahilan mo." I said with a sarcastic tone. "Pero pag gusto ko lang mag paluto, lulutuan mo 'ko ha?" tanong nito kaya napatango ako. "Anong gusto mong lutuin ko?" "Kaldereta and tarts." Sabi n'ya. "When I say that I want those, you'll cook and bake it for me." "That's my wish." Dugtong n'ya pa. "Sure, walang problema. Ang arte arte mo lang." Tumawa ito at nagulat ako ng hapitin n'ya ako papalapit sa kan'ya. He held my waist at mabilis akong niyakap patagilid. "Thank you, Alexia." Sabi n'ya habang nakasubsob ang mukha n'ya sa balikat ko. "Thank you for being my friend." Inabot ko ang ulo nito at bahagyang ginulo 'yon, "No problem, basta 'wag kang bastos please." "I am not!" He screamed and I just laughed. "Hindi mo naman pala boyfriend 'yon! Gigil ako kanina nung nakita ko s'ya tapos hindi mo naman pala boyfriend 'yon!" Mas lalo lang akong natawa sa sinabi n'ya. Hindi na bumalik yung dalawa kaya nagpatuloy na lang kami sa pagkain ng tarts ni Lexis. "Hanggang kelan ka nga pala dito?" tanong n'ya. "Mga isang buwan pa, bakit?" "Paalis na ako bukas eh. Babalik akong Manila kase mag papa-check-up ako." Sabi n'ya kaya tumango ako. "Babalik naman ako after 2 weeks." "Sige, ingat ka. Update me kung anong nangyari, okay?" Ngumiti ito sa'kin at tumango. May gusto pa sana s'yang sabihin sa'kin pero pinigilan lang n'ya ang sarili n'ya. Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Mayroon ba s'yang problema? Tumayo ito at hinila ako palabas para kumain ng kanin naman. Buong gabi kaming magkakasama, kaming apat. Ako, Lexis, Atlas at Kuya. And I noticed that when Lexis smiled and laughed, his eyes tells the opposite.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD